You are on page 1of 2

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Tamang Pamamahala ng Oras ng mga Mag-

Aaral ng Senior High School sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Meycauayan kung

saan ay inalam ng mga mananaliksik ang porsyento ng bawat mag-aaral ay mayroong

labis na kagustuhan sa pagkakaroon ng tamang pamamahala ng oras at ng mga pag-aaral

na hindi marunong kung paano pamahalaan ang kanilang mga oras, pati narin ang mga

mag-aaral na gusting magkaroon ng tamang pamamahala ang kanilang mga oras at kung

ano ang mga salik na nakakaapekto sa kanila upang magkaroon ng tamang pamamahala

ng oras. Lumabas saaming pag-aaral na ang mga mag-aaral ay nagkakarooon ng

problema sa pagkakaroon ng tamang pamamahala ng oras kung saan ay nasa 80% ng

aming mga respondent ang halos walang kakayahang pamahalaan ng tama ang kanilang

mga oras at 15% para sa mayroong kakayanan at 5% naman para sa mga walang

pakialam sa sistema o pamamaraan ng tamang pamamahala ng oras. Ang mga salik na

nakaaapekto sa mga mag-aaral upang magkaroon ng tamang pamamahala ng oras ay ang

“procrastination” na kung saan ay ito ang pagpapaliban ng mag-aaral sa isang gawain at

ito ay gagawin na lamang sa mga susunod na oras, kung kaya’t nagkakaroon ng mga

posibilidad na ang mag-aaral ay magkaroon ng kakaunting oras na lamang nanatitira

kung saan humahantong sa pagkakataong mamadaliin nalamang ang isang gawain o

mahuhuli na lamang sa pagpasa. Isa ding salik ang pagkakaroon ng mga sabay-sabay na

gawain, lumalabas sa aming pag-aaral na karamihan sa mga mag-aaral ay walang alam sa

tamang pamamahala ng oras at idagdag na din ang mga sabay-sabay na gawain, ang mga

mag-aaral ay nagrereklamo sa sabay-sabay na gawain dahil hindi nila ito na ipapasa sa

mga itinakdang panahon sa kadahilanang walang tamang pamamahala ng oras. Kung


kaya’t sa kinalabasan ng aming pag-aaral ay dumami ang mga mag-aaral ang gusting

magkaroon ng tamang pamamahala ng oras upang mapunan ang kanilang mga

pagkukulang sa tuwing sila ay nagsasayang ng kanilang mga oras. Ginusto nilang

magkaroon ng schedule, to-do list, at iba pang uri ng mgapag-aayos ng oras.

You might also like