Professional Documents
Culture Documents
Constitution)
ArtikuloXIII
Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao sa Paggawa
Sek. 3 Dapat magkaloob ang estado ng lubos naproteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong
dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na
mga pagkakataon sa trabaho empleyo para sa lahat.
Dapat itaguyod ng Estado ang manggagawa prinsipyong hatiang pananagutan ng mga na
itinatadhana ng ating Saligang manggagawa at mga employer at ang Batas preperensiyal na
paggamit ng boluntaryong mga pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan, kabilang ang
konsilyasyon, at dapat ipatupad ang pagtalima rito ng isa’t isa upang maisulong ang
katiwasayang industriyal.
Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa
pagkilala sa
karapatan ng paggawa sa karampatang bahagi nito sa mga bunga ng produksiyon at sa karapatan
ng mga negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan, at sa paglawak at paglago.
Noong taong 2014 ay naglabas ang Bureau of Working Conditions ng Department of Labor and
Employment ng handbook ukol sa mga benepisyo ng mga manggagawa ayon sa batas. Ito ang
magsisilbing gabay at makapagbibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas sa
larangan ng paggawa. Narito ang ilan sa mahahalagang probisyon ng nasabing handbook.