You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Siquijor
ENRIQUE VILLANUEVA NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Enrique Villanueva, Siquijor

SCHOOL LEVEL LEARNING ACTION CELL (SLAC)


(PAGDULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO)
January 23, 2019
3:00-4:00 P.M.

MINUTES

Sa ika-23 ng Enero, ikatlo ng hapon 2019 ay nagkaroon ng School-Level LEARNING


ACTION CELL (LAC) sa klasrum ni G. Elvin Raga. Ang sesyong ito ay tumatalakay sa Pagdulog sa
Pagtuturo ng Filipino. Ang tagapagdaloy sa sesyong ito ay si Gng. Jossie L. Batbatan, T-II at
nagtuturo ng Filipino sa Grade-9 at Grade-11 HUMSS at TVL.
Ang mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, MAPEH, ESP ang mga naging kalahok
dito kasama na ang apat na student teacher sa Filipino. Ang sesyon ay sinimulan ng panalangin
(sound system) at sinundan naman sa pag-awit ng awiting makabayan na “ Dakilang
Lahi”(sound system). Pagkatapos ay tuluyan ng nagsimula ang sesyon.

SESSION PROPER

Nagkaroon ng pagbabahagi ng ibat-ibang stratehiyang ginamit ng bawat guro sa kanilang


pagtuturo.Unang nagbahagi si Gng. Mirabueno at sinundan ni G. Elvin Raga. Pagkatapos ng
nasabing pagbabahagi, ay unang tinalakay ng tagapagdaloy ang Piramide ng Pagkatuto na kung
saan dito pinag-usapan ang ilang bahagdan ng mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral
tulad na lamang ng lektyur na pamamaraan na may 5% lamang ang mailipat na pagkatuto sa
mga mag-aaral. Reading 10%, Audio Visual 20%, Demonstration 30%, Group Discussion 50%,
Practice by Doing 75%, at ang others 90%.
Dito sinimulang inihayag ng tagapagdaloy kung ano ang mga stratehiyang maaaring
idagdag upang makamit ang pagkatutong 90% na makikita sa piramide na (others 90%). Unang
ibinabahagi ay ang 21st Century Skills Based Learning. Ang nasabing stratehiya ay makabuo ng
isang uring mag-aaral na hasa sa pagkamalihaing isipan, kritikal na pag-iisip, makapagbigay ng
solusyon sa mga problema, nakikipagtalastasan, nakapagsagawa ng kolaborasyon, maging
sanay din sa midya lalo na tayo ngayon ay nasa mundo ng digital. Dito’y tinatalakay ang
paggamit ng mga teknolohiya upang mas lalo pang uunlad at lalawak ang isipan at pagkatuto
ng mga estudyante. Medyo nagkaroon ng palitang kuro ang mga guro dahil sa ibinabahagi
nilang mga problema sa paggamit ng cellphone at FB lalo na sa pagbahagi sa internet ng
kanilang mga saloobin. Isa si maam Hester Mirabueno sa mga guro na nagbigay ng reaksyon
dahil sa (FB post). Sabi rin ni Sir Elvin Raga kailangan lang nating gabayan ang mga estudyante
sa paggamit ng mga digital at teknolohiya. Hindi pwedeng pagbawalan sila dahil isa ito sa mga
paraan upang mapukaw ang kawilihan ng mga mag-aaral at madebelop ang pagiging “ open-
mindedness” nila.
Naglahad ng ibat’-ibang ideya ang mga kalahok sa nasabing paksa, ayon pa nila
kailangang habaan pa ang pasesya upang makamit ang layunin at manmanan sila upang
maging responsableng mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya at digital.
Natalakay naman ang IBL (Inquiry Based Learning) , isa pang uri ng stratehiya na kung saan
ito’y kaugnay sa Problem Based Learning. Constructivist ang teoryang ito na nagsisimula sa
tanong, problema o isang sitwasyon sa halip na ilalahad ang ideya o konsepto. Inilahad ng
tagapagdaloy ang mga ideya para sa IBL at ang 10 mga rason bakit kailangan nating gamitin
ang Inquiry Based Learning. Isa pang stratehiya ang ibinabahagi ni Gng. Jossie ang PBL- Project
Based Learning. Isa itong alternatibong pamamaraan kapalit ng paper-based at rote learning.
Dito mapalawak ang ideya at malinang ang komunikasyong kakayahang ng mga estudyante
kasama ang kanilang (interpersonal at social skills). Nahasa dito ang limang makrong
kasanayan.
Ang iba pang stratehiya na natalakay ay ang EBT- Evidence Based Learning, maiuugnay
ditto ang Outcome Based Learning. Ang stratehiyang ito ay nakasentro sa mga mag-aaral. Mas
binibigyang pansin ang kinalabasan ng pagkatuto. Ang sunod na tinalakay ay ang stratehiyang
ALS- Active Learning Strategy, dito may pakikisangkot ang mga mag-aaral sa pagkatuto at
nangangailangan ng aktibong partisipasyon. Halimbawa ng strtaehiyang ito ay ang Think—Pair-
Share, Collaborative Learning Groups, Games, Reactions or Analysis to Video, studentsa
dabate at maraming pang iaba na kanyang ibinigay bilang halimbawa sa nasabing stratehiya.

Ang lahat na natalakay na stratehiya ay pinag-uusapan at ang iba ay may plano na paano
gamitin ang natutunang stratehiya. Tinapos ang nasabing sesyon sa pamamagitan ng learning
insights na ibinabahagi ni Bb. Melona Rebalbosa. Pagkatapos ng nasabing learning insights ay
nagkaroon ng panalangin. Ang LAC session ay natapos sa ika-4 ng hapon.

PREPARED BY:
MELONA U. REBALBOSA
Student Teacher

NOTED BY:
REYNALDO M. SANTOS
Principal II

You might also like