You are on page 1of 5

Sa pag-ikot ng mundo marami ng mga generasyon na ang nagdaan at dahil dito may mga kaugalian tayo na napabayaan, ngunit

ang ilan din naman sa atin ay patuloy pa rin ang pagsunod sa mga kaugaliang ito, isa sa mga dahilan ng paglimot sa ating mga kaugalian ay ang kawalan ng disiplina ng magulang sa kanyang mga anak dahil na rin siguro sa hindi pagbigay ng atensyon at oras para sa kanyang mga anak, marahil ang mga magulang ay wala ng oras para sa kanilang anak dahil ang oras nito ay inilalaan nalang nila sa kanilang trabaho. Ngunit ito nga ba ay isang sapat na dahilan upang pabayaan nalang natin ang ating mga anak?at hayaan silang matuto sa ibang tao na walang kasiguraduhan kung ito nga ba ay tama o mali. Sa panahon natin ngayon, hindi ka na makakasiguro at hindi mo nalang basta iaasa ang iyong responsibilidad sa iba, dahil ang bawat tao ay may kanya-kanyang responsibilidad na dapat nitong gampanan. At sa susunod na mga pahina nito, sana ay matutunan ninyo kung paano nagawa ng isang guro,ina,at asawa ang kanyang mga responsibilidad sa kanyang pamilya at sa kanyang estudyante, hindi nga bat maituturing mo siyang isang mabuting guro at ehemplo sa iba? Sanay inyong basahin at unawain ang mga susunod na talata at kayo na ang bahalang humusga at magbigay ng komento ukol dito at sa kabilang banda kayo sana ay may matutunan dito. Noong ika-18 ng Pebrero taong 1980, biniyayaan ng mabuting anak sina Alejandro Sanches Eslais at Rodora Lugo Eslais. Siya ay walang iba kundi si Gng. Queenie E. Rapuza, siya ay ipinalaki ng kanyang mga magulang na may takot sa Diyos at disiplina sa sarili, sa kanyang pagkabata mahilig siyang maglaro sa kanyang kababatang kapitbahay. Sa kanyang paglaki nag-aral siya sa Kidapawan City National High School at sa kanyang pagtungtung sa Kolehiyo kinuha niya ang propesyong Bank Teller at isang linggo siyang nagaral sa USM at dahil namimis niya nag kanyang pamilya kaya umuwi siya at nag desisyong maging isang guro nalang. Kahit napilitan siya sa kanyang propesyon na kinuha, pinagsikapan niya ito ng mabuti, upang magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang guro at sa paglipas ng panahon, napagtanto niya na tama pala ang kanyang kinuhang kurso, sa kanyang pagtuturo siya ay naging masaya dito, ngunit minsan nagsisisi siya kung bakit hindi nalang niya tinapos ang unang kursong kinuha niya, naiisip niya lang ito kung ang kanyang estudyante ay makukulit, ngunit isinasaisip niya na ang lahat ng mga iyon ay mga hamon lang sa pagiging guro niya. Siya ay unang nagturo ng siya ay naging isang substitute teacher ni Gng. Josephine Piol dito sa Kidapawan City National High School. Ang kanyang naging asawa ay si Immanuelle Rapuza, naging mabuti ang kanilang pagsasama. Nakilala niya ito sa simbahan at kababata niya noon. Noong una ay hindi pa siya napapansin ng kanyang asawa, at inamin ng kanyang asawa na hindi siya ang kanyang naging unang nobya. Hanggang siya ay nagdalaga, doon natuklasan ng kanyang asawa na siya pala ay maganda. Hanggang sila ay nagpakasal at nagkaroon ng mga anak.

Sa talambuhay na ating nabasa natuklasan natin ang sakripisyo ng isang ina para lang mabigyan niya ang kanyang mga anak ng magandang buhay ngunit ang kapalit nga nito ay ang oras at panahon na nasayang dahil hindi sila magkasama, subalit nagagampanan parin niya ang kanyang tungkulin bilang isang ina at nagkakasama lamang sila tuwing linggo upang magsimba at kahit sa konting mga panahon na iyon masaya pa rin siya at ang kanyang mga anak at dahil doon maayos at nagkakabuklod ang kanilang pamilya at patuloy na pinagpala ng Diyos sa kabila ng mga pagsubok. At ayon din sa ating binasa si Gng. Rapuza din ay pinalaki ng kanyang mga magulang na may takot sa Diyos at may disiplina sa sarili, kaya naman marami siyang mga kaibigan at mga taong humahanga sa kanya at iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit nabihag niya ang puso ng kanyang asawa na noon ay isa sa kanyang kababata at matalik na kaibigan. Talaga namang kahanga-hanga ang makilala ang isang Queenie Rapuza, sa kanyang mga ipinamalas na kabutihan, kagalingan ay talaga namang hahanga ka sa kanya at masasabi mong isa talaga siyang huwaran at mabuting ehemplo para sa lahat at bukod pa doon sa siya ay maganda at mabuting ina at sa asawa sa kanyang pamilya.

MALA- PERPEKTONG KAGANDAHAN

Pangalan: Earl Gibson Cabanilla Edad: 14 taong gulang Kasarian: lalaki Relihiyon: Seventh-Day Adventist Araw ng Kapanganakan: Marso 02, 1996 Tirahan: Subd., Kidapawan City

Pangalan: Jhon Romel Roldan Edad: 14 taong gulang Kasarian: lalaki Relihiyon: Roman Catholic Araw ng Kapanganakan: Hulyo 28, 1996 Tirahan: Balindog Kidapawan City

Pangalan: Almia Bless Gapuz Edad: 14 taong gulang Kasarian: babae Relihiyon: Seventh-Day Adventist Araw ng Kapanganakan: Abril 03, 1996 Tirahan: 011 Jose P. Dans Street, Kidapawan City

Pangalan: Trisha Mae Geroy Edad: 14 taong gulang Kasarian: babae Relihiyon: Four Square Araw ng Kapanganakan: Disyembre 12, 1996 Tirahan: TJC Homes, Kidapawan City

You might also like