You are on page 1of 4

Eric Joseph D.

Noble Rizal: Ang Pangalang Singkahulugan ng Bayani Buod:

IV Hebrews

Noong nakaraang Sabado, kami ay inanyayahang manood ng isang dulang pinamagatang Rizal X. Maraming isinawalat na mensahe at marami akong napulot na mensahe sa dulang ito. Sa unang akto, ipinakita ang kabataan ng ating pambansang bayani. Ipinakita rin na siya rin ay kagaya natin at napagdaanan niya ang mga pinagdaanan natin. Kahit na siyay masasabi mong pinakadakilang Pilipino dahil siya ang ating pambansang bayani, siya rin ay isang normal na nilalang na naglaro at nagsaya. Siya rin ay pinaglitan at naparusahan dahil sa kagustuhang subukan ang mga bawal at gawin ang mga hindi kanais-nais. Naranasan niya rin ang mangarap at maniginip. Pati rin mainsulto at maging biktima ng pagtatangi-tangi o diskriminasyon. Sa kanyang kaso, ginamit niya ito bilang basehan ng kanyang mga nilikhang mga sulatin. Ipinakita rin dito ang mga Crispin at Basilio sa panahong ito. Sila ay tipikal na magkapatid na naghahangad ng pagbabago at nagsisikap upang mas umunlad ang kanilang buhay. Nakikita natin sila kahit saan. Nakikita natin sila sa kalye o sa ating mga kaibigan at minsan isa tayo sa dalawang magkapatid na iyon. Sa susunod na tagpo, ipinakita naman ang mga Sisa sa panahong ito. Sila ay ang mga inang OFWs na nangingibang bansa upang mabigyan ng magandang bukas ang kanilang pamilya. Sila ay matiyagang nagtatrabaho umangat ang kanilang sariling buhay sa sariling bayan. Tinitiis nila ang hirap dahil kailangan. Mayroong mga nagkakasakit at mayroong binubugbog at minamaltrato ng amo. Mayroong mga ginahasa at nawawala sa tamang pag-iisip. Mahal na mahal nila ang kanilang mga pamilya, lalong-lalo na ang kanilang mga anak at handa nilang ipasaalang-alang ang kanilang buhay para dito. Pagkatapos nito ay ipinakita ang Maynila ngayon at ang pagkabuhay ni Rizal muli. Napansin ni Rizal marami ngang pagbabago at wala na ang mga mananakop. Ipinakita rin ang mga babae sa buhay ni Rizal, ang kanyang mga niligawan at ang mga napa-ibig niya. Pagkatapo, ipinakita ang pagkatapon kay Rizal sa Dapitan, kung saan siya ay nakulong. At bago magtapos ang unang akto, nagpakita sila ng mga bagay-bagay tungkol kay Rizal. Sa ikalawang akto, ipinakita ang pagiging bigo ni Rizal sa pag-ibig nang pinilit ang kanyang minamahal na magpakasal sa iba. Ipinakita rin dito kung paano pinagtuunan ni Rizal ng

pansin ang mga kabataan at sila ang pag-asa ng baying ito. Ipinakita rin ang pagsasagawa ng mga rebolusyon ng mga Pilipino at ibat-ibang tao mula sa ibat-ibang bansa kung paano sila pinarusahan, paano nila pinanindigan at ipinaglaban ang kanilang mga pinaniniwalaan. Pagkatapos noon ay ipanakita nila rin ang mga pinagdaanang paghihirap ni Rizal. Ipinakita rin kung paano siya namatay at pagkatapos ng lahat-lahat ng mga kuwento, tuloy-tuloy pa rin ang buhay at ang susunod na henerasyon ang magpapatuloy sa ginawa ni Rizal sa Pilipinas. Pagsusuri: Isa sa aking nasuri ay ang pangangarap at pagkakaroon ng mga mithiin. Maganda ang pangangarap para sa magandang kinabukasan ng sarili pero mas maganda kung kasama sa pangarap na iyon ang ating bayan at kung ano ang ikauunlad at ikabubuti nito. Dapat lagi nating isinasali ang ating bayan sa ating mga naisin. Kailangan natin itong mahalin. Wala ng ibang magmamahal sa bayang Pilipinas kundi tayong mga Pilipino. Ang pangarap ni Rizal noong siyay nabubuhay pa ay mapabuti ang kinalalagyan ng bansa dahil sa hindi mapigilang pang-aapi ng mga Kastila sa atin. Nagpursige siya upang makamit ang pangarap na ito. Inilaan niya ang kanyang buhay para dito. Bata pa lamang siya inumpisahan niya na ito. Kaya dapat mangarap rin tayo katulad niya at huwag lamang basta mangarap, kumilos rin. Nasuri ko rin na ang tinutukoy na bagong henerasyon ng Pilipinas ay ang mga kabataan dahil sila ang gaganap bilang mga forerunners sa hinaharap. Base sa dula, at base sa paniniwala ni Rizal, nasa kamay ng kabataan ang pag-asa at kaya nilang manyobrahin ang kapalaran ng sambayanang Pilipinas. Ito ay tila madaling sabihin ngunit kay hirap gawin sapagkat ito ay isang napakalaking responsibilidad. Kailangan gumalaw ng kabataan at kumilos at tigilan na ang paggawa ng mga walang kakuwenta-kuwentang bagay na nagbibigay lamang ng panandaliangaliw kagaya ng pagpunta sa mga clubs, at pagiging makasarili at pag-iisip sa sariling kapakanan. Panindigan naman natin ang bawat binibigkas na salita sa ating bibig kapag kumakanta tayo ng pambansang hinirang. Kahulugan: Nagustuhan ko ang pagsasalin ng mga tauhan ng Noli sa ating panahon ngayon. Napakatalino ng nakapag-isip ng konseptong iyon. Maraming mga kahulugan at simbolismo sa dula dahil diyan, pagtutuunan ko lamang ng pansin ang dalawa.

Sa ikaapat at ikalimang tagpo, ipinakita doon ang dalawang lalaking magkapatid. Sila ay sumisimbolo para kay Crispin at Basilio na galing sa tanyag na aklat ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang Noli Me Tangere. Ang dalawang lalaking magkapatid na iyon ay dumidiskarte upang kumita, makakain, at makatulong sa kanilang mga magulang upang hind maging pabigat. Ang kanilang ina ay nasa ibang bansa, siya ang modern day Sisa. Ang mga katulad niya ay ang ating itinuturing na mga bagong bayani o mga OFWs na nagbabanat ng buto upang may ipadala sila sa kanilang mga pamilya. Sila ay nagpapakahirap at ibinubuhos nila ang lahat ng kanilang mga kayang ibigay para sa kanilang pamilya at hindi sila nagdadalawang-isip sa pagsasagawa ng mga iyon. Kahit sila ay pagod na pagod na ay kanilang tinitiis. Kahit na sila ay dinapuan na ng matininding sakit ay tila hindi pa rin iyon makakapigil sa kanila upang magtrabaho. Ang iba sa kanila ay nawawala na sa tamang pag-iisip dahil sa pananabik na Makita ang kanilang mga anak o kaya naman dahil sa pang-aabuso, pagmamaltrato, at pagtatangi-tangi ng mga dayuhan sa kanila. Handa nilang ibigay ang lahat para sa kanilang pamilya. Iyan ang Overseas Filipino Worker, ang bagong bayani, kaya huwag sana natin silang husagahan, at sana pahalagahan natin sila at ang kanilang mga pamilya dahil hindi natin alam kung ano ang hirap na kanilang dinaranas. Reaksyon: Napakagaling ng dulang aking napanood. Tingin ko kulang ang aking binayad na dalawang-daang piso. Maraming magaganda puntos ang Rizal X. Wala akong nakitang pagkakamali kung mayroon man marahil hindi ko nakita dahil hindi siya halata. Napakaganda ng kanilang boses at pagbigkas. Lubos kung naintindahan ang mga nais nilang ipahatid na mensahe. Magaling rin ang kanilang Production Staff. Ang paggawa rin ng kanilang mga props. Ang kanilang mga galaw sa pagsayaw ay sabay-sabay. Sobrang galing ng mga gumanap sa kanikanilang karakter dahil bawat isa sa kanila ay may namumukod-tanging boses at istilo ng pagaarte. Naihayag rin nilang sukdulan ang bawat mensahe na nais nilang ipahayag. Kagila-gilalalas ang pagkagawa ng dulang iyon. Tila gusto ko na talagang mapanood ang mga susunod pa nilang mga dula. Paglalapat:

Gagamitin ko ang mga natutunan ko dito sa dulang ito sa pamamagitan ng pangangarap katulad ni Rizal. Pangangarap na mapaunlad ang aking bayan. Balang araw nais ko sanang maging isang politiko at sinisimulan ko ito ngayon dahil gusto kong magserbisyo na rin kay Hesus, unang-una at tumulong sa mga kapwa ko Pilipino at makapagbigay ng kontribusyon sa ating inang bayan. Ginagawa ko ito ngayon sa isang maliit na paraan at patuloy ko itong gagawin sa buong buhay ko. Ang aking ginagawa ay kumakausap ako ng mga tao, kagaya ng mga taxi driver, janitors, cashiers, drivers at kahit sino. Kinakausap ko sila at hinihimok ko sila na mas galingan nila ang kanilang trabaho. Aking pinalalakas ang kanilang mga loob sapagkat napansin ko na karamihan sa mga kagaya nila ay kailangan lamang talaga ng kausap at gusto nilang taong ,maliban sa mga malalapit sa kanila kagaya ng kanilang pamilya, na makikinig sa kanila at malaman ang kanilang mga hinanaing. May iba sa kanila na nakakaramdam ng pagmamaliit ng mga taong mas may mataas na antas na pamumuhay kaysa sa kanila. Gusto ko sanang iparamdam sa kanila na importante sila sa bayang ito, at sa kapwa nilang mga Pilipino. Kaya ang ginagawa ko ay pinapasalamatan ko sila dahil tumutulong sila sa bayan sapagkat kung wala sila ay walang maglilinis ng mga kuwarto, walang magmamaneho ng mga pampublikong sasakyan, walang magbabantay sa mga gusali at iba pa. Maliliit na bagay ang kanilang mga ginagawa kung tutuusin pero kung wala sila, walang magpapakain sa kanilang mga pamilya, at dadami ang mga gutom. At kung hindi sila magtrabaho, dadagdag pa sila sa mga walang trabaho na pabigat sa sambayanang Pilipinas. Kaya pinapasalamatan ko sila at pinupuri sa kanilang ipinamamalas na pagganap sa kanilang mga kailangan gawin sa kanilang trabaho. Patuloy rin akong susunod sa mga tuntunin sa mga kalsada. Mas panindigan ko rin ang mga salitang binibigkas ng aking bibig kapag kumakanta ng ating pambansang awit na Lupang Hinirang at gagawin ko talaga ang mga sinasabi ko kapag binibigkas ko ang Panatang Makabayan. Kung hindi ko gawin ang mga iyon, ang ginagawa ko ay pagsisinungaling at maiikumpara mo na rin akong taksil sa sariling bayan kagaya ng mga Makapili noong panahon ng Hapon. Hindi ko gusto ang tunog noon. Kaya kahit mahirap gampanan ang liriko at mga salitang ito, gagawin ko pa rin dahil ang pagtupad sa mga ito ay sadyang nagpapamalas ng matinding pagkamakabayan. Dapat itong bigyan ng importansya. Tingin ko, kung lahat tayong mga Pilipino ay susundin ang ating mga sinasabi sa Lupang Hinirang at Panatang Makabayan, tiyak na uunlad ang ating bansa at mag-aalab ito sa ating puso at sa dibdib nating buhay. At mapapakita natin sa mundo na tayoy Perlas ng Silanganan.

You might also like