You are on page 1of 3

February 20, 2017 Modernizer, Believer

February 21, 2017 Researcher, Follower

I. Layunin
A. Pangkalahatan
Nasusuri ang bahaging ginampanan ng sektor ng industriya tulad ng pagmimina ,
tungo sa isang masiglang ekonomiya.
B. Tiyak
1. Nasusuri ang mga bumubuo sa sektor ng industriya;
2. Nabibigyang-halaga ang ginampanan ng sektor ng industriya sa ekonomiya ng
bansa;
3. Nakapagtatala ng mga kagamitan sa loob ng silid aralan na dumaan sa proseso
at naging bagong produkto.

II. Nilalaman
a. Paksa – Sektor ng Industriya
b. Kagamitan – kagamitang biswal, mga larawan, pisara at chalk
c. Sanggunian – Ekonomiks, Aralin 3, Bernard R. Balita et.al, pahina 388-397

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na Gawain

2. Balik-Aral
 Anu-ano ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura?
 Magbigay ng mga suliranin na kinakaharap ng sektor ng agrikultura?
 Anu-ano ang mga batas at programa ng pamahalaan upang mapalakas ang
sektor ng agrikultura?

3. Talasalitaan

 Industriyalisasyon - kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng


kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming
produkto mula sa hilaw na material ng agrikultura
 Pagmamanupaktura -tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa
pamamagitan ng manual labor o ng mga makina
 Utilities -binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay
matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng tubig,
kuryente at gas
4. Pagganyak
Gawain 1: “MIX AND MATCH”
Pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A at Hanay B. Tukuyin kung ano o saang
hilaw na materyales nanggaling ang mga larawan sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

1. A.

2. B.

3. C.

B. Panlinang na Gawain
“SEKTOR NG INDUSTRIYA”

PAGMIMINA

PAGMAMANUPAKTURA
SUB-SEKTOR NG
INDUSTRIYA
KONSTRUKSIYON

UTILITIES

1. Ano ang bumubuo sa sektor ng industriya?


2. Sa anong sektor ng ekonomiya nagmumula ang mga hilaw na sangkap ma ginagamit ng
sektor ng industriya?
3. Anu-ano ang mga kahalagahan ng sektor ng industriya?
4. May mga kahinaan ba ang sektor ng industriya? Kung mayroon, anu-ano ang mga ito?
5. Anu-ano ang mga epekto ng industriyalisasyon?
C. Pangwakas na Gawain

1. Pagpapahalaga

- Bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa ekonomiya ng ating bansa?

2. Paglalahat

- Ano ang mga bumubuo sa sektor ng industriya?

- Anu-ano ang mga kahalagahan ng sektor ng industriya?

- Ibigay ang mga epekto ng industriyalisasyon.

3. Paglalapat

- Bilang isang mamamayan ng ating bansa, paano ka makatutulong upang mabawasan ang
mga negatibong epekto ng industriyalisasyon?

IV. Ebalwasyon

Sa sangkapat na papel, magtala ng mga bagay na nasa loob ng inyong silid-aralan na


mula sa sektor ng industriya at ibigay kung ano ang primarya at sekondaryang produkto nito.

V. Takdang Aralin
Basahin ang Ugnayan ng Sektor ng Agrikultura at Industriya sa inyong batayang aklat
pahina 398-340 at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang bahaging ginampanan ng industriya? Agrikultura?
2. Paano naging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao? Ng
bansa?

You might also like