You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3

Prepared by: Earl Jason Sales Rara

I. Layunin:
Sa loob ng apatnapu’t-limang minutong aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nalalaman ang iba’t iabng pag-aaring pampubliko;


b. Natatalakay ang mga paraan sa pagsuporta ng mga mamamayan sa
pamamahalaan;
c. Nagsasabi ng kahalagahan ng pamahalaan sa mga mamayanan.

II. Paksang-Aralin:

Paksa: Pagsuporta ng mga mamayanan sa Pamahalaan


Sanggunian: Masipag na Pilipino 3 sa pahinang 210-213
Mga Kagamitan: Mga larawan, visual aids, manila paper, chalk, pentel pen

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral

- Ano ang populasyon?


- Ano ang naidudulot ng mabilis na paglaki ng populasyon?
- Paano matutugunan ng pamahalaan ang lumalaking populasyon?
B. Pagganyak

Tanong:

- Ano ang nasa larawan?

- Lahat baa ng nasa larawan ay inyo ng napuntahan?

- Saan dito ang gusto niyong puntahan?

- Sino ang nagpapagawa ng mga proyektong ito?

C. Pagtatalakay

- Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng publiko.

- Hayaan ang bawat estudyante na magbigay ng kanilang opinion tungkol ditto.

- Tatalakayin ng guro ang iba’t ibang pag-aaring pampubliko sa pamamagitan ng larawan


na ipinakita kanina.

- Paano natin susuportahan ang mga proyekto ng pamahalaan.


D. Pangkatang Gawain

- Hatiin ang klase sa limang pangkat

- Ang bawat grupo ay gagawa ng mga aktibidadis sa pamamagitan ng tablu tungkol ito sa
pagsuporta ng mamayanan sa pamahalaan.

E. Paglalahat

- Ano ang ibig sabihin ng pag-aaring pampubliko?

- Magbigay ng mga halimbawa nap ag-aaring pampubliko.

- Magibigay ng mga babala na makikita sa pribadong lugar?

- May mga babala din bang makikita sa pribadong lugar?

- Paano natin maipapakita ang ating suporta sa pamahalaan?

- Bakit kailangan natin suportahan ang ating pamahalaan?

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit sa papel ang  kung ano bawat pahayag ay nagpapakita ng pagsuporta ng
mamayanan sa pamahalaan. Kung hindi, iguhit ang  sa sagutang papel.

1. Tungkulin natin ang pangalagaan ang mag pag-aaring pampubliko.


2. Ang mga batas ay dapat sundin.
3. May mga taong nag-iiwan ng basura sa parke.
4. May mga babalang makikita at nakasulat sap ag-aaring pampubliko na dapat sundin.
5. Hindi sumusunod si Ella sa tuntunin ng paaralan.
6. Ang clean and green ay proyekto ng pamahalaan.
7. Tungkulin ng bawat mamayanan ang maglinis ng kanilang kapaligiran.
8. May mga taong umiihi sa pader.
9. Masigasig mag-aral si Maria.
10. Ang mga tao ay nagtatapon ng basura sa kalsada.
V. Takdang-Aralin

Pag-aralan ng mabuti ang mga natalakay na aralin at ihanda ang sarili bukas para sa pagsusulit.

You might also like