You are on page 1of 11

FOOD SAFETY AT HOME

Ang pagkain ng sira o panis na


pagkain ay maaaring magdulot ng
sakit.Kadalasan ang mga sintomas
ng pagkalason ay makikita sa loob
lamang ng 1-3 araw.
MGA PARAAN NG TAMANG
PAGHAHANDA AT PAGTATAGO NG
PAGKAIN

1.Malinis
2.Paghiwa-hiwalayin
3.Lutuing maigi
4.Ilagay sa tamang temperatura
I. Malinis
Maghugas ng kamay at siguraduhing
malinis ang paglulutuan.
--- Ang mga mikrobyo ay maaaring
nasa ating mga kusina.Maaari itong
matagpuan sa sangkalan, kutsara,
tinidor at kutsilyo.
MGA PARAAN UPANG
MAIWASAN ANG PAGDAMI NG
MIKROBYO
-Maghugas ng kamay gamit ang sabon
at maligamgam na tubig bago hawakan
ang mga pagkain.
-Hugasan ang sangkalan, plato,
kutsara, tinidor at kutsilyo bago ito
gamitin.
Gumamit ng sangkalan gawa sa plastic
upang maiwasan ang pagdami ng
mikrobyo.
II.PAGHIWA-HIWALAYIN ANG MGA
PAGKAIN
----Ang mga mikrobyo ay
maaaring magpalipat-lipat sa mga
pagkain kung ito ay sama-sama
Ihiwalay ang mga hilaw na karne,
manok at lamang dagat sa ibang uri ng
pagkain tulad ng gulay.
Gumamit ng bukod na sangkalan para
sa mga karne.
Maghugas ng kamay bago magluto.
Huwag gamitin ang gamit na plato
upang lagyan ng panibagong uri ng
pagkain.
III.LUTUING MAIGI
-Lutuing mabuti ang anumang
pagkaing ihahanda upang
masiguro ang pagkamatay ng mga
mikrobyo.
-Ang mga natirang pagkain ay
kailangan din initin ng mabuti
upang masiguro ang kaligtasan
nito.
IV.ILAGAY SA TAMANG
TEMPERATURA
-Ang mga nilutong pagkain at
natirang pagkain ay dapat ilagay
sa tamang temperatura sa lood ng
2 oras upang maiwasan ang
paglago ng anumang mikrobyo.
MGA SAKIT NA MAAARING
MAKUHA SA MALING
PAGHAHANDA AT PAGTAGO NG
PAGKAIN
Amoebiasis
Hepatits A
Red Tide Poisoning
Cholera
Bacillary
SIGNS AND SYMPTOMS

Pananakit ng tiyan
Pagsusuka
Pagtatae
Lagnat
Panghihina
MGA ALTERNATIBONG PARAAN SA
PAGHAHANDA AT PAGTATABI NG
PAGKAIN
Magluto lamang ng sapat sa isang kainan upang maiwasan
ang pagkapanis nito.
Magluto ng mga pagkaing hindi madaling masira at naaayon
sa panahon.
Ilagay sa tamang lagayan ang mga pagkaing tira upang
maiwasan ang pagdapo ng anumang mikrobyo.
Kung walang ref maaaaring itabi o itago ang tirang pagkain sa
isang lugar na malinis at hindi masyadong mainit upang
maiwasan ang pagpapawis nito na nagiging sanhi ng paglago
ng mikrobyo.

You might also like