Professional Documents
Culture Documents
lan sa mga impormasyon na kokolektahin base sa sarbey ay ang mga sumusunod: a) sinu-sino sa
sambahayan (household) ang mga nagta-trabaho na edad 5-17 anyos; b) ano ang kanilang trabaho at
saan sila nagta-trabaho; c) sila ba ay nagta-trabaho; d) ano ang dahilan bakit sila nagta-trabaho; e) ilang
oras sila nag-ta-trabaho, atbp.
Ang mga impormasyong nakalap ay gagamitin ng pamahalaan upang magkaroon ng mas bago o up-to-
date na datos para ma-analisa ang sitwasyon ng mga batang manggagawa sa bansa; para malaman ang
dami nila, ano ang kanilang kaalaman (skill) upang sila ay magkaroon ng profile; malaman ang estimate
na porsyento ng mga batang nagta-trabaho kumpara sa pangkalahatang bilang ng nagtatrabaho sa
bansa.
Gayundin din ang bilang o porsyento ng mga batang sakop ng tinatawag na child laborer at batang may
trabaho na masama ang epekto sa kanila; at malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa mga
ginagawa nila na walang kinalaman sa kanilang pagtatrabaho tulad ng pag-aaral, paggawa at pagtulong
sa mga gawaing bahay.
Kasabay din SOC ang pagsasagawa ng survey on Filipinos (SOF) na mangangalap naman ng
impormasyon tungkol sa mga overseas worker. (NSO/PA-Laguna).