You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X-Northern Mindanao
Division of Lanao del Norte
CALUBE INTEGRATED SCHOOL
Calube, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: _______________________________ Taon at Seksyon: ____________


Petsa: _________ Iskor: __________

I. ANTAS NG WIKA. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na


nakasalungguhit kung ito ay Balbal, Kolokyal, Lalawiganin, Pambansa, o
Pampanitikan.

____________1. Ang ganda mo! Charing!


____________2. Pre, saan ba tayo pupunta?
____________3. May nobyo akong kano.
____________4. Ambot! Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.
____________5. Parang may ikakasal dahil
____________6. Wow! Ito ang chibog.
____________7. O sige, kaon na mga bata.
____________8. Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na
nagdulot sa akin ng kaligayahan.
____________9. Sige sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin sa
paghahanda.
____________10. Wow! Parang bagets si Lola.
____________11. Pa’no kaya ito gagawin?
____________12. Halika! Ibenta natin ito sa palengke para may datung tayo.

II. KATUTURAN NG PANG-URI. Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uring


ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay tukuyin kung ito ay Lantay,
Pahambing, o Pasahol.

____________13-14. Ang dalisay na pagmamahal ng mga magulang ay


kailangan ng mga anak.
____________15-16. Mas makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may
disiplina kaysa palakihin sila sa layaw.
____________17-18. Magsinghalaga ang ina at ama sa buhay ng mga anak.
____________19-20. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling
pagpapahalaga sa kabataan.
____________21-22. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang
telebisyon dahil lagi itong nakikita sa isang pindot lang sa remote ay bubukas na
ito.
___________23-24. Maliwanag ang sikat ng araw.
III. Punan ng angkop na sagot ang bawat bilang at ilagay sa patlang. Piliin ang
letra ng sagot sa loob ng kahon. (16pts.)

Kundiman Diona Kumintang Mensahe


Sinulog Banghay Tagpuan Pintados
Tauhan Oyayi Dinagyang MassKara
Ati-Atihan Wakas Tunggalian Dalit

____________25. Ito ay isang awit ng pag-ibig.


____________26. Ito ay ipinagdiriwang sa Bacolod City kung saan ang mga taong
paparada ay nakasuot ng maskara.
_____________27. Ito ay ipinagdiriwang sa Iloilo tuwing Enero.
_____________28. Ito ang panahon at lugar kung saan naganap ang maikling
kuwento.
_____________29. Ito ang awit sa kasal.
_____________30. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa
mga suliraning kanyang haharapin.
_____________31. Ang nagbibigay-buhay sa isang maikling kuwento. Siya o sila ay
maaaring maging mabuti o masama.
_____________32. Ito ay awit ng pakikipagdigma.
_____________33. Ito ang aral na nais iparating ng kuwento sa mga mambabasa.
_____________34. Ito ang awit sa pagpapatulog ng bata.

_____________35. Ito ay ipinagdiriwang para sa kanilang santo na si Santo Niño


de Cebu.
_____________36. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

_____________37. Ipinagdiriwang ito sa Aklan kung saan ang mga tao ay


nagsusuot ng magagarang kasuotan at nakapinta ng itim ang mga mukha.

_____________38. Ang kahihinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring


masaya o malungkot.
_____________39. Ito ang awit sa mga diyos- dyosan ng mga bisaya.
_____________40. Ito ay ipinagdiriwang sa Tacloban kung saan ang mga taong
kasangkot ay mayroong makukulay na pinta sa katawan.

You might also like