You are on page 1of 7

Antonio Luna

Si Antonio Luna (29 Oktubre 1866 - 7 Hunyo 1899) ay isang Pilipinong parmasiyotiko at isang heneral na lumaban
sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na
naitatag noong Unang Republika ng Pilipinas. Tinagurian siya bilang pinakamahusay na Pilipinong opisyal ng militar
noong digmaan.[1] Sinundan niya si Artemio Ricarte bilang kumander ng Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik, at
nagbuo ng mga prupesyunal na sundalong gerilya. Ang kanyang maigting na depensa, na tinawag ngayong Linyang
Depensa ni Luna, ang nagpahirap sa mga hukbong Amerikano sa mga lalawigan sa hilaga ng Talisay.[2]

Si Antonio Luna de San Pedro y Novicio Ancheta o mas kilala bilang Antonio Luna ay ipinanganak noong 29 Oktubre
1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng
Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong
parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensiya sa kursong ito sa Unibersidad
de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang
parmasyotiko.

Sa gulang na anim, natuto si Antonio magbasa, magsulat, at mag-aritmetika mula sa kayang guro na kinilalang si
Maestro Intong. Nasaulo niya ang Doctrina Christiana, ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas..[3]

Lumaon ay nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, kung saan nakatanggap siya ng digri sa Batsilyer sa Sining
noong 1881.[3] Nag-aral siya ng panitikian at kimika sa Pamantasan ng Santo Tomas, kung saan napanalunan niya
ang unang gantimpala sa isang pagsusulat tungkol sa kimika.

Ang pagsusulat ang libangan Antonio Luna. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid
noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaki niyang naiambag sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La
Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.

Sa simula pa lamang ay isa na siyang tagapagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil
sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila,
nilitis at ikinulong.

Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik niya sa Pilipinas,
sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at
tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa
mga Amerikano.

Bilang isang sundalo, si Antonio ay mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang
maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay
naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban
ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.

Nasawi si Heneral Luna noong 5 Hunyo 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa
pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob
ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina.

Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng
Pilipinas.
Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong
bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng
Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-
asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral
siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa
Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang
medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang
makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at
ang kasunod nitong El filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga
wika.

Ano nga ba ang El Filibusterismo? Mga kapwa ko mamamayang Pilipino, ang EL FILIBUSTERISMO ay hindi lamang
huminto sa buhay ni Dr. Jose Rizal kundi sa buhay at lipunan nating mga Pilipino. Marami sa atin ang hindi pa
lubusang maintindihan ang kasaysayan ng bansang Pilipinas na maaari naman nating saksihan sa ikalawang
nobelang isinulat ng ating Pambansang Bayani (Jose Rizal). Ang El Fili ay isinulat at inilimbag upang magbigay linaw
at kaalaman hindi lamang para sa nagdaang panahon kundi pati na rin sa kasalukuya't susunod pang mga
henerasyon. Para sa hindi pa nakakaalam, sinakop tayo ng mga bansang dayuhan at isa na dito ang pagmalupit at
pag-angkin ng mga kastila sa ating bayan. "Kalayaan at Karapatan" dalawa lamang sa mga hangaring ating
ipinaglaban, ilalaban at ipaglalaban pang tunay. Maski ating pambansang bayani na nagsilbing instrumento sa
pagkuwento patungkol sa kaganapan at istorya ng ating buhay ay lumaban para sa tunay na kalayaan at karapatan.
Hindi lamang siya naghangad ng rebolusyon kundi sinubok rin niya ito na may kasamang aksyon. Sa katunayan,
isinulat ang nobelang ito kasabay ng naunang nobelang "Noli Me Tangere" upang tayong mga Pilipino ay magising
at mapukaw ang diwa at damdamin, mabigyan ng aral tungo sa maunlad na buhay at lipunan, magsilbing daan
tungo sa pagbabago, magbigay inspirasyon at mabuksan ang kaalaman sa pagsulat ng nobela at maging isang
malikhaing mamamayang Pilipino.

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan
ni Andrés Bonifacio, isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging
saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng
Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan
lamang ang karahasan bilang huling dulugan. Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa
Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at
kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap? Ang
pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang
magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Alam niyo ba na ang kauna-unahang monumento ni Dr. Jose Rizal ay itinayo sa Daet, Camarines Norte, sa lugar na
hindi man lamang nya narating.
“1896 ng barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayong Luneta, dalawang taon pagkatapos ng kaniyang
pagkakapaslang isang bantayog ang ipinatayo ng mga reboluyunaryo dito sa Daet, Camarines Norte bilang
pagbibigay pugay sa kabayanihang ginawa ng ating Pambansang Bayani.”

December 20 1898, idineklara ng kauna-unahang Presidente ng Pilipinas sa ilalim ng revolutionary government na


si General Emilio Aguinaldo ang December 30 bilang Rizal Day.

Ito ang nag-udyok sa mga Katipunero sa Camarines Norte na magtayo ng isang monumento para kay Rizal,
bagama’t hindi man lamang ito nakarating sa kanilang lugar.

Ang disenyo nito ay gawa ni Antonio Sanz, isang Lieutenant Coronel ng revolutionary government sa Bicol.

Kung titingnan, tila napakasimple ng disenyo ng bantayog na ito, pero ang bawat simbolo na nakalagay ay may
kahulugan at ang mga bato na ginamit sa pagpapatayo dito ay galing sa isang lumang kulungan noong panahon ng
Kastila kung saan nalagyan ng dugo ng mga Katipunero na pinaslang at pinahirapan.

Obelisk ang design at may simbolo ng araw at mga bituin gaya ng nasa watawat ng Pilipinas.

Nakasulat rin sa gilid nito ang mga sikat na akda ni Dr. Rizal, tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo at ang
Morga.

Mayroon din itong Spanish dedicatory phrase na A’Rizal na ang kahulugan ay para kay Rizal.

1961 lamang nang pormal na ideklara ito bilang kauna-unahang monumento na itinayo para kay Dr. Jose Rizal ng
National Historical Committee.

Kalapit lamang ng monumentong ito ang isang lumang bahay na naitayo pa noong 1939.

Sa lumang bahay na ito nakatira ang pinakamatandang nabubuhay na taga-Daet na si Lola Nena, 96 years old.

Ayon sa kaniya, bata pa sya ay nakikita na niya ang monumentong ito.

“Diyan sa monumentong iyan, may parang nakasulat sa ganyan na itim ang letterings, parang gold yun ‘Premiere
Monument Erejo En Las Islas Pilipinas,’ yan Kastila,” ani Lola Marina “Nena” Adevosa.

Sa ngayon, taun-taon ay ipinagdiriwang sa Daet, Camarines Norte ang Bantayog Festival upang maipaala-ala sa
ating mga Pilipino ang kadakilaang nagawa ng ating Pambansang Bayani para makamtan natin ang ating kalayaan
ngayon.
Marcelo Hilario del Pilar

Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang
Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo
ay Plaridel.[1]Pinalitan niya si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.[2]

Mayaman ang mga magulang ni Marcelo. Marami silang palaisdaan at sakahan.[3] Si Julian Hilario del Pilar,
ang kanyang ama, ay tatlong beses na naging gobernadorcillo.[4] Naglingkod din si Julian bilang oficial de
mesa ng alkalde mayor. Ang ina ni Marcelo ay si Blasa Gatmaitan. Kilala si Blasa sa bansag na Blasica.[4]
Pang-siyam sa sampung magkakapatid, ang mga kapatid ni Marcelo ay sina: Toribio (paring ipinatapon
sa Guam noong 1872),[5] Fernando (ama ni heneral Gregorio del Pilar), Andrea, Dorotea, Estanislao, Juan,
Hilaria (maybahay ni Deodato Arellano), Valentin at Maria.
Ang tunay na apelyido ng pamilya ay "Hilario". Ginamit nila ang apelyidong "del Pilar" alinsunod sa kautusan
ni Gobernador Heneral Narciso Claveria noong 1849.
Noong Pebrero 1878, pinakasalan ni Marcelo ang pinsang niyang si Marciana (kilala sa bansag na
Tsanay/Chanay).[6] Sila ay may pitong anak, isang lalaki at anim na babae: Sofía, José, María, Rosario,
María Consolación, María Concepcion, and Aníta. Si Sofia at Anita lamang ang lumaki (ang lima ay
namatay noong kabataan nila).
Sa murang edad ay natuto si del Pilar mag biyulin, mag piyano, at mag plawta.[7] Magaling din siya sa
larong arnis. Kapag panahon ng Flores de Mayo ay tumutugtog siya ng biyulin. Kumakanta din siya sa
mga harana (serenata).[8]
Ang tiyuhing si Alejo ang nanging unang guro ni Marcelo. Kumuha siya ng kursong Latin sa kolehiyong
paaralan ni Ginoong Hermenigildo Flores. Lumipat siya sa Colegio de San Jose at doon ay tinamo
ang Bachiller en Artes (Bachelor of Arts).[9]
Ipinagpatuloy ni Marcelo ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kumuha siya ng kursong
abogasya. Nasuspinde siya sa paaralan nang makipagtalo siya sa kura ng San Miguel ukol sa bayad sa
binyag.[5] Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral noong 1878.[6] Natapos niya ang kurso noong 1880.[10]
Noong 1 Hulyo 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang
manunulat, ang unang labas ay inilathala noong 1 Hunyo 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso
ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.[5]
Noong 1885, hinimok ni del Pilar ang mga cabeza de barangay (kapitan ng barangay) ng Malolos na tutulan
ang kautusan ng pamahalaan na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga prayle na baguhin ang talaan ng
mga nagbabayad ng buwis.
Sa talaan ng mga prayle ay lumalabas na mayroong tatlong libo katao ang dapat magbayad ng buwis.
Kasama sa talaan ang mga taong namatay na, lampas na sa edad o lumipat na ng ibang lugar. Ang mga
cabeza de barangay ay napilitang magpaluwal ng dapat ibayad sa mga taong patay na o wala na doon.
Noong 1887, sa hikayat ni del Pilar, ay isinumbong ni Manuel Crisóstomo, ang gobernadorcillo ng Malolos,
ang dalawang prayleng lumabag sa batas kontra sa paglantad ng mga patay sa loob ng simbahan. Ito ay
isinabatas ni Benigno Quiroga y López Ballesteros, ang patnugot ng pangasiwaang sibil. Dahil sa sumbong
na ito ay inaresto ni gobernador Manuel Gómez Florio ng Malolos ang nasabing mga prayle.
Tinuligsa ni del Pilar noong taong din yon ang kura paroko ng Binondo dahil sa paglalaan ng piling upuan
sa loob ng simbahan. Ang prayle ay naglaan ng pangit na upuan sa mga Pilipino at magandang upuan sa
mga mestisong Kastila.
Nagkaroon ng demonstrasyon laban sa mga prayle noong 1 Marso 1888. [7] Ang demonstrasyon ay
isinagawa nila Doroteo Cortés at José A. Ramos. Sumulat si del Pilar ng isang manipesto na
pinamagatang Viva España! Viva el Rey! Viva el Ejército! Fuera los Frailes! (Mabuhay ang Espanya!
Mabuhay ang Hari! Mabuhay ang mga Hukbo! Palayasin ang mga Prayle!). Ang pahayag na ito ay iniharap
sa gobernador ng Maynila na si José Centeno. Ito ay nilagdaan ng 810 na katao.
Noong taong din yon ay binatikos ng Agustinong si José Rodriguez ang Noli Me Tángere ni Rizal. Sumulat
siya ng polyeto na pinamagatang ¡Caiñgat Cayo!: Sa mañga masasamang libro,t, casulatan. Binalaan ng
prayle ang mga Pilipino na huwag basahin ang Noli. Noong 3 Agosto 1888 ay sumulat si del Pilar ng polyeto
na pinamagatang Caiigat Cayo. Ito ay sagot sa polyeto ni Padre Rodriguez.[11]
Dahil sa talas ng mga pagbatikos sa naghaharing uri at relihiyon, inatas na hulihin siya. Nakatakas si del
Pilar, pumuntang Espanya at sumali sa mga Pilipinong propagandista na lumalaban para sa reporma
sa Pilipinas.[12] Bago siya umalis ay itinatag niya ang Caja de Jesús, María y José.
Mga kasapi sa Kilusang Propaganda. Mula kaliwa hanggang kanan: Rizal, del Pilar, Ponce.
Noong 12 Enero 1889, pinanguluhan ni del Pilar ang pangkat pampolitika ng Asociación Hispano-
Filipina (Ang Samahang Kastila-Pilipino), isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong
propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa
Pilipinas. Noong 15 Disyembre 1889, pinalitan niya si Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad, isang
pahayagang pampolitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig
ng Kilusang Propaganda.[2] Naglathala siya ng mga liberal at progresibong artikulo na nagbunyag sa
kalagayan ng Pilipinas.
Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi siya kumakain at
may panahong hindi narin natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong
namumulot siya ng upos na sigarilyo sa mga daan. [13] Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan
ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansiyal na dumarating mula sa Pilipinas
dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong 15 Nobyembre 1895 sanhi ng
kakulangan sa pondo.[2] Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat
para sa ikalalaya ng Pilipinas.
Katulad ni Andrés Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng
Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man
ang kalagayan ay tinangka pa rin niya na magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos
niya ang kanyang mga kababayan. Ito ay hindi na niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit
na ospital sa Barcelona, Espanya noong 4 Hulyo 1896 sa gulang na 45.[14]
Ilustrado

Ang ilustrado ay isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang "isang taong nakabatid ng
kalinawan at kaliwanagan". Nakaaangat sa lipunan ang mga ilustrado ng Pilipinas noong kapanahunan
ng mga Kastila. Sila ang mga panggitnang-klase mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya
ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. Naghangad ng "mas makataong kasunduang pampolitika
at pang-ekonomiya" ang mga Pilipinong ilustrado sa ilalim ng mga Kastila. Sa kaniyang In Our Image:
America's Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas), tinawag ni
Stanley Karnow ang mga ilustrado bilang mga "mayayamang grupo ng mga marurunong" (rich
intelligentsia) sapagkat ang mga ito ay mga anak ng mga maykayang nagmamay-ari ng lupa. Ikinalat nila
ang ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas.

You might also like