Nais kong pag-usapan natin ngayon ang pananatiling puno ng pag-asa.
Binigyan ng Panginoon ang
puso ng bawat isa ng mga pangarap at mga hangarin. Lahat tayo ay may mga layunin na gusto natin makamtan, mga situation na pinaniniwalaan natin na gusto natin balikan. Pero kadalasan, kapag ang mga bagay ay tumatagal ng mahabang panahon at ang mga bagay na ito ay hindi gumagana, madali tayong mawalan ng determinasyon kaya darating tayo sa punto na puro negatibo ang pumapasok sa ating isipan, sinasabing kahit kailan ay hindi na ito magbabago. Na kahit kailan ay hindi ka na magiging mahusay. Na kahit kailan ay hindi mo na malalagpasan ang isang bagay. Na ang batang iyan ay kailanman hindi na matututo. Kung hindi tayo magiging maingat, mawawalan lang tayo ng pag-asa at sa huli ay magtatapos pa rin tayo kung nasaan man tayo. Maraming pagkakataon ang ating pinalampas na binigay ng Panginoon dahil agad tayong sumusuko. Hindi natin namamalayan na malapit na pala natin makamit ang ating tagumpay. Ilang araw para maniwala, ilang linggo para gumawa ng tama o ilang buwan ng pananampalataya at ating makikita na ang pangako ay lumampas na. Ilan sa inyo ngayon ay malapit ng makamtan ang inyong inaasam na tagumpay. Malapit mo ng masilayan ang sitwasyon na iyon ay magkatotoo. Na ang sagot sa mga ipinagdadasal mo ay nariyan lang sa sulok. Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, at lalong huwag na huwag kang susuko sa mga oras na ito. Dahil nakasaad sa banal na kasulatan ni Hebreo 10:35, “Huwag ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.” Ang kasabihang iyan, kung ipagpapatuloy natin ang pananampalataya at paniniwala, ipagpatuloy natin ang pag-asa at paggawa ng mabuti at tama, dahil nangako ang Panginoon na ang kapalit ay ganting-pala. Sa isang pagsasalin, “Huwag kang mawalan ng pag-asa, malapit na ang bayaran ng sahod.” Kung kailan natutukso ka ng sumuko, ang mga bagay ay hindi sa sang- ayon sa gusto mo. Kailangan mong sabihin sa sarili mo na maaaring ito ay mahirap, maaring ito ay magtatagal, pero alam ko na ang panginoon ay isang tapat na panginoon. Ipagpapatuloy ko ang paniniwala dahi alam ko na ang aking ganting-pala ay parating na. Isang bagay na aking natutunan, kapag ang mga bagay ay nagsisimula ng humirap at tila nagiging matindi na, ito ang sinyales na malapin ka na sa inaasam mong tagumpay. Kapag mga kasinungalingan ang pumapasok sa iyong isipan, natutukso kang mawalan ng pag-asa, pakiramdam mo ay wala kang masasabihan. Hindi, hindi pa ito ang oras para sumuko. Hindi iyan ang oras para umurong. Iyan ang mga oras na dapat ibigay lahat ng iyong makakaya, at baguhin ang dating mali sa iyo. Malapit ka na sa iyong tagumpay. Hindi lahat kayo ay may mga bagay na magpapahirap sa inyo. Mga bagay gaya na lang ng, kapag mas lalo kang nananalangin ay mas lalong nagiging masama ito. Ginagawa mo lahat ng tama ngunit ang mga maling bagay ay nangyayari sayo, maaaringsa pikikitungo mo sa iba, kagandahan ng loob at pagiging marespeto pero maaring may kasamaan ang babalik sa iyo. Ang pinakamadaling sabihin ay, “Kalimutan na lang ito. Hindi ko kailangang gumawa ng paraan. Ang kasal na ito ay kailanman hindi gagana. Kahit kailan ay hindi ko makakayang iangat ang batang ito.” O “Ayoko sa trabahong ito.” Hindi, sa halip na mawalan ng pag-asa at sa halip na maglakad na parang naiiba sa lahat, kailangan may saloobin ka. Nakarating na ko sa malayo upang itigil na ito ngayon, sobra na ang aking naranasan para lang umurong. Napag-alaman ko ang rason kung bakit ito tumindi ay dahil sa matutupad na aking mga pangarap. May nakausap akong magkasintahan noong nakaraang lingo at napag-alam ko kung paano napunta ang kanilang anak sa maling kurso, kung paano nagtatakbo ang kanilang anak sa maling grupo ng mga tao at mga pagkagumon na kailangan niyang malabanan. Handa silang gawin ang lahat para matulungan ang kanilang anak. Nakahanap sila ng bagong lugar para tumira at para lumayo sa kaniyang dating mga kaibigan at isinali siya sa isang grupo na sumusoporta. Nagdasal sila ng nagdasal ng sobra hindi gaya ng dati ngunit sinabi nilang, “Joel, parang kapag mas lalo tayong nananalangin, kapag sinusubakan natin lahat, kapag mas lalo tayong naniniwala, ay mas lumalala ang kalagayan niya.” Sobra silang nababahala kaya sinabi ko sa kanila, ang sinasabi ko sainyo, ang rason kung bakit ito ay lumalala ay dahil malapit na kayo sa inaasahan ninyong tagumpay. Ang kaaway ay hindi siya lalabanan ng sobra. Hindi nito alam na malapit na itong kumawala sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Kung patuloy kayon maniniwala, patuloy kayong umasa at patuloy kayong gumawa ng tama bago ang lahat, ibibigay niyo huling makakaya niyo at makikita niyo na ang sitwasyon na meron kayo ay babaliktad, at makikita niyo na ang pangako niya ay natupad. Parang ang isang babae na magkaka-anak. Ang una o pangalawang buwan, hindi ito masyadong mahirap, hindi ito masyadong mahalaga, mukha parin siyang kagaya ng dati. Pero sa susunod na mga buwan, magsisimula na siyang bumigat, kailangan niyang dalhin ang mga sobrang kabigatan na dala niya. Maaring ang mga paa niya ay mamaga, maaring sumakit ang kanyang likod. Maaring maduwal siya, makaramdam ng pagkahilo, sa pangwalo o pangsiyam na buwan, nalaman mo ba? Mas mabuting bigyan moa ng babaeng iyon ng espasyo. Huwag mo siyang gagalitin, at huwag mo siyang sasagutin sa ibang tono. Gawin mo na lang ang lahat ng sinasabi niya para walang sinuman sa inyo ang masaktan. Magiging hindi man ito komportable pero kapag pumotok na ang kanyang palatubigan at kapag manganganak na siya, lahat ng mga natitirang pagsubok ay parang wala lang kumpara sa hirap ng pagpapanganak. Naalala ko pa, ang asawa ko noon habang ito ay nagdadalang tao sa aming panganay. Hawak niya ako sa braso ng sobrang higpit at kapag siya ay napapasigaw, napapasigaw na rin ako. Gusto ko man ipaalam sa kanya na nasasaktan na ako dahil sa kanya ngunit takot ako para sa sarili ko. Alam dapat ng lahat na kapag nagdadalang tao ang isang babae ay wala silang ibang magagawa kahit gusto na nilang sabihin na, “Ayoko na, sobrang sakit na.” Pero hindi. Hanggang sa naipanganak na niya ang sanggol, nawala lahat ng sakit na naramdaman niya dahil hawak na niya ang ipinangako ng panginoon, hawak niya ang sanggol na magiging buhay na rin niya. Kagaya ng prinsipyo sa ating buhay na, kahit gaano kahirap, ito ang tama bago ang lahat. Bago pa man natin masilayan ang bagong tiwala ng panginoon sa atin kapag may mga bagay na sinusubukan tayo para mawalan tayo ng pag-asa huwag tayong bibigay sa kung ano man iyan. May mga tao na hindi naniniwalang maaabot natin ang pangarap natin at sasabihin sa atin na huwag na tayong umasa. Ilan sa inyo ngayon, ay hindi alam na malapit ng magbunga ang mga pinaghirapan natin. Konting tulak na lang at magbubunga na ang nilagay ng panginoon sa ating mga puso. Kaya kapag tayo ay nasa huli na ay nahihirapan na tayo. Siguro ay ginagawa mo ang tama, alam natin na nandiyan na ngunit nalampasan ka lang, madaya man siguro. Pero kailangan natin kayanin. Maaring gusto mong gumawa ng bago pero ang kasama mo ay tinalikuran ka dahil alam nito na hindi ito magiging tagumpay. Pero malalabanan mo iyan, matatapos rin yan. Kung patuloy mo itong kakayanin, ipagpatuloy mo lang ang paniniwala mo kagaya ng iba. Makukuha mo rin ang sariling pangako ng panginoon para sayo. Ang iba sa inyo ngayon ay maaring nakakaramdam na parang kahit kailan ay hindi pa sila nakakaranas ng paghihirap, pero maaring mahanap niyo ang mga kasagutan sa inyong tanong maaring sa kalusugan ninyo o sa mga relasyon na meron kayo sa ibang tao. Sa halip na suuko, natutununan kong saguting ang mga tanong ng, oo, ito ang alam kong pinakamalakas na sagot. Palagi natin tatandaan na ito ay palaging nagsisimula bago pa man magsimula ang lahat ay magbubunga ng ang ipinangako ng panginoon. Noong nasa ibang lugar ako nagkaroon ako ng situwasyon na sobrang nagpahirap sa akin na aakalain na hindi na ito malalagpasan. Pero buong magdamag wala akong nakitang sinuman na tumahak sa daan na tinahak ko. Pero ng mga oras na iyon ay may matanda akong nasilayan na nanggaling sa daan na aking tinahak. May sinabi siya sa akin ng nagpabago ng aking isipan. Hindi man niya alam ang laman ng aking isipan pero ng lampasan niya ako, ngumiti siya at sinabing, “Malapit ka na sa inaasahan mo.” Noong sinabi niya ang mga katagang iyon, naisip kong may bagong pag-asa pa na magpapabago ng buhay ko. Nakaramdam ako ng lakas ng loob kaya sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan ko ulit ang mga bagay na nagpahirap sa akin. Simula ng mga oras na iyon, paulit-ulit kong sinasabihan ang aking sarili na malapit ko ng makamit ang aking tagumpay. Kahit na alam kung ito ay mahirap, kahit alam kong masakit na, alam kong kaya kong makamit ang aking tagumpay, alam kong makakaya ko ito. Kung hindi dahil sa salita ng panginoon, kung hindi dahil sa pagsuporta niya, kung hindi dahil sa mga plano niya para sa atin, wala tayo kung nasaan tayo ngayon. Naniniwala akong, sinasabi ng ating minamahal na panginoon sa bawat isa sa atin na malapit na tayo sa katotohanang magtatagumpay tayo, kung saan iyon an gating inaasam, ang tagumpay ng bawat isa.