You are on page 1of 3

Sa nakalipas na ilang taon, ang mga pag – aaral sa pananaliksik ay binigyan ng lubos

na kahalagahan ng lipunan dahil sa napakalaking benepisyo na ibinibigay nito. Dahil sa

pagkilala sa institusyon ng De La Salle University sa larangan ng pananaliksik at pagsisiyasat,

ako, bilang mananaliksik, ay nais mag – aral sa larangan ng Social Science sa pamamagitan ng

pag- unawa at pag – alam sa kakaibang diskriminasyong natatamo ng mga Bisexuals sa

Pilipinas sa mga Lesbian, Gay, at maging sa mga Heterosexuals. Ayon sa isang artikulo, ang

mga nasa spectrum ng LGBTQ+ ay binubuo higit sa kalahati ng mga bisexuals na nakararanas

ng kasalatan, diskriminasyon, mahinang pangangatawan at kalusugang pangkaisipan (Cruz,

2014). Maraming pag – aaral na ang nalathala sa negatibong natatamasa ng mga bisexuals sa

komunidad ng lalaki at babae, at maging sa komunidad ng queer. Isang patunay, ang pag –

aaral sa American University, nagkaroon ng mataas na bilang ng karahasan at diskriminasyon

na labis na nakaapekto sa kalusugang pangkaisipan o mental health (Truong, 2017). Ang datos

na matitipon sa pag – aaral na ito ay hindi lamang idaragdag sa kaalaman ng mga

heterosexuals at Lesbians at Gay bagkus maaari din maging gabay upang maibsan ang double

discrimination na nararanasan ng mga bisexuals sa lipunang kanilang ginagalawan.


Ang kasarian ay isang estado ng pagiging lalaki, babae, o isang biyolohikal na

pinagmulan na tinatawag na sex. Ang pagkakaiba lamang sa dalawang salita ay ang sex ay

tumutukoy sa biyolohikal na katangian ng isang lalaki o babae habang ang kasarian ay

nagpapahiwatig ng sikolohikal, asal, panlipunan, at kultural na aspekto ng pagiging lalaki o

babae (APA Dictionary of Psychology, 2015). Bilang karagdagan, may isang pag – aaral na

ginawa ng Common Sense Media (2017) na nagsasabi na ang kasarian ay mayroong

damdamin sa isang partikular na kasarian na akma sa kanyang pagkatao, at sa lipunan, at mga

tungkulin na iniuugnay sa mga kababaihan at kalalakihan.


Ang bisexual ay isang tao na sekswal na naaakit sa mga tao ng parehong kasarian –

kabaligtaran at parehong kasarian (Harris & Emberley, 2011). Gayunpaman, ang mga bisexuals

ay nakikihalubilo o nakikisama rin sa kultura ng heterosexual at maaari ding makibagay sa iba’t

ibang kategorya ng LGBTQ+ tulad ng Gay at Lesbian. Ang bisexuality ay isang pansamantalang
yugto ng pagtanggi o paglipat, ito ay tinatawag na “3 rd type” ng sexual orientation (Diamond,

2008).
Ang lesbian, gay, bisexuals, transgender + (LGBTQ+) ay isang komunidad sa Pilipinas

na nakikipaglaban sa pagkakaroon ng pagkapantay – pantay at respeto sa ating lipunan. Sa

isang opisyal na pahayag ni Cristobal sa Rappler, ang komunidad ng LGBTQ+ ay

pinahihintulutan sa Pilipinas ngunit patuloy pa rin ang hindi pagtanggap sa kanila ng lipunan

(Guiterrez, 2017). Ayon sa nakalap na literatura nina Ocampo at Alonso na pinamagatang

“Experiences, Perceptions, and Discrimination among Bisexuals”, ipinakita na ang mga bisexual

ay nagdurusa dahil nakararanas sila ng isolation sa lipunan at apektado rin ang kanilang

pamumuhay. Hindi naging bukas ang pagtanggap sa kanila ng lipunan, maging ang mga

lesbian at gay community. Sa kasalukuyan, ang kinikilala ng pangkalahatan ay isang tao bilang

homosexual o heterosexual at ang bisexuals ay hindi akma sa alinmang kategoryang

nabanggit. Gayunpaman, mayroon man silang bisexual na damdamin, sila ay nagsusumikap na

mabuhay bilang isang normal na mamamayan sa isang lipunan tulad ng nakagawian ng mga

heterosexual, gay, o lesbian. Binubuhay ng bisexuality ang isyu tungkol sa kanilang sexual

orientation at hinihikayat ang pagtanggap sa lipunang mayroong pagkakaiba – ibang kasarian

(Ochs, 2005).

https://www.refinery29.com/en-us/2017/09/170964/bisexual-discrimination-research
https://www.rappler.com/entertainment/news/177891-aaron-carter-comes-out-bisexual-
message-fans
https://www.advocate.com/bisexuality/2014/09/22/report-high-rates-violence-discrimination-
against-bisexual-people
https://www.rappler.com/nation/170091-lgbtq-rights-philippines-tolerated-not-accepted

You might also like