You are on page 1of 2

ABSTRAK

Ang Staphylococcus aureus (S, aureus) ay isang uri ng mikroorganismo na nakikita sa balat at buhok sa
loob ng mga ilong at lalamunan ng mga indibidwal at hayop. Ang bacteryum na ito ay mabilis na dumami
sa temperatura upang makagawa ng isang lason na sangkap na nagdudulot ng sakit. Ang pag-aaral na ito
ay naglalayong ihambing ang mga Antibakteryal na Properti ng Bottle Gourd (Lagenaria sicenaria) at
Waks Gourd (Benincasa hispida) Extraks sa Buto laban sa bakterya, Staphylococcus aureus (S. aureus).
Dahil sa sakit dulot ng bakterya na ito na maaaring kumalat, ginawa ang pananaliksik na ito upang
mapigilan o hindi na dumami pa ang maapektuhan mula dito Ang nasabing pag-aaral ay sumailalim sa
isang kuwalitatibong pag-aaral, gayundin, gumagamit ito ng isang pang-eksperimentong paraan upang
ihambing ang dalawang mga variable nang sa ganoon ay mas makabuluhan o mas malalaman ang
kinalalabasan ng nasabing pananaliksin. Unang ginawa ay ang pag kalap ng mga gagamitin na variable,
kasunod ay and pagpapatuyo ng mga ito sa loob ng limang (5) araw. Pagkatapos patuyuin ang mga ito ay
dinurog ito hanggang maging pulbos at hinalo sa methanol. Ilang araw itinabi ang mga ekstraks at katapos
ng ilan araw ay inumpusahan nang gumawa ng agar at ang tinatawag na “Inocculation” o ang paglalagay
ng bakterya. Ng matapos ang ekperimento, naghintay ng labing walong (18) oras upang malaman ang
resulta, sa ginawang pananaliksik ay nagkaroon ng zero (0) na value, lumilitaw na hindi umipekto ang
mga ekstraks na mapatay ang bakterya. Dahil sa kinalabasan ng eksperimento at base sa nakalap na datos,
napatunayan na walang anti bakteryal na property ang Bottle Gourd (Lagenaria sicenaria) at Waks Gourd
(Benincasa hispida) na maaaring makipigil sa pag laganap ng bakteryang Staphylococcus aureus (S.
aureus). Ang buong pananaliksik ay nag pokus lamang sa paghahambing ng dalawang variable, ang buto
ng Bottle Gourd (Lagenaria sicenaria) at Waks Gourd (Benincasa hispida).

Bionete

John Martin T. Cruz, isinilang noong Agosto 5, 2001 at ngayon ay nasa 17 taon gulang
na. Siya ay kasalukuyang mag-aaral ng Angeles University Foundation sa baiting 11. Siya
din ay isang kompleter ng nasabing paaralan. Bata pa lamang ay kinahiligan na niya ang
paglilingkod sa Diyos bilang isang Altar Server, at sa katunayan ay nagsisilbi bilang
president ng kanilang organisasyon. Dagdag pa ditto ang hilig nya sa pag lalaro ng
volleyball, noong sya ay nasa ika sampung baiting ay nagkamit sya ng award bilang “best in server”.
Kinahihiligan din nya ang pag awit, kayat sya ay palaging nakikipag kalahok sa mga kumpetisyon. Ilang
beses na siyang nag wagi sa mga competisyon na kanyang sinalihan. Ninanais na kumuha ng Architecture
sa kolehiyo.

Portia Colyn P. Manalastas,Isinilang noong ika-siyam ng Marso sa taong 2001 sa


San Fernando, Pampanga. Ang kanyang elemetarya at hayskul ay natapos niya sa L’Altra
Montessori school inc. Kasakuluyang nag-aaral ng Senior High School sa Angeles
University Foundation Integrated School sa Sta. Barbara campus. Hinirang siyang best
in arts noong siya ay nasa junior highschool. kahiligan niya ang magbasa ng nobela,
kumuha ng litrato sa magagandang tanawin at masasayang tao at maglakbay sa malalayong lugar para iguhit
ang nais ng kanyang damdamin.

Earl Dhane P. Diño,Isinilang noong ika-anim ng Nobyembre sa taong 2001 sa Angeles, Pampanga. Ang
kanyang elemetarya ay natapos niya sa Dau Elementary School at ang Hayskul naman sa Angeles
University Foundation Integrated School. Kasakuluyang pa rin nag-aaral ng Senior High School sa
Angeles University Foundation Integrated School sa Sta. Barbara campus. Mahilig siyang maglakbay
gamit ng bisekleta at mahilig din siyang gumuhit ng mga iba’t ibang larawan kahit noong siya’y bata pa
lamang.

You might also like