You are on page 1of 88

!

Markahan 1 Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang


Espanyol
Gabay ng Guro 1 Pagpapakilala sa Primaryang Sanggunian
Gawain 1. Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian
2. Limitasyon ng mga sanggunian
3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian
Oras Lima (5)

G ABAY NG G URO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Pamantayan sa Pagkatuto

Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga sumusunod:

• Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian


• Pagkakaiba at limitasyon ng mga uri ng sanggunian
• Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling
buhay at sa kasaysayan

Kaugnay ng mga paksang ito ang dalawang tema ng kurikulum sa Araling


Panlipunan: Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago; at Kultura, Pagkakakilanlan at
Pagkabansa.

Ang mga pamantayan sa pagganap at ang kakayahang inaasahang


matututunan ng mga mag-aaral ay ang sumusunod.

Pamantayan sa
Kakayahan
Pagganap
Nakauunawa ng • Naipaliliwanag ang kahulugan ng primarya at
kahulugan ng sekundaryang sanggunian
primarya at • Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng
sekundaryang primaryang sanggunian sa sariling buhay
sanggunian • Nakapagbibigay ng halimbawa ng primaryang
sangguniang pangkasaysayan ayon sa uri ng
Natutukoy ang impormasyon
kaibahan at • Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa kahalagahan
limitasyon ng mga ng primaryang sanggunian sa kasaysayan
uri ng sanggunian • Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga ito mula sa pang-
araw-araw o sariling buhay

! 1
!

Pamantayan sa
Kakayahan
Pagganap
Nakauunawa ng • Natutukoy ang iba-ibang anyo ng primaryang sanggunian
kaugnayan at • Naisasakategorya ang iba’t ibang halimbawa ng
kahalagahan ng sanggunian ayon sa uri nito
primaryang • Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng
sanggunian sa sanggunian at ang limitasyon ng bawat isa
sariling buhay at sa • Natutukoy at naipaliliwanag ang iba’t ibang primaryang
kasaysayan sanggunian tungkol sa sariling buhay
• Natatasa ang kontribusyon at limitasyon ng bawat
sanggunian
• Nakakukuha ng impormasyon mula sa mga sanggunian
• Nakahihinuha mula sa impormasyon
• Nakapaghahambing at nakapag-uugnay ng sari-saring
impormasyon mula sa mga sanggunian
• Nakagagawa ng buod ng mahahalagang impormasyon sa
sariling salita
• Nakasusuri ng mga primaryang sanggunian gamit ang
graphic organizer
• Naipaliliwanag ang graphic organizer sa klase
• Nakabubuo ng salaysay tungkol sa sarili base sa
nasuring impormasyon
• Naihahayag ang salaysay na ito sa maayos na paraan

Gawain 1. Kahulugan ng Primarya at Sekundaryang


Sanggunian

1. Paano nalalaman ang nangyari o nangyayari

a. Naranasan ko mismo ang nangyari.


b. Nabalitaan ko sa iba (magulang, kapitbahay, kaklase, kaibigan)
na nandoon noong naganap ang pangyayari.
c. Napanuod ko sa TV o narinig sa radyo.
d. Nabasa ko sa pahayagan o magasin.
e. Naroon ako noong naganap ang pangyayari.
f. Natutunan ko sa silid-aralan.
g. Nabasa ko sa teksbuk (aklat, magasin).
h. Nalaman ko sa Internet, text sa cellphone, tweet (blogger,
anumang pinagmulan online).
i. Sinulatan ako ng kaibigan ko tungkol sa pangyayari.
j. Naabutan ko ang pangyayari noong halos patapos na.

! 2
!

2. Kategorya ng mga sagot sa itaas

Nasaksihan (a), (e), (j)

Nalaman sa iba (b), (c), (d), (f), (g), (h), (i)

3. Mga halimbawa ng dalawang uri ng sanggunian

Sanggunian Primarya Sekundarya


Bandila !
History of the Filipino People, aklat ni Teodoro
Agoncillo, historyador
!
Pahayagan !
Litrato !
Artikulo ni Ambeth Ocampo, historyador, tungkol
kay Rizal
!
4. Mga anyo at halimbawa ng primaryang sanggunian

Anyo Halimbawa Iba pang Halimbawa


Nakasulat dyaryo • Liham
• Talaan sa araw-araw
• Pahayagan
Pasalita teyp ng talumpati • Transkrip ng pagdinig sa korte o sa
Senado
• Interbyu
• Usapan sa telepono
Biswal litrato • Larawan
• Pampulitikang karikatura
• Mapa
Awdyo-biswal pelikula • Dokumentaryo
• Video
Digital email • Dyaryo online
• Blog
• Sulat sa Facebook
Kumbinasyon talaang may • Interbyu at transkrip online
ng mga ito larawan • Video ng talumpati

! 3
!

Gawain 2. Limitasyon ng mga Sanggunian

1. Pare-pareho kaya ang isasalaysay ng lahat? Hindi.

2. Mga salik na makaaapekto sa pagbuo ng salaysay ng saksi

a. Kung saan ako nakapwesto (sa bandang harapan, malayo, sa


likod ng malaking sound system, poste o matangkad na tao)
b. Kung ako ay alerto, inaantok, naiinip, o nagugutom habang
nanunuod
c. Kung maingay o magulo ang katabi ko
d. Kung mayroon o wala akong hilig sa konsyerto, laro o pista
e. Kung hinahangaan ko ang artista o manlalaro
f. Kung mahina o malakas ang aking paningin o pandinig
g. Kung mahina ang lighting o sound system ng palabas
h. Kung mahusay o mahina ang aking alaala tungkol sa
pangyayari
i. Kung nadadala ako sa opinyon ng aking barkada o kasama
j. Kung pinansin ko lang ang kaakit-akit o mahalaga sa akin
k. Kung hindi ako interesado at nagtetext na lang ako o
nakipagwento sa aking kaibigan.

3. Mga limitasyon ng primaryang sanggunian

a. Hindi gaanong naalala ng saksi ang mga detalye ng pangyayari

b. Maaaring may sariling pagkakaunawa ang saksi dahil sa kanyang


punto de bista o personal na hilig.
c. Maaaring naimpluwensiyahan ang saksi ng ibang naroroon din
sa pangyayari.
d. Maaaring nalimitahan ng pisikal na kapaligiran ang
pagkakaunawa ng saksi.
e. Maaaring naapektuhan ng pisikal at/o mental na kundisyon ng
saksi ang kanyang pagkakaunawa.

! 4
!

4. Atasan ang isang mag-aaral na sumulat ng maikling salaysay ng


isang konsyerto, laro o pista. (Maaari itong gawing takdang aralin ng piniling
estudyante.) Hatiin ang klase sa dalawang pangkat:

• Pangkat A—grupong mananatili sa silid, na makikinig sa kwento ng


nakasaksi sa pangyayari; at
• Pangkat B—grupong lalabas ng silid, na magbabasa ng kwento ng
Pangkat A

5. Ipaliwanag sa lahat na isa lamang sa klase ang nakasaksi ng


pangyayari, at malalaman ng iba ang nangyari sa isa sa dalawang paraan:

a. Mula sa kwento ng kaklaseng nakasaksi (primaryang sanggunian), o


b. Mula sa salaysay ng kaklaseng nakuwentuhan (sekundaryang
sanggunian).

6. Palabasin sa siIid ang Pangkat B. Habang nasa labas ang grupo,


ipabasa sa mag-aaral na saksi ang kanyang kwento sa naiwang Pangkat A.
Matapos marinig ito, ipasulat sa mga miyembro ng Pangkat A ang kani-kanilang
salaysay.

7. Papasukin ang Pangkat B at hayaang pumili ang mga miyembro


nito ng isang kapares mula sa Pangkat A. Ipabasa ang salaysay na ginawa ng
taga-Pangkat A.

8. Matapos marinig ang mga salaysay ng Pangkat A, ipabasa muli


ang salaysay ng mag-aaral na nanuod ng konsyerto, laro o pista. Ipakumpara
ito sa mga salaysay ng Pangkat A at itanong kung pareho ba ang kwento ng
saksi at ng Pangkat A? Bakit magkaiba?

!
a. Sa tono ng salaysay ng Pangkat A, maaaring binigyang diin
ang ibang bahagi ng kwento.
b. Sa paggamit ng sariling salita, maaaring binago ang
kahulugan ng kwento ng saksi.
c. Hindi gaanong naunawaan ng Pangkat A ang kwento kaya
maaaring mayroong nabagong detalye.
d. Mahina (o malakas) ang pagkaalala ng Pangkat A kaya hindi
naisama (o naisama) ang lahat ng detalye.
e. Hindi pabor o sang-ayon ang Pangkat A sa nangyari kaya
iniba nang kaunti ang detalye.

! 5
!

9. Mga limitasyon ng sekundaryang sanggunian

a. Lahat ng mga limitasyon ng mga primaryang sanggunian


b. Maaaring binago ng may-akda ng sekundaryang sanggunian ang
detalye ng pangyayari.
c. Sa pagsasalaysay sa sariling salita, maaaring nabago ng
sekundaryang sanggunian ang kwento.
d. Maaaring di naunawaan ang salaysay ng saksi o iba ang
pagkakaunawa ng sekundaryang sanggunian.

10. Mga limitasyong may kinalaman sa kondisyon at pangangalaga ng


sanggunian at mga halimbawa

Hindi tumatagal, madaling masira o mapunit ang sanggunian:


tiket, papel, liham, resibo

Nabubura: mensahe na text, email, tweet, Facebook, blog

Kadalasang itinatapon: resibo, lumang papel, gamit na sira,


lumang dyaryo

Nawawala: ulat, rekord, liham, litrato

Nasunog, nabasa: anumang sanggunian

Kumukupas: bandila, damit, tinta sa papel, litrato

Kinain ng insekto: manuskrito, damit, kahoy na gamit

Nasa ibang bansa o lugar: mga dokumento noong panahon ng


Espanyol, Amerikano, Hapon

11. Kung paano makaaapekto ang mga limitasyong ito sa pag-aaral ng


nakaraan

Kapag masira o mawala ang primaryang sanggunian, hindi


malalaman o maisusulat ang kasaysayan, o hindi mapupunuan ang
mga puwang sa kasaysayan.

! 6
!

Gawain 3. Kaugnayan at Kahalagahan ng Primaryang


Sanggunian1

1. Mga nilikha ng estudyante at ibang rekord tungkol sa mag-aaral na


maaaring gamitin ng historyador ng siglo-22 bilang primaryang pinagmulan ng
impormasyon tungkol sa buhay ng kabataang Pilipino

a. Talaan sa araw-araw (diary)


b. Mensaheng text sa cell phone
c. E-mail
d. Liham at greeting card
e. Photo album, scrapbook
f. Video
g. Report card at ibang rekord sa paaralan
h. Mga ulat at ibang gawa sa silid-aralan
i. Mensahe, larawan sa Facebook o ibang social network site
j. Damit, palamuti sa pananamit, sapatos, ibang personal na
gamit
k. Musika
l. Sensus
m. Pahayagan
n. Rekord na pangkalusugan
o. Sertipiko ng kapanganakan, kasal, at kamatayan
p. Resibo ng restaurant, mga bilihin
q. Tiket sa sinehan, konsyerto, laro
r. Katitikan ng pulong ng organisasyong pang-mag-aaral
s. Medal, sertipiko at gawad
t. Souvenir o alaala
u. Pahayagan ng mag-aaral
v. Regalo mula sa pamilya at kaibigan

1
Halaw ito sa “Seeing Myself in the Future’s Past” ni Ruth W. Sandwell, “Using Primary
Documents in Social Studies and History,” p. 299 <http://www.learnalberta.ca/
content/sspp/html/pdf/using_primary_documents_in_social_studies_and_history.pdf>
Accessed November 2011.

! 7
!

2. Pagmamarka ng mga sagot sa tsart

!
a. Tama ang impormasyong nakuha sa sanggunian.
b. Wasto ang paghinuha ng impormasyon (may basehan ang
hinuha).
c. Ang mga limitasyong inilista ay nakabatay sa nilalaman ng
sanggunian (halimbawa, may punto de bista ang may-akda at
nabigyang kulay nito ang kanyang salaysay), at/o sa
kalagayan ng sanggunian (halimbawa, kupas na ang tinta
kaya mahirap basahin).

3. Mga primaryang sanggunian ng kasaysayan

Ulat ukol sa kalakalan • Estadistika, datos tungkol sa ekonomiya

Sensus • Bilang ng populasyon

Batas, proklamasyon • Patakaran at tuntunin ng pamahalaan

Mapa Dyaryo • Lokasyon ng mga lugar

Dokumentaryo • Ang nagaganap araw-araw

• Pamumuhay ng tao at ugnayan sa lipunan

4. Rubric sa pagmamarka ng salaysay (isang pahina) ukol sa sarili


base sa primaryang sanggunian (takdang-aralin)

! 8
!

P AGGAMIT NG
M AHUSAY S APAT K AUNTI K ULANG

Lahat ng sanggunian ay Lahat ng sanggunian ay Gumamit ng isa o dalawa Gumamit ng sekundarya sa


primarya; sari-sari at primarya; sapat ang lamang na primaryang halip na primaryang
SANGGUNIAN

nagkakaugnay ang mga ito. impormasyong kinuha. sanggunian. Kaunti ang sanggunian. Kaunti ang
Mahalaga at marami ang impormasyong kinuha. datos na nakuha o hindi ito
impormasyong kinuha, kung mahalaga, kung kaya
kaya malaman ang salaysay. maraming puwang ang
salaysay.

Mayaman ang salaysay; Sapat ang nilalaman ng Kakaunti lamang ang Halos walang laman ang
N ILALAMAN

marami ang detalye at salaysay, bagamat detalye at impormasyong salaysay.


halimbawa. Naituhog nang mayroon pang inilahad sa salaysay.
maayos ang maraming karagdagang impormasyon Paulit-ulit ang mga
impormasyon tungkol sa sarili. na maaaring magpayaman halimbawa.
Mahalaga ang impormasyon dito.
P AG - AYOS NG

tungkol sa sarili.
DATOS

Lohikal ang takbo ng salaysay; Maayos ang pag-organisa May ilang talata na hindi Magulo ang pagkakaayos ng
mahusay ang pag-organisa ng ng impormasyon, ngunit magkakaugnay. Patalun- datos; hindi sunud-sunod
datos. Konektado ang mga may ilang talata na maaari talon ang mga ideya. ang mga ideya at walang
talata at maayos ang pang ayusin upang maging koneksyon ang mga talata.
pagkabuo ng mga mas magkakaugnay ang
pangungusap. impormasyon.

! 9
!

MAHUSAY SAPAT KAUNTI KULANG

Mahusay ang pagsulat; Sumunod sa mga tuntunin Maraming aspeto ng Hindi nakabuo ng talata;
P AGSULAT

makulay ang paglalarawan at ng epektibong pagsulat at pagsulat ang kailangang mismo ang mga
tama ang paggamit ng mga tama ang pagbuo ng mga iwasto at dahil dito, pangungusap ay hindi buo o
salita. Sumunod sa mga pangungusap at talata; mahirap basahin ang mali ang pagkakabuo.
tuntunin ng epektibong ngunit may ilang kapansin- salaysay.
pagsulat; minor lang ang pansing pagkakamali.
T ALAAN NG

pagkakamali.

Kumpleto ang talaan ng mga Kumpleto ang talaan ng Hindi kumpleto ang talaan Hindi inilista ang mga
sanggunian at tama ang mga sanggunian, bagamat ng mga sanggunian at/o ginamit na sanggunian.
pagtukoy ng mga ito. may ilang pagkukulang sa may pagkakamali sa
SANGGUNIAN

pagtukoy ng sanggunian. pagtukoy ng sanggunian.

! 10
!

Pagtataya

1. Itaya ang kakayahan ng mag-aaral na kumuha at maghinuha mula


sa impormasyon. Ipabasa ang sumusunod na sipi mula sa dalawang liham ni
Jose Rizal (salin mula sa Espanyol): sa kanyang ina, si Teodora Alonso, na nasa
Hong Kong noong panahong iyon; at kay Manuel (Maneng) Hidalgo, asawa ng
panganay niyang kapatid na si Saturnina, na nasa Maynila.

2. Ipaliwanag ang konteksto ng mga liham at ipagamit ang glosari.

a. Isinulat ito ni Rizal habang siya ay nasa Dapitan (sa Mindanao).


b. Tinapon siya roon ng gobyernong Espanyol dahil pinaghinalaang
lumalaban siya sa gobyerno at simbahang Katoliko.
c. Nanatili si Rizal sa Dapitan mula 17 Hulyo 1892 hanggang 31
Hulyo 1896.

! Dapitan, 25 Hulyo 1892


Kay Gng. Teodora Alonso [Hong Kong]

Pinakamamahal kong Nanay:

Sa mga panahong ito ng kakulangan sa komunikasyon,


paglalakbay, at deportasyon, lubos akong nababagabag tungkol sa
inyo, at dahil dito, agad akong sumulat para sabihin na ako ay
nasa mabuting kalagayan dito [sa Dapitan], na parang
nagbabakasyon lamang sa isang distritong pampulitika-militar.
Walang nawala sa akin kundi ang aking pamilya at ang aking
kalayaan….

Ang iyong anak na buong-pusong nagmamahal sa inyo,


J. Rizal

Glosari
Pagtapon, … bilang

!
parusa, ang
pagdestiyero pagpadala ng tao sa
isang lugar kung saan
hindi siya makatatakas at
makalalaban sa gobyerno

! 11
!
Distritong … distritong pinamunuan ng
pampulitika-militar militar na opisyal dahil
hindi pa ito sapat na
mapayapa o ligtas sa
kaguluhan

! Dapitan, 5 Abril 1893


G. Manuel T. Hidalgo [Maynila]

Mahal kong bayao Maneng,

…. Nandito ako, nagtatamasa ng magandang kalusugan;


hindi kasing-init dito katulad diyan [sa Maynila]; at sapat ang aking
kinikita, kahit maliit, upang suportahan ang aking sarili. Wala akong
hinahanap kundi ang aking pamilya at ang aking mga libro….

Sumasainyo,
Rizal

3. Ipasagot ang tsart sa ibaba.

Ano ang impormasyong Ano ang impormasyong


makukuha tungkol … mahihinuha tungkol …

• Hinahangad niya ang • Malungkot si Rizal.


Kay Rizal habang
kanyang pamilya at ang • Malapit siya sa kanyang
siya ay nasa
kanyang kalayaan. pamilya.
Dapitan?
• Maganda ang kanyang • Maayos naman ang
kalusugan. kanyang kalagayan sa
• Kumikita siya nang sapat Dapitan.
upang buhayin ang • Mahilig siyang magbasa.
kanyang sarili. • Bagamat para siyang
• Hinahanap niya ang nagbabakasyon sa
kanyang mga libro. Dapitan, may limitasyon
• Para siyang pa rin sa kanyang
nagbabakasyon sa kalayaan.
Dapitan.
Ano ang impormasyong Ano ang impormasyong
mahihinuha tungkol … makukuha tungkol …

• Mahina (kulang, mabagal) • Hindi gaanong maunlad


Sa kalagayan ng
ang transportasyon at ang Dapitan, ngunit
Dapitan at ng
komunikasyon. maganda ang klima.
panahong iyon?
• Ang Dapitan ay isang • Dahil isang distritong
distritong pampulitika- pampulitika-militar ang
militar. Dapitan, may restriksyon
• Hindi gaanong mainit ang sa pagkilos ng mga tao.
Dapitan kumpara sa
Manila.

"
Bakit mahalaga o di mahalaga ang mga liham na ito
bilang primaryang sanggunian?

Importante ang mga liham na ito dahil ipinapakita ang


sumusunod:
a. Ang buhay ni Rizal bilang tapon sa Dapitan, ang pagmamahal
niya sa kanyang ina at pamilya, ang hilig niya sa mga libro,
at ang limitasyon sa kanyang pagkilos sa Dapitan; at
b. Ang pagtrato ng gobyernong Espanyol sa mga Pilipinong
lumaban sa kanya, ang distritong pampulitika-militar bilang uri
ng lokal na pamahalaan sa panahong iyon.

4. Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagmarka ng tsart.

KAKAHAYAN MAHUSAY SAPAT KAUNTI KULANG

Nakakuha ng tamang
impormasyon mula sa dalawang
liham

Nakahinuha mula sa
impormasyon base sa dalawang
sipi

Naipaliwanag ang kahalagahan


ng mga liham ni Rizal bilang
primaryang sanggunian
5. Maaari ring magpasulat ng salaysay ng komunidad o paaralan
batay sa primaryang sanggunian, katulad ng salaysay ukol sa sarili sa Gawain 3.
Gamitin din ang rubric sa sinabing gawain.

Kaugnayan sa mga Susunod na Modyul

1. Sabihin sa klase na sa taong ito, pag-aaralan ang kasaysayan ng


Pilipinas sa pamamagitan ng mga saksi, katulad ng mga naunang Pilipino,
prayleng Espanyol, opisyal na Espanyol at Amerikano, manunulat, mga lumaban
para sa kalayaan ng bayan at iba pa, mula sa iba-ibang panahon ng
kasaysayan. Ipaalala sa klase ang iba-ibang anyo ng primaryang sanggunian:

• Nakasulat
• Pasalita
• Biswal
• Awdyo-biswal
• Kumbinasyon ng mga ito

2. Banggitin na, katulad ng mga limitasyon ng mga sanggunian


tungkol sa sariling buhay, ang mga primaryang sanggunian ng kasaysayan ay
may mga limitasyon din. Balik-aralin ang mga limitasyong tinalakay sa mga
naunang gawain.

3. Bilang pagtatapos, bigyang diin ang kahalagahan ng mga


primaryang sanggunian.

Katibayan ito na may Nagbibigay ito ng buhay


naganap, saan at Nagdudulot ito ng sariwa, at kulay sa kasaysayan sa
kailan, ano ang bago o naiibang pamamagitan ng kaisipan
nangyari, at kung sino pagkakaunawa ng at damdamin
ang naroon. nakaraan.
ng mga saksi.
Markahan 1 Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang
Espanyol
Gabay ng Guro 2 Ang Bangang Manunggul at mga Sinaunang Paniniwala
Gawain 1. Ano ang artefact?
2. Mga katangian ng bangang Manunggul
3. Simbolismo ng banga
4. Mga sinaunang paniniwala
Oras Lima (5)

G ABAY NG G URO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan

Layunin ng modyul na maunawaan ng mag-aaral ang mga sumusunod:

1. Ang kahulugan at kahalagahan ng artefact sa kasaysayan


2. Ang saysay ng bangang Manunggul
3. Ang sinaunang paniniwala ng mga Pilipino

Kaugnay sa mga tema ng Araling Panlipunan ang mga paksa ng modyul:

• Tao, Lipunan at Kapaligiran


• Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
• Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa
Sa pag-aaral ng mga paksa at temang ito, gamit ang primaryang
sanggunian, inaasahang matututunan ang mga kakayahan sa ibaba.

Pamantayan sa
Kakayahan
Pagganap
• Nakauunawa sa • Naipaliliwanag kung ano ang artefact
artefact bilang • Natutukoy ang iba-ibang artefact at mga gamit nito
primaryang sa pang-araw-araw na buhay
sanggunian • Naipaliliwanag kung bakit ang artefact ay isang
• Nakasusuri ng primaryang sanggunian
bangang • Nakasusuri ng disenyo at katangian ng bangang
Manunggul bilang Manunggul
sanggunian ng • Nakasasagot ng graphic organizer tungkol sa banga
sinaunang • Nasasabi ang gamit ng bangang Manunggul
paniniwala • Naihahambing ang una at pangalawang paglibing
• Nakahihinuha ng impormasyon mula sa banga
• Nakauunawa ng simbolo ng bangang Manunggul
• Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa simbolo ng
banga
• Nakabubuo ng • Nailalahad ang sinaunang paniniwala ng mga Pilipino
impormasyong ayon sa gamit at simbolo ng banga
nakuha at • Mapanuring nakababasa ng sipi ng mga primaryang
nahinuha mula sanggunian tungkol sa paglilibing at sinaunang
sa banga at painiwala
mga nakasulat • Nakakukuha ng datos mula sa mga siping ito
na primaryang • Nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling
sanggunian salita
• Nakapag-uugnay • Nakapag-uugnay ng kaalaman na nakuha sa mga
ng mga sipi at sa bangang Manunggul
paniniwala ng • Nakasusulat ng talata tungkol sa sariling paniniwala
nakaraan sa • Nakagagawa ng heneralisasyon tungkol sa
kasalukuyan kahalagahan ng sinaunang paniniwala
• Nakauunawa ng konsepto ng pananatili at
pagbabago
• Nakabubuo ng kamalayan tungkol sa sinaunang
paniniwala at nakikilala ang pagkakaiba at/o
pagkakatulad nito sa kasalukuyan
• Nakaguguhit ng mga imaheng inilarawan sa sipi
• Nabibigyang kahalagahan ang kultura noon at
ngayon
Gawain 1. Ano ang Artefact?
1. Mga bagay sa larawan at ang kani-kanilang gamit

Bagay Gamit
a. Kalesa Sakayan
b. Bulol Pangrelihiyon
c. Cell phone Komunikasyon
d. Lampara Ilawan
e. Basket Lalagyan

2. Mga halimbawa ng artefact na ginagamit sa iba-ibang panahon at


para sa iba-ibang gawain

Gamit sa Panahon ng lolo’t lola Panahon ng mag-aaral


a. Pang-araw-araw Kandila Ilaw
na buhay Telepono Cell phone
Uling Gas stove
b. Ritwal o relihiyon Rosaryo Rosaryo
Koran Koran
Mosque Mosque
Bulol Bulol
c. Komunikasyon Papel Cellphone
Liham Email, Facebook
Typewriter Kompyuter
d. Silid-aralan Lapis Pisara Lapis Pisara
Kuwaderno Kuwaderno

3. Bakit primaryang sanggunian ang artefact

#
Ang artefact ay primaryang sanggunian dahil ito ay nilikha
o ginawa ng tao o mga tao para sa iba-ibang gamit o
paniniwala sa buhay. Nagpapahayag ang artefact ng pagsaksi o
direktang patunay ng isang pangyayari, kaganapan o
kapaniwalaan.
Gawain 2. Mga Katangian ng Bangang Manunggul

1. Mga katangian ng bangang Manunggul

a. Buo ba ang banga? Opo, buo ang banga.


b. Ano ang hugis nito? Ito ay hugis pabilog na mas malaki ang gitnang
bahagi. Mayroon ding takip ang banga.
c. May mga butas ba sa Walang butas sa katawan ng banga.
katawan ng banga?
d. Ano ang itsura ng Ang takip ay parang baliktad na mangkok na
takip? may disenyo ng bangka at dalawang taong
nakasakay sa bangka.
e. Ano ang disenyo sa Parang alon ang disenyo sa itaas ng katawan
katawan ng banga? habang walang disenyo naman sa ibaba.
f. Ilan ang nakasakay sa Dalawang tao ang nakasakay sa bangka. Ang isa
bangka? Ano ang sa unahan ay naka-ekis ang mga kamay sa
ayos ng mga kanyang dibdib. Sa likod niya ay taong
nakasakay? nagsasagwan.
g. Ano ang masasabi mo Mahusay at matibay ang paggawa nila sa mga
tungkol sa kakayahan banga at palayok.
ng mga sinaunang Mayroon din silang kakayahan sa paglalayag.
Pilipino?

2. Sipi mula kay Padre Plasencia

a. Kailan sinulat ang Ito ay isinulat sa pagitan ng 1578 at


dokumento? 1590.
b. Sino ang sumulat? Isinulat ito ni Padre Juan de Plasencia.
c. Paano niya kaya ito Nalaman niya ang mga paniniwalang ito
nalaman? dahil nanirahan siya sa Katagalugan sa
mga panahong sinulat niya ito.
d. Bakit kaya siya interesado Bahagi ito ng mga kaugaliang
sa paraan ng paglilibing? napagmasdan niya. Sumunod, bilang
pari na nais magturo ng Kristiyanismo,
interesado siya sa mga paniniwala ng
mga katutubong Pilipino.
a. Saan inilibing ang Inilibing ito sa gilid ng bahay at kung

N ILALAMAN
bangkay? siya ay pinuno, inilagay siya sa ilalim
ng maliit na bahay o balkon na itinayo
para sa kanyang libingan.
b. Kaagad bang inilibing ang Hindi po. Nagluksa muna sila ng apat
isang namatay na tao? na araw.
c. Saan nilagay ang bangkay Inilagay siya sa bangka na nagsilbing
upang ilibing? kabaong.

Gawain 3. Simbolismo ng Banga

1. Mula sa sipi, mahihinuha ng mga mag-aaral na ang bangang


Manunggul ay ginamit bilang libingan ng mga patay.

2. Pansinin:

Taong naka-ekis ang kamay Ang kaluluwa ng taong namatay


Taong nagsasagwan Isa pang kaluluwa na nagsisilbing gabay
Bangka Maaaring kabaong na pinaglibingan ng taong
namatay
Alon Ang lalakbayin ng mga kaluluwa

3. Kabuuang simbolismo ng banga

#
Ang bangang Manunggul ay nagpapahiwatig ng sinaunang
paniniwala ng mga Pilipino sa kabilang buhay. Ipinapakita nito
ang paglakbay ng mga kaluluwa sa tubig gamit ang isang bangka
tungo sa kabilang buhay.

Gawain 4. Mga Sinaunang Paniniwala

1. Para sa Grupo 1: sipi mula kay Loarca

Sinaunang Sa Kasalukuyan
Panahon
a. Ano ang tingin ninyo sa papel ng
a. Ano ang ugnayan ng mga ninuno mga ninuno?
kay Ba tha l a ? • Maaaring magsilbing mga bantay
• Ang mga ninuno natin ay nagsilbi at o inspirasyon ang ating mga
kay Bathala. ninuno sa buhay natin ngayon.
Sinaunang Panahon Sa Kasalukuyan

b. Bakit iginalang ang mga patay? b. Iginagalang pa ba ang mga


• Iginalang ang mga patay upang sumakabilang buhay?
pakiusapan silang magsilbing • Patuloy pa ring iginagalang ang
tagapamagitan ng mga tao at mga patay dahil sa ating
Bathala. pagmamahal sa kanila.

c. Paano ipinakita ang paggalang? c. Bakit at paano?


• Ipinakita ang paggalang sa • Ipinapakita ito sa pagbisita sa
paggawa at pag-alaga ng mga mga sementeryo, pag-alay ng mga
idolong gawa sa kahoy na bulaklak, kandila, at pati na rin ng
nagsilbing imahen ng mga patay pagkain lalo na sa anibersaryo ng
na ninuno; at sa pag-alay ng kanilang kapanganakan at
pagkain, alak, at palamuting ginto. kamatayan o sa araw ng mga
patay.

2. Para sa Grupo 3: sipi mula kay Plasencia

a. Ano ang animismo Ang animismo ay paniniwala na ang lahat ng


at paano ito bagay, may buhay man o wala, tao o hayop, ay
isinagawa ng mga may kaluluwa. Isinagawa ito sa pamamagitan ng
sinaunang Pilipino? paggalang sa iba’t ibang bagay, sa mga ritwal, at
sa pag-alay ng gamit.
b. Ano ang silbi nito Sa pamamagitan ng animismo, naipaliwanag ng
sa pang-araw-araw mga sinaunang Pilipino ang dahilan ng mga
na buhay ng tao? pangyayari sa kanilang kapaligiran.
c. Ano ang Maaaring iginalang at minsa’y kinatakutan ng mga
mahihinuha mo sinaunang Pilipino ang mga bagay dahil sa
tungkol sa paniniwalang naimpluwensiyahan ng mga bagay na
kaugalian ng ito ang buhay ng tao. Gayun din, maaaring
Pilipino noon? sinamba nila ang mga bagay dahil sa paniniwalang
ang mga ito ay may kapangyarihan.
d. Nananatili pa kaya Maaaring nananatili pa ang animismo sa Pilipinas
ang paniniwala sa dahil:
animismo? Bakit? • nakaugat ang paniniwalang ito sa katutubong
Saan sa Pilipinas? kultura na hindi agad nagbabago;
• sa pangangailangang maunawaan ang mga
pangyayaring hindi madaling ipaliwanag;
• sa ilang mga lugar, hindi pa ito nahahamon ng
siyentipikong pag-iisip.
3. Rubric para sa pagtataya ng ilustrasyon ng Grupo 2 at 4

Marka Pagganap
Kulang • Hindi buo ang salaysay o malabo ito.
(0-4 na • Mangilan-ngilang pangungusap lamang ang naibahagi sa
puntos) klase.
• Hindi tugma ang guhit sa salaysay.
• Kulang ang ilustrasyon.
Kaunti • Manipis ang salaysay; kulang sa detalye.
(5-6 na • Walang ipinakitang pagsisikap sa pagguhit.
puntos) • Ang ilang guhit ay hindi akma sa salaysay.
Sapat • Tama ang mga detalye ng salaysay at maganda at
(7-8 puntos) angkop ang mga ilustrasyon.
• Maaari pang pagyamanin ang salaysay at pagandahin
ang story board.
Mahusay • Ang salaysay ay base sa malalim na pagkakaunawa ng
(9-10 puntos) sipi at malikhain ang mga ilustrasyon.
• Sa kabuuan, naipamalas ng grupo ang malinaw at
malalim na pagkakaunawa sa sipi. Kaakit-akit din ang
presentasyon sa klase.
Pagtataya

1. Pagkatapos ng modyul, ipakita ang libingang banga ng Panahong


Metal (mga 2000 BCE – 1000 CE) mula sa Maitum, Saranggani sa Mindanao.

Mula sa http://asianhistory.tumblr.com/post/10970260829/ the-maitum-


anthropomorphic-burial-jar-no-13
2. Ipasuri ito at ipasagot ang sumusunod na tanong.

a. Ano ang dalawang bagay na • Hugis ulo ang takip.


katangi-tangi sa disenyo ng • Makikita rin ang dalawang mata,
takip banga? ilong, at bibig.
b. Ano ang paniniwala ng • Ang disenyo ng banga ay maaaring
sinaunang Pilipino na paglalarawan ng taong inilibing dito.
magpapaliwanag sa disenyong Malamang ito ay base sa sinaunang
ito? paniniwala na ang tao ay may
kaluluwa.
c. Ano ang dalawang bagay na • Iginagalang ng lipunang ito ang
mahihinuha tungkol sa lipunan kanilang patay.
na pinagmulan ng bangang ito? • Naniniwala sila sa kabilang buhay.

3. Ipabasa ang sipi (at glosari) mula kay Loarca at ipasagot ang mga
tanong sa ibaba.

! To these anitos the people offered sacrifices, when they desired


anything – to each according to his office. The mode of sacrifice
was like that of the Pintados. They summoned a catalonan, which
is the same as the baylan among the Pintados, that is, a priest.
He offered the sacrifice, requesting from the anito whatever the
people desired him to ask, and heaping up great quantities of rice,
meat, and fish… If the sacrifice was in behalf of a sick person,
they offered many golden chains and ornaments, saying that they
were paying a ransom for the sick person’s health. This invocation
of the anito continued as long as the sickness lasted.

Miguel de Loarca, “Relation of the Philippine Islands,” 1582,


sa Blair at Robertson 5: 173.

Glosari
Heap up … magtambak

! Invocation
Mode
Pintados



dasal
paraan
mga Bisaya
Summon … tawagin
Ransom … pagtubos
a. Sino ang nagbibigay ng alay sa Ang nagbibigay ng alay sa mga anito
mga anito: ay:
• katawagan ng mga Tagalog • Catalonan (Tagalog)
• katawagan ng mga Pintados • Baylan (Bisaya)
b. Ano ang dahilan ng pag-alay Nag-alay sa mga anito upang matupad
sa mga anito? ang kahilingan ng mga tao.
c. Bakit nag-aalay sa anito kung Kapag may sakit ang isang tao,
may sakit ang isang tao? pinaniniwalaang may kakayahan ang
mga anito na tulungan ang may sakit
na gumaling.
d. Bakit hindi kay Bathala nag- Sa paniniwala ng mga sinaunang
alay? Pilipino, ang mga anito ang nagsilbing
tagapamagitan ng tao at Bathala.
e. Ano ang posibleng dahilan na Maaaring nabuo ang magkaparehong
ang paraan ng pag-aalay ay kultura dulot ng pakikipag-ugnayan ng
magkapareho sa mga Tagalog mga tao sa isa’t-isa.
at mga Pintados?

3. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng dalawang pagsasanay.

Kulang Kaunti Sapat Mahusay


Pagsasanay
0-4 puntos 5-6 puntos 7-8 puntos 9-10 puntos
Pagsusuri Hindi Nabanggit ang Naipamalas Naipamalas
sa naipamalas 3 o 4 na bagay ang pag- ang pag-unawa
Libingang ang pag- mula sa unawa sa sa katangian
Banga unawa sa artefact, ngunit katangian ng ng banga at
larawan hindi banga nakahinuha ng
nakapagbigay kahulugan nito
ng kaugnayan ayon sa
sa sinaunang sinaunang
paniniwala paniniwala
Pagsusuri Hindi Nabanggit ang Naipamalas Naipamalas
sa Sipi ukol naipamalas 2 o 3 bagay ang pag- ang pag-unawa
sa ang pag- mula sa unawa sa sa binasa at
Sinaunang unawa sa dokumento, binasa naiugnay ito
Paniniwala binasang sipi ngunit hindi sa pinag-aralan
nakapagbigay ukol sa
ng kaugnayan sinaunang
sa pinag-aralan paniniwala
Transisyon sa Susunod na Modyul

Bilang paghahanda, atasan ang mga mag-aaral na tanungin ang kanilang


magulang o taga-alaga kung:

• Paano sila pinangalan, at


• Sino ang nagbigay ng kanilang pangalan.
Markahan 1 Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang
Espanyol
Gabay ng Guro 3 Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon
Gawain 1. Pagpapangalan sa mga anak
2. Pagpapakasal sa sinaunang panahon
3. Hanapbuhay
4. Mga uring panlipunan
Oras Pito (7)

G ABAY NG G URO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan


Layunin ng modyul na maunawaan ng mga mag-aaral ang pamumuhay sa
pamilya ng sinaunang panahon, ang hanapbuhay ng mga Pilipino, at mga uring
panlipunan. Makikita sa pag-aaral na ito na buo, makulay at mayaman ang
kultura ng sinaunang Pilipino at inaasahang mabibigyan ito ng sapat na
kahalagahan. Ang modyul na ito ay ginagabayan ng sumusunod na tema sa
Araling Panlipunan:

• Tao, Lipunan at Kapaligiran


• Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
• Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa
• Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo

Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul ay


matututunan ng mga mag-aaral ang sumusunod na kakayahan.

Pamantayan sa
Kakayahan
Pagganap
Nakauunawa ng • Nailalarawan ang kaugalian sa pagpapangalan noong
pamumuhay, gawain sinaunang panahon
at lipunan ng mga • Nakapagbibigay ng pangalan batay sa gawi ng
Pilipino sa sinaunang panahon
sinaunang panahon • Nakasusuri ng mga sinaunang kaugalian sa
Kritikal na pagpapakasal
nakababasa ng mga • Nakauunawa ng kahalagahan ng babae at mga anak sa
sipi ng dokumento lipunan
at biswal na • Nailalahad ang sinaunang gawain at hanapbuhay
primaryang • Nakikilala ang halaga ng paggawa sa buhay ng tao at
sanggunian ng lipunan
Pamantayan sa
Kakayahan
Pagganap
Nakasusuri ng • Nakapaghahambing ng terminolohiyang Tagalog at
nakasulat at biswal Bisaya ukol sa mga uring panlipunan
na sanggunian • Naipaliliwanag ang kaayusan at mga uring panlipunan ng
Naihahayag ang sinaunang pamayanan
resulta ng pagsusuri • Nakagagawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng
sa klase ritwal sa sinaunang panahon batay sa nakuhang
impormasyon sa mga dokumento
Nakauunawa sa • Nabibigyang kahalagahan ang kultura at pamumuhay sa
konsepto ng sinaunang panahon
pananatili at • Nakakukuha ng datos mula sa mga dokumento
pagbabago sa • Nakasusuri ng lawaran
pamumuhay noon at • Nakagagawa ng hinuha mula sa nakasulat at biswal na
ngayon sanggunian
• Nakapag-uugnay ng mga datos at hinuha mula sa biswal
at nakasulat na sanggunian
• Nakasasagot ng tanong base sa ebidensiya mula sa
sanggunian
• Nakabubuo ng pangkalahatang interpretasyon ukol sa
sinaunang kultura at pamumuhay
• Nakapaghahambing ng mga gawi, ritwal at pamumuhay
noon at ngayon
• Nakapagbibigay ng halimbawa ng pananatili at
pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino

Gawain 1. Pagpapangalan sa Sinaunang Panahon


1. Ang pagpapapangalan ng mag-aaral (takdang-aralin)

Ang pangalan ay base o Halimbawa Aling kategorya ang


hango sa pangalan ng … pinakakaraniwan sa klase?
Magulang o kamag-anak Eduardo Jr. (ang tatay
ay ang unang Eduardo
sa pamilya); Carmencita
(Carmen ang lola)
Bayani o kilalang tao Jose (Rizal), Gregorio
(del Pilar)
Lugar Luzviminda (Luzon,
Visayas, Mindanao)
Pangyayari Marcial (martial law o
batas militar)
Ang pangalan ay base o Halimbawa Aling kategorya ang
hango sa pangalan ng … pinakakaraniwan sa klase?
Santo o relihiyosong tao Mohamed, Maria
Konsepto o bagay Laya
Personal na katangian Dakila

2. Batayang impormasyon mula sa sipi ni Pedro Chirino, S.J., Relacion


de las Islas Filipinas, 1604

Mga Susuriin Sinaunang Panahon Ngayon


a. Basehan ng • Mga kaganapan o • Pangalan ng santo o
pagpapangalan pangyayaring naranasan ng hinahangaang tao
ina sa panganganak • Pangalan ng mga
• Mga katangiang ninanais ninuno o mga magulang
ng ina para sa kanyang • Iba pang binanggit sa
anak itaas
b. Ang nagbibigay Ang nanay Ang mga magulang (o
ng pangalan ng lolo at lola)
anak
c. Tawag ng anak Bapa at Bai Tatay at Nanay
sa mga Papa at Mama
magulang kapag Daddy at Mommy
kausap
d. Tawag ng anak Ama ko, o ina ko Ang mga magulang ko
sa mga
magulang kapag
pinag-uusapan
e. Paggamit ng Hindi gumagamit Gumagamit ng apelyido
apelyido ng ama
f. Pagpapangalan Maaaring magkapareho May tiyak na pangalang
ng babae at ngunit may dagdag na “in” panlalaki at pambabae
lalaki para sa babae

3. Mas malalim na pagsuri ng sipi ni Chirino

a. Paano ipinakita ng mga Tinawag nila ang kanilang mga magulang bilang
anak sa sinaunang “ama ko” o “ina ko.” Bilang paggalang din, hindi
panahon ang kanilang nila tinawag sa pangalan ang kanilang mga
paggalang sa kanilang magulang, buhay pa man o hindi, dahil naniwala
magulang? Tukuyin mula sa silang mapapahamak sila. Makikita ito sa huling
sipi ang basehan ng iyong talata ng sipi. !
sagot.
b. Kung ikaw ay nabubuhay Maaaring ibigay ang mabuting katangian ng
noong sinaunang panahon, magulang; halimbawa, Mapagmahal para sa ina
ano ang magiging pangalan at Masipag sa ama.
ng iyong mga magulang?

c. Ano naman ang posibleng Pakinggan ang sagot ng estudyante at ang


pangalan mo? Ipaliwanag basehan ng kanyang sagot.
kung bakit.

d. Ano ang magiging pangalan Maaaring ipinangalan ang aking kapatid na


ng iyong kapatid na lalaki lalaki na Langit, habang ang kapatid kong
o babae? babae ay ipinangalang Langitin.

e. Ano ang nakikita mong • Noon, ang ina lamang ang nagpapasya
pagkakaiba at pagkakatulad tungkol sa pangalan ng anak ngunit ngayon,
sa pagpapangalan noon at ang mga magulang, at minsan kasama pa
ngayon? ang lolo at lola, ang nagdedesisyon tungkol
sa pangalan ng anak. !
• Ang mga pangalan noon ay mula sa mga
pangyayaring kaugnay sa kapanganakan ng
sanggol o sa mga katangian na nais ng ina
sa kanyang anak. Sa ngayon, mas marami
ang basehan ng pagpapangalan: mula sa
pangalan ng artista, manlalaro, isang lugar,
atbp. !
• Ngayon ay gumagamit na ng apelyido ang
mga tao ngunit hindi ito ginawa noon.!

4. Mga inaasahang katangian ng album na ginawa ng klase

a. Base sa magandang katangian ang pangalang ibinigay sa


kaklase.
b. Iginagalang ang pagkatao ng kamag-aral.
c. Malikhain ang pag-ayos ng mga letrato at pangalan.
Gawain 2. Pagpapakasal sa Sinaunang Panahon
1. Sipi ni Chirino (1609) ukol sa pagpapakasal

a. Paano pinili ang Ang mga magulang ang nagkakasundo upang


mapapangasawa? piliin ang mapapangasawa ng kanilang anak.!

b. Matibay ba ang ganitong Opo dahil ito ay ipinagtibay sa ritwal ng


kasunduan noong panahong pagdiriwang ng kasal. Ang paglabag sa
iyon? Bakit mo ito nasabi? kasunduang ito ay may kabayarang parusa.

c. Paano nakatulong ang Ang pagsaksi ng komunidad sa kasunduan at


komunidad sa kasunduan sa ang pakikibahagi sa pagdiriwang nito ay
pagpapakasal? nagpatibay sa kasal. !

d. Mayroon bang ipinakitang Ang pagpapahalaga sa kababaihan ay nakikita


pagpapahalaga sa sa pahintulot na kanyang ibinigay sa kasunduan, na
kababaihan ang ritwal ng hindi nangangahulugang panghabang-buhay. Ang
pakikipagkasundo para sa dowry ay hindi nanggaling sa kanya kundi sa
kasal? Magbigay ng lalaki.
halimbawa.

e. Ano sa tingin mo ang silbi Ang dowry (bigay kaya) ay materyal na tulong
ng dowry? sa pagsisimula ng mag-asawa sa sarili nilang
buhay. Tanda rin ito ng paghangad at
kahandaan ng lalaki sa pagpapakasal.

2. Maaaring gamitin ang rubric sa ibaba sa pagtaya ng sanaysay ng


mga mag-aaral tungkol sa kanilang reaksyon sa arranged marriage.
!

M AHUSAY S APAT K AUNTI K ULANG


Ang panimulang Ang panimulang talata ay tama Hindi gaanong inugnay ang Hindi maganda o walang
P ANIMULA
talata ay nakatatawag pansin ngunit hindi nakatatawag pansin. panimula sa paksa. panimula.
at angkop sa paksa.
Gumamit ng mahusay na
kasabihan, anekdota,
katanungan o isang
nakatatawag pansin na
pahayag. ang posisyon
Malinaw ng May posisyon ang mag-aaral at Hindi matibay ang posisyon ng Walang posisyon ang mag-
N ILALAMAN

mag-aaral sa usapin ng naipaliwanag niya ito, ngunit mag-aaral; may kalabuan, aaral kaya halos wala rin
arranged marriage at maaari pang pagyamanin ang kung kaya nahirapan siyang siyang masulat.
sinuportahan niya ito sa kanyang paliwanag sa masuportahan ito. Magulo
pamamagitan ng halimbawa o pamamagitan ng karagdagang ang paliwanag.
sa pagtalakay ng maaaring halimbawa o impormasyon.
maging epekto nito. Mahusay
ang kanyang paliwanag.
Mahusay ang pagsulat; Sumunod sa mga tuntunin ng Maraming aspeto ng Hindi nakabuo ng talata;
P AGSULAT

makulay ang paglalarawan at epektibong pagsulat at tama ang pagsulat ang kailangang mismo ang mga
tama ang paggamit ng mga pagbuo ng mga pangungusap at iwasto at dahil dito, pangungusap ay hindi buo
salita. Sumunod sa mga talata; ngunit may ilang mahirap basahin ang o mali ang pagkabuo.
tuntunin ng epektibong kapansin-pansin na pagkakamali. salaysay.
pagsulat; minor lang ang
pagkakamali.

! 31
!

Gawain 3. Hanapbuhay
1. Sipi mula kay Loarca

a. Ilista ang mga nakita • Pagtatanim


ninyong gawain at • Pag-aararo
hanapbuhay • Pangingisda
• Pakikipagkalakal ng mga kagamitan, kumot,
baka, manok, niyog, mga alipin, isda, mga
produkto mula sa gubat
• Paggawa ng iba’t ibang uri ng sasakyang
dagat
• Pagmimina ng ginto at pilak sa ilang mga
lugar (Paracale sa Camarines, sa Ilocos,
Kabisayaan, sa lugar ng ilog Butuan)
• Kababaihan: pagbuburda, paghabi ng mga
kumot, paggawa ng sinulid na bulak, pagbayo
ng bigas, pangangalaga ng mga manok at
baboy
b. Anong mga salik ang • Heograpiya ng isang lugar (halimbawa,
nakaapekto sa naging pagiging daungan)
uri ng hanapbuhay sa • Yamang lupa at dagat
iba-ibang isla ng • Laki ng populasyon
Pilipinas?

c. Ano ang mga gawain ng • Pagbuburda


kababaihan? • Paghabi
• Paggawa ng sinulid na bulak
• Pagbayo ng bigas
• Pag-alaga ng manok at baboy
• Pag-ayos ng tahanan

d. Ano ang masasabi mo Malakas ang ugnayan ng mga isla dahil mayabong
tungkol sa ugnayan ng ang palitan ng mga produkto.
mga isla sa sinaunang
panahon?
e. Ano ang mahihinuha mo Iba-iba ang lebel ng teknolohiya.
ukol sa lebel ng • Sa paggawa ng sasakyang dagat, matibay at
teknolohiya sa panahong mahusay ang kakayahan at teknolohiya.
iyon? • Sa pagmina ng ginto ay payak lamang.
• Ang pagsasaka ay manuwal at simple ang
teknolohiya.

! 32
!

f. Anong mga katangian Ang mga sinaunang Pilipino ay masisipag dahil


ng sinaunang Pilipino lahat ay may gawain.
ang mahihinuha mo • Masigasig silang nakipag-ugnayan sa mga
mula sa impormasyon? taga-ibang lugar at isla sa Pilipinas at sa mga
Tsino.
• Kaya nilang matugunan ang kanilang batayang
pangangailangan.
• Napakinabangan ng pamayanan ang gawain
ng mga Pilipino.

2. Hanapbuhay at pang-araw-araw na produkto noon at ngayon

a. Anong mga hanapbuhay • Pagtatanim at pag-araro


noon ay ginagawa pa • Pagbabayo ng bigas
ngayon? • Pangingisda
• Pakikipagkalakalan
• Pag-alaga ng manok at baboy
• Pagmimina
b. Anong mga hanapbuhay • Pagbuburda, paghabi ng mga kumot, paggawa
noon ay bihira o wala ng sinulid na bulak
na ngayon? • Paggawa ng sasakyang pandagat
c. Anong mga produkto • Bigas, kamote, sitaw, kamote, saging
noon ay ginagawa at o • Isda, baboy, kalabaw, kambing at manok
tinatanim pa ngayon? !
d. Anong mga produkto • Kumot
noon ay bihira nang • Borona, millet at bulak
itanim, gawin, o gamitin • Damit na gawa sa saging
ngayon? !
e. Ano sa palagay mo ang • Nagbago na ang pangangailangan ng mga tao
dahilan ng pagbabago at kaya may mga produktong hindi na ginagamit
pananatili ng mga uri ng ngayon. !
hanapbuhay at produkto? • Natutugunan na ng modernong teknolohiya ang
pangangailangan sa ibang mga produkto.!
• Hindi na kasing yaman ang likas na kapaligiran
dahil sa pagsira nito, kaya kakaunti na lang
ang produkto mula rito.!

! 33
Gawain 4. Mga Uring Panlipunan
1. Mga pisikal na katangiang ipinapakita sa tatlong larawan

Ilista/Ilarawan
Larawan A Larawan B Larawan C
ang
Mga tao Babae at lalaki Dalawang babae, Tatlong lalaki
isa mas matanda
sa isa
Mga bagay • Sa lalaki: turban, • Simpleng damit, • Bahag at
gintong espada sa hindi gaanong turban
baiwang, makulay at makulay • Palamuti sa
magarang damit, at • Simpleng tuhod
gintong palamuti sa palamuti sa leeg
leeg, pulsuhan at pulsuhan ng
hanggang sa dibdib, isa, at hikaw
at tuhod naman sa isa
• Sa babae: hikaw na
ginto, palamuti sa
leeg, makulay at
magarang damit
Pagkilos Naglalakad Nag-uusap Nag-uusap

Pisikal na Nasa unahan ang lalaki Nasa unahan ang Halos pantay at
posisyon ng ngunit halos mas batang babae nasa sentro ang
mga tao sa magkapantay ang laki at mas malaking dalawang lalaki
isa’t isa ng dalawang pigura pigura siya kaysa at ang kausap
sa nakatatandang nila ay nasa tabi
babae

2. Mga hinuha tungkol sa katayuan o katungkulan ng mga tao sa


larawan at bakit (basehan ng hinuha)

Larawan A Larawan B Larawan C


Katayuan o Mukhang sila ay Maaaring sila ay Maaaring sila ay
katungkulan nagmula sa mataas panggitnang uring nanggaling sa
na uring panlipunan. panlipunan. mababang uring
panlipunan.
Basehan Magara ang mga Simple lamang ang Walang palamuti at
damit at palamuti; damit at palamuti. nakabahag lamang;
may armas ang wala ring armas
lalaki
3. Sipi mula sa ”Customs of the Tagalogs” ni Plasencia, 1589

Uring Panlipunan Tungkulin Katangian


Dato • Namahala sa • Malaya
barangay • Mapagtiwala
• Namuno sa • Handang ipagtanggol ang
digmaan barangay
Maharlica Tumulong sa dato sa • Malaya
pakikidigma at sa • Hindi nagbabayad ng buwis
pang-araw-araw na ngunit nagsilbi sa dato tuwing
gawain kailangan
Aliping • Nagsilbi sa isang • Nakatira sa sariling bahay
namamahay tao (dato man o • May sariling ari-arian na
hindi) maaaring ipamana sa mga
• Sinamahan siya sa inapo
kanyang
paglalakbay
Aliping saguiguilir Nagsilbi sa isang tao • Hindi malaya
sa bahay nito sa lahat • Nakatira sa bahay ng kanyang
ng mga gawain pinagsilbihan
• Maaaring ipagbili ngunit bihirang
ginawa maliban sa mga bihag
sa digmaan na ginawang alipin

4. Tumbasan ng mga terminolohiyang Tagalog at Bisaya tungkol sa


mga uring panlipunan ayon sa sipi ni Colin, 1663

Taga l o g B i sa y a
Dato (Maginoo) Dato
Maharlica Timauas
Aliping namamahay Oripuen (Namamahay)
Aliping saguiguilir Oripuen (Halon)

Ipaliwanag na ayon kay Padre Colin, ang pinuno ay tinawag na ”datu” ng


mga Bisaya at ”maginoo” ng mga Tagalog. Ngunit sa katunayan, ang ”datu” ay
gamit din ng mga Tagalog; nagmula ang datu sa uring panlipunang tinawag ng
mga Tagalog na ”maginoo.”

5. Bakit commoner o karaniwang mamamayan ang tawag ni Plasencia


sa aliping namamahay at ”tunay na esklabo” (”true slave”) naman ang pagtukoy
ni Colin sa aliping sanguiguilir
!
• Tinawag ni Plasencia na commoner o karaniwang mamamayan
ang aliping namamahay dahil itong uri ng alipin ay may
sariling bahay, ginto, at iba pang ari-arian.

• Ayon naman kay Colin, ang aliping sanguiguilir ay ”tunay na


esklabo” dahil nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo at
maaari rin siyang ipagbili.

6. Mga hinuha mula sa impormasyong galing kay Plasencia

Katangian ng • Ang barangay ay may malinaw na paghahati ng uring


barangay panlipunan—datu, maharlika, aliping namamahay, at aliping
saguiguilir—ngunit hindi mahigpit ang mga paghahating ito.
Ang mga aliping namamahay, halimbawa, ay may sariling
ari-arian. Pati ang mga aliping sanguiguilir ay bihirang
ipinagbili.
• Ang barangay ay isang anyong panlipunan dahil binuo ito
ng mga pamilya, hindi katulad ng barangay ngayon na
nagsisilbing pinakamababang pulitikal na yunit ng
pamahalaan.
Access ng tao • Ang paggamit ng lupa at ibang yamang likas ay itinakda
sa lupa at ng datu upang lahat ng miyembro ng barangay ay
ibang likas na makagamit at makinabang sa kapaligiran.
yaman
Konsepto ng • Bilang pinuno ng barangay, ang datu ang nagtakda ng
awtoridad at paggamit sa lupa at ng pangingisda upang tiyakin na lahat
kapangyarihan ng pamilya sa barangay ay may sariling hanapbuhay at sa
ganoon ay makapamuhay nang sarili. Mahihinuha dito na
kaakibat sa konsepto ng awtoridad ay ang pantay na
paggamit ng yamang-likas sa lugar ng barangay.
• Bahagi rin ng konsepto ng awtoridad ang tungkulin ng may
hawak ng kapangyarihan sa mga tao na kanyang
pinamumunuan. Halimbawa, ipinagtatanggol ng datu ang
barangay.
• Kasama sa konsepto ng awtoridad ang mga pribilehiyo ng
nanunungkulan. Halimbawa, tinutulungan ng barangay ang
datu sa paglawig ng kanyang lupa.
• May paggalang din sa datu na masasabing isang katangian
ng konsepto ng kapangyarihan sa sinaunang panahon.
Pagtataya
1. Pasulatin ang mga mag-aaral ng isa o dalawang talata tungkol sa
kahalagahan ng mga larawan mula sa Boxer Codex bilang primaryang
sanggunian ukol sa sinaunang lipunan. Hilinging magbigay ang mag-aaral ng
mga konkretong halimbawa bilang patunay sa kanyang sagot.

2. Isa pang pagtataya ay ang paggawa ng primaryang sanggunian


ukol sa hanapbuhay sa ating panahon. Sa ibaba ang gabay para sa mag-aaral.

a. Gamit bilang gabay ang mga talata na sinulat ni Morga at ni


Loarca, gumawa ng isang maikling sanaysay na may habang
tatlong talata tungkol sa hanapbuhay ng mga tao sa ating lipunan
ngayon.

b. Iulat ang sumusunod.

• Mga produktong nakikita at alam mong itinatanim


sa iyong lugar at nabibili sa palengke; at
• Mga gawaing panghanapbuhay o mga propesyon
sa komunidad, kasama ang hanapbuhay ng iyong
mga magulang at mga kapatid.

c. Isumite ang sanaysay pagkatapos ng isang linggo.

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul


Matatag ang sinaunang kultura, ngunit humarap ito sa malaking hamon
sa ika-16 siglo, nang dumating ang Espanya sa Pilipinas at sinimulan ang
pananakop ng mga isla. Sa susunod na modyul ay aaralin ang mga primaryang
sanggunian tungkol sa pagtatag ng kolonyang Espanyol at mga patakaran at
paraang ginamit ng Espanya upang sakupin ang Pilipinas.
Markahan 1 Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang
Espanyol
Gabay ng Guro 4 Pagtatag ng Kolonyang Espanyol at mga Patakarang
Kolonyal
Gawain 1. Pagtatag ng kolonya
2. Kristiyanisasyon bilang paraan ng pananakop
3. Reducción: ang paglipat ng mga kinaroroonan
4. Tributo at polo bilang instrumento ng pananakop
Oras Sampu (10)

G ABAY NG G URO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan


Sa pamamagitan ng mga primaryang sangguniang nilikha ng mga
kolonisador, pag-aaralan sa modyul ang sumusunod:

1. Mga pananaw ukol sa labanan nina Lapu-lapu at Magellan


2. Mga kolonyal na patakaran: reducción, tributo, at polo
3. Iba’t ibang pananaw tungkol sa mga patakarang kolonyal
4. Epekto ng patakarang kolonyal sa mga Pilipino

Itong mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling


Panlipunan.

• Tao, Lipunan at Kapaligiran


• Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala

Inaasahan na sa pagsusuri ng mga sanggunian ay matututunan ang mga


kakayahan sa ibaba.

Pamantayan sa
Kakayahan
Pagganap
• Nakauunawa ng • Nailalahad ang mga pangyayaring nagbigay daan sa
pagtatag ng labanan nina Lapu-lapu at Magellan
kolonyang • Nakauunawa ng iba-ibang pananaw tungkol sa labanang
Espanyol sa ito
Pilipinas • Nakikita ang papel ng isang punto de bista o
perspektibo sa pagkakaunawa ng nakaraan
• Nailalarawan ang papel ni Magellan sa malikhaing
paraan
!

• Mapanuring • Naipaliliwanag ang ugnayan ng Kristiyanisasyon at


nakababasa ng kolonisasyon
nakasulat at • Nakasusuri ng mga instrumentong ginamit ng Espanya
biswal na sa pananakop ng Pilipinas
primaryang • Naipaliliwanag ang kahulugan, pagsasagawa at epekto ng
sanggunian mga instrumentong ito sa mga Pilipino

• Nakatataya ng • Naiuugnay ang mga instrumentong ito sa isa’t isa sa


epekto ng mga loob ng konteksto ng mga layunin ng Espanya sa
patakarang Pilipinas
kolonyal sa • Nailalarawan ang naging reaksyon at pagkilos ng mga
mga Pilipino sinaunang Pilipino sa mga Espanyol
• Naipaliliwanag • Nakapupuna at nakasasagot ng taliwas na posisyon o
ang kahulugan punto, batay sa impormasyon mula sa sanggunian
ng kolonyalismo • Nabibigyang kahulugan ang kolonyalismo
• Nakasasagot ng mga tanong base sa sanggunian
• Nakahihinuha mula sa mga datos o ebidensya
• Nakapag-aayos ng datos mula sa sanggunian sa isang
graphic organizer
• Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto
• Nakakukuha at nakapag-uugnay ng datos mula sa iba’t
ibang sanggunian
• Nakatutukoy ng punto de bista ng mga may-akda
• Nakikita ang epekto ng punto de bista sa pagsasalaysay
o paglalarawan ng pangyayari
• Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagkilala sa punto de bista ng awtor
• Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at paggalang
sa mga may ibang pag-iisip
• Nakapaghahambing at nakapag-uugnay ng iba-ibang
impormasyon tungkol sa kolonisasyon ng Pilipinas
• Nailalahad ang impormasyong nakuha at nahinuha sa
maayos at malinaw na paraan
• Nakasasagot ng mga argumento o posisyon laban o
taliwas sa sariling pagtingin base sa ebidensiya
• Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon ng
impormasyon mula sa mga sanggunian

! 39
!

Gawain 1. Pagtatag ng Kolonya


1. Pagsuri ng dalawang palatandaan

Palatandaan ni
Pagsusuri Palatandaan ni Magellan
Lapu-lapu
Nilalaman
a. Paano namatay si Namatay siya sa sugat Pinatay siya ni Lapu-lapu
Magellan? mula sa engkwentro sa at ng kanyang mga
mga sundalo ni Lapu-lapu. tauhan sa isang labanan.
b. Paano ipinakilala si Si Lapu-lapu ay hepe ng Si Lapu-lapu ang unang
Lapu-lapu? islang Mactan. Pilipinong lumaban sa
mga Espanyol.
c. Ano ang Si Ferdinand Magellan ang Si Lapu-lapu ang unang
kahalagahang unang taong lumigid sa Pilipinong lumaban sa
historikal ng tao na mundo. dayuhang mananakop.
pinararangalan?
Pagsasakonteksto
a. Kailan ginawa ang 1941 1958
mga palatandaan?
b. Anong mahalagang Ito ang panahon bago Sa panahong ito ay
kaganapan sa mga naging independyente ang nagsasarili na ang
panahong ito ang bansang Pilipinas. bansang Pilipinas.
maaaring
nakaapekto sa
nilalaman ng mga
palatandaan?
Pag-unawa
Kaninong punto de Punto de bista ito ng Punto de bista ito ng
bista ang ipinahihiwatig dayuhan. mga Pilipino.
ng palatandaan?

2. Pag-ugnay ng dalawang palatandaan sa salaysay ni Pigafetta: Alin


ang mas malapit sa sipi at bakit?

!
• Ang palatandaan noong 1958 tungkol kay Lapu-lapu ay mas
malapit sa salaysay ni Pigafetta dahil parehong tinukoy ang
labanan nina Magellan at Lapu-lapu, na hindi simpleng
engkwentro ng dalawang tao o grupo.
• Ngunit ang konklusyon sa palatandaan ni Lapu-lapu ay hindi
nanggaling o base sa salaysay ni Pigafetta.

! 40
!

3. Mga kriterya sa pagmarka ng simbolo at motto ni Lapu-lapu

!
a. Malikhain ang simbolo.
b. Kinakatawan o sinasalamin nito ang papel ni Lapu-lapu sa
kasaysayan at ang kanyang mga katangian.
c. Ipinaliwanag nang mahusay ang kahulugan ng bawat bagay o
guhit sa simbolo.
d. Angkop ang motto sa simbolo.

Gawain 2. Kristiyanisasyon bilang Paraan ng Pananakop


Sipi mula kay Pigafetta, mga 1525

Gabay na Tanong Sagot ng


a. Anong mga • Grupong mga Pilipino, pagsunog
Kristiyanisasyon: pagbinyag
paraan ang nila ng kanilang mga idolo, pagtayo at pagsamba sa
ginamit ng krus;
Espanya upang • Sapilitang pagkolekta ng pagkain at tributo mula sa
makontrol ang mga Pilipino; at
lokal na • Pagbanta at paggamit ng mga Espanyol ng dahas o
populasyon? puwersa.
b. Ano ang reaksyon • Pagtanggap ng ilang mga Pilipino (tulad ni Humabon)
ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng mga Espanyol
sa mga Espanyol? • Di pagtanggap ng ibang mga Pilipino sa mga
Espanyol (katulad ng ilang hepe ni Humabon, mga
taga-islang Bulaia, at mga Muslim)
c. Ano ang tingin ng • Ang mga Pilipinong ayaw maging Kristiyano ay
mga Kastila sa itinuring na kalaban dahil ang hindi pagtanggap sa
mga Pilipino sa Kristiyanismo ay tanda ng paghamon o pagtutol sa
usapin ng kapangyarihan ng Espanya.
kumbersyon sa
Kristiyanismo?

! 41
!

Gawain 3. Reducción: Ang Paglipat ng mga Kinaroroonan


1. Pagsuri sa sipi mula kay Obispo Domingo de Salazar, 1583, at
Luis de Jesus at Diego de Santa Theresa, 1660-1666

a. Bakit ginawa ang • Inilipat ang mga katutubong tirahan mula sa kalat-kalat
reducción? at malalayong lugar tungo sa siksik na komunidad
upang mapadali ang pagpapalaganap ng Katolisismo
sa mga Pilipino.
• Hindi sapat ang bilang ng mga prayleng Espanyol
upang isagawa ang kumbersyon ng buong populasyong
Pilipino, kung kaya mas madali kung nasa iilang lugar
lamang ang mga lokal na komunidad.

b. Ano ang • Tutol ang mga Pilipino sa reducción dahil ilalayo sila
reaksyon ng sa mga pampang ng ilog o di kaya sa baybay ng
mga Pilipino? dagat o mga lugar (gubat o ilog) kung saan nila
kinukuha ang kanilang ikinabubuhay.
• Maaari ring ayaw iwanan ng mga Pilipino ang kanilang
mga ninuno na nakalibing sa lugar ng kanilang tirahan
(base sa napag-aralan sa ikalawang modyul).

c. Ano ang naging • Naghirap ang mga Pilipino dahil sa sapilitang paglipat
epekto sa mga ng kanilang tirahan.
Pilipino?

d. Nakamit ba ang • Ayon kina de Jesus at de Santa Theresa, nabawasan


layunin ng pa nga ang Kristiyanismo sa mga lugar na pinailalim
reducción? Bakit sa reducción. Ito ay dahil sa pagtutol ng mga Pilipino
o bakit hindi? sa paglipat ng kanilang tirahan.

2. Ang reducción bilang instrumento ng pananakop

!
Ang reducción ay instrumento ng pananakop dahil sa
paniwala ng mga Espanyol na lalo nilang mapapasunod ang mga
Pilipino kapag maging Kristiyano ang mga ito. Praktikal na sagot
din ang reducción sa kakulangan ng pari sa Pilipinas; hindi nila
kayang ikalat ang Katolisismo sa lahat ng isla.

! 42
!

Gawain 4. Tributo at Polo bilang Istrumento ng Pananakop


1. Pagbayad ng buwis sa kasalukuyan

!
Nagbabayad ng buwis ang mamamayan
• bilang tungkulin ng isang miyembro ng lipunan na nag-
aambag sa kapakanan ng lahat;
• upang magkaroon ng iba’t ibang serbisyong pampubliko
katulad ng edukasyon, kalusugan, mga daan at tulay.

2. Presentasyon ng mga posisyon

Grupo Posisyon
1. Opisyal at Kahulugan at dahilan ng tributo
encomendero • Ang tributo ay buwis na ibinabayad ng Pilipinong sakop ng
encomienda sa pamamagitan ng produkto katulad ng bigas,
manok, at ginto.
• Ipinapataw ang tributo dahil nagsilbi itong pagkilala ng mga
Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya at pantustos sa mga
gastusin ng Espanya sa pangangasiwa ng kolonya.
• Ang polo ay sapilitang pagsisilbi o pagtatrabaho sa iba’t
ibang proyekto ng gobyerno tulad ng pagkuha ng kahoy
para sa sasakyang pandagat, paggawa ng mga sasakyang
ito, pagtayo ng tulay, kalsada, at iba pang imprastruktura.
• Ang polo ay ipinataw upang magkaroon ang mga Espanyol
ng patuloy at matatag na mapagkukunan ng kinakailangang
trabahador sa anumang lugar at panahon at para sa
anumang proyekto ng gobyerno.
2. Simbahang Reklamo sa tributo at polo
Katoliko • Hindi makatao ang pagkolekta ng mga encomendero sa
tributo. Halimbawa ay ang pagkuha ng palay na wala nang
naiiwan sa mga Pilipino, ang sapilitang pagbabayad ng
tributo sa anyo ng ginto kahit wala sila nito, at ang
pagkolekta ng tributo sa mga bata, matatanda at mga
alipin.
• Ang implementasyon ng polo ay labag sa utos ng hari.
Halimbawa, hindi ipinatupad ng mga Espanyol ang
patakaran na dapat hindi magtrabaho ang mga Pilipino sa
panahon ng anihan o taniman; dapat silang bigyan ng
sahod para sa bawat trabahong ginawa; at hindi sila dapat
ipadala sa malayong lugar.
• Dahil sa pang-aabuso, nais umalis ang mga Pilipino at
lumipat sa ibang isla.

! 43
!

3. Opisyal at Sagot sa reklamo


encomendero • Sumusunod lamang ang mga encomendero sa utos ng hari;
karapatan nilang mangolekta ng tributo. Hindi naman
kaibigan ang mga Pilipino kundi sakop ng Espanya.
• Mayroon namang mga Pilipinong handang magbayad ng
tributo batay sa mga produktong tinatanim o makukuha sa
kanilang lugar. Masagana ang kapaligiran at kalakalan at
hindi nagkukulang sa mga produkto gaya ng tela, bulak,
banga at porselana, palamuti, ginto at alak.
• Hindi tamang akusahan ang mga encomendero base
lamang sa mga indibidwal na kaso ng pang-aabuso. Iba-iba
ang batayan ng buwis sa mga lugar at iba-iba rin ang
kayamanan ng mga Pilipino. Ang iba ay mayaman
samantalang ang iba naman ay namumuhay sa
pagnanakaw. Sa Bisayas, halimbawa, tamad ang mga tao at
laging naglalasing.
• Kung may mga Pilipinong nais umalis, ito ay dahil matitigas
ang ulo nila, samantalang ang iba naman ay kadalasang
lasing at sa gayon ay walang pambayad ng tributo.
4. Simbahang Pagtanggol at paggiit ng posisyon ng Simbahan
Katoliko • Hindi lang indibidwal na kaso ng pang-aabuso ang pinag-
uusapan kundi mga pang-aaping nangyayari sa iba-ibang
bahagi ng kolonya.
• Maaaring mangolekta ang mga encomendero ng tributo
ngunit dapat nilang sagutin ang gastos sa kumbersyon ng
mga katutubo sa Katolisismo. Ngunit hindi ito ginagawa.
• Dapat wala ring pang-aabuso sa pangongolekta ng tributo.
Dapat sundin ang utos ng hari. Hindi nga makareklamo ang
mga Pilipino sa alcalde-mayor dahil inaaresto sila at
sinisingil pa habang nasa preso.
5. Hari Nararapat ang mga patakarang tributo at polo dahil
kailangang kilalalanin ng mga nasasakop ang kapangyarihan
ng hari at bilang tugon sa mga serbisyo ng gobyerno katulad
ng Katolisismo. Ngunit dapat ipatupad ang mga ito sang-ayon
sa utos ng hari. Ang utos na ito ay:
• Ukol sa polo: hindi dapat kumuha ng trabahador sa polo
kung mayroong boluntaryong manggagawa; hindi dapat
dalhin sa malayo ang mga trabahador sa polo; dapat
silang bayaran at bayaran agad; hindi dapat maapektuhan
ang taniman at anihan; pagbutihin ang mga sasakyang
dagat upang hindi makapinsala sa seguridad at kalusugan
ng mga manggagawa.
• Ukol sa tributo: hikayatin ang mga Pilipino na magbayad…

! 44
!

… 5. Hari • …ng tributo; dapat katamtaman lamang ang singil at


nanggagaling sa mismong lugar.

Pagtataya
1. Ipasulat sa mga estudyante ang kahulugan at katangian ng
kolonyalismo, mga halimbawa ng pamamaraang ginamit ng Espanya sa Pilipinas,
at ang epekto ng kolonyalismo sa mga nasasakupan.

Ang kolonyalismo ay ang pagsakop, paglawak, at pamamahala ng isang estado


sa ibang teritoryo.
Katangian • Ipinatutupad nito ang sariling interes ng mananakop.
• Pinakikinabangan ang mga yamang-likas at ang
pagtatrabaho ng nasakop na populasyon.
• Kadalasang mapang-abuso ang relasyon ng mga
mananakop at mga nasakop.
Pamamaraan ng • Kristiyanisasyon
Espanya sa • Reducción
Pilipinas • Tributo
• Polo
Epekto Hindi umuunlad ang buhay ng nasakop na populasyon dahil
sa pangingibabaw o pangunguna ng interes at layunin ng
mananakop.

2. Maaari ring atasan ang mag-aaral na sumulat sa hari ng Espanya


upang
a. Ihayag ang kanilang pagtutol sa reducción o tributo at polo;
b. Ipaliwanag ang mga dahilan ng kanilang pagtutol; at
c. Ilahad ang mga rekomendasyong magbibigay ng solusyon sa mga
suliranin.

Hindi lalabis sa isang pahina ang haba ng liham. Kung may oras,
maaaring ipabahagi sa klase ang mga sulat.

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul


Nabuo na ng klase ang lahat ng modyul para sa unang markahan ng
Araling Panlipunan, na nag-umpisa sa sinaunang panahon at nagtapos sa
pagtatag ng kolonyang Espanya sa Pilipinas. Sa susunod na markahan ay
susuriin ang iba pang primaryang sanggunian tungkol sa paghubog ng
kamalayang Pilipino, mula sa mga pag-aalsa laban sa iba’t ibang pamamaraang
kolonyal hanggang sa rebolusyon para sa kalayaan.

! 45
Markahan 2 Pagsibol ng Kamalayang Pilipino
Gabay ng Guro 1 Pag-aalsa Laban sa Pang-aabuso
Gawain 1. Pag-aalsa ni Tamblot, 1621-1622
2. Pag-aalsa ni Maniago, 1660
3. Mga pag-aalsang agraryo sa mga Tagalog na probinsya,
1745
Oras Lima (5)

G ABAY NG G URO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan


Inaasahang mauunawaan ng mag-aaral ang konteksto ng mga pag-aalsa
laban sa Espanya, ang dahilan ng mga ito, kung sinu-sino ang namuno at
lumahok sa mga pagkilos, ang takbo ng kanilang kilos at epekto nito sa mga
Pilipino. Ang mga ito ay tatalakayin bilang balangkas sa pagsusuri ng mga sipi
ukol sa pag-aalsa. Kaugnay ito sa mga tema ng Araling Panlipunan.

• Tao, Lipunan at Kapaligiran


• Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa
• Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
• Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala
• Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo

Sa pamamagitan ng mga tema at sipi, inaasahan ding mauunawaan ang


historikal na kahalagahan ng mga pag-aalsa. Sa pagsusuri ng mga ulat ng mga
prayle at opisyal na Espanyol, magkakaroon ang mag-aaral ng pagkakataong
matutunan ang sumusunod na kakayahan.

Pangkalahatang
Tiyak na Kakayahan
Kakayahan
Nakauunawa ng • Naipaliliwanag ang konteksto ng mga pag-aalsa
ugnayang sanhi at • Natutukoy ang mga historikal na aktor sa mga pag-
epekto aalsa
Nakasusuri ng sipi ng • Nailalarawan sa sariling salita ang kilos ng mga
mga primaryang lumahok sa pag-aalsa at ang reaksyon ng mga
sanggunian tungkol Espanyol
sa pag-aalsa • Nakauunawa ng sanhi at epekto ng mga pag-aalsa
• Base sa mga sanggunian, naipaliliwanag kung bakit
hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pag-aalsa…
Naipaliliwanag ang …sa kasaysayan ng Pilipinas
kalahagahan ng mga • Nakakukuha ng datos mula sa mga salaysay
pag-aalsa sa • Nakahihinuha mula sa mga salaysay
kasaysayan ng • Nakagagawa ng buod ng impormasyon mula sa iba-
Pilipinas ibang sipi
• Nailalahad ang impormasyon sa maayos na paraan
• Natatalakay ang resulta ng pagsuri ng mga sipi

Gawain 1. Pag-aalsa ni Tamblot, 1621-1622


1. Impormasyon mula sa sipi ni Francisco Leandro de Viana, 1765

a. Kadalasan o dami Mula 1521 hanggang 1765, halos lahat ng mga lalawigan
ng pag-aalsa ay nag-alsa

b. Impormasyon • Masasabing hindi naging mapayapa ang proseso ng


nakuha at kolonisasyon. Nagkaroon ng malakas at maraming
nahinuha mula sa pagtututol ang mga Pilipino.
sipi • Hindi pinansin ang dahilan ng mga Pilipino sa pag-
aalsa. Bagkus ay lalo pang pinaigting ng mga
Espanyol ang kanilang pagsupil sa pamamagitan ng
pagtaas ng tributo.

2. Pagsusuri ng sipi hinggil sa pag-aalsa ni Tamblot

Konteksto Naganap ang pag-aalsa sa Bohol noong 1621-1622 habang


karamihan ng mga pari ay nasa Cebu upang ipagdiwang ang
beyatipikasyon ni San Francis Xavier.
Aktor Tamblot kasama ang isa o dalawa pang paring katutubo (pari ng
mga diwata) at apat na nayon
Sanhi • Ibig bumalik ng mga katutubo sa dati nilang relihiyon at
talikuran ang Katolisismo.
• Naniwala ang mga rebelde na kung bumalik sila sa dati nilang
relihiyon, giginhawa ang kanilang buhay.
Pagkilos • Nag-alsa ang apat na bayan sa islang Bohol; ang Loboc at
Baclayon lamang ang hindi lumahok sa pag-aalsa.
• Pumunta sa Bohol si Juan de Alcarazo, alcalde-mayor ng
Cebu, para supilin ang pag-aalsa, ngunit hindi pumayag ang
mga rebelde. Sinunog nila ang apat na nayon at mga
simbahan nito. Inihagis nila sa lupa ang mga rosaryo at krus
at sinaksak ng 18 beses ang imahen ng Birhen Maria.
… Pagkilos • Sinalakay ang mga nag-aalsang Pilipino ng 50 Espanyol at
isang libong alyadong Pilipino sa unang araw ng 1622. Inatake
ng 1,500 na rebelde ang puwersang Espanyol ngunit sinagot
ito ng mga superyor na armas ng mga Espanyol.
• Tumakbo sa bundok ang mga nag-aalsa at dito nakita ng mga
Kastila ang isang pamayanan, templo ng mga diwata,
maraming pagkain at alahas na gawa sa ginto at pilak. Nasupil
ang pag-aalsa.
Epekto • Binitay ang ilang rebelde at pinatawad ang iba.
• Nasupil ang pag-aalsa sa mga karatig na nayon at isla. Iginiit
ng Espanya ang kanyang kapangyarihan.
• Ang mga nakatakas ay nanatili sa bundok.

Gawain 2. Pag-aalsa ni Maniago, 1660


Pagsusuri ng sipi mula kay Casimiro Diaz ukol sa pag-aalsa ni Maniago

Konteksto Naganap ang pag-aalsa sa Pampanga noong Oktubre 1660.


Mahalaga ang papel ng Pampanga sa kalakalan sa pagitan ng
Maynila at Pampanga.
Aktor Si Francisco Maniago na tubo ng Mexico, Pampanga, na siyang
pinuno ng lugar at kinatawan ng hari ng Espanya, ang lider ng
pag-aalsa. Kasama niya ang kanyang mga kababayan.
Sanhi • Nag-alsa ang mga naglalagari ng kahoy dahil sa hindi
magandang pagtrato sa kanila. Halimbawa, hindi sila
binabayaran ng sahod.
• Samakatuwid, ang sanhi ng pag-aalsa ay ang polo.
Pagkilos • Sinunog ng mga rebelde ang kanilang mga tirahan at hinarang
ang daloy ng ilog upang pigilan ang kalakalan sa pagitan ng
Maynila at Pampanga.
• Sumulat sila sa mga lalawigan ng Pangasinan at Ilocos upang
hikayatin ang mga ito na mag-alsa laban sa Espanya at patayin
ang mga Espanyol sa kani-kanilang mga lalawigan.
Epekto • Humiling ng amnestiya ang mga nag-alsa sa pamamagitan ni
Padre Andres de Salazar. Ibinigay ni Gobernador-Heneral
Manrique de Lara ang amnestiya at nag-alok ng bahagi ng
bayad na hinihingi ng mga rebelde.
• Ngunit noong isinalin sa wikang katutubo ang amnestiya ay
ibinaliktad ang mga salita at binago ang nilalaman; kaya’t nag-
alsa muli ang mga rebelde.
Gawain 3. Mga Pag-aalsang Agraryo sa mga Tagalog na
Probinsya, 1745
Pagsusuri ng sipi mula kina Pedro Calderon Enriquez, 1739; Juan de la
Concepcion, 1788-1792; at Haring Felipe V, 1751

Konteksto Naganap ang pag-aalsa sa mga Tagalog na probinsiya noong 1745.


Sa mga lalawigang ito, malalaki ang lupaing pag-aari ng mga
prayleng Espanyol, kung saan ipinagbayad ang mga magsasaka ng
renta hindi lamang para sa lupang sinasaka kundi pati na rin sa
lupang kinatatayuan ng kanilang bahay.
Aktor Sa panig ng Espanya, mga prayleng Hesuwita, Dominikano, at
Agostino
Sa panig ng mga Pilipino, ang mga magsasaka sa lupain ng mga prayle
sa Parañaque, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at ibang Tagalog na
lugar
Sanhi • Pagkamkam ng mga relihiyoso ng lupa ng mga katutubo
• Pagbawal sa mga magsasaka na kumuha ng kahoy, prutas at
iba pang pangangailangan sa mga burol, gubat, at ilog dahil
itinuring ang mga ito na pag-aari ng mga prayle; o ang
pagsingil sa pagkuha ng mga pangangailangan
• Pagbawal sa paggamit ng lupa at burol para sa pastulan
Pagkilos • Lumaban ang mga magsasaka ng Batangas, Cavite at iba pang
probinsiyang Tagalog kung saan hawak ng mga prayle ang
malalaking lupa.
• Sa Batangas, sinunog ang mga bahay ng Heswita at ibang mga
gusali.
• Kumalat ang pag-aalsa sa ibang bayan.
Epekto Inutos ng gobyerno (hari) ang sumusunod:
• Pagtigil sa pagbabayad ng mga magsasaka ng di
makatarungang buwis
• Pagbalik ng titulo ng mga lupang kinamkam ng mga prayle
• Pagbigay sa mga magsasaka ng mga lupang kinamkam ng mga
relihiyoso
• Deklarasyon ng ilang lupain bilang pag-aari ng hari
• Imbestigasyon ng mga anomalyang may kaugnayan sa pagsukat
ng lupa sa Laguna na pag-aari ng mga prayleng Dominikano
Pagtataya
Sabihin sa klase na pagbalik-aralan ang mga sipi at tsart sa tatlong
gawain upang sagutin ang matrix sa ibaba na nagsisilbing buod ng modyul.

1. Mga sanhi ng pag-aalsa laban sa 2. Bakit hindi nagtagumpay ang mga


Espanya pag-aalsa
a. Mithiing bumalik sa relihiyon ng a. Paggamit ng mga Pilipino laban sa
mga ninuno kapwa Pilipino upang supilin ang
b. Pagtutol sa sapilitang pagtrabaho pag-aalsa
o polo b. Superyor na armas ng mga Espanyol
c. Pagkamkam ng mga relihiyoso ng (halimbawa, mga riple laban sa mga
mga lupang pag-aari ng mga sibat at itak ng mga Pilipino)
katutubo at pagbawal sa pagkuha c. Paggamit ng mga relihiyoso bilang
ng mga yamang gubat tulad ng tagapamagitan ng mga katutubo at
kahoy, rattan, kawayan, prutas, at pamahalaang Kastila
yamang ilog d. Kawalan ng kamalayang Pilipino,
d. Pagbawal na magpastol sa mga kaya hiwa-hiwalay ang pag-aalsa at
burol naging madaling supilin

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul


Mahalaga ang mga pagtutol ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraang
pananakop, ngunit hindi pa nahuhubog ang kamalayang kumikilala sa
kahalagahan ng pagsasarili. Sa mga susunod na modyul, aaralin ang pagbuo ng
kamalayang ito.
Markahan 2 Pagsibol ng Kamalayang Pilipino
Gabay ng Guro 2 Iba-Ibang Mukha ng Progreso
Gawain 1. Ang ideya ng progreso sa kasalukuyan
2. Pagsuri sa mga ideya ng progreso sa siglo 19
3. Tatlong mukha ng progreso: Sinibaldo de Mas, Gregorio
Sancianco, at Juan Luna
Oras Pito (7)

G ABAY NG G URO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan


Layunin ng modyul na maunawaan ang mga ideya ng progreso o pag-
unlad mula sa iba’t ibang pananaw—ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba—
base sa mga nakasulat at biswal na sanggunian. Bibigyang interpretasyon ang
mga pananaw nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna, at
ilalahad ang mga ito sa isang talumpati matapos suriin ang kanilang mga akda.
Itong mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling Panlipunan.

• Tao, Lipunan at Kapaligiran


• Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
• Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal
• Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo

Sa pamamagitan ng mga gawain, sasanayin ang mga kakayahan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan


• Nakauunawa ng iba- • Nabibigyang kahulugan ang ideya ng progreso
ibang konsepto ng mula sa iba’t ibang panahon
progreso sa ika-19 na • Naipaliliwanag ang pananaw ng bawat may-akda
siglo ng sanggunian tungkol sa progreso
• Nakasusuri ng mga • Naipaliliwanag kung bakit iba-iba ang kanilang
pasulat at biswal na pagtingin
primaryang sanggunian • Naisasaayos ang kanilang mga ideya sa concept
map at iba pang graphic organizer
• Nakasasagot ng tanong tungkol sa iba-ibang
pananaw
• Naihahayag at naipaliliwanag sa maayos at
kaakit-akit na talumpati ang mga pananaw na ito
base sa interpretasyon ng kanilang mga nilikha.
!

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan


• Nakapaghahambing ng • Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang
iba-ibang pananaw maunawaan ang historikal na konteksto ng
• Nakauunawa sa sanggunian at ang motibo at pananaw ng may-
konsepto ng pananatili akda
at pagbabago • Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor
o manlilikha
• Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagkilala sa punto de bista ng awtor/manlilikha
• Nakakukuha ng datos mula sa iba’t ibang
primaryang sanggunian
• Nakahihinuha mula sa datos o ebidensya
• Nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling
salita
• Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto
• Nakapaghahambing ng impormasyon mula sa
mga sanggunian at nakikilala ang mga punto ng
pagkakasundo at di pagkakasundo
• Nasusuportahan ang sariling interpretasyon base
sa impomasyong nakuha at nahinuha
• Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon
ng impormasyon
• Nakasasagot ng tanong base sa angkop at sapat
na ebidensya
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng progreso sa
kasalukuyang panahon
• Naihahambing ang kahulugang ito sa kahulugan
noong ika-19 na siglo
• Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba sa
konsepto ng progreso noon at ngayon
• Nakauunawa ng kahalagahan ng historikal
konteksto at personal na background ng may-
akda sa paghubog ng kanyang pananaw tungkol
sa progreso
• Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at
paggalang sa mga may ibang pag-iisip kahit
hindi ito sumasang-ayon sa sariling ideya,
posisyon o pagtingin

! 52
!

Gawain 1. Ang Ideya ng Progreso sa Kasalukuyan


Mga halimbawa ng progreso

• Grupo 1: Progreso sa bahay • Grupo 4: Progreso sa bansang


• Grupo 2: Progreso sa paaralan Pilipinas
• Grupo 3: Progreso sa probinsya • Grupo 5: Progreso sa mundo

Grupo 1: Progreso sa bahay

Tan da n g Prog reso Pa k i n aban g

Mas madaling
Mas malaking gawin ang mga
bahay para sa trabaho sa bahay
pamilya dahil may lugar
na

Mga appliance at Gagaan at bibilis


iba pang mga ang gawaing
gadget P ROGRESO bahay

Pagpasok ng Makakukuha ng
isang kapatid sa trabaho matapos
mataas na ng pag-aaral at
paaralan o makatutulong sa
kolehiyo sarili at sa
pamilya

! 53
Grupo 2: Progreso sa paaralan

Tan da n g Prog reso Pa k i n aban g

Malaking silid- Lalawak ang


aklatan na may pagkatuto ng mga
maraming libro mag-aaral

Dadali ang
proseso ng pag-
Computer sa mga
aaral; mas
silid-aralan
P ROGRESO maraming
magagawa

Magkakaroon ng
isa pang paraan
Internet na
ng pagkatuto at
pasilidad
bibilis ang
komunikasyon

! 54
!

Grupo 3: Progreso sa probinsiya

Tan da n g Prog reso Pa k i n a ban g


Magiging mas
mabilis ang
Mga daan at biyahe,
tulay mararating ang
iba pang lugar, at
menos sa oras

Gaganda ang
kalusugan ng
Modernong
mamamayan at
ospital
P ROGRESO komunidad

Magkakaroon ng
Industriya at
trabaho ang mga
pagawaan
tao sa lugar

! 55
!

Grupo 4: Progreso sa bansa

Tan da n g Prog reso Pa k i n aban g

Trabaho para sa
Industriya sa
lahat at pag-ahon
bawat lalawigan
sa kahirapan

Pantay-pantay na
Sapat na
oportunidad para
paaralan at
matuto,
klasrum para sa
makakuha ng
lahat ng bata P ROGRESO
trabaho, maging
produktibo sa
buhay, at
tumulong sa
kapwa

Kontentong
Mabisa at malinis mamamayan,
na pamamalakad katahimikan sa
sa gobyerno lipunan, pagtugon
sa mga problema
at
pangangailangan
ng tao

! 56
Grupo 5: Progreso sa mundo

Tan da n g Prog reso Pa k i n aba n g

Mas madali at
Social networking
mabilis na
tulad ng
komunikasyon;
Facebook at
pagkakaroon ng
Twitter
mga kaibigan sa
ibang bansa;
paglalahok sa
mga kampanya
para sa kalikasan
at iba pa

Paglunas sa
Pagsulong ng malulubhang sakit
agham at katulad ng
medisina kanser; mas
P ROGRESO
mahabang buhay

Paghanap ng
solusyon sa iba’t
Pagkalat ng ibang suliranin;
kaalaman
mas aktibo at
responsableng
mga mamamayan
at lipunan

! 57
!

Gawain 2. Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19

1. Grupo 1: Sinibaldo de Mas

Tungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuha


a. Edukasyon • Limitahan ang edukasyon • Ang paaralan sa bawat
sa primaryang paaralan bayan ay nasa
kung saan ituturo ang 3R pamamalakad ng
upang manatiling mas prayle.
mababa ang mga Pilipino • Limitado ang
kaysa sa mga Espanyol. edukasyon ng
• Ang mga kolehiyo sa kababaihan.
Maynila—na para lang sa • Ang hindi pagturo ng
lalaki—ay dapat isara. wikang Espanyol ay
• Huwag ituro sa mga isang instrumento
Pilipino ang wikang Kastila upang makontrol ang
dahil maaaring gamitin ito mga Pilipino.
upang hamunin o
kalabanin ang mga prayle
at alkalde.

b. Pamamahala ng • Dapat may prayleng • Ang parokya ay


mga parokya o Espanyol sa bawat bayan. basehan ng
simbahan • Huwag ibigay ang mga kapangyarihan ng
parokya sa mga paring prayle.
Pilipino. • Mababa ang pagtingin
ng mga prayle sa mga
paring Pilipino.

c. Pananamit ng • Dapat magkaiba ang • Kamiseta at salakot


mga Espanyol pananamit ng mga ang karaniwang suot
at Pilipino Espanyol sa damit ng ng mga Pilipino.
mga Pilipino at mestizo. • Bihirang gumamit ng
• Ang mga hepeng Pilipino kerchief (panyong
lamang ay maaaring itinatali sa leeg) ang
gumamit ng coat mga Pilipino.
(amerikana). • Pati ang pananamit ay
naging tanda ng
pagkakaiba at
diskriminasyon laban sa
mga Pilipino.

! 58
!

d. Pagtrato ng • Ang purong Espanyol • Ang Pilipino ay itinuring


mga Pilipino at lamang ang dapat ituring na mababang uri ng
Espanyol sa na marangal. tao at hindi dapat
isa’t isa • Dapat tumigil sa anumang itratong kapantay ng
gawain ang Pilipino o Espanyol.
mestizo kapag makita ang • Ang di pagkapantay-
isang Espanyol (maliban pantay ng Pilipino’t
sa Maynila). Espanyol ay isang
• Kung nakaupo ang matingkad na katangian
Pilipino, dapat siyang ng kolonyalismo.
tumayo kapag dadaan sa
harap niya o kakausapin
siya ng isang Kastila.
• Hindi dapat payagang
umupo ang Pilipino o
mestizo sa bahay ng
isang Espanyol at lalong
hindi dapat makikain sa
mga ito.
• Kung may Pilipinong
lalaban sa isang Kastila,
kahit upang ipagtanggol
ang sarili, dapat siyang
parusahan. Buong buhay
siya dapat magtrabaho sa
gawaing pampubliko.

e. Ano ang inaasahang epekto ng kanyang mga rekomendasyon?


• Lalakas ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas at patuloy na
mangingibabaw ang mga prayle at opisyal na Kastila.
• Mananatili ang mga Pilipino sa mababang antas ng kabuhayan at
kakayahang intelektuwal.

f. Ano ang pangkalahatang pananaw ni Sinibaldo de Mas tungkol sa progreso?


• Para kay Sinibaldo de Mas, ang progreso ay ang patuloy na pagkontrol ng
mga Espanyol sa halos lahat na aspeto ng buhay ng mga Pilipino upang manatili
ang Pilipinas bilang kolonya ng Espanya. Sa ganitong paraan lamang
uunlad ang Pilipinas.

! 59
!

2. Grupo 2: Gregorio Sancianco

Tungkol sa Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa sanggunian


a. Mga balakid sa Hindi pinagtuunan ng pansin ang mga gawaing pang-
pagsulong ng agrikultura. Halimbawa:
agrikultura • Maraming restriksyon sa pagbenta at pagkalat ng
mga produkto.
• Wala o kulang ang kalye o daan mula sa bukid
patungo sa palengke.
• Hindi sapat ang presyo sa palengke upang mabawi
ng magsasaka ang kanyang gastos.
• Nakasama sa magsasaka ang monopolyo sa tabako
dahil sapilitan itong ipinatanim at ang presyo ay
itinakda pa ng gobyerno.
• Kung mayroon mang labis na ani, mababa ang
presyo nito sa palengke kung ikumpara sa Maynila.
b. Epekto ng mga • Hindi makatrabaho nang masigasig ang magsasaka
balakid na ito sa dahil sa kawalan ng insentibo o tulong mula sa
kalagayan ng gobyerno at dahil sa iba’t ibang restriksyon sa
ekonomiya kalakalan.
• Naghirap ang mga Pilipino.
c. Mga dapat gawin • Alisin ang mga limitasyon sa pangangalakal ng mga
upang lutasin ang produkto.
mga problema sa • Gumawa ng daan mula sa bukid patungo sa
ekonomiya palengke.
• Itigil ang monopolyo sa tabako o ayusin ang mga
tuntunin nito.

d. Ano ang pananaw ni Sancianco tungkol sa progreso?


• Para kay Sancianco, ang progreso ay ang pag-unlad ng mga Pilipino sa
kanilang kabuhayan. Mangyayari ito kung makaaani nang sapat, maging
maayos at mas madali ang pagbenta ng ani sa palengke, at payagan ang
malayang pangangalakal ng mga produkto sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas.

e. Ano ang inaasahang resulta sa ekonomiya ng Pilipinas at sa buhay ng mga


Pilipino kapag naisagawa ang mga hakbang na sinabi ni Sancianco?
• Gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas at aangat ang buhay ng mga Pilipino.
Ito ay dahil lalakas ang kalakalan, tataas ang presyo ng bentahan ng ani
sa palengke, at mahihikayat ang magsasaka na pataasin ang produksyon.

! 60
!

3. Grupo 3: Juan Luna

a. Sino sa inyong • Babae sa kaliwa: Espanya, dahil maputi at


palagay ang matangkad, kanluranin ang damit at ayos ng
kinakatawan ng buhok, at inaakay niya ang babae sa kanan
babae sa kaliwa at (Pilipinas)
babae sa kanan? • Babae sa kanan: Pilipinas, dahil nakasuot ng
Bakit? baro’t saya, kayumanggi ang balat, mas mababa
kaysa sa babae sa kaliwa, at ginagabayan siya
ng babae sa kaliwa (Espanya)
• Batay sa pamagat ng kwadro na España Y
Filipinas (“Espanya at Pilipinas”), masasabing
kinakatawan ng dalawang babae ang dalawang
bansa.
b. Bakit inaakay ang • Inaakay ang babae sa kanan (Pilipinas) upang
babaeng nasa gabayan siya ng babae sa kaliwa (Espanya).
kanan? Ano ang • Nangangahulugan itong ginagabayan ng Espanya
kahulugan nito? ang Pilipinas.
c. Ano sa inyong tingin Itinuturo ng babae sa kaliwa (Espanya) ang liwanag o
ang itinuturo ng simbolo ng progreso na nasa kanilang harapan.
babae sa kaliwa?
d. Ano ang kahulugan Ang hagdan ay antas ng pag-unlad o progreso. Nasa
ng hagdan? unang hagdan lang ang Pilipinas; malayo pa siya sa
itinuturong liwanag o progreso.
e. Ano kaya ang ibig Maaaring simbolo ito ng pagkakaibigan sa pagitan ng
sabihin ng mga Espanya at Pilipinas at ng katahimikan ng panahon.
bulaklak sa hagdan?
f. Paano makakamit Naniniwala si Luna na ang progreso ay ipagkakaloob
ang progreso sa ng Espanya sa Pilipinas. Kung susunod ang Pilipinas
punto de bista ni sa mga pagbabagong nagaganap sa Espanya, uunlad
Luna? din ito katulad ng Espanya.

! 61
!

Gawain 3. Tatlong Mukha ng Progreso: Sinibaldo de Mas,


Gregorio Sancianco, at Juan Luna
Rubric sa pagtataya ng talumpati

Mahusay Sapat Kaunti Kulang


9-10 7-8 5-6 0-4 na
puntos puntos puntos puntos
Naunawaan at nagamit nang wasto sa
talumpati ang kahulugan ng progreso
ayon sa tao na kinakatawan

Naipakita sa talumpati ang mga


balakid at paraan patungo sa
kaunlaran ayon sa iniatas na punto
de bista

Naisulat ang talumpati sa isang


kaakit-akit na paraan at gumamit ng
mga batayang tuntunin ng epektibong
komunikasyon

Pagtataya
Ipagawa sa mga estudyante ang buod ng mga ideya ng progreso nina
Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna. Dapat nilang gamitin ang
sarili nilang salita sa pagsagot ng tsart sa ibaba.

1. Ano ang progreso para kay


a. Sinibaldo de Mas b. Gregorio Sancianco c. Juan Luna
Ang progreso ay ang Ang progreso ay ang Ang progreso ay
patuloy na pagkontrol ng pag-unlad ng mga Pilipino liwanag na maaaring
mga Espanyol sa halos sa kanilang kabuhayan, mangahulugan na
lahat na aspeto ng buhay sa agrikultura at kalakalan kaalaman, kalayaan at
ng mga Pilipino upang upang guminhawa ang mga bagong ideya at
manatili ang Pilipinas buhay ng mga Pilipino. pamamaraan.
bilang kolonya ng Espanya.

! 62
!

2. Paano makakamit ang kaunlaran ng Pilipinas?


a. Sinibaldo de Mas b. Gregorio Sancianco c. Juan Luna
Uunlad ang Pilipinas kung Mangyayari ito kung Uunlad ang Pilipinas
mananatili • makaaani nang sapat; kung
• ang kontrol ng mga • may maayos at mas • matatamasa niya
prayle; madaling paraan ng ang mga
• ang di pagkakapantay- pagtinda ng ani sa pagbabagong
pantay na ugnayan ng palengke, at nagaganap sa
mga Pilipino at • papayagan ang Espanya; at
Espanyol; at malayang pagbenta ng • magkasama ang
• ang limitadong mga produkto sa iba- Pilipinas at Espanya
edukasyon ng mga ibang bahagi ng patungo sa
Pilipino. Pilipinas. progreso.

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul


Ang mga repormang hinangad nina Sancianco at Luna ay naging bahagi
ng kilusang reporma ng mga Pilipino sa Espanya. Sa pamamagitan ng pagsulat,
inihayag ng mga propagandista ang mga repormang makatutulong sa pagsulong
ng Pilipinas. Tatalakayin ang mga repormang ito sa susunod na modyul.

! 63
!

Markahan 2 Pagsibol ng Kamalayang Pilipino


Gabay ng Guro 3 Kilusang Propaganda
Gawain 1. Mga repormista at kanilang adhikain
2. Mga problema ng kolonya ayon sa propagandista
3. Sariling dyaryong pampropaganda
Bilang ng oras Pito (7)

G ABAY NG G URO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan


Nilalayong ipakilala ng modyul ang sumusunod:

1. Mga repormista (na tinawag na ilustrado) at ang kanilang simulain


2. Mga problema ng kolonya sa siglo 19 ayon sa pananaw ng mga
repormista (na ang tawag din ay propagandista)
3. Layunin at pamamaraan ng Kilusang Propaganda
4. Papel at kahalagahan ng kilusan sa paghubog ng kamalayang Pilipino

Kaugnay ang nilalaman ng modyul sa sumusunod na tema ng Araling


Panlipunan.

• Tao, Lipunan at Kapaligiran


• Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
• Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa
• Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
• Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal

Sa pag-aaral ng mga paksa at tema, sa pamamagitan ng iba’t ibang sipi,


matututunan ng mag-aaral ang mga kakayahan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan


• Nakauunawa ng • Nabibigyang kahulugan ang salitang ilustrado
konsepto at layunin • Nakatutukoy ng mga ilustrado na kasapi ng
ng reporma sa ika-19 Kilusang Propaganda
na siglo • Nabibigyan ng historikal na konteksto ang
pagkakatatag at simulain ng Kilusang Propaganda

! 64
!

Pamantayan sa
Kakayahan
Pagganap
• Naipaliliwanag ang • Nakasasabi at nakauunawa ng mga layunin at
layunin, tunguhin at adhikain ng Kilusang Propaganda
paraan ng Kilusang • Naipaliliwanag ang mga repormang hiniling ng
Propaganda mga repormista
• Nakauunawa ng mga • Nakauunawa ng papel ng mga propagandista sa
problema ng siglo 19 pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19
• Nakapag-uugnay ng • Naipaliliwanag sa sariling salita ang mga suliranin
mga problema noon ng siglo 19 at mungkahing reporma sa
sa kasalukuyan pamamagitan ng sariling dyaryo
• Nakagagawa ng • Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga problemang
sariling dyaryo bilang ito at ang kanilang epekto sa mga Pilipino
aplikasyon ng mga • Nakapagtataya ng papel ng mga propagandista sa
natutunan sa modyul pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19
• Mapanuring nakababasa ng satiriko at sipi ng
mga sanaysay
• Nakapagsusuri ng mga sipi at nakasasagot ng
tanong tungkol sa punto de bista at nilalaman ng
mga ito
Naihahayag ang personal na saloobin tungkol sa
sinasaad ng mga manunulat

Gawain 1. Pagpapakilala sa mga Repormista at Kilusang


Propaganda
1. Halaga o gamit ng dyaryo (lokal o pahayagan ng paaralan) sa
pang-araw-araw na buhay

!
• Ginagamit ang dyaryo bilang pinagmulan ng impormasyon
tungkol sa nangyayari sa bayan at sa komunidad sa iba-
ibang larangan ng buhay katulad ng pulitika, ekonomiya,
kultura, at libangan.

• Makukuha rin sa dyaryo ang opinyon ng mga kolumnista at


mambabasa tungkol sa mahahalagang isyu.

• Sa pagbabasa ng dyaryo, nagiging bahagi ng bayan at


komunidad ang mambabasa dahil nalalaman niya ang
nangyayari at sa ganitong paraan ay nakikiisa siya sa mga
isyu o suliraning hinaharap at maaari rin maging bahagi ng
solusyon.

! 65
!

2. Sipi mula sa La Solidaridad, 1889: batayang impomasyon

Tanong Bahagi ng Petisyong Binilugan o Kinulayan


a. Sino ang sinulatan ng liham- Unang linya ng petisyon (Ministro ng
petisyon? Kolonya)
b. Sino ang mga pumirma sa Mga pangalan sa huling talata ng petisyon
liham-petisyon? (Miguel Morayta, Galicano Apacible atbp.)
c. Ano ang mga nasyonalidad Unang talata ng liham (mga Pilipino at
ng mga pumirma? Espanyol sa Espanya)
d. Ano ang hiningi ng mga Ikatlong talata (representasyon sa Cortes,
pumirma sa petisyon? pagtigil sa pagbawal ng pahayagan at mga
publikasyon, at pagtigil sa pagtapon ng
mamamayan)
e. Ano ang ginamit na batayan Ikalawang talata (sa pagsulong ng Pilipinas
ng mga nagpetisyon para ay naging kapantay na siya ng ibang mga
isulong ang kanilang probinsiya ng Espanya)
hinihiling?

3. Sipi mula sa La Solidaridad, 1889: pagsuri ng nilalaman

a. Bakit sumulat sa Ministro Sa tingin ng mga sumulat, hindi sila papansinin ng


ng Kolonya sa Espanya pamahalaan sa Maynila, kung kaya sa Ministro
at hindi sa opisyal na mismo sila nagpetisyon. Inakala nilang mas
nasa Pilipinas? pakikinggan sila kung ang kinatawan ng Hari sa
Espanya mismo ang kanilang susulatan.
b. Ano kaya ang impact ng Maaaring mas makikinig ang opisyal ng Espanya
sulat kung may mga kung makita niyang may kapwa Espanyol na
Espanyol ding pumirma nakikisimpatya sa petisyon.
sa hinihinging
pagbabago?
c. Anong mga benepisyo a. Magiging pantay ang karapatan ng mga Pilipino
ang makukuha ng at mga Espanyol.
Pilipinas sa mga b. Sa pamamagitan ng kinatawan sa Cortes,
repormang hiningi sa makalalahok ang Pilipinas sa pagbuo ng batas
petisyon? na makaaapekto sa kanya.
c. Maihahayag nang malaya ang mga problema at
perspektibo ng mga Pilipino nang walang takot
na huhulihin o itatapon sila sa ibang lugar.

! 66
!

Gawain 2. Mga Problema ng Kolonya ayon sa Propagandista


1. Grupo 1 at 2: sipi mula kay Marcelo H. del Pilar

a. Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa Monarchism in


the Philippines

Talata Gabay na Tanong Sagot


a. Aling salita ang nagsasaad “the friar handles the Filipino as he
ng lawak ng kontrol ng mga pleases”
prayle sa mga Pilipino?
1 b. Anong aspeto ang hinayaan Hinayaan ng gobyerno sa mga prayle
ng gobyerno na ang mga paaralan o ang edukasyon
impluwensyahan ng mga at pag-aaral ng mga Pilipino.
pari?
c. Ano ang ginamit na dahilan Ginamit ng mga prayle ang mga
ng mga prayle para sagradong turo at ritwal ng Simbahan
mangolekta ng pera sa mga (halimbawa, sa paglibing).
Pilipino?
2 at 3 d. Bakit nasabing di Nasabing hindi makatarungan ang
makatarungan ang ginawang pangongolekta dahil kahit ang mga
pangongolekta? namatayan at gipit sa pera ay pinilit
magbayad para malibing ang
namatay.
e. Bakit magiging walang silbi Hindi nirereklamo sa korte ang mga
kung ireklamo man sa korte prayle dahil malakas ang
4
ang di makatarungang impluwensiya ng mga ito sa
pangongolekta? pamahalaan at lipunan.

2. Mula sa “Aba Ginoog Barya” ni M. H. del Pilar

• Anong pagmamalabis ng • Ang pagmamalabis ng prayle ay ang


prayle ang inilantad sa sipi? sobrang pagkuha ng pera mula sa tao.
Tukuyin ang mga salita sa • Makikita ito sa mga salitang “aba, ginoong
‘dasal’ na nagpapahiwatig ng barya,” “nakakapuno ng alkansya,” “kaban
pagmamalabis. mong mapusok,” at “santa barya.”
• Para kanino, sa tingin ninyo, Ang ‘dasal’ ay para sa karaniwang tao dahil
ang ‘dasal’ na ito? Sino ang isinulat ito sa Pilipino (at hindi sa Espanyol) at
kausap ni del Pilar? Bakit sa anyo ng isang dasal na kilala ng marami.
mo sinabi ito?
• Mabisa kaya ang paggamit Mabisa ang paggamit ng satiriko dahil katawa-
ng satiriko? Bakit o bakit tawa ito ngunit may sinasabi. Kahit
hindi? ordinaryong tao ay makakaunawa nito.

! 67
!

3. Grupo 3 at 4: sipi mula kay Graciano Lopez-Jaena

Aspeto Anong problema ang nakita sa


a. Pagtupad ng mga • Naging pabaya ang mga opisyal sa pagtupad ng
opisyal sa kanilang kanilang tungkulin, o hindi nila alam kung paano
tungkulin tugunan ang mga problema.
• Walang oras ang gobernador-heneral para sa
pamamahala ng kolonya.

b. Kasanayan ng mga Hindi karapat-dapat sa posisyon o may kakulangan


empleyado ng gobyero sa kasanayan ang mga empleyado ng pamahalaan.

c. Pagpapalit ng mga Nagdulot ito ng korupsyon at pagkalito. Marahil ay


opisyal at empleyado hindi natapos o nasundan ang mga proyektong
nasimulan.

d. Pagtupad sa batas Hindi ipinatupad ang batas sa pag-empleyo ng mga


tungkol sa pag-empleyo Pilipino sa serbisyong sibil.
ng mga Pilipino sa
pamahalaan
e. Kalagayan ng Pilipinas Walang pagbabago o pag-asenso sa pamumuhay ng
sa pangkalahatan mga Pilipino.

f. Sa tingin ninyo, Opo, mayroon pang problemang nananatili


mayroon pa bang hanggang ngayon, katulad ng sumusunod.
problema sa itaas na • Nakikita pa ang korupsyon sa pamahalaan at
nananatili pa rin maging sa ibang aspeto ng buhay.
ngayon? Aling • May mga opisyal at empleyado ng pamahalaan
problema? Magbigay ng na walang sapat na kasanayan sa kanilang
halimbawa. posisyon.
• May mga opisyal at empleyado ng pamahalaan
na naging pabaya sa kanilang tungkulin.
• May mga bahagi pa rin ng bansa na halos hindi
umaasenso ang kanilang kalagayan.

! 68
!

3. Grupo 5 at 6: sipi ni Jose Rizal, “On the Indolence of Filipinos”

a. Ano ang ibig sabihin ni Ito ang damdaming dulot ng pagiging isang bayan
Rizal sa “national katulad ng organismong may mga ugat na
sentiment” (damdaming dinadaanan ng dugo para bumuhay at kumilos nang
pambansa)? isa. Sa damdaming ito ay umiiral ang bayan at
hindi ang indibidwal na tao.
b. Anong mga halimbawa • Ang Pilipino ay isang indibidwal lamang at hindi
ang ibinigay niya upang kasapi ng bansa.
patunayan ang kawalan • Kakaunti ang Pilipinong tumututol sa mga
ng ganitong hakbanging nakakasama sa bayan at kakaunti
kamalayan? rin ang lumalaban para sa kanyang kapakanan.
• Tinatanggap ng mga Pilipinong pinuno ng
munisipyo ang pagmamalabis ng mga prayle at
Kastilang opisyal.
• Interesado lamang ang mga Pilipinong opisyal sa
kanilang kikitain.
c. Sa tingin ni Rizal, bakit • Dahil walang kalayaan sa kolonya—bawal
wala o mahirap hubugin maghayag o magtatag ng asosasyon, halimbawa—
ang kamalayang ito? naging mahina at mabagal ang mga Pilipino at
nahirapan silang bumuo ng mas malawak na
kamalayan.
• Mahirap ding hubugin itong kamalayan dahil sa
pagnanais ng Pilipino sa katahimikan at kawalan
ng gulo o away.
• Mahina ang mga nanungkulan sa mababang
antas ng gobyerno samantalang walang pakialam
ang mga nasa itaas at papalit-palit pa.
• Walang pagkakaisa ang mga Pilipino.
• Sariling interes lang ang habol ng mga lokal na
opisyal na Pilipino.
• Maraming Pilipino ang naghihirap simula pa
lamang ng kanilang pagkasilang.
d. Bakit mahalaga ang • Inasahang magsisilbi itong basehan ng
pagbuo ng damdaming pagkabuklod-buklod ng mga Pilipino.
pambansa sa ika-19 na • Ang sama-samang pagkilos ay susi sa pag-unlad
siglo? ng bansa.
• Mababawasan ang pangungurakot sa gobyerno
kung may damdaming pambansa.
• Pagtutuunan ng pansin ang mga kapos-palad na
kababayan dahil di lang ang sarili ang pag-
iisipan.

! 69
!

e. Sa tingin ninyo, (Pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral at ang


problema pa ba ngayon basehan ng kanilang opinyon.)
ang kawalan ng
damdaming pambansa?
Patunayan ang inyong
sagot.

4. Mga problemang tinukoy ng mga repormista sa siglo 19 na


problema pa rin ngayon

"
• Pangungurakot sa gobyerno (at sa ibang larangan ng buhay)
• Pabago-bagong administrasyon lalo na sa lokal na
pamahalaan, na nakaaapekto sa pagpapatuloy o pagtigil ng
mga proyekto
• Ang hindi pagtupad ng batas
• Ang hindi pagkapantay-pantay na administrasyon ng hustisya
• Mga abusadong opisyal
• Mga empleyado at opisyal sa gobyerno na hindi handa o
walang kakayahan para sa trabaho
• Kahirapan ng tao

Gawain 3. Sariling Dyaryong Pampropaganda


1. Ebalwasyon ng dyaryo

a. Kung buo ang dyaryo

Bahagi ng Dyaryo Grupo 1 Grupo 2 Grupo 3 Grupo 4 Grupo 5 Grupo 6


Pangalan
Logo
Motto
Editoryal
Mga balita
Tula, karikatura,
guhit o ibang
malikhaing akda
Mga sanggunian

! 70
b. Ang nilalaman ng dyaryo (1 bilang pinakamababa at 5
bilang pinakamataas); ang kabuuang marka ay ang average ng lahat ng
marka.

Grupo
Kalidad ng Dyaryo 1 2 3 4 5 6

Malinaw ang paglahad ng editoryal at ng isyung tinalakay;


may halimbawang sumusuporta sa posisyon ng editoryal.
Sapat ang bilang ng mga balita; sinasalamin nito ang mga
pangyayari at problema noong siglo 19; kumpleto ang
detalye ng mga balita.

Malikhain ang tula, sanaysay, o karikatura; sinasalamin


ang panahon ng siglo 19.
Mahusay ang lay-out; malikhain ang kabuuang disenyo
ng pahayagan.
Sumasalamin ang pangalan, logo at motto ng dyaryo
sa adhikain ng Kilusang Propaganda; naipaliwanag sa
klase ang kahulugan ng logo at motto.
Kabuuang Marka:

Pagtataya
1. Ipaliwanag sa klase na hindi naging matagumpay ang Kilusang
Propaganda sa Espanya sa pagkamit ng reporma mula sa pamahalaan. Dahil
dito, may ibang propagandista tulad ni Jose Rizal na minabuting umuwi sa
Pilipinas upang dito isulong ang pagbabago. Sa kanyang pagbalik, itinatag ni
Rizal ang La Liga Filipina, isang asosasyon ng mga Pilipino sa Pilipinas.

2. Ibigay ang konteksto sa ibaba.

!
• Inilunsad ni Jose Rizal ang La Liga Filipina noong 3 Hulyo
1892 sa Tondo, Maynila.
• Kabilang sa naging kasapi nito ay sina Deodato Arellano,
Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Ambrosio Rianzares
Bautista at marami pa.
• Tatlo ang lebel ng konseho sa liga: Konseho Suprema,
Konsehong Panlalawigan, at Konsehong Popular.
• Naging panandalian lamang ang samahan dahil hinuli si Rizal
noong 6 Hulyo 1892 at itinapon siya sa Dapitan sa
Mindanao.
3. Ipabasa ang mga layunin ng La Liga Filipina. Ipagamit ang glosari.

! 1. To unite the whole archipelago into one compact, vigorous and


homogeneous body.
2. Mutual protection in every want and necessity.
3. Defense against all violence and injustice.
4. Study and application of reforms.

Konstitusyon ng La Liga Filipina, sa Vicente Albano Pacis et. al.


(eds.), Founders of Freedom: History of the Three Philippine
Constitutions (Quezon City: Capitol Publishing House, 1971) p. 336.

Glosari

#
Homogeneous … iisa
Mutual protection … pagtatanggol sa isa’t isa
Vigorous … malakas; buhay

4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa sipi.

a. Bakit itinatag ni Itinatag ni Rizal ang liga sa Pilipinas dahil:


Rizal ang liga sa • hindi nakuha ng Kilusang Propaganda ang kanilang
Pilipinas? ikinampanyang reporma sa Espanya; at
• nakita ni Rizal na ang kilusan para sa reporma ay
dapat nakaugat sa Pilipinas, at ang pagbabago ay
dapat ilunsad ng kapwa Pilipino sa Pilipinas mismo.
b. Ano sa palagay mo • Pang-aabuso ng mga prayle
ang karahasan at • Pagpapabaya ng pamahalaang kolonyal sa
kawalan ng hustisya pangangailangan ng mga Pilipino
na itinukoy ng • Pangungurakot at pang-aabuso ng mga opisyal ng
konstitusyon? gobyerno
Magbigay ng tatlong • Kawalan ng kalayaan
halimbawa batay sa • Di pantay na administrasyon ng hustisya
tinalakay sa modyul • Kahirapan ng tao
na ito.
c. Alin sa mga • Kalayaang maghayag
hangarin ng Kilusang • Kalayaang bumuo ng asosasyon
Propaganda sa • Representasyon sa Cortes
Espanya ang nais • Pagbabago sa edukasyon
ipagpatuloy ng liga? • Pagtigil sa mga abuso ng prayle
d. Ano pa kayang mga • Magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino
pagbabago ang • Tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino
nilayon ng liga na • Tumulong sa isa’t isa
may kinalaman sa • Kumilos bilang bansa at hindi bilang indibidwal na
damdaming Pilipino
pambansa na
isinaad ni Rizal?

Transisyon sa Kasunod na Modyul


Hindi man nagtagumpay ang Kilusang Propaganda, naimpluwensiyahan
nito ang Katipunan na itinatag pagkatapos itinapon si Rizal sa Dapitan. Ang
organisasyon ng Katipunan, halimbawa, ay katulad ng istruktura ng La Liga
Filipina. Sa mga unang buwan ng Katipunan ay dinalaw si Rizal ni Pio Valenzuela,
isa sa mga lider ng Katipunan, upang hingin ang kanyang opinyon at payo para
sa pinaplanong himagsikan. Tatalakayin ng susunod na modyul ang rebolusyon
laban sa Espanya.
Markahan 2 Pagsibol ng Kamalayang Pilipino
Gabay ng Guro 4 Himagsikan para sa Kalayaan
Gawain 1. Ang Katipunan at ang pagmamahal sa bayan
2. Deklarasyon ng kalayaan sa Kawit
3. Ang Saligang Batas ng Malolos
Oras Walo (8)

GABAY NG GURO
Gamitin ang gabay hawak ang modyul sa
pagkatuto.

Layunin, Tema at Kakayahan


Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga layunin ng himagsikan at ang
kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Lima ang primaryang sangguniang
susuriin sa mga araling nakapaloob sa modyul:

1. Kahulugan ng pagmamahal sa bayan


2. Layunin ng himagsikan at ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng
Pilipinas
3. Kahulugan ng kalayaan mula sa pananaw ng himagsikan at mga
kaugnay na konsepto katulad ng soberanya at kasarinlan
4. Konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago
5. Konsepto, uri at kahalagahan ng karapatan
6. Kahulugan ng kapangyarihan sa pananaw ng himagsikan

Inaasahang matututunan ang sumusunod na kakayahan.

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan


• Nakauunawa ng kahulugan ng • Naipapakita ang pag-unawa ng
pagmamahal sa bayan pagiging kasapi ng Katipunan sa
• Nakauunawa ng mga aral ng pamamagitan ng pagsagot ng mga
Katipunan at ang kaugnayan nito sa tanong, pagpili ng pangalan, at
kasalukuyan panunumpa bilang katipunero
• Naipaliliwanag ang mga konsepto ng • Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng
kalayaan, kasarinlan at soberanya tula ni Bonifacio tungkol sa
• Nabibigyang kahulugan at pagmamahal sa bayan
kahalagahan ang konsepto ng • Nasusuri ang mga aral (Kartilya) ng
karapatan Katipunan at ang kaugnayan nito sa
• Naipaliliwanag ang konsepto ng kasalukuyan
kapangyarihan base sa mga sinulat
ng mga rebolusyonaryo
!

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan


• Mapanuring nakababasa at • Nakasusuri at nabibigyang
nakasusuri ng mga sipi mula sa interpretasyon ang deklarasyon ng
sinulat ng mga rebolusyonaryo kalayaan, ang kahulugan nito at ang
• Nakapag-uugnay ng mga problema kaugnayan nito sa kasalukuyan
noon at ngayon • Nakakukuha at nakahihinuha ng
• Nakapagtataya ng kahalagahan ng impormasyon mula sa mga
mga simulain ng himagsikan primaryang sanggunian
• Nabibigyang kahulugan ang mga
batayang konsepto ng Saligang
Batas ng Malolos katulad ng
kalayaan, kasarinlan, soberanya,
republika, karapatan
• Nakakukuha at nakapag-uugnay ng
datos mula sa iba't ibang
sanggunian
• Nakapaghahambing ng kahulugan ng
kalayaan mula sa iba-ibang sipi
• Nakabubuo ng heneralisasyon
tungkol na kahalagahan ng kalayaan sa
mga kilusan sa ika-19 na siglo at sa
kasalukuyan
• Nakapag-aayos ng datos mula sa
sanggunian sa isang graphic
organizer at naipapaliwanag ito sa
klase
• Naipaliliwanag ang kaugnayan ng
mga simulain ng himagsikan sa
pagbubuo ng bansa sa kasalukuyan

! 75
!

Gawain 1. Ang Katipunan at ang Pagmamahal sa Bayan


1. Sagot sa mga tanong para sa nais maging miyembro ng Katipunan

Maayos at matiwasay ang


a. Ano ang pamumuhay ng mga Pilipino.
kalagayan ng Mayroon silang mga
Pilipinas bago hanapbuhay tulad ng
dumating ang pagsasaka, pangingisda, at
mga Espanyol? pangangalakal.

Naghihirap ang mga Pilipino.


Pinilit silang lumipat ng
b. Ano ang
tirahan sa proseso ng
kalagayan ng
reducción, magbayad ng
Pilipinas ngayon
tributo at magtrabaho sa
sa panahon ng
polo. Inagaw ang kanilang
Espanyol?
lupa.

c. Ano ang
Magiging malaya ang mga
magiging
Pilipino at giginhawa muli ang
kalagayan ng
kanilang buhay.
Pilipinas kapag
Makapagpapasya sila tungkol
mapatalsik ang
sa sarili nilang buhay.
Espanya?

! 76
2. Mga pangungusap na tumutukoy sa pagmamahal sa bayan
(nakasalungguhit)

K. K. K.
N. M. A. N. B

BRGY.

Aking ipinahahayag na sa kadahilanan ng pagkapasuk ko sa K. K.


K. NG MGA A. N. B. ay naghandog ako ng isang mahalagang
panunumpa sa ngalan ng Bayang tinubuan, at sa harap ng isang
kagalanggalang na kapulungan nitong katipunan, na gugugulin ang
lahat ng maigugugol at lahat ng minamahal ko sa buhay, sa
pagtatangol ng kaniyang banal na Kadahilanan, hanggang sa
abuting magdiwang, sukdang ikalagot ng hininga. Sa bagay na ito,
isinumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kaniyang
Patnugutan at mga kautusan.

Sa katunayan nito, aking itinala ang aking pangalan ng tunay na


dugong tumatagbo sa aking mga ugat sa pahayag na ito.

Ika araw ng buan ng ______________ ng


taong 189__.

Tinaglay ko ang pamagat na __________________________.

3. Sipi mula sa “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio

Para kay Bonifacio Sagot sa Sariling Salita Saknong


a. Ano ang mga • Dalisay a, b,
katangian ng• Dakila c, d
pagmamahal sa• Matatag, pangmatagalan
bayan? • Buong loob
• Hindi makasarili
b. Paano ipinapakita • Inihahandog ang sarili para sa bayan b, c
ang pagmamahal • Ipinagtatanggol ang bayan
sa bayan? • Kung kailangan, pati pamilya ay tatalikuran
upang pagsilbihan ang bayan
Para kay Bonifacio Sagot sa Sariling Salita Saknong
c. Bakit mahalagang Mahalagang mahalin ang bayan dahil ang d
mahalin ang ginhawa ng bayan ay para sa ikabubuti ng
sariling bayan? lahat.

4. Sipi mula sa Kartilya ni Emilio Jacinto

Lahat ng Grupo
Alituntunin (c): Mahalaga ang Kartilya sa Katipunan dahil
Ang kahalagahan ng tao ay • sinaad nito ang kahalagahan ng pagmamahal
hindi nanggagaling sa sa bayan at kapwa at ang mga asal na
kanyang katayuan sa lipunan nagsilbing pundasyon ng bansang Pilipino;
o edukasyon, o kulay ng • nagsilbi itong gabay sa pag-iisip, pagkilos at
kanyang balat at pisikal na ugnayan ng mga miyembro ng Katipunan sa
anyo, kundi sa mabuting asal, isa’t isa;
paninindigan at pagmamahal • ito ang naging basehan ng kanilang
sa bayan. pagkakaisa dahil iisa lang ang tunguhin at
layunin ng kapatiran.
Grupo 1
a. Walang kahulugan at kahalagahan ang isang buhay kung hindi ito iaalay sa
isang makabuluhang layunin na mas malaki sa sarili at sa sariling pamilya at
kaibigan.
b. Hindi dapat gumawa ng mabuting bagay para lamang purihin ng iba kundi
dahil sa sariling pagnanais na gumawa ng kabutihan at kahusayan.
Grupo 2
a. Ang tunay na pagkatao ay makikita sa pagtulong sa kapwa at sa matuwid na
isip at gawa.
b. Lahat ng tao ay pantay-pantay anuman ang talino, pisikal na katangian at
yaman ng bawat isa.
Grupo 3
a. Para sa taong may mabuting kalooban, mas mahalaga ang puri at dangal
kaysa sa pagpapakitang tao.
b. Panindigan ang sariling salita upang magkaroon ng karangalan.
Grupo 4
a. Ang oras ay napakahalaga at hindi maibabalik kapag lumipas; kaya hindi ito
dapat iaksaya.
b. Ipagtanggol ang mga inaapi at labanan ang mga umaapi.
Grupo 5
a. Ang taong matalino ay maingat sa kanyang mga salita at marunong maglihim
kapag kailangan.
b. Sa buhay ang lalake ang nagsisilbing gabay. Kung tatahakin niya ang landas
tungo sa kapahamakan, dito rin tutungo ang kanyang asawa at mga anak.
Grupo 6
a. Ang babae ay dapat ituring na kasama sa bawat hakbang ng buhay. Dapat
siya irespeto tulad ng pagrespeto sa sariling ina.
b. Ang ayaw mong gawin sa asawa, anak, at kapatid mo ay huwag mong gawin
sa asawa, anak, at kapatid ng iba.

Gawain 2. Deklarasyon ng Kalayaan sa Kawit


Sipi mula sa deklarasyon ng kalayaan noong 12 Hunyo 1898

a. Ano ang ibig sabihin ng Ang kalayaan ay ang pagsasarili ng bansa.


kasarinlan o kalayaan? • Hindi na kolonya ang Pilipinas.
• May kakayahan ang Pilipinas na magdeklara ng
digmaan o magpursigi sa kapayapaan.
• Kapangyarihan din niyang makipagsundo sa
ibang bansa at bumuo ng alyansa.
• May kakayahan siyang magtakda ng patakaran
sa kalakalan at lahat ng mga bagay na
ginagawa ng isang independyenteng bansa.
b. Ano ang mga • Puting tatsulok: tanda ng Katipunan
sinisimbolo ng bandila: • Tatlong bituin: Luzon, Mindanao at Panay
kulay, hugis, tatsulok, • Araw: landas na tinahak ng mga Pilipino tungo
araw at bituin? sa progreso at sibilisasyon
• Walong sinag ng araw: mga lalawigang unang
nag-alsa laban sa Espanya (Maynila, Cavite,
Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna,
at Batangas)
• Kulay asul, pula at puti: mga kulay ng bandilang
Amerikano at tanda ng pasasalamat ng Pilipinas
sa Estados Unidos dahil sa itinuring na tulong
nito nang walang pansariling interes o motibo
c. Ano ang kahalagahan • Simbolo ito ng pagsasarili ng isang bansa.
ng bandila sa isang • Ito rin ay pormal o opisyal na simbolo ng
republika? republika sa harap ng mamamayan at sa mundo.
d. Ano ang tingin ng Ang Estados Unidos ay itinuring na kaibigang
Republika ng Pilipinas nagpoprotekta at tumutulong sa Pilipinas.
sa Estados Unidos?
e. Ayon sa mga may-akda Mahalaga ang Estados Unidos dahil sa sumusunod
ng deklarasyon, na pagtukoy sa kanya sa deklarasyon ng kalayaan.
mahalaga ba ang • Dineklara ang kalayaan “sa ilalim ng proteksyon
Estados Unidos sa ng Malakas at Makataong Bansa, ang Estados
Republika ng Pilipinas? Unidos.”
Tukuyin ang bahagi ng • Itinuring ang mga kulay ng bandila ng Estados
siping nagpapatunay ng Unidos na kulay din ng bandila ng Pilipinas
iyong sagot. bilang pasasalamat ng Pilipinas sa pagkakaibigan
ng dalawang bansa.
f. Paano kaya • Sa tingin ng mg lider noon, hindi taliwas ang
ipinagkasundo ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos sa
papel ng Estados kalayaan ng bansa. Naniwala sila na kaalyado
Unidos at ang ng mga Pilipino ang mga Amerikano sa
independensiya ng rebolusyon laban sa Espanya.
bagong republika? Ano • Nakapagtataka lang na inihayag ang kalayaan
ang tingin mo dito? “sa ilalim ng proteksyon” ng dayuhang bansa.
Kung tunay na nagsasarili ang Pilipinas, bakit
siya umasa sa proteksyon ng iba?

Gawain 3. Saligang Batas ng Malolos


Sipi mula sa Saligang Batas ng Malolos, Enero 1899

Probisyong
Tanong Sagot sa Sariling Salita Nagpapatuna
y ng Sagot
a. Sino ang may hawak ng Sa isang republika, ang Titulo I
kapangyarihan? Paano kapangyarihan ay nasa taumbayan.
ito naiiba sa kalagayan Sa isa namang kolonya, ang
ng isang kolonya? kapangyarihan ay nasa dayuhang
bansa.
b. Ano ang mga katangian Ang republika ay malaya at Titulo I
ng Republika ng nagsasarili; ang kapangyarihan ay
Pilipinas? nasa kamay ng mamamayan.
c. Ano ang mga katangian • Kinakatawan ng gobyerno ang Titulo II, III,
ng gobyerno ng taumbayan at ang tungkulin ng at IV
Pilipinas? mga opisyal ay sa mamamayan.
• Iginagalang at ipinagtatanggol
ng gobyerno ang karapatan ng
lahat.
• Tatlo ang kapangyarihan ng
gobyerno: gumawa ng batas,
mamahala sa mga ahensiya ng
goberyno, at magbigay ng
hustisya.
• Hiwalay ang gobyerno sa
simbahan.
!

d. Ano ang ibig sabihin ng Ito ay kakanyahan ng isang tao na Titulo IV


karapatan? mag-isip, kumilos at magpasya
nang malaya sang-ayon sa
konstitusyon at batas at para sa
ikabubuti at ikasasaya ng kanyang
sarili, kapwa at bansa.
e. Dalawa ang uri ng • Pumili ng sariling relihiyon Titulo III at
karapatan: karapatan ng • Maghayag ng sariling opinion IV
tao at ng lipunan o • Sumapi sa isang asosasyon
bansa. Magbigay ng • Magpetisyon sa pamahalaan
tatlong halimbawa
karapatan ng tao.
f. Magbigay ng tatlong • Bilang grupo, magpadala ng Preambulo,
halimbawa ng karapatan petisyon sa gobyerno Titulo IV, VIII
ng lipunan o bansa. • Bilang grupo, bumuo ng sariling
asosasyon
• Maghalal ng kinatawan sa
gobyerno
g. Base sa Konstitusyon ng Ang kalayaan ay ang pagtamasa Titulo I, II, at
Malolos, ano ang ibig ng lahat (hindi lamang ng iilan) sa IV
sabihin ng kalayaan? karapatan at kakayahang magpasya
para sa kabutihan ng sarili at ng
bayan.
h. Ano ang kahalagahan ng • Pinoprotektahan ng Saligang Batas ang mga
Saligang Batas? Bakit ito karapatan ng mamamayan.
kailangan? • Ang Saligang Batas ay gabay sa ugnayan ng
mamamayan at pamahalaan.
• Ang Saligang Batas ay basehan din ng mga
batas at patakaran ng bansa.
• May nagsasabing ang Saligang Batas ay
kaluluwa ng isang bansa dahil dito nakapaloob
ang mga batayang simulain at hangarin ng
sambayanan.

! 81
!

Pagtataya
Ipakumpara ang kahulugan at katangian ng kalayaan ayon sa apat na siping sinuri sa modyul. Ipasagot ang tsart sa ibaba.
Hayaang basahin ng mga mag-aaral ang mga sipi habang sinasagot ang tsart.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Mga Aral ng Katipunan Deklarasyon ng Kalayaan Saligang Batas ng Malolos
• Ang kalayaan ay bunga • Ang kalayaan ng bayan ang • Ang kalayaan ay • Ang kalayaan ay ang
ng pagmamahal sa nararapat na layunin ng bawat karapatan ng bansa na pagsasarili ng bansa.
bayan at dapat isa, na mas malaki pa sa magpasya para sa sarili, • Ang kapangyarihan ng
ipaglaban ito ng bawat kabutihan ng sarili at sariling at magtakda ng iba’t bansang malaya ay
isa. pamilya. ibang kasunduang nanggagaling sa
• Kapag malaya ang • Upang lumaya ang bansa, susulong sa bansa. taumbayan.
bansa, giginhawa ang kailangang labanan ang umaapi • Kapag malaya ang • Bawat mamamayan ay
lahat. at ipagtanggol ang mga inaapi. bansa, ang may karapatan.
• Itong pagkilos ay ginagawa kapangyarihan nito ay • Ang mga nanunungkulan
nang walang inaasahang nanggagaling sa ay inihahalal ng
pagpuri. sambayanan at hindi sa mamamayan at tungkulin
• Isang katangian ng kalayaan ay ibang bansa. nilang paglingkuran ang
ang pagkapantay-pantay ng • Bilang simbolo ng sambayanan.
tao, anuman ang kanyang uring kalayaan, may sariling
panlipunan, antas ng bandila ang bansa na
edukasyon o pisikal na sumasagisag sa kanyang
katangian. mga simulain.
• Isa pang katangian ay ang
magandang ugnayan ng
mamamayan, kasama ang
paggalang sa kababaihan.

! 82
!

Kaugnayan sa Kasunod na Modyul


Dito nagtatapos ang ikalawang markahan, simula sa mga pag-aalsa
laban sa Espanya hanggang sa himagsikan noong 1896. Sa ikatlong
markahan ay pag-aaralan ang susunod na kabanata ng kasaysayang Pilipino,
mula sa pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas hanggang sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ang pagtatag ng Republika ng Pilipinas noong 1946.

! 83

You might also like