You are on page 1of 3

Sa saliw ng lagutok ng mga yantok, mapapasabay ka na lang sa indak nito.

Lahat ng tao'y nakatingin—mayroong nangingiwi, napapatakip sa mata at hindi


kinakaya ang mga nakikita saka mga hayop na hayok at nasisiyahan sa sinasapit ng iba
na tila namamangha pa.

Malagkit na ang katawan---punong-puno na ng pawis pati nang dugo.

Klik! Klak!

Mapapapikit ka sa bawat halik ng yantok sa balat.

Kaliwa. Kanan.

‘Yan ang ritmong kailangan kong sabayan.

Isa…dalawa…

Bumibilis pa o minsa’y bumabagal.

Sa kabilang kanto naman naghihintay ang iba—mga lalaking may hawak na


pamalo na gawa sa kahoy ang dulo at telang makapal ngunit sumasabay sa bawat
wasiwas sa hangin—maririnig mo ang guhit ng hangin habang iwinawasiwas at kung
mamalasin pa ay mapupuhing ka sa alikabok nito. Puti ang telang nakakabit ngunit ang
dulo nito ay mamula-mula na at mamasa-masa.

Malutong ang bawat tikatik ng makakapal ngunit maliit na yantok sa balat at


tinapat na sa mga batang may dala isang plastic ng nakaboteng tubig—mararamdaman
mo yung hapdi habang pumapatak pa lang sa bunganga ng boteng pinambubuhos sa
yantok.

Sa ilalim ng tirik na araw, sumisingaw ang init ng semento.

Tatlong hampas at marahang dumapa.


Limang hataw sa hilaga.

Kaya pa at siguradong makakarating sa dulong estasyon.

Lima sa silangan.

Tila guhit na lang sa pandinig ang mga ingay at ang mga winiwika ng mga tao’y
di ko na lubusang naririnig.

Lima sa timog.

At…habang mamilipit-lipit, lima na todong hataw sa kanluran saka tumayo para


hagupitin uli ang sarili.

Mainit. Nakapapaso ang init.

Mas lalong lumagkit ang sarili at lumapit pa ang mga naatasan na maghiwa
gamit ang blade.

Mapapatingala ka na lang sa hapdi at mapapatuloy sa novenang dinarasal.


Lumalagabog na ang kaninang tikatik ng mga yantok.

“Mapalit na.” bulong nito sa sarili.

May ilan na nag-abot ng tubig at itlog ngunit tinanggihan na lang sapagkat hindi
niya kayang mawala sa konsentrasyon.

Napapasigaw o di kaya’y nandidiri ang mga nawiwisikan ng dugo mula sa yantok


ngunit gusto nilang lumapit pa. Umaalingasaw na rin ang amoy—pinaghalong kalawang
at araw.

Mabaho. Malagkit. Nakapandidiri.


Marami ang nakatingin sa kanila. Sa mga lalaking hinahagupit ang sarili habang
nakatakip ng samu’t saring tela ang mga mukha, dumarapa at nagpapalo, binabasa ang
likod at naglilinis ng pamalong yantok.

Dumaan ang nagpapasan ng krus—hindi na hinahagupit sapagkat may


katandaan na ang nagbubuhat at mukhang huling taon na ng pamamanata. Tinitigan
siya ng lahat—mula umpisa hanggang dulo kahit saan man maparaan.

Ngunit mas marami nakatingin sa akin—na hindi nila nakikita.

Walang kurap ang mga ito at kung iisipin—nakakatitig lamang sa akin. Nakangiti
silang lahat at tila sabik sa akin. Mayroong mga pakpak at mamula-mula ang mga balat.

Matapos ang pagpepenitensya, itinuro ako ng isa at nagwika:

“Pilato…ikaw na.”

Nagdilim ang lahat.

Ang huli kong nakita ay isang malaking bola na gawa sa bakal na balot din ng
matutulis na ibang uri ng bakal ang nakita kong pahampas sa aking mukha.

You might also like