You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region IV – A CALABARZON
Division of San Pablo City
Fule Almeda District

San Roque Elementary School

Unang Panahunang Pagsusulit


sa
FILIPINO - III

Table of Specification

Area No. Of Days Item Number %

Placement
Nakasasagot ang mga tanong 6 5 1-5
sa binasang kuwento.
Nagagamit ang pangngalan sa 6 5 6 - 10
pagsasalayasay tungkol sa
mga tao, lugar at bagay sa
paligid.
Natutukoy kung ang 10 10 11 - 20
pangungusap ay panuto o
hindi.
Nagagamit sa pangungusap 6 5 21 - 25
ang mga salitang pamalit sa
ngalan ng tao kami, tayo , tayo
at sila.
Natutukoy ang mga salitang 6 5 26 -30
magkatugma
Natutukoy ang mga bahagi ng 6 5 31 - 35
aklat.
Napapayaman ang talasalitaan 6 5 36 - 40
sa pamamagitan ng paggamit
ng magkasalungat na mga
salita.
Total Number of items 46 40
Republic of the Philippines
Region IV – A CALABARZON
Division of San Pablo City
Fule Almeda District

San Roque Elementary School

Unang Panahunang Pagsusulit


sa
FILIPINO – III

Pangalan _________________________ Iskor _____________

Baytang __________________________ Petsa _____________

I. Basahin ang maiksing kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Ang Sarap Talaga!

Ako si Roy. Ang tawag nila sa akin ay Roy na Masipag. Sa umaga, pagkagising ko agad
kong inaayos ang aking higaan at mag-isa na akong maglilinis ng aking katawan.Habang
naghihintay ako na maluto ang aming almusal, tinutulungan ko si Kuya sa pagdidilig ng
mga halaman sa aming hardin.
Kapag si Ate naman ay nakikita kong naglilinis sa loob ng aming bahay, tinutulungan ko siya
sa pagpupunas ng mga mesa.
Si Tatay naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain ng kaniyang mga alagang manok.
Pagkatapos naming kumain ng almusal, ako lagi ang tagalinis ng mesa.
Matapos kong tulungan ang aking pamilya, lalabas na ako ng aming munting bahay
upang makipaglaro sa aking mga kaibigan. Ang sarap talaga kapag araw ng Sabado!

1. Ano ang ginagawa ni Roy pagkagising niya? __________________________


2. Ano ang ginagawa niya habang naghihintay na maluto ang almusal? ______________
3. Paano niya tinutulungan ang kaniyang Ate? __________________________
4. Ano ang ginagawa ni Roy at ng kaniyang Tatay? ______________________
5. Saan pumupunta si Roy matapos ang kumain ng agahan? _____________________

II. Bilugan ang pangngalan na ginamit sa pangungusap.

6. Ang mga magulang naming ay kahanga – hanga.

7. Maghapon siyang nagtratrabaho sa bukid.

8. Masaya kami tuwing Pasko.

9. Nagsusulat siya sa malaking mesa.

10. Gumapang palayo ang ahas.

III. Lagyan ng tsek( ) kung ang pangungusap ay panuto at ekis naman (X) kung hindi.

______ 11. Nag-aaral sa paaralan ang mga mag-aaral.

______ 12. Lagyan ng pabalat ang inyong aklat.

______ 13. Masayang nakinig ang mga bata sa kuwentong ipinarinig ng guro.
______ 14. Basahin angkuwento sa mga pahina 68-70.

______ 15. Tasahan ang inyong lapis bago kopyahin ang tula.

______ 16.Masayang namasyal sa parke ang mga bata.

______ 17.Ibinalita ni Gng. Rosales na magkakaroon sila ng field trip.

______ 18. Punuin mo ng tubig ang tapayan.

______ 19. Maligo ka ng maaga bukas para hindi ka mahuli sa klase.

______ 20. Mabilis niyang natapos ang kanyang takdang-aralin

III. Buuin ang pangungusap. Gamitin ang angkop na panghalip.

21. (Kami, Tayo) ni Rene ay magdadala ng maraming baon, ang sabi ni Rhoda kay Marichu.

22. (Kayo, Kami) ba ay lalangoy sa beach? Ang tanong ni Marie kay Rhoda.

23. (Inyo, Tayo) ba ay magdadala ng kamera?,ang tanong ni Marie kay Rhoda.

24. O sige magkita-kita na lang (kami, tayo) bukas.

25. Sige (inyo, kami) naman ay mamimili ng pagkain para bukas.

IV. . Piliin ang katugmang salitang sa loob ng kahon ng mga salita sa ibaba.

talong kamatis bola kahon sitaw

26. Dahon _________________ 29. Batis ___________________________

27. Bataw _________________ 30. Tula ___________________________

28. Bulong ________________

V. Punan ang patlang ng bahagi ng aklat na tinutukoy nito

Pabalat Talaan ng nilalaman Katawan ng aklat


Glosari Talaan ng paglilimbag

________________ 31. Nasasaad kung kailan nilimbag ang aklat.


________________ 32. Nilalaman ng aklat.
________________ 33. Nagpapakita ng pamagat ng aklat, may akda , at makulay ito upang
makaanyaya ng mambabasa.
________________ 34. Nagsasaad ng kahulugan ng aklat.
________________35. Nagpapakita ng paksa,aralin, at pahina kung saan ito mababasa.

VI. Gamitin ang angkop na salitang kasalungat na may salungguhit na salita.

36. Malapit ang bahay nain sa paaralan ngunit _______________ naman ito sa palengke.
37. Ang bato ay magaspang at ang salamin ay _______________.
38. Duwag siyang pumunta sa dilim ngunit ______________ siyang maghamon ng away.
39. Masarap humiga sa malambot na kama keysa sa ____________ na papag.
40. Ang ate niya ay mataba ngunit si Ana ay ______________.

You might also like