You are on page 1of 3

bakit???

by ofw's
anaboy "abdullah" kamsa

bakit kailangan pang lisanin ang lupang


kinagisnan? bakit kailangan pang tiisin na
mapalayo sa mga minamahal sa buhay? bakit
kailangan pang magpaalipin sa mga banyaga ng
kung tututusin ay tayo pang mga filipino ang
mas higit na maabilidad kaysa sa kanila? bakit
kailangan pa natin sa ibang lugar ipakita ang
ating angking mga talento na kung ating susuriin
ay higit na kailangan sa naghihikahos nating
bayan?
ilan lang yan sa napakaraming katanungan
kung bakit maraming mga filipino ang handang
makipagsapalaran sa ibayong lugar. di
inaalintana ang hirap at panibagong buhay na
susuungin alang-alang lang na mabigyan ng
magandang buhay ang pamilyang umaasa sa
kanya. tinitiis natin ng walang pakundangan para
lang kumita ang mga pagbabago tulad na lang
ng pakikisama sa ibang lahi, pakikiisa sa mga
kulturang di natin nakagisnan, pagsunod sa mga
batas na di natin nakasanayan, atbp.
sari-sari ding mukha ng mga filipino ang
makikita rito. may nakangiti, may
nakasimangot, may tumatawa, may lumuluha at
marami pang may… di ba mas maganda siguro
kung lahat ng emosyong yan ay kanyang
nararanasan sa mismong kanyang bayan
sapagkat mayron siyang masasandigan sa oras
ng kalungkutan at may kasama sa halakhak sa
mga tagumpay na tinatamasa?
bakit kailangan pang magkaganito?
samantalang may sarili naman tayong bansa na
dapat sana ay dito natin ipakita, ibuhos,
ipangalandakan, isigaw ang mga masasaya at
malulungkot na emosyong ating nararamdaman.
bakit ba di gumawa ng paraan ang ating
gobyerno para rito? upang sa ganon ay wala ng
magpapakaalipin sa mga dayuhan, lumuha,
magpawis, malungkot sa bayang hindi naman
kanya.
napakaraming bakit o napakaraming
tanong…..
pero minsan ba, binigyan ba natin kahit
karampot na atensiyon ang mga katanungang ito
o sabihin nating naghanap ba tayo ng kasagutan
ukol dito? nasa inyong mga sarili ang matagal
ng sagot. di lang natin binibigyan ng pansin ang
mga bagay na ito.
tanungin kaya natin ang ating mga sarili,
kabilang ba tayo sa mga dahilan kung bakit
marami sa ating mga kababayan ang nagbabanat
sa ibayong dagat samantalang ang iba ay
nagpapakasarap lang sa sariling bayan? hindi ka
ba nakokonsensya na sila'y nagpapawis
samantalang ikaw ay lomolobo lang ang tiyan?
makiramdam at maging mapagmasid sana
tayo.
isipin mo yan kaibigan!!!

the author is an ofw in jeddah, k.s.a.

You might also like