You are on page 1of 9

MANILA, Philippines — Tatapatan ng Philippine Army ang ginagawang pagre-recruit ng New People’s

Army (NPA) sa mga unibersidad sa bansa.

Ayon kay Phil. Army Public Affairs chief, Lt. Col. Demy Zagala, sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, ang
mga kabataan ngayon ay masyadong idealistic dahilan para madaling makuha ang loob ng mga ito ng
mga NPA.

Dahil dito ay patuloy aniya nilang isinusulong ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Course (ROTC)
na siyang tatapat sa recruitment ng NPA.

Paliwanag pa ni Zagala, ang ginagawang recruitment ng NPA ay sa pamamagitan ng paninira sa gobyerno


at bansa na may layuning palitan ang pamunuan sa bansa. Habang ang ROTC ay naglalayon na palakasin
ang pagmamahal sa bayan, disiplina at pagiging makabansa.
46 ‘narco pols’ kinasuhan ng DILG

18

SHARES

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local


Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang 46 incumbent government officials na tinukoy ni
Pangulong Duterte na nasa narco list na sangkot o protektor ng iligal na droga.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, inisyal pa lamang ang nasa ‘narco pols’ ng Pangulo na sinampahan
ng kaso base sa ibinigay na rekord ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa narcolist na ibinulgar ni Pangulong Duterte, kabilang sa mga sangkot sa droga ay 35 Mayors, pitong
Vice Mayors, isang Provincial board member at tatlong miyembro ng House of Representatives.

“The 46 “narco pols” are facing administrative charges of grave misconduct, conduct prejudicial to the
best interest of the service, conduct unbecoming of a public officer, and gross neglect of duty,” anang
Kalihim.

Agosto 2016 pa ng ianunsyo ni Pangulong Duterte ang mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade
na kinabibilangan ng mga mahistrado, local executives at mga retirado at aktibong opisyal ng PNP.

Inisyal pa lamang ang ipinalabas na mga pangalan ni Pangulong Duterte at masusundan pa umano ito.

Agarang solusyon sa krisis sa tubig giit ni Leni

shares
(Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Vice Pres. Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling
panahon ang problema tungkol sa suplay ng tubig sa Metro Manila, lalo na sa gitna ng mga tanong
tungkol sa pagpapatakbo at pagpapatayo ng mga dam na pinagkukunan ng tubig.

Sa kaniyang pagbisita sa bayan ng Infanta, kung saan balak itayo ang Kaliwa Dam, idiniin ni Robredo ang
kahalagahan ng pagsisiguro na kasali ang mga residente, lalo na ang mga katutubong naninirahan dito, sa
pagpapasya kung dapat bang ituloy ang nasabing proyekto, na gagawin sa ilalim ng kontrata sa pagitan
ng Pilipinas at China.

Dagdag ni Robredo, imbes na itulak ang proyekto—sa gitna ng mariin na pagtutol dito—tingnan na
lamang ng administrasyon ang pagsasaayos ng mga existing na pinagkukunan ng water supply upang mas
maraming tubig ang mailagay dito. Dapat rin umanong tugunan ng pamahalaan ang mga tanong tungkol
sa pinasok na kontrata, sa pagitan ng Pilipinas at China, upang maipatayo ang nasabing dam.

Sumang-ayon dito ang mga kandidato ng Otso Diretso, at idinagdag na hindi dapat daanin ng
administrasyon sa palusot ang kakulangan ng suplay ng tubig, na kasalukuyang nakakaapekto sa mga
residente ng Metro Manila.

Kasama sa mga kandidato ng Otso sina Chel Diokno, Sen. Bam Aquino, Congressman Gary Alejano, dating
senador Mar Roxas, dating congressman Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, Atty. Romy
Macalintal at dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc.

Sotto, Lacson hinamon ng debate sa budget

shares

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am


MANILA, Philippines — Hinamon ng isang lider ng Kamara sina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo
Lacson sa isang debate para makapag-promote ng transparency sa proseso ng pagba-budget ng
kongreso.

Giit ni House senior Deputy Majority leader at 1-Sagip party list Rep. Rodante Marcoleta, na ang
suhestyon ng Senado na ituloy ang lump sum funds sa P3.757 trillion national budget ay malinaw na
paglabag sa Supreme Court (SC) ruling laban sa pork barrel funds.

Sabi ng kongresista na baka may tinatago ang mga senador kaya ayaw nilang mag-itemized.

Pinagtataka rin ni Marcoleta kung bakit bigo si Lacson na makita ang umanoy’ pork barrel funds ng
kanyang mga kasama sa Senado.

Hinamon naman ng kongresista si Sotto na lagdaan ang national budget kung talagang gusto niya ang
transparency dahil na-itemized na ng Kamara ang lahat ng lump sum funds.

Binuweltahan din ni Marcoleta si Sotto dahil sa mga tirada niya na unconstitutional ang national budget
gayung bigo naman siya na ipakita kung anong probisyon sa konstitusyon ang kanilang nilabag.

Tubig sa Angat Dam pakawalan - Digong

Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am


MANILA, Philippines — Inutos kahapon ni Pangulong Duterte sa Metropolitan Waterworks and Sewerage
System (MWSS) na obligahin ang Maynilad Water Services at Manila Waters gayundin ang iba pang
opisina na magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam sa loob ng 150 araw epektibo kahapon.

Ang kautusang ito ng Pangulo ay upang mabigyan ng supply ng tubig ang mga apektadong lugar sa Metro
Manila ng water crisis.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat sapat para sa loob ng 150 araw ang
papakawalang tubig mula Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan para sa pangangailangan ng mga
apektadong residente.

Kung maalala ang La Mesa Dam ang siya namang pinagkukunan ng tubig ng Manila Water para sa mga
consumer nito.

Ang Manila Water Company ang nagsusuplay ng inumin sa eastern side (east zone) ng Metro Manila
kung saan mahigit sa six million katao ang nasasakupan na siya ngayong nakakaranas ng water crisis.

Habang ang ibang bahagi naman ng NCR ay nasa ilalim ng Maynilad na wala namang problema ngayon sa
tubig.

Sa ngayon ang La Mesa Dam ay below critical level na dahil nasa 68.72 meters na lamang habang ang
Angat Dam ay nasa 199.22 meters pa o malayo pa sa 180 meters na critical level.

Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga taga-MWSS at iba pang kinauukulang tanggapan na kung
mabibigo silang tumugon sa kanyang direktiba, personal niya silang pupuntahan at pananagutin sa
kanilang kabiGuan

Water crisis mareresolba na

shares

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am


MANILA, Philippines — Inaasahang mareresolba na ang krisis sa tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila
na siniserbisyuhan ng Manila Water.

Ito’y matapos buksan ni House Speaker Gloria Arroyo ang cross border pipe sa panulukan ng West
Avenue corner Bulacan St. sa Quezon City para mabigyan ng supply ng tubig ng Maynilad ang Manila
Water.

Sinabi ni Arroyo na matapos itong mabuksan ay dadaloy na ang tubig sa East Zone ng Metro Manila.

Ayon naman kay Maynilad Water President Ramon Fernandez, ang cross boarder pipe ang pinakamabilis
na paraan para malipat ang tubig mula sa West Zone patungo sa East Zone habang sa ibang lugar naman
ay itinatakda lang ang konting paglalagay ng tubo kumpara sa nasa Bulacan st. na kailangang buksan ang
valve.

Dahil sa binuksang valve kaya mayroong 10 milyon liters ng tubig kada araw ang mabibigay ng tubig sa
East Zone.

Paliwanag ni Fernandez na ang pagbubukas ng cross border pipe ang tanging paraan para matulungan
ang Manila Water na masolusyunan ang problema sa tubig sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig
lalawigan.

Recruitment ng NPA tatapatan ng Phil. Army

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatapatan ng Philippine Army ang ginagawang pagre-recruit ng New People’s
Army (NPA) sa mga unibersidad sa bansa.
Ayon kay Phil. Army Public Affairs chief, Lt. Col. Demy Zagala, sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, ang
mga kabataan ngayon ay masyadong idealistic dahilan para madaling makuha ang loob ng mga ito ng
mga NPA.

Dahil dito ay patuloy aniya nilang isinusulong ang pagbabalik ng Reserved Officers Training Course (ROTC)
na siyang tatapat sa recruitment ng NPA.

Paliwanag pa ni Zagala, ang ginagawang recruitment ng NPA ay sa pamamagitan ng paninira sa gobyerno


at bansa na may layuning palitan ang pamunuan sa bansa. Habang ang ROTC ay naglalayon na palakasin
ang pagmamahal sa bayan, disiplina at pagiging makabansa.

Kaya kumpiyansa si Zagala, na sa oras na maging batas ang ROTC ay tiyak na pipiliin ng mga kabataan ang
pagmamahal sa bayan.

Makati, Maynila, Pasay, Taguig, Laguna mawawalan ng kuryente

Last updated Mar 15, 2019


0 154

Share

DOBLENG pahirap ang nararanasan ngayon ng mga mamamayan dahil bukod sa krisis sa tubig ay
mawawalan din ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at karatig probinsya na nagsimula kahapon
hanggang ngayong weekend.

Makati City, mawawalan ngayon ng kuryente sa pagitan ng alas-10:00 AM at 4:00 PM ang mga
sumusunod na lugar: Gen. Malvar St. mula Gen. Ricarte St. kasama ang Gen. Santos St. sa Brgy. South
Cembo.

Maynila (Sampaloc at Sta. Cruz), March 17 (Linggo) sa pagitan ng 8:30 AM at 9:00 AM sa bahagi ng
Dapitan at Padre Noval Sts. mula A.H. Lacson St. (Forbes) hanggang España Blvd.; Andalucia St. mula
Remigio St. hanggang Valeriano Fugoso St., Sta. Cruz; kasama ang M. Natividad sa Sta. Cruz.

Pasay City, (Linggo) sa pagitan ng 8:30 AM at 8:59 AM; 2:00PM at 2:30PM sa bahagi ng F.B. Harrison St.
malapit sa Sta. Escolastica St., kasama ang Roberts at Williams Sts.; David St. malapit sa F.B. Harrison
hanggang Leverisa St. at Villaruel St.

Taguig City (Napindan), Linggo sa pagitan ng alas-10:00 AM at 4:00 PM.

Apektado ang bahagi ng M. Dela Paz St. malapit sa Labao Street.

Laguna, March 17, 2019, sa pagitan ng 1:00 AM at 6:00 PM, apektado ang Lt. Cosico Ave. mula Meralco-
San Pablo Substation hanggang Colago Ave. sa city proper.

Abot-kayang internship ilalaban ni Sen Bam

PAGKATAPOS isulong ang batas sa libreng kolehiyo, nangako si re-electionist Sen. Bam Aquino na
hahanapan din ng solusyon ang mataas na gastos sa internship ng ga-graduate na estudyante sa
kolehiyo.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga estudyante sa Ozamiz City, sinabi ni Sen. Bam na isa ito sa mga una
niyang titingnan kapag nakakuha ng ikalawang termino sa Senado.

“Iyong mga on-the-job fee, lalo na sa kursong HRM at nursing, napakataas talaga. Binabayaran kasi ito
hindi sa school ngunit sa third party. Isasama namin ito sa mga gagawin natin sa Senado,” wika ni Sen.
Bam, ang principal sponsor ng batas sa libreng kolehiyo.

Ayon kay Sen. Bam, tinalakay niya ang isyu ng libreng internship sa Commission on Higher Education
(CHED) noong budget hearing ng ahensiya.

“Ang gusto ko sana, although hindi pa ito implemented, may internships na libre. Choice na ng
estudyante kung gusto nila ‘yung internships na mas mahal sa ibang bansa,” paliwanag pa ni Sen. Bam.

Kapag nakabalik sa Senado, sinabi ni Sen. Bam na gagawa siya ng panukala na magtatakda ng libre o
abot-kayang internship para sa pribado at pampublikong paaralan.

Aniya, sayang naman ang libreng kolehiyo kung malaki naman ang gagastusin ng isang estudyante
pagdating sa internship.

“Libre na ang tuition at may scholarships pa, pero kung mahal naman ang internship, hindi natutupad
ang pangako ng abot-kayang pagtatapos,” paliwanag ni Sen. Bam.

You might also like