You are on page 1of 2

III.

Mga Manunulat sa Unahan ng Kilusang Feminista

Ayon kay Batnag, tungkulin ng manunulat na maging tagapahayag ng mga mithiin ng

kanyang panahon. At sa feministang pananaw, ang mithiing ito ay ang pagsulong sa kapakanan

at interes ng mga babae (1996). Halos apat na dekada pa lang ang nakalilipas simula ng maging

aktibo ang kilusang feminista sa Pilipinas, ngunit makikita na sa mga gawa ng mga manunulat na

sina Liwayway Arceo at Lualhati Bautista ang pagtaguyod ng peminismo.

1. Liwayway Arceo

a. “Uhaw ang Tigang na Lupa”

i. ‘Ang tatlong tauhan ay pawing uhaw sa pagmamahal: ang anak na dalaga

na siya ring tagapagsalaysay, sa pagmamahal ng mga magulang; ang ina

sa pagmamahal ng asawa; at ang ama sa pagmamahal ng ikalawang

babae na piniling lumayo kaysa magwasak ng tahanan.’

ii. Inilalarawan ng kwentong ito ang daigdig kung saan matatag at may

paninindigan ang mga babae, at ang mga lalaki ay mahina o insecure.

iii. Ang kwentong ito ay napili na isa sa 25 Pinakamahusay na Maikling

Kuwento ng 1943 ng Liwayway Publications.

b. Isinilang siya noong 1924.

c. Nakapangasawa siya ng kapwa “alagad ng sining” – ang makatang Manuel

Principe Bautista.

i. Pinili ni Arceo na gamitin ang pangalan noong dalaga pa sa halip na

gamitin ang apelyido ng asawa.

2. Lualhati Bautista
a. “Dekada 70”

i. Ang pangunahing tauhan dito ay isang asawa’t ina na “nakakasumpong

ng kaligayahan, kaganapan, at kapanatagan ng loob.”

ii. Umiikot sa dalawang uri ng pagkamulat ang pangunahing tauhan:

1. Pagkamulat sa aktibismo at militanteng pagkamamamayan at sa

mga puwersang bumubuo at nagwawasak ng lipunan

2. Pagkamulat sa kanyang mga kakanyahan, karapatan, at

kapangyarihan bilang babae

iii. Naglarawan ng mga suliraning pampulitika, pang-ekonomiya at

panlipunan ang kwento.

b. Nakapangasawa ni Bautista ang manunulat na si Levy de la Cruz, ngunit iniwan

siya nito at ang kanilang tatlong anak nang mapasama sa kilusang aktibista at

namundok.

Sina Arceo at Bautista ay itinuturing na manunulat na nanguna sa kilusang feminista

dahil sa kanilang puwang na aangkinin nila sa panitikang Filipino, ayon kay Batnag. Pangunahing

kontribusyon ng dalawang manunulat na ito ang paglalarawan ng mga tauhang babae na

taliwas sa nakagawian, matatalino, may pagpapasiya, nag-iisip, nakikibaka, at mulat sa dapat

maging kalagayan ng babae sa lipunan.

You might also like