You are on page 1of 2

NOV.

23, 2011 DATE

NR # 2596
REF. NO.

Pagpapatatag ng relasyong pang ekonomiya ng Pilipinas-EU siniguro ni Belmonte


Siniguro ngayon si Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa mga kinatawan ng European Union na nasa prayoridad ng lehislatura ng Pilipinas ang pagsasabatas ng mga panukalang naglalayong mapatatag at mapalawak ang relasyong pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at ng EU. Ibinigay ni Belmonte ang pangakong ito sa nakaraang dayalogo sa pagitan ng mga kinatawan mula sa miyembrong bansa ng EU hinggil sa on mahahalagang usaping pangpulitika at pangekonomiya na nakakaapekto sa global financial liquidity. Ilang araw matapos ang pag-uusap sa pagitan ni Belmonte at sa mga EU ambassadors, nagpalabas ang tinaguriang credit watchdog Fitch Ratings ng isang pagaaral na may titulong Emerging Asian Sovereign Pressure Points kung saan kabilang ang Pilipinas sa mga bansang maaari umanong makaligtas sa krisis pinansiyal na pinagdaraanan ngayon ng buong mundo dala ng European debt crisis na resulta ng internal liquidity. Ang dalawa pang bansa sa Asiang tinuturing ng Fitch Ratings kasama ng Pilipinas ay ang China at Taiwan. Batay sa pag-aaral na ginawa ng Fitch Ratings, ang Pilipinas umano, kahit na may mababang investment level, ay nakakakuha naman ng malaking financial infusions mula sa mga remittances ng tinatayang 10 milyong Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Dagdag pa ng Fitch Rating ang pagkakalantad sa mabilis na pagbagsak sa global market liquidity na ibinabase sa adjusted liquidity ratio (ALR), lumalabas na ang matinding naapektuhan ay ang Indonesia, Korea at Malaysia, at limitado naman ang epekto sa Thina, Taiwan at sa Pilipinas. Ang EU ay ang ikaapat sa pinakamalalaking trading partner ng Pilipinas samantalang natutulungan naman ng Pilipinas na mapataas ang ranggo ng EU sa mga trading partners nito mula sa dating 47 noong 2009, nagawa ng EU maging ika 42 nitong 2010. Ang Trade In goods sa pagitan ng European Union (EU) at Pilipinas ay tumaas ng +34 porsiyento na umabot sa 9.1 bilyon, malinaw na P558 bilyon, nitong taonbg 2010 na maituturing na pinakamataas na growth rate sa loob ng mahigit 10 taon. Ayon kay Belmonte isang magandang oportunidad ang naganap na pakikipagdayalogo sa pagitan ng mga EU ambassadors dahil makakatulong umano ito upang lalong mapatatag at mapalawak ang relasyon, pagtutulungan at pagkakaisa sa pagitan ng EU at ng Pilipinas. Naniniwala rin ang Speaker na makakatulong ito upang magbukas ng mga bagong oportunidad at pagkakataon sa mga mamayan ng bawat kasaping bansa.

NOV. 23, 2011 DATE

NR # 2596
REF. NO.

Dagdag pa ni Belmonte ang mga mambabatas sa kasalukuyang 15th Congress, ay nagsusumikap at nagtutulong-tulong upang makabuo ng mga batas at resolusyon sa mga isyung may kinalaman sa EU member-countries. Ilan sa mga ito ay ang panukala hinggil sa common carriers tax at Gross Philippine Billings. Ang House Bills 4302 at 4444 na naglalayong tanggalin ang CCT at GPB ay nakahanay na rin sa Mababang Kapulungan. Ang House Bill 4302 (Committee Report No. 678) na naglalayong alisin ang pagbabayad ng CCT at GPB para sa international air at shipping carriers na me negosyo sa loob ng bansa. Napapanahon ng bigyang pansin ang mga isyu hinggil sa CCT at GPB lalo na sa mga panahong ito kung saan ang Board of Airline ay nagsasabing ang tax regime ang pangunahing dahilan kung bakit itinigil na ng mga foreign carriers tulad ng Alitalia, Air France, British Airways, Egypt Air, Lufthansa, Swissair, United and Vietnam Airlines ang kanilang serbisyo dito sa Pilipinas. Kamakailan lamang, nagpahayag na rin ang Air France-KLM na babawasan na nila ang kanilang serbisyong Manila-Amsterdam direct flights dito sa Pilipinas, mula sa dating pitong beses sa isang lingo, ay magiging anim na lang ito, hanggang sa susunod na taon. Simula naman sa ABril 2012, ang nasabing airline ay magkakaroon ng Hong Kong detour upang mabawasan ang buwis na ibinabayad nito, paliwanag ng Speaker. Ilan sa mga dumalo sa nasabing pag-uusap ay sina House Majority Leader Neptali Gonzales II, Ambassadors Guy Ledoux ng EU, Joseph Rychtar ng Embassy of the Czech Republic, Joachim Heidorn ng Embassy of Germany, Polyxeni Stefanidou ng Embassy of Greece, Jorge Domeq ng Embassy of Spain, Thierry Borja de Mozota ng Embassy of France, Luca Fornari ng Embassy of Italy, Wilhelm Donko ng Embassy of Austria, Veleriu Gheorghe ng Embassy of Romania, Heikki Hannikainen ng Embassy of Finland, Stephen Lillie ng Embassy of the United Kingdomand, Ambassador Joe Hayes ng Embassy of Ireland (non-resident ng Singapore). (30) sb

You might also like