Professional Documents
Culture Documents
A, oo nga pala bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata may busal
ang bibig, may gapos-tanikala. Sila’y mga buhay ngunit di-humihinga; sila ang
larawan ng masang hinamak, lumuluha, nagdurusa.
Ang wikang ginamit? Wikang Filipino! Wikang ginamit sa lahat ng dako ma-
Tagalog, ma- Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano, ma- Kapampangan, ma-
Ilonggo, ma Waray, ma-Bikolano, ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng ito’y
Filipino! Wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo wikang tagapagligtas ng
digmaa’t gulo, wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.