You are on page 1of 18

3.

4 MGA PAKSA AT
PAMAGAT
PAMPANANALIKSIK
Inihanda nina: Linggas, Emmanuel
Heraldo, Rachel J.
Lee, Hannah Elaine A.
Lim, Claire Ashley
Olivas, Arvin
Pananaliksik
– Isang mahalagang Gawain na hindi maiiwasan ng sinumang mag-
aaral.
• Sa antas kolehiyo, karaniwan na ang pagpapagawa ng mga
pamanahong papel sa iba’t ibang asignatura bilang isa sa mga
pangangailangang pang-akademiko.
• Sa kasalukuyan, hindi na dapat maging problema ang pagsisimula ng
pananaliksik para sa mga mag-aaral dahil sa marami na ngayong
mapagpipiliang paksa. Maiuugnay rin ito sa pag-unlad ng teknolohiya
na nagpapagaang sa mga gawaing kaugnay ng pananaliksik.
MGA HANGUAN NG PAKSA
A. Sarili
- Maaaring humango ng
paksa sa mga sariling
karanasan, mga
nabasa, napakinggan,
napag-aralan at
natutunan.
B. Dyaryo at Magasin
- Maaaring paghanguan ng
paksa ang mga napapanahong
isyu sa mga pamukhang pahina
ng mga dyaryo at magasin o sa
mga kolum, liham sa editor at
iba pang seksyon ng mga
dyaryo at magasin tulad ng local
na balita, bisnes, enterteynment
at isports.
C. Radyo, TV at Cable TV
- Maraming uri ng programa
sa radio at tv ang
mapagkukuhanan ng paksa.
Maraming programa sa
cable na balita, isports at
mga programang
edukasyunal.
D. Mga Awtoridad, Kaibigan
at Guro
- Sa pamamagitan ng
pagtatanung-tanong sa
ibang tao, maaaring
makakuha ng mga ideya
upang mapaghanguan ng
paksang pampananaliksik.
E. Internet
- Isa ito sa pinakamadali,
mabilis, malawak at
sopistikadong paraan ng
paghahanap ng paksa.
F. Aklatan
- Sa aklatan matatagpuan
ang iba’t ibang paksang
nauugnay sa anumang
larangang pang-akademya.
MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI
NG PAKSA
A.Kasapatan ng Datos
B.Limitasyon ng Panahon
C.Kakayahang Pinansyal
D.Kabuluhan ng Paksa
E.Interes ng Mananaliksik
A. Kasapatan ng Datos
• Kailangang may sapat
nang literatura hinggil sa
paksag pipiliin. Magiging
labis na limitado ang
saklaw ng pananaliksik
kung mangilan-ngilan pa
lamang ang mga
magagamit na datos
hinggil doon.
B. Limitasyon ng Panahon
• Tandaang ang kursong ito
ay para sa isang semestre
lamang. Magiging
konsiderasyon sa pagpili ng
paksa ang limitasyong ito.
May mga paksa na
nangangailangan ng
mahabang panahon, higit
pa sa isang semestre,
upang maisakatuparan.
C. Kakayahang Pinansyal
• Ito ay isa pang problema sa
pagpili ng paksa. May mga
paksang mangangailangan
ng malaking gastusin, na
kung titipirin ay maaaring
maisakripisyo ang kalidad ng
pananaliksik. Samakatuwid,
kailangang pumili ng
paksang naaayon sa
kakayahang pinansyal ng
mananaliksik.
D. Kabuluhan ng Paksa
• Ang isang pananaliksik na
nauukol sa isang paksang
walang kabuluhan ay
humahantong sa isang
pananaliksik na wala ring
kabuluhan. Samakatwid,
kailangang pumili ng
paksang hindi lamang
napapanahon, kundi maaari
ring pakinabangan ng
mananaliksik at iba pang
tao.
E. Interes ng Mananaliksik
• Magiging madali para sa
isang mananaliksik ang
pangangalap ng datos kung
ang paksa niya ay naaayon
sa kanyang kawilihan o
interes. Hindi niya
kailangang pilitin pa ang
sarili sa pananaliksik kung
ang ginagawa niya ay
nauukol sa bagay na gusto
naman talaga niya.
PAGLILIMITA NG PAKSA
a. Panahon
b. Edad
c. Kasarian
d. Perspektib
e. Lugar
f. Propesyon o Grupong Kinabibilangan
g. Anyo o uri
h. Partikular na Halimbawa o Kaso
i. Kumbinasyon (perspektib, uri, lugar, at anyo)
Pangkalahatang Paksa: Ang pagbaba ng dolyar
Batayan ng Paglilimita Nilimitang Paksa
a. Panahon Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa ekonomiya mula Taong 2006 Hanggang 2008

b. Edad Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang 18 sa pagbaba ng dolyar

c. Kasarian Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa sektor ng mga kababaihan


d. Perspektiba Ang persepsyon ng mga Pilipino sa pagbaba ng dolyar
Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa pamilya ng OFW
e. Lugar Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa pamilya ng mga estudyante ng Olivarez College

f. Propesyon o Grupong Persepesyon ng mga estudyante ng Olivarez College sa pagbaba ng halaga ng dolyar
Kinabibilangan

g. Anyo o uri Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas


h. Partikyular na Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa kalagayan at utang ng Pilipinas
Halimbawa o Kaso
i. Kombinasyon 1. Preperensya ng mga mamamayang Pilipino
1. Perspektib 2. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho
2. Uri 3. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho sa Luzon
3. Lugar
4. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho sa Luzon sa
4. Anyo
Banko Sentral ng Pilipinas
PAGDIDISENYO NG PAMAGAT-
PAMPANANALIKSIK
• Ang pamagat-pampananaliksik ay iba sa pamagat ng
mga akdang pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng
mga kwento, nobela, sanaysay, at dula.
• Ang pamagat ay kailangang maging malinaw,
tuwiran, at tiyak.
• Hangga’t maaari, ang mga salita ay hindi kukulangin
sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.
Halimbawa ng pamagat-pampananaliksik hinggil
sa iba’t ibang larangan
a. Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginamit sa Pagsasalin sa Filipino ng
mga Katawagang Legal sa Bagong Konstitusyon ng Pilipinas
b. Preperensya ng mga Batang Preschooler ng Barangay San Miguel, Pasig
City sa Pagpili ng mga Kwentong Pambata
c. Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng Bench Phils.:
Isang Analisis ng Epektibnes
d. Korelasyon ng mga Piling Baryabol sa Atityud sa Pang-ekonomikong
Pamumuhay ng mga Magulang na Iskwater sa Bliss Guadalupe
e. Pahambing na Pagsusuri sa Preperensya ng mga Kababaihan at
Kalalakihang Mag-aaral ng OC sa Panonood ng mga Telenobela

You might also like