You are on page 1of 5

LOVELY ROSE M.

BAGAY

1 .PAMBANSANG KITA

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang
bansa. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon.

Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa. Para sa paghahambing, ginagamit na
pamantayan ang dolyar ng US.Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo lamang ang
isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). Ang mga produktong ito ay sumailalim na sa
pagpoproseso para sa pagkonsumo. Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na
sangkap sa proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Halimbawa, kung ang
sinulid ay ibibilang sa GNI at ibibilang din ang damit na gumamit ng sinulid bilang sangkap, nagpapakita ito na
dalawang beses ibinilang ang sinulid.

Kaya naman para ito ay maiwasan, hindi na ibinibilang ang halaga ng sinulid bilang sangkap sa
nabuong produkto. Sa halip isinasama na lamang ang halaga ng sinulid na kasama sa halaga ng damit. Hindi
rin isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income (GNI) ang mga hindi pampamilihang gawain, kung
wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito. Isang halimbawa nito ang pagtatanim ng gulay sa
bakuran na ginagamit sa pagkonsumo ng pamilya. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o
underground economy tulad ng naglalako ng paninda sa kalsada, nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan
sa mga bahay bahay, at nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa ay hindi rin ibinibilang sa pagkuwenta ng
Gross National Income. Ito ay dahil hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng
kanilang Gawain upang ang halaga ng kanilang produksiyon ay masukat. Ang mga produktong segundamano
ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay
bagong gawa pa lamang.
PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC PRODUCT

Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat
ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang
nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito ginawa. Ang Gross
Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik
ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan
na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito. Halimbawa, ang kita ng mga dayuhang hinango sa loob ng
Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa.

Hindi naman ibinibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na
dayuhan dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa. Sa kabilang banda, ang kinita ng mga dayuhang
ito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng kanilang bansa. Halimbawa, ang
kinita ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Singapore ay ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross
Domestic Income ng Singapore ngunit hindi kabilang sa Gross National Income ng bansang ito. Sa halip, ang
kinita ng mga naturang OFW ay binibilang sa Gross National Income ng Pilipinas

2.UGNAYAN NG KITA, PAGKUNSOMO AT PAG-IIMPOK

Nakahawak ka na ba ng malaking halaga ng pera? Sabihin na nating isang libong piso o higit pa.
Paano mo iyon pinamahalaan? May mga tao na kapag nakakahawak ng pera ay mag-iisip kung papaano ito
palalaguin. Mayroon namang impulse buyer, basta may pera bili lang nang bili hanggang sa maubos. At kung
wala nang pera, saka maaalala kung ano ang kaniyang pangangailangan. Ikaw, isa ka ba sa kanila? Ano para
sa iyo ang pera at paano ito dapat gamitin? Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay
maaaring maubos.

Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng
matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang. Madalas
na ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang kita. Ang kita ay halagang natatanggap
ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Sa mga
nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap. Ang kita ay
maaaring gastusin sa pangangailangan at kagustuhan at iba pang bagay
na kinukonsumo. Subalit bukod sa paggastos ng pera, mayroon pang ibang
bagay na maaaring gawin dito. Maaari itong itabi o itago bilang savings o
ipon. Sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), sinabi niya na ang
savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton
at Schug (2008), ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi
ginastos sa pangangailangan. Ang ipon na ginamit upang kumita ay tinatawag na investment. Ang economic
investment ay paglalagak ng pera sa negosyo. Ang isang indibidwal ay maaari ring maglagay ng kanyang ipon
sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds. Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba ang
halaga nito? Ang pera na iyong naipon bilang savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries
tulad ng mga bangko. Ang mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan sa
nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang nahiram
na pera sa pagbili ng asset (pagmamayari) na may ekonomikong halaga o gamitin ito bilang karagdagang
puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o dibidendo. Kung
itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang lumiit ang
halaga dahil sa implasyon. Bukod dito, dahil sa pagtatago mo
at

nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan.
Makabubuti kung ilalagak
ang salapi sa matatag na
bangko o iba pang financial
intermediaries upang muling
bumalik sa pamilihan ang
salaping inimpok.
3. IMPLASYON

Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon ay pangkaraniwang
nagaganap. Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga
ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon. Ayon sa The
Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling
produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010),
ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo.
Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang kondisyon ng
implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili.

Ang pagtaas ng presyo ay sinasabing kaakibat na ng ating buhay. Hindi na bago sa mga bansa na
makaranas ng implasyon, kahit noong Panahong Midyebal, ang presyo ay tumaas ng apat na doble sa
Europe. Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay patuloy na
tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany noong dekada 1920. Maging sa Pilipinas ay
naranasan ang ganitong sitwasyon sa panahon ng pananakop ng Japan kung kailan ang salapi ay nawalan ng
halaga. Dahil sa napakataas na presyo ng bilihin at pagbagsak sa halaga ng pera, kakaunti na lamang ang
kayang mabili ng salapi noong panahon ng digmaan. Kahit sa kasalukuyang panahon, ang implasyon ay isang
suliraning hindi mapigilan.

Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi
nakaliligtas sa pagtaas ng presyo. Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng
implasyon ang Consumer Price Index (CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto.
Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of goods. Ang mga nasabing
produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng
mamamayan.Tinitingnan ang halaga ng mga produktong ito upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago sa
presyo. Mula sa market basket, ang price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average
na pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang price index ay depende sa uri ng bilihin na gustong
suriin.

You might also like