You are on page 1of 1

Mga katangian ng kurikulum ng edukasyong secondary 2010

Ang konteksto/ kaligiran

 Kadalasang nagpapalit ng kurikulum sa ating bansa tuwing ikasampung


taon, ngunit dahil sa pagbabago sa larangan ng edukasyon at sa patuloy
na paglaganap ng mga makabagong kaalaman, naniniwala ang
kawanihan ng edukasyong sekondari na dapat ng isaayos ang
kasalukuyang kurikulum upang sa gayo,y matugunan nito ang mga
pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral ng kasalukuyang
panaho.

 Naging batayan ang mithiin ng (education for all 2015) edukasyon para sa
lahat 2015 upang maisaayos ang kurikulum

 Isinaalang-alang din ang resulta ng ginawang ebalwasyon ng


implementasyon ng kurikulum ng batayang edukasyon 2002 sa
pagsasaayos ng bagong disenyo ng bagong kurikulum. Gayundin ng
ginawang pagsasanay ng mga guro at pag papaunlad ng kakayahan ng
mga punong guro ng 23 pilot school upang mahusay nilang pamahalaan
ang panimulang pagsubok o pilot testing

Mga Katangian ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010

• Nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-unawa

• Mataas ang inaasahan (batay sa pamantayan) tinitiyak kung ano ang


dapat matutunan at ang antas ng pagganap ng mag-aaral

• Mapanghamon, gumagamit ng mga angkop sa istratehiya upang alinang


ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral

• Inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di man


makapagpapatuloy sa kolehiyo

• Tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay magagamit sa buhay.

You might also like