You are on page 1of 6

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula

Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. PANAHON NG KASTILA Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagongbihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal. PANAHON NG PROPAGANDA

Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na

pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. PANAHON NG HIMAGSIKAN Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. PANAHON NG AMERIKANO Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nailimbag nang panahong ito ay binigyan ng layang magpahayag ng tunay na pangyayari hinggil sa iba't ibang paksa at nagkaroon sila ng pagkakataong makabasa ng iba't ibang uri ng aklat na gumising pang lalo sa nag-aalab na nilang Damdaming Makabayan. Ano mang uri ng akda ang nailabas ng panahong iyon , ang damdaming makabayan ay di nawawala bagkus ay mahigpit na binigyan ng tuon. Kung minsan ito'y hinaing tungkol sa kaapihang dinanas ng Inang Bayan, o kaya'y pagpupuri sa mga katangian ng Inang Pilipinas o kaya nama'y pagpapahayag ng mga mithiin tungkol sa pagiging bansang Malaya ng Pilipinas. Masasabi kung ganoon na ang naging kalakaran sa panitikan sa panahong ito ay nasyonalismo, karanasan, at kalayaan sa pagpapahayag. Sa panahon ng bagong mananakop, ang mga Pilipinong may likas na hilig sa pagtula ay lalo pang nahilig sa pagsusulat. At masasabing ito'y bunga rin ng pagkakaroon ng lingguhang babasahin na naging daan upang malathala ang kanilang mga akda. Humabi ng tula sa lahat halos ng larangan tulad ng liriko, pandulaan, pasalaysay at pangkalikasan. PANAHON NG HAPONES Ang Pilipinas ay sinakop ng nga Hapones noong 1941 hanggang 1945. Nabalam ang umuunlad nang pantikang Pilipino sa dahilang ipinapinid ng mga Hapones ang mga pahayagan at dahil dito'y pansamantalng nahinto sa pagsulat ang mga manunulat lalo pa't ang lingguhang Liwayway ay nalagay sa mahigpit na pagmamatyag. Dahil sa ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng Tribune at Free Press, ang mga manunulat sa Ingles ay nagsisulat sa Filipino. Marami ang nagsalin ng mga akda sa Ingles sa Filipino. Kapansin-pansin sa mga akda ang paksaing tulad ng pag-ibig sa bayan, kagandahan ng buhay sa lalawigan, relasyon ng mga magulang sa anak at ang pagmamahal sa kapwa.

Sinasabing ang paksa ng iba't ibang sangay ng panitikan ay Pilipinong-pilipino sa diwa at sa buhay. Binigyang-diin ang katutubong kulay. May pumapaksa rin sa pamumuhay na dinaranas ng mga tao sa lungsod: ng kasalatan ng pagkain, damit, hanapbuhay, paglalakbay at pakikisama sa kapwa. Tumpak na tawaging panahon ng Pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang panahon ng Hapon. Isang sangay ng panitikang Pilipino na naapektuhan ng kahirapan ng papel noong panahon ng Hapon ay ang tula. Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong ito ang napakaiksing tulang ito na tinatawag na "haikku" isang tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig tulad ng unang taludtod. Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay ang "tanaga" na binubuo ng apat na taludtod na may pitong pantig ang bawat isang taludtod.

URI NG TULA

Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

Uri ng Tulang Liriko Awit Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. Soneto Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Oda Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. Elehiya Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Dalit isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.

Uri ng Tulang Pasalaysay a. Epiko ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa. b. Awit at kurido ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng

Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. 3. Tulang Patnigan (joustic poetry) Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. a. Balagtasan Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco Balagtas Baltazar. b. Karagatan Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na libangang itinatanghal na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 4. Tulang Pantanghalan o Padula karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kayay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

ELEMENTO NG TULA Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. halimbawa: isda is da ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les 8 pantig

Saknong - Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya - couplet 6 linya - sestet 3 linya - tercet 7 linya - septet 4 linya - quatrain 8 linya - octave 5 linya quintet Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula. Tugma Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasa -bing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Kariktan Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. Talinhaga - Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na bina-banggit. Itoy isang sangkap ng tula Na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

You might also like