You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA MAKABAYAN IV – BONIFACIO

MATIAO ELEMENTARY SCHOOL


MATI, DAVAO ORIENTAL
MARCH 13 2109

I - LAYUNIN

Pagkatapos ng limampung minute 50 pagtuturo, ang mga mag- aaral ay


inaasang:

A. Makatutukoy ng nga sanhi at epekto ng mga isyung pangkapaligiran ng


bansa;
B. Makapagsasadula ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ng bansa;
C. Mapahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran sa bansa.

II – PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa


B. Sanggunian: Araling Panlipunan Curriculum Guide, p.90
C. Mga Kagamitan: Larawan o video ng mga isyung pangkapaligiran ng
bansa, ppt
D. Integrasyon: Sining, pagpapahalaga sa pagpapanatili ng malinis na
kapaligiran.

III- PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagkuha ng attendance
B. Paglalahad
1. Balik- Aral
 Ang guro ay magtatanong sa mga mag- aaral kung anu-ano ang
pakinabang ng pang ekonomiko ng mga likas na yaman.
 Tatagal lamang ito ng limang minute.
2. Pagganyak
 Ang guro ay magpapakita ng video clips tungkol sa mga
magagandang kapaligiran.
 Tatanungin ng guro ang mga mag- aaral ng mga sumusunod:
1. Ano ang masasabi niyo sa larawan na inyung nakita?
2. Ganun din ba ito sa kasalukuyan? Ipaliwang kung ang sagot
ay oo o hindi.

3. Paglalahad ng Paksa at Layunin

 Ipapabasa ng guro sa mga mag- aaral ang mga layunin.


 Ilalahad ng guro ang bagong paksa
4. Paghawan ng Sagabal:

 Magkakaroon ng oral recitation tungkol sa mga hindi p-amilyar na mga salita.


 Tatagal lamang ito ng dalawang minute.

5. Pagtatalakay/paglalahad

 Ang guro ay magtatanong sa mga mag- aaral ng mga sumusunod:


1. Ano kaya ang napapansin ninyo sa ating kapaligiran ngayon?
2. Anu- anong isyung pangkapaligiran ang nararansan sa kasalukuyan?
 Pagkatapos ng mga katanungan at paglilinaw ay isa- isang ipapaliwang ng guro ang
mga sanhi at epekto ng mga isyung pangkapaligiran ng bansa sa mga mag- aaral.
 Ipapakita ng guro ang mga isyung pangkapaligiran ng bansa gaya ng global warming,
pagbaha at pagguho ng lupa, at polusyon.

Larawan ng industriya. Ang industriyalisasyon ay ang malakihang pagpapatayo ng mga


industriya, pagtatag ng at iba pang gawaing pang ekonomiya. May mabuti at masaman dulot
ang industriyalisasyun sa kalikasan. Kasabay ng mga industriya ay ang pagkakaroon ng
pondo para sa mga proyekto sa reforestration o muling pagtatanim. Gayunpaman, may
kaakibat ding masamang epekto ang industriyalisasyon.kasama nito ang global warming,
pagbaha at pagguho ng lupa.

Larawan ng global warming. Global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng


atmospera ng mundo. Sanhi nito ang CHLOROFLUOROCARBON na nanggagaling sa mga
industriya at maging sa kabahayan. Maaari itong magdulot ng greenhouse effect o ang
pagkakakulob ng init ng araw na nakaapekto sa kalusugan at mga pananim.

Pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng walang


habas na pagputol ng mga malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan. Epekto
rin ito ng pagkakaingin o pagsunog sa kagubatan para makagawa ng uling, pagtamnan ang
lupa, pagtatayuan ng tirahan o komersyal na gusali.

You might also like