You are on page 1of 1

Mga gabay na tanong sa pagsusuri ng akda

 Kagandahang taglay ng akda


1. Ano ang mga tayutay, idyoma at simbolismo na ginamit sa akda?
2. Paano pinaganda ng mga tayutay, idyoma o simbolosmong nakaloob
ang akda?
3. Ano ang kadalasang anyo ng pangungusap ang ginamit?
4. Anong bahagi ng akda ang nagpapaganda nito?

 Epekto ng kalagayan ng manunulat sa kabuuan ng akda


1. Ano ang kalagayan ng may akda ng isinulat niya ang akda?
2. Paano inilagay ng may akda ang kanyang sarili sa kwento o tula?
3. Paano nakaapekto ang karanasan ng manunulat sa akda?

 Bahagi sa elementong nagpatibay sa mensahe


1. Anong elemento ng akda ang nagpapakita ng pangunahing mensahe?
2. Sa anong bahagi ng akda makikita ang pangunahing mensahe?
3. Paano pinalitaw ng elementong ito ang mensahe?

 Maaaring gawin upang higit na mapabuti ang akda


1. Kung ikaw ang may akda paano mo sisimulan at wawakasan ang
kwento, tula o dula?
2. Ano ang maaring gawin sa mga tauhan (Kung kwento at dula) o sa
mga saknong, taludtud at tugma (Kung tula) para mas maging
maganda o kaakit-akit ang akda?
3. Paano mo pagagandahin ang pamagat ng akda?

 Persona na ginamit
1. Una o pangatlong panauhan ba ang ginamit?
(Unang panauhan: “Ako” ang panghalip na ginamit. Ang tauhan ang
nagsasalaysay ng kwento o ang makata mismo ang nagsasalita sa
tula.
(Pangatlong panauhan: Ang manunulat ang nagsasalaysay ng kwento
o dula. Ang makata ay nagsasalaysay tungkol sa ibang tao o sa mga
bagay.)

You might also like