You are on page 1of 3

Mga Lokal na Literatura at Pag-aaral

Impluwensya ni Vice Ganda ni jessicamarie09(jesma) http://jessicamarie09.multiply.com/journal/item/24 Nov 8, '10 3:17 AM

Siguradong kilala nang halos lahat ng Pilipino ang talentadong Komedyante na si Vice Ganda. Lalong lao na kung nanunood ka nang isang sikat na talent show na showtime. Di natin maitatanggi na si Vice Ganda ay sikat, matalino, talentado at magaling magpatawa. At ngayon, kilalang-kilala na siya sa mga ganitong banat: Sa isang mall, bumibili ng damit, pumunta nang fitting room ngunit hindi nagkasya ang damit, sumilip sa pinto at sinabi sa sales lady Miss pakuha nga ng mas malaking size nito. Sabi naman ng Sales Lady Para sa inyo po? Biglang banat ni Vice Ay hindi!, Para sayo, i-pagshoshoping kita! May point nga naman siya, para sa kanya nga naman kasi siya yung nagsusukat. Kung pakikinggan ang mga banat na ito, totoong nakakatawa dahil pinauso ito ni Vice Ganda at parang isa na siya wake-up call na meron pa bang common sense ang mga Pilipino? Pero naisip ko na ang bagay na ito na pinauso ni Vice ganda ay mayroong maganda at Hindi magandang na epekto para sa mga Pilipino lalo na sa mga bata. MagandaKung babanat ka sa panahong nag-kukwentuhan kayo ng mga kaibigan mo, nagkakatuwaan, nagkakasiyahan dahil sa ngayon, isa na talaga itong paraan para makapagpatawa lalo na sa mga malungkot. Hindi magandaItoy nagiging daan para makapambasag, makapambara o kaya naman makapagpahiya ng isang tao, maaring tumawa siya pag narinig niya iyon mula sayo pero nasaktan mo na pala ang kanyang damdamin. Pwede ring maging daan para sa mga kabataan na sumagot na lamang ng ganoon sa kanilang mga magulang. Hindi ko sinasabing wag nating suportahan si Vice Ganda dahil alam nating isa siyang magaling na Komedyante/Artista, marami na rin siyang naibahagi sa atin at marami din siya pinagdaanan sa buhay. Ngunit ang bagay na aking gustong sabihin ay, ang bagay na ito ay ating gamitin sa Tamang Lugar, panahon, o tao dahil ang lahat ng bagay ay mayroong limitasyon gayun din ay mayroon itong maganda at hindi magandang epekto sa atin.

Bubble Gang ni Helen E. http://group4filculm.blogspot.com/ "You're such a loser yaya" "Bonggang bongga" ilan lamang ang mga litanyang ito na pinasikat ng comedy show na Bubble Gang. Syempre, tuwing Biyernes, sino ba naman ang makakalimot sa Bubble Gang? Bukod sa patok na patok ang mga patawa nila, kwelang kwela at ginagaya pa ito ng mga manunuod. Si Ogie Alcasid na hindi naman talaga komedyante (baduy na komedyante noong 90s) ay sumikat ng todo at nakilalang husto sa Bubble Gang. Dito, napatunayan niyang isa siyang versatile na artista; hindi lamang pagkanta ang kanyang hatid, maging ang pagpapatawa ay kayang kaya niya. Hindi man siya gwapo ay nagustuhan siya ng mga tao dahil kwela siya. Ang mga artistang tulad ni Diego ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho at makapagpatawa, isa man siyang objek kung ituring sa loob ng show, sumikat naman siya ng husto sa mata ng madla. Ang Bubble Gang ay nagbibigay kasiyahan sa mga Pilipino, naghahatid aliw sa mga manunuod at itinatakas sa mundo ng problema ang mga Pilipino partikular ang masa. Pero, ito nga lang ba ang nais iparating ng Bubble Gang? Ano nga ba ang hatid ng isang Bubble Gang sa mga Pilipino? Ang Bubble Gang ay isang makabagong kultura ng mga kabataang Pinoy. Kung noon, pinapanuod lamang natin ito at pagkatapos ng programa ay kinakalimutan na natin ang ating napanuod, ngayon, ang show na ito ay tumatatak sa isip ng mga tao at ang mga linyang sinasabi sa loob ng programa ay ginagamit na rin ng mga tao sa pakikipag-usap. Nagiging role model na ang Bubble Gang sa mga kabataan kung saan ito ang nagiging "fashion" nila pagdating sa pakikipag-usap. Baduy man ang ganitong programa para sa mga ipokrito, ito naman ang nagiging hegemonya sa pagkontrol ng dialogo ng mga kabataan. Phenomenal lang ang mga linyang pinasisikat ng Bubble Gang, hindi tulad ng gay lingo at salitang kanto na tumatatak sa bokabularyo ng mga tao, ang mga salita sa Bubble Gang ay nalalaos din agad at napapalitan din ng bago. Baduy na kung baduy, nagsisilbi namang isang hegemonya ang Bubble Gang sa pagkontrol ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.

Pick up Lines ni Eddysza Flosein Paz L. Camahia http://cowfetti.com/?author=20

26 Sep 2011

Pick up lines iyan ang bagong libangan ng mga kabataan ngayon. Marahil, ito na nga ata ang makabagong paraan ng panunuyo ng mga kabataan ngayon. Kung dati-rati ay pang haharana, pagsulat o pagtetext ngayon ay naipapahayag ng ilan ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng mga pick up lines tulad na lamang nito, miss, pwede ba kta abutin? ikaw kasi pangarap ko e. Marahil mas naipapahayag nila ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng mga pick up lines na ito. Ilan pa sa mga ito ay, sana holdaper ka na lang para ibibigay ko sayo lahat, wag mo lang akong sasaktan, I forgot your name. Can I call you +mine?. At base sa feedback ng mga kababaihan epektibo naman para sa kanila ng mga banat na ito mas naaaliw pa nga daw sila sa ganitong estilo ng panliligaw, natutuwa na sila ay kinikilig pa. Tunay nga naman na kikiligin ang mga kababaihan dahil sa mga pick up lines na ito sapagkat sila mismo ang inaalayan ng mga salita na may halong pambobola upang mahulog ang kanilang loob. Mas kakaiba at mas bago daw ang mga pick up lines ay mas maganda at mas nakakabilib, at hindi biro ang magisip ng mga pick up lines na ito sapagkat sa dami ng mga nakakaisip ng mga pick up lines kailangan makaisip ng bago. Nagsimula ng pagsikat ng pick up lines na ito dahil sa mga artista o palabas na mayroong pick up lines katulad na lamang ng My Amnesia Girl na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz, gayun din sa Bubble Gang na may segment sila na pick up-an dito nagsimulang sumikat ang mga pick up lines sikat dito si Ogie Alcasid na gumaganap bilang Boy Pick up dahil sa mga non-sense at walang connect niyang mga pick up lines ay naging usap-usapan siya, hindi naman maitatangging nakakatawa ang kaniyang pag ganap at pag deliver niya ng mga pick up lines kung kayat ginagaya siya ng marami. Maganda na rin na may mga ganitong pick up lines upang mapagkalibangan ng mga kabataan at naaaliw ang lahat kaysa naman matuon ang kanilang mga atensyon sa droga at ibang pang ipinagbabawal na gamot o bisyo, kailangan lang nga mga kabataan ng tamang pansin at puwang sa lipunan dapat nating pag toonan ng kaukulang pansin at respeto ang kabataan, at higit sa lahat nararapat lang na maipahayag nila ng kanilang mga saloobin at damdamin ng walang natatapakan o napipirwisyong iba. Suportahan ang mga kabataan isulong ang PICK UP LINES!!