You are on page 1of 2

Tagapagsalaysay: Si Donya Victorina ay namamasyal sa bayan na may layuning pagmasdan

kung paano namumuhay at nagsasaka ang mga tamad na indio.Panay ang pintas niya sa mga
bahay ng mga ito. Sinabi niya na paano nabubuhay ang mga indio dito at ang mga indio daw ay
walang pinag-aralan at mapagmalaki sapagkat walang isa man ang nagpupugay sa kanilang mag
asawa. Iniutos pa ng Donya sa kaniyang asawa na paluin sila ng sumbrero at turuan ng urbanidad
subalit ito ay hindi ginawa ng kaniyang asawa dahil baka siya ay gantihan . Napadaan sila sa
bahay ng alperes at doon ay nakadungaw sa bintana si Donya Consolacion. Minasdan ni Donya
Consolacion si Donya Victorina mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay dumura.

Donya Consolacion : Pwe.. Akala mo kung sino peke naman.

Donya Victorina: Hoy akala mo bay di kita maririnig?

Donya Consolacion: Hoy ka rin Donya Victorina akala mo ba’y di mo ako maririnig eh kay lapad
ng iyong tainga. Mabuti na lang sana kung sing lapad ng iyong tainga ang iyong kukute.

Donya Victorina: Ah ganon. Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin? Ang sabihin mo inggit ka
lang sa suot ko.

Donya Consolacion: Ako pa talaga ang maiinggit sayo Donya Victorina. Sa bagay kainggit inggit
naman talaga ang kulot mong buhok.

Donya Victorina: Aba’t marapat lang na turuan ng leksyon ang babaeng yan.

Tagapagsalaysay: Tinabig ni Donya Victorina ang kaniyang asawa at halos ito’y napasubsob.
Siya’y lumingon kay Donya Consolacion.

Donya Victorina :Hoy kilalanin mo ang iyong kausap. Wag mong ibilang na ako’y taga lalawigan.
Sa aming bahay sa Maynila hindi nakakapasok ang alperes, silay hanggang pinto lamang.

Donya Consolacion: Aba, Escelentisima Senyora Puput. Hindi nakakapasok ang mga alperes,
natural mga pilantod lamang ang maaari.
Donya Victorina: Hoy, Donya Consolacion! Ako’y nakukutya na makipag-usap sa iyo.Ito, gusto mo
ba na labhan mo na lang ang damit ko? Wag kang mag-alala babayaran kita, mahal. Akala mo ba’y
hindi ko alam na ika’y isang labandera lamang.

Donya Consolacion: At akala mo ba ay hindi ko alam ang tunay mong pagkatao Donya Victorina.
Nasabi yata sa akin ng aking asawa na isa kang mapagpanggap na Donya.

Donya Victorina: Aba pambihira, hinahamon mo talaga ako ha. Bumaba ka dito harapin mo ako,
matapang ka di ba?

Donya Consolacion: Aba hinahamon mo talaga ako.

Tagapagsalaysay: Bumaba si Donya Consolacion dala ang kaniyang latigo. Nagpatuloy pa rin ang
dalawa sa pagtatalakan, pagsusurutan, pagsisigawan at paglalaitan.Ang mga taong naroon ay hindi
malaman ang dahilan ng kanilang pagkakagalit.

Donya Consolacion: Yung mga pinagsasabi mo ulitin mo. Akala mo kung sino kang matapang.
Bakit ano ka ba? Asawa ako ng alperes at ikaw asawa ka ng ano, asawa ka ng isang pilantod.

Donya Victorina: Wala ka talagang galang labandera ka lang.

Donya Consolacion: Ikaw naman ay isang mapagpanggap na Donya.

Donya Victorina: Labandera!

Tagapagsalaysay: Inawat sila ng asawa ni Donya Victorina.

Donya Consolacion: Mapagpanggap na Donya umalis ka na.

Donya Victorina: May araw ka rin.

Donya Consolacion: Maghihintay ako.

Tagapagsalaysay: Dumating ang alperes at inawat rin niya sila. At umalis na ang mag-asawa.
Sinabi ni Donya Victorina sa kaniyang asawa na luluwas sila ng Maynila at haharap sa Kapitan
Heneral.Samantala si Linares naman ay nakikipag-usap kina Maria Clara, Sinang, at Victorina.
Pinahahamon ni Donya Victorina si Linares sa alperes gamit ang rebolber at kapag hindi niya ito
nagawa ay ipapagtapat ng Donya ang lahat ng kasinungalingan na pinagsasabi ni Linares kay Don
Santiago.Sa pagdating ni Kapitan Tiago, siya ay malungkot sapagkat natalo siya sa sabungan. At
agad namang isinalaysay ng Donya ang lahat ng nangyari. Pagkatapos, ang mag-asawang de
Espedana ay nagayak ng kanilang maleta at ibinigay ang cuenta kay Kapitan Tiago samantalang si
Linares naman ay kanilang iniwan sapagkat kailangan niyang maghiganti.

You might also like