You are on page 1of 1

HERMINIA BORJA-MANZANO v. JUDGE ROQUE R. SANCHEZ, respondent.

A.M. No. MTJ-00-1329. March 8, 2001

“Gross ignorance of the law excuses no one from the compliance therewith”

Noong 1966, kinasal sina Herminia at David sa San Gabriel Archangel Parish sa
Caloocan. Ang kasal nila ay nagbunga ng apat na anak.

Subalit noong 1993, muling kinasal si David sa ibang babae na si Luzviminda. Sa


pagkakataong iyon ay dapat alam ni Juge Roque na nag-kasal sa knaila na walang bisa
nag kasal na iyon dahil kapwa silang may mga asawa na at parehas ding kasal.

Sinampahan ni Herminia si Judge Roque ng gross ignorance of the law sa Office of the
Court Administrator.

Sinabi naman ni Judge Roque na noong ikinasal niya sina David at Luzviminda ay hindi
nito alam na parehas na silang kasal. Ayon sa kaniya, ang alam lamang niya na pitong
taon nang nagsasama na sina David at Luzviminda. Dagdag pa niya kung nalaman lang
niya na kasal na nag dalawa ay hindi na niya ito kinasal dahil maaari silang
masampahan ng kasong bigamy.

Sa puntong ito ay natagpuang guilty si David ng Office of the Court Adminitrator,


inatasang magbayad ng fine na nagkakahalagang dalawang libong piso at sinabing
kapag naulit pa ang ganitong Gawain ay mapaparusahan siya nang mas malala.

Nang inakyat ang kaso sa Kataas-taasang Hukuman ay sinabi ng Korte na kahit pa


tama ang batas na pinagbasehan ni Judge Roque na hindi kailngan ng marriage license
sa pagpapakasal kung ang ikakasal ay nagsama na ng limang taon at sa panahong ito
ay walang legal impediment of hadlang sa pagpapakasal ng dalawang tao.

Subalit, mali na magkubli sa dahilan na Affidavit ni David at Luzviminda na nagsaad na


nagsama sila sa loob ng pitong taon dahil hindi nababago ng pagsasama ng limang
taon o ilan pang taon ang ligalidad ng isang kasal.

Malinaw ang sinabi ng batas na ang pagsasama ng dalawang tao sa loob ng limang
taon ay tinuturing lamang na exempted sa pagkuha ng marriage license. Ngunit, hindi
ito sapat na dahilan para ikasal ang dalawang tao na kasal na sa iba.

You might also like