You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Mindanao State University-Iligan Institute of Technology


SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, Iligan City
___________________________________________________________
JENELIN S. ENERO PHDFIL1
FIL 315 Literaturang Pambayan

PAGSUSURI NG MITO

INTRODUKSIYON
Ang mitolohiya ay isang uri ng panitikan kung saan ang kadalasang paksa nito ay
politika, ritwal, at mga moralidad ng mga sinaunang diyos at diyosa. Ang mga kwentong ito
ay nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Isang magandang
halimbawa nito ay ang kwento ni Cupid at Psyche.
Isa sa mga napansin kong istilo ng pagsusulat ng mga mito ay tumatalakay ito
kadalasan sa isyu ng kalikasan. Noong unang panahon ay matibay ang pagpapahalaga ng
mga tao sa kalikasan natin kung ihahambing natin sa kasalukuyang panahon.

ANG SIRENA AT SI SANTIAGO


(Mito ng Pagadian)
Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga
mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-
uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng sirena, patay man o buhay.
Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na
mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay
nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ng tubig upang makarami ng huli kada araw.
Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na
napakagandang tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang
babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato. Hindi siya makapaniwala sa
kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking galing ng babaeng ito. Ngunit
mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang isda ang dalagang nasa harap
niya.
Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-
daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agad din namang
sumagwan para mahabol niya ito.
Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit
sila sa isa’t isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang
nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog
sila sa isa’t isa.
Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging
magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang
sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una, hindi
sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t pumayag na lang siya.
Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang
pamilya at nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang
ang ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak.
Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang
puntahan, sa likod ng malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang
magkasintahan sa mga isda nang biglang dumating ang grupo ng mga mangingisda na
nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila’y ginayuma niya si Santiago
upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad namang pinrotektahan ng
lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at namatay.
Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.
Sinabi ng mga isda ang kanilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno
ng kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan ng parusa ang mga tao
upang matuto ang mga ito. Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na
“tsunami” sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa mga mangingisda at nagdulot ng
malaking pagkakasira sa buong lungsod ng Pagadian.
Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa
kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon, naging
napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na mang-aapi ng
sirena sakaling makakita sila nito.

PAGSUSURI
Ipinapabatid ng kwentong ito na may kaluluwa ang kalikasan. Na lahat ng gagawin
nating mga tao ay bumabalik sa atin lalo na kapag hindi natin pinapangalagaan ang ating
kalikasan. Ang kwentong ito ay nag-iiwan ng aral sa atin na igalang natin ang kalikasan at
pahalagan ang mga likas na yaman. Totoong ang ating bansa ay mayaman sa mga likaw na
yaman, ngunit may kasabihan na natural na rin sa mga Pilipino ang pagiging tamad sa
sariling bayad. Nagiging masipag lamang ang Pilipino kapag nasa ibang bansa. Dahil sa
katamarang ito, nagamit itong entry point ng mga dayuhan na pamunuan ang
pagpapaunlad ng mga likas na yaman na mayroon tayo.
Ang isyu sa pagpapahalaga sa kalikasan sa panahon ngayon ay naisasawalang-
bahala na lamang. Hindi tayo natututo hanggang hindi natin naranasan ang maging biktima
ng iba’t ibang kalamidad. Mabuti na lamang at sa panahon ngayon unti-unti na tayong
namulat sa katotohanan at unti-unti na tayong nahimok na pangalagaan ang ating
kalikasan.
Ayon sa 2015 report ng environmental campaigner na Ocean Conservancy at ng
McKinsey Center for Business and Environment, aabot sa 60 porsiyento ng plastic waste na
napupunta sa anyong-tubig ang nanggagaling sa limang bansa sa Asya – Tsina, Indonesia,
Pilipinas, Vietnam at Thailand. Dagdag pa sa ulat, tumaas ang pangangailangan para sa
produktong ginagamit ang plastic pero hindi nakaagapay ang imprastruktura para sa
wastong pagdespatsa ng basurang plastic na hindi agad nabubulok (ABS-CBN News, June
2018).
Bilang mamayang Pilipino, hangad ko lamang na maipagpatuloy natin ang
nasimulang mga proyekto hinggil sa pangangalaga sa Inang Kalikasan. Ang mga nasimulang
proyekto ngayon ay sana hindi lamang dahil palapit na ang eleksiyon kung maging ugali na
natin na pahalagahan ang Inang Kalikasan. Hinahangad ko rin sana na lahat ng mga Pilipino
ay maging bukas sa mga pagbabago at sumunod na kung ano ang nararapat para sa
ikapapayapa at ikauunlad ng ating bayan.
"Ang Kaharian ng Kawayan"
May apat na magkakaibigan sa kwentong ito, sila Malik Malikhain, Lino Matalino,
Sinang Usisera, at Kaloy Makakalikasan. Si Malik ay kilala sa paggawa ng mga bagay na
mapapakinabangan, kaya nga lang ay nasasayang ang ilang bahagi ng mga bagay na
ginagamit niya, halimbawa; kung nais niyang gumawa pumuputol siya ng isang puno para
makabuo ng isang kwarderno at hindi niya pinapalitan ang mga punong kanyang pinuputol.
Si Lino naman ay marunong gumawa ng paraan sa mga bagay-bagay, ngunit
madalas siyang mag-aksaya ng tubig, katulad ng sa paglilinis, ay hinahayaan lang niyang
umaapaw ang tubig sa kanyang baso, o ang kanyang balde at masasayang ang mga ito.
Kilala sa pagiging matanong si Sinang, mahilig siyang mag-usisa sa mga bagay na
ginagawa ng kanyang mga kaibigan o kahit sinong tao na gusto niyang makaalam ng
bagong impormasyon.
At si Kaloy naman ay nakilala sa kanyang pagiging masinop, at mapaalaga sa
kalikasan.
Isang araw, may isang diwata ang nagpakita sa apat na magkakaibigan. “Kailangan
ko ang inyong tulong!” wika niya, “Ako si diwatang Pina mula sa kaharian ng mga kawayan,
sa aming kaharian, ay mayroong nagbabadyang panganib!-si Bundoy, ang isang halimaw
mula sa karagatan ay nagbabadyang atakihin an gaming mumunting bayan.”
“Maaari ba kayong tumulong para mapaghandaan naming ang mga mangyayaring
pag-atake ni Bundoy?” ito ang pagmamakaawa ni diwata Pina.
“Ako naman ay tutulong sa pag-iisip ng mga paraan para makaiwas tayo sa mga
posibleng panganib.” Alok ni Lino.
“Ako naman ay kakalap ng mga impormasyon tungkol kay Bundoy, at sa mga kaya
niyang gawin upang mapaghandaan natin,” sabi naman ni Sinang.
“Tutulong na lang ako, kung ano pang mga kailangan gawin”, ito nalang ang
itinuring ni Kaloy nang maisip niyang wala na siyang halos maitutulong, dahil kayang gawin
ng kanyang mga kasama ang lahat.
Natuwa ang diwata sa apat na magkakaibigan kaya sa isang senyas lang ng kanyang
mga kamay ay napunta na sila sa isang mahiwagang kaharian, ang kaharian ng kawayan.
Doon sa kanila tumambad ang isang napakalawak na lupain, mayroong maliit na
pamayanan, at sa paligid nito ay maraming malalaking puno ng kawayan, at hindi
pangkaraniwan ang mga laki at tibay ng mga ito.
Ipinakilala ng diwata kay Reynang Pili ang kanyang mga kasama, at nangako naman
ng gantimpala ang reyna sa apat na magkakaibigan, sakaling malampasan ng kanyang
sinasakupan ang darating na pag-atake ni Bundoy.
“Maaarin ninyong gamitin lahat ng mga yamang likas ng aming kaharian, upang
magawa ang lahat ng dapat gawin. Inalagaan naming ang mga yamang likas na nandito,
upang sa pagdating ng panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.” Ito ang uto ng
reyna ng mahiwang kaharian.
Agad namang kumilos ang apat na magkakaibigan.
Si Sinang ay agad lumikom ng impormasyon tungkol kay Bundoy at sa kanyang mga
kawal, “napag-alaman kong hangin at tubig pala ang kapangyarihan ng halimaw na si
Bundoy! Bumubuga siya nang malakas na hangin, upang matangay ang sinumang haharang
sa kanya at nagdadala rin siya ng maraming tubig upang agusin lahat ng makikita niya sa
daan.” Ito ang kanyang inulat sa mga kaibigan.
Para sa karugtong ng kwentong ito, matutunghayan niyo ito sa link na ito:
https://www.google.com/amp/s/mgamaskara.wordpress.com/2010/10/11/ang-kaharian-ng-
kawayan/amp/

PAGSUSURI
Mababatid sa kwentong ito ang kanya-kanyang papel na ginampanan ng mga tauhan
para sa pangangalaga sa Inang Kalikasan.
Masyado na nga yatang kinain ng sistema ng pulitika ang ating pang-araw-araw na
buhay dahil kahit sa social media ay isyung pampulitika pa rin ang kadalasang pinag-
uusapan, pinagtatalunan. Kaya marapat naman sigurong bigyan natin ng sapat na panahon
ang ating kalikasan.
Nabibigyan lamang ng mas malaking pansin ang usapin ng kalikasan kapag nasa
ilalim tayo ng kalamidad pangkalikasan, napakalaki ng mga kalamidad na ito, (Abante
Tonite, Jan, 2017). Katulad na lamang ng bagyong Yolanda na pinakamalakas na bagyo sa
kasaysayan ng mundo. Ganoon din ang Ondoy ilang taon na ang nakalipas na sumira ng
record sa pinakamalakas ma ulan na ulan na nararanasan natin sa loob ng isang araw.

You might also like