You are on page 1of 3

Mga Kasangkapan at Kagamitan sa Paggawa

May mga kasangkapang kailnagan sa paggawa ng mga bagay na yari sa kamay. Sa


paggawa ng proyekto maging ito ay yari sa kahoy, metal, goma at mga
kagamitang katutubo, kailangan ang angkop na kasangkapan sa bawat uri ng mga
gawain. Magiging maginhawa at kasiyasiya ang paggawa ng proyekto kung wasto
at maayos ang paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan.

Narito ang iba’t ibang uri ng mga kasangkapang ginagamit sa paggawa ng mga
bagay na yari sa kamay.

Mga Panukat
Zigzag Rule – Ginagamit sa pagsukat ng taas, lapad at kapal

Skwala – ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya, pagtiyak sa lapad at


kapal ng tablng makitid at kung nais tandaan kung iskwalado nad bawat bahagi
ng kahoy.
Mga Pamukpok
Martilyo –Ginagamit ito sa pambaluktot, pampukpok ng metal at pambaon sa
pait at pao.
Malyete – kagamitang mukhang martilyo na yari sa kahoy o goma.
Mga Pambutas
Barena – ginagamit sa paggawa ng maliliit na butas na hihigit sa kalahating
sentimetro.

Brace – ginagamit sa paggawa ng malaking butas. Ang talim nito ay tinatawag


na ” auger bit”

Electric Drill – barenang dekuryete na mainam na gamitan pambutas sa


matitigas na bagay tulad ng semento at bakal

Mga Pang-ipit
C-clamp – isang uri pang-ipit na mainam gamitin kung walang gato.

Mga Pamputol
Mga Lagari

Rip Saw – ginagamit na pamputol nang paayon sa hilatsa ng kahoy.

Cross-Cut saw – ginagamit na pamputol nang pahalang na kahoy

Back Saw – ito ay maliit kaysa sa ibang lagari na may maliliit na ngipin.

Coping Saw – ginagamit sa pagputol nang pakurba sa proyektong yari sa kahoy.

Keyhole saw – patulak ang paggamit ng kasangkapang ito at maraming ibat’ibang


talim na pambutas nang pabilog

Katam – ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng tabla o kahoy.

Electric Katam

Mga Panghasa
Oil Stone – ginagamit sa paghasa ng karamihang tuwid na kasangkapang
pamputol.

Kikil – ginagamit na panghasa sa mga ngipin ng lagari.


Iba pang Kasangkapan
Disturnilyador – ginagamit na pampahigpit o pampaluwag sa turnilyo
Liyabe – ginagamit na pampaluwag o panghigpit sa mga gripo at dugtungang
yari sa bakal.

Credits to owner

You might also like