You are on page 1of 3

CORTEZ, Janina Beatrice A.

FLMKSAY—DFF3
Mayo 15, 2019

1. Wika
Ang wika ay ang instrumenong ginagamit ng mga tao upang ilahad ang kanilang
mga ideya, kaalaman, emosyon, o pananaw (Saligan 1). Ang mismong salita ay may ugat
na salitang Latin na “lengua” na ang literal na kahulugan ay “dila”—ang parte ng
katawan ng tao na tumutulong sa paggawa ng tunog (Lorejas 1). Maaari itong maging
tunog o simbolo, kaya ito ay ginagamit sa pagsalita at pagsulat (Saligan 3). Mahalaga ito
dahil ito ay may iba’t ibang gamit sa pamumuhay ng tao: sa ekonomiya, relihiyon,
pulitika, at edukasyon (Lorejas 3).

2. Kultura
Ang kultura ay ang napagsanayan na paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng
mga tao. Ilang halimbawa nito ay wika, sining, paniniwala, at moral (Cruz 1). Maaaring
tawagin ang kultura bilang kaluluwa ng mga tao dahil dito base ang mga gawain nila
(Pinoynewbie.com par. 1). Ito rin ay dahil ang kultura ay ang koleksyon ng mga pananaw
ng mga tao, kabilang na rin ang mga minana ng mga naunang henerasyon sa kanila
(Pinoynewbie.com par. 3). Ang mga ideyang ito ay ang dahilan kung bakit ang kultura ay
nagbibigay pangalan sa isang partikular na lugar, sapagkat ang iba’t ibang lugar ay may
iba’t ibang paniniwala at paraan ng pamumuhay (Pinoynewbie.com par. 5).

3. Panitikan
Ang panitikan ay ang malikhaing pagpapahayag ng ideya o kuwento. Ito rin ay
maaring tawaging literatura—isang salitang mula sa Latin (“littera”) na ang kahulugan ay
titik (Candelaria at Gelle 1). Mayroon itong dalawang uri: kathang-isip at hindi kathang-
isip, o fiction at non-fiction sa Ingles. Para makabuo ng isang gawaing panitikan,
mahalagang mayroong kakaibang imahinasyon ang manunulat para malinaw niyang
mailalahad ang kaniyang mga ideya (Candelaria at Gelle 3). Ang dalawa namang anyo ng
panitikan ay patula at prosa. Ang una ay ang dahan-dahang pagpili ng mga salita upang
ito ay magtugma at malikhaing pagsamahin para magkasya sa tamang bilang ng mga
pantig, pati na rin ng mga taludtod at saknong. Ilang halimbawa ng mga patulang
panitikan ay ang tulang liriko, tulang pasalaysay, at tulang pangtanghalan. Ang
pangalawa naman ay ang mas malayang paraan ng panitikan. Ito ay ang simpleng
paggawa ng mga pangungusap upang mailahad ng tao ang kaniyang gusto sa malikhaing
paraan. Ilang halimbawa nito ay maikling kuwento, alamat at talambuhay (Mon-alon 1).

4. Kasaysayan
Ang kasaysayan ay ang sinulat na mga pangyayari na narinig, nakita, o mismong
naranasan ng mga historyador ayon sa kanilang sariling pananaw.
5. Pelikula

Sanggunian

Candelaria, Ariane at Gemma Gelle. Panitikan: Kahulugan, Layunin at mga salik na


nakaaapekto. De La Salle Santiago Zobel School, 2009. Scribd,
https://www.scribd.com/doc/33306673/Ano-Ang-Panitikan-HANDOUT

Cruz, Erwin. Kahulugan ng Kultura. N.p., n.d. Academia,


www.academia.edu/14891132/Kahulugan_ng_Kultura

Lorejas, Mark. Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba’t-Ibang Manunulat. N.p., n.d. Academia,
www.academia.edu/26333272/Depinisyon_ng_Wikang_Ayon_sa_Ibat-Ibang_Manunulat

Mon-alon, JM. Ano ang panitikan? Dalawang Uri ang Panitikan. N.p., n.d. Academia,
https://www.academia.edu/26282499/Ano_ang_panitikan_Dalawang_Uri_ang_Panitikan

Pinoynewbie.com. “Ano ang Kahulugan ng Kultura?.” N.p., 2019, www.pinoynewbie.com/ano-


ang-kahulugan-kultura-elemento-uri/

Saligan, Haimar. Aralin 1: Pagkatuto ng Wika: Kahulugan ng Wika at Kalikasan ng Wika. N.p.,
n.d. Academia,
www.academia.edu/35941283/Aralin_1_Pagkatuto_ng_Wika_Kahulugan_ng_Wika_at_Ka
likasan_ng_Wika

You might also like