You are on page 1of 4

Gloria Arroyo

(Enero 20, 2001-Hunyo 30, 2010)

 Sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, umabot sa 4.5% ang average economic


growth ng bansa, mas mataas kaysa sa Administrasyong Cory Aquino, Ramos at Estrada. Sa
katunayan, napabilang ang Pilipinas sa mga kakaunting ekonomiya sa timog-silangang Asya na
hindi nagbago ang takbo sa kabila ng naganap na global financial crisis noon taong 2008.

 Sa Administrasyong Arroyo, naisa-batas ang kontrobersyal na Expanded Value Added Tax Law na
nagsilbing centerpiece ng kanyang Economic Reform Agenda.

 Bukod sa iba pang mga nai-ambag ng Arroyo Administration sa paglago ng ekonomiya ng bansa,
natatandaan ito ng karamihan dahil sa polisiya ng pagpapatupad nito ng holiday economics na
naglalayong palakasin ang domestic tourism.

Joseph Estrada

(Hunyo 30, 1998- Enero 20, 2001)

 Maigsi ang naging termino ni Erap na nagsimula sa kalagitnaan ng pagdanas ng bansa ng epekto
ng Asian financial crisis at pagharap sa mga problema sa sector ng agrikultura na umusbong
dulot ng mga kalamidad na naganap sa bansa .

 Bumagsak ang ekonomiya sa unang taon ng kanyang panunungkulan. Bumulusok sa negative


zero point six (-0.6%) ang economic growth ng bansa noon, nakabawi naman sa sumunod na
taon ng kanyang pamumuno.

 Natatandaan ng mga Pilipino ang Administrasyong Estrada sa pagdedeklara niya ng all-out war
labang sa grupong Moro Islamic Liberation Front o MILF kung saan matapos ang tatlong buwan
mula nang idineklara ang giyera laban sa naturang grupo ay muling napasakamay ng militar ang
Camp Abubakar na nagsisilbing headquarters ng MILF. Kabilang din sa napasakamay ng mga
sundalo ang 13 malalaking kampo 43 maliliit pang kampo ng MILF, na noo’y kinikilala pa bilang
isang teroristang grupo.

 Hindi pa man nangangalahati ang termino ni Estrada, kabi-kabilang kontrobersya na ang


kaniyang kinaharap. Humantong ito sa paghahain ng impeachment complaint laban sa popular
na pangulo.

Fidel Ramos

(Hunyo 30, 1992- Hunyo 30, 1998)

 Sa kanyang State of the Nation Address noong July 27, 1992, humiling siya sa Kongreso na
lumikha ng batas na magtatatag ng isang Kagawaran ng Enerhiya. Subalit, labis pa riyan ang
kaniyang nakuha, pinagkalooban siya ng Kongreso ng dagdag na kapangyarihan upang
magbigay-lunas ang energy crisis sa bansa.
 Ginamit ni FVR ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng lisensya sa mga
independiyenteng kumpanyang lumilikha ng kuryente upang makapagpatayo ang mga ito ng
dagdag na power plants sa loob ng dalawang taon.

 Upang makapanghikayat ng mamumumuhunan at magdagdagan ang serbisyong pampubliko ng


gobyerno, inilunsad ng Pamahalaan ang sistemang Build-Operate-Transfer o BOT Scheme. Sa
ganitong sistema, inanyayahan ang mga negosyanteng magtayo ng isang istrakturang sa mga
nakaraang administrasyon, gobyerno ang inaasahang magsagawa, tulad na lamang ng mga
tollways, power plants at mass transport systems.

 Ang unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Ramos ay naging maganda. Sumigla ang
ekonomiya, naging tahimik ang mundo ng pulitika at nagkaroon ng positibong pagbabago ang
pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa publiko.

 Naging aktibo rin ang Ramos Administration sa usaping pangkapayapaan sa pamamaraan ng


isang kasunduan sa Moro National Liberation Front o MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari.

 Naging masigasig din si Ramos sa paglaban para sa ating karapatan sa teritoryong pinag-
aagawan sa West Philippine Sea.

Corazon Aquino

(Peb. 25, 1986- Hunyo 30, 1992)

 Nang maupo sa kanyang posisyon, itinatag niya ang rebolusyonaryong gobyerno, habang
hinihintay na maratipikahan ang 1987 Constitution.

 Nakita rin niya bilang banta sa kapangyarihan ng bansang may kasarinlan ang pananatili ng base
military ng mga Amerikano kung kaya’t ini-utos niyang lisanin ng mga Amerikano ang military
bases nila sa Zambales at Pampanga.

 Kabilang pa sa mga ginawa niya na naging tatak ng kanyang administrasyon ang pagrereporma
sa Family Code of the Philippines at ang pagbabago ng istraktura ng Ehekutibong Sangay ng
Gobyerno sa pamamagitan ng Administrative Code of 1987. Ganito rin ang kaniyang ginawa sa
Korte Suprema upang mapanumbalik ang pagiging independiyente nito.

 Sa kanyang pamumuno, binuwag ang mga cartel at monopolya. Ibinukas din ang merkado sa
mga nais mag-negosyo, banyaga man o lokal na negosyante. Upang mapunan ang lumobong
kakulangan sa pondo ng bansa, isina-pribado ang ilang korporasyon na pag-aari ng gobyerno.

 Naging pamana ng Administrasyong Aquino ang mga proyekto kaugnay ng sektor ng agraryo.
Noong 1988, sa suporta na rin ni Tita Cory, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act Number 6657 o
ang Comprehensive Agrarian Reform Law na nagbigay-daan sa pamamahagi ng mga lupaing
agrikultura sa mga “tenant-farmers” mula sa mga may-ari nito.

Ferdinand E. Marcos
Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986

 Mga Nagawa sa Loob ng Unang TerminoKapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong


Marcos sa mga unang apat nataon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:
 Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;
 Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;
 Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayannabigyan ng tiyak na
kaparti sa kinikita ng pamahalaan;
 Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mgalansangan
(kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mulaBalintawak hanggang Tabang sa
Bulacan);
 Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, oirigasyon na ang
kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubigna naitayo sapul sa panahon ng mga
Kastila noong 1565 hanggang sapangasiwaang kanyang sinundan;
 Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalangpalay' o "miracle
rice';
 Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;
 Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at
 Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sapamamagitan ng
pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.

Diosdado Macapagal

 Kabilang sa mga ginawa ni Macapagal ang pagsasabatas ng Agricultural Land Reform o Republic
Act No. 3844, na nagbukas ng oportunidad na magkaroon ng sariling lupang sakahan ang mga
maliliit na magsasaka sa bansa.

 Sa naturang batas, nabigyan din ng karapatang bumuo ng samahan ang mga nagtatrabaho sa
sektor ng agrikultura, bukod pa sa kasiguruhang makatatanggap sila ng sahod na naaayon sa
Minimum Wage Law.

 Upang pasiglahin pa ang ekonomiya, ibinukas ng kaniyang administrasyon ang merkado sa mga
pribadong mangangalakal.

 Bilang kontribusyon ng gobyerno sa pag-alalay sa mga ito, naging aktibo ang pamahalaan sa
pagpapagawa ng mga imprastraktura tulad ng mga kalsada, mga puerto at paliparan.

 Gumawa rin ng mga polisiya si Macapagal na maka-eengganya sa mas marami pang


mamumuhunan sa pamamagitan ng pagsisilbi ng gobyerno bilang taga-endorso ng mga
aktibidad na magbibigay-daan upang ang mga negosyong nangangailangang sa malaking kapital
ay mapasimulan sa bansa.
 Ilan pa sa makasaysayang kontribusyon ni Pangulong Macapagal ang pagtatatag ng Philippine
Veterans’ Bank, ang paglilipat ng paggunita ng ating araw ng kasarinlan mula ika-4 ng Hulyo sa
ika-12 ng Hunyo.

(Marso 18, 1957- Dis. 30, 1961)

 Bilang Presidente ng Bansa, naging tatak ng adminstrasyong Garcia ang kanyang “Filipino First
Policy.”

 Sa polisiyang ito, sinigurado ng kanyang gobyerno na mabibigyan ng higit na pabor sa aspeto ng


oportunidad na makapagpalago ng negosyo ang mga mamumuhunang Pilipino kumpara sa mga
banyagang mangangalakal.

 Nilabanan din ni Pangulong Garcia ang komunismo sa bansa noong siya ang pangulo. Sa bisa ng
Republic Act No. 1700, ipinagbawal ang pagsapi sa rebolusyonaryong organisasyon na
sumusuporta sa komunismo.

 Sa kanyang administrasyon, pinaigsi rin ang panahon pagpaparenta ng mga base militar ng
Amerikano sa bansa ng hanggang 25 taon na lamang, mula sa orihinal na 99.

You might also like