You are on page 1of 33

Ang isang mahusay na mambabasa ay may kakayahang

kontrolin ang mga proseso ng komprehensyon sa tulong na rin


ng kanyang dating kaalaman.

Ayon kay Pearson (1987)- ang komprehensyon sa pag-unawa


ay ang proseso sa pag-ugnay ng dating nalalaman ng
mambabasa sa bagong sitwasyon. Pansining marunong
gumamit ng mga proseo ng pag-unawa ang mahusay na
mambabasa. Nagagawa niya ito sa tulong ng dating kaalaman.

Ayon sa teoryang iskema, ang lahat ng aing


nararanasan at natutuhan ay nakalagak sa isipan at maayos
na nakalahad ayon sa kategorya.

Ilang istratehiya sa pagbasa ang dapat na bigyangpansin upang mataya ang kaantasan ng pag-unawa o
komprehensyon sa isang binabasa. Ang mga istratehiyang ito
ay kognitibo na ginagamit sa pagkuha ng mga impormasyon,
detalye at paghihinuha. Metakognitibo nakalaan ang
pagbabalak, pagsubaybay at pagpapahalaga. Sosyo-apektibo
ang sama-samang pagkatuto.

Narito ang ilang mabisang kasanayan ungo sa


mabuting pag-unawa:

1)Pagkuha ng
Pangunahin at
Tiyak na Detalye
(Skimming at Scanning
ng Libro, Dyornal
Report ATBP.)

Skimming
Pinaraanang pagbasa ang ibang tawag dahil karaniwang
ginagamit sa pagpili ng aklat, magasin.
Ginagamit din sa:
Pananaliksik
Pagkuha ng mahalagang impresyon sa inilalarawan ng
aklat at iba pa.
Malaki ang naitutulong sa pagbabasa.
Pinakamabilis na pagbabasa na kayang gawin ng tao.
Sa pamamagitan nito nagkakaroon ito nang malaking
bahagi sa pananaliksik, sapagkat higit na maraming aklat ang
maaring mabasa at makunan ng impormasyon.

Scanning
Ito ay ang paghahanap sa isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Layunin nito ang
mabisang pagkuha ng kaisipan ng sumulat. Ang
mahalaga rito ay makita ang hinahanap sa madali at
mabilis na paraan. Inilalahad pa rin sa uring ito na
ang hinahanap ay ang tiyak na impormasyon o
sagot sa tiyak na tanong.

2) Paghinuha

`Ang pag-unawa sa diwa ng isang pahayag ay nagagawa sa


ibat ibang paraan. Di bat minsay naipaliwanag mo ang kahulugan
ng isang di-tuwirang pahayag sa kuwento? Naisagawa mo ito sa
tulong ng mga pahiwatig at ng iyong sariling pagkaalam sa paksa.
Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga
pahiwatig at ng sariling kaalaman, ikaw ay gumagawa ng paghinuha.
Ipagpalagay na hindi mo pa nabasa ang isang akda,
magagawa mo kayang mabigyang kahulugan ang pamagat o iba pang
pangyayari dito? Sa paanong paraan?
Tandaan, nakabubuo ka ng maraming hinuha habang
nagbabasa.

3)
Paghuhula
(Predicting)

Binibigyang laya ang mambabasa na magkaroon ng


paghuhula sa nanaising wakas o iba pang mga pangyayarisa
isang akda.
Nailalagay ng mambabasa ang kanyang sarili sa ilang
tauhan sa akdang binasa. Maaring batay ito sa karanasan ng
isang tao o di kaya sa kanyang interpretasyon.
Ang mga mambabasang Pilipino ay mahilig sa
positibong pananaw kaya naman madalas ito rin ang
kanilang paghuhula.

4) Paglalahat

Tinatawag ding paglalagom. Ito ay payak na anyo ng


paglalahad. Itoy panibagong gawa ng akda ng iba.
Sa paggamit nito:
Nasasanay siyang maging matalinong mambabasa.
Natuto siyang umintindi.
Natuto siyang sumuri sa kanyang binabasa.
Nasasanay ang isang indibidwal na mapalawak ang kaalaman sa
talasalitaan at bumuo nang maayos na pangungusap.

5)
Pagwawakas

Iniiwan sa mga mambabasa ang kasanayan sa


pagbibigay ng wakas ng isang kwento. Hinahasa ang talas ng
pagbibigay ng isang kawakasansan sa isang kwentong
binasa. Karaniwan ang kakalasan o resolusyon sa suliranin ng
kwento ang kaugnay ng pagwawakas. Kapag nailahad na ang
resolusyo, kasunod na agad nto ang pagwawakas.

Dahil sa ang mga mambabasang Pilipino ay may


pagkasentimental, madalas na ang istilo ng pagwawakas ay
nakabatay sa teoryang pampanitikan na Romantisismo. Ang
pagdulog na ito ay nagpapahayg na ang pangunahing tauhan
na mula sa pagiginf api ay nagtagumpay at masaya sa
pagtatapos ng kwento.

6) Paggamit
ng Pahiwatig

Ito ay nakatutulong upang maging matimpi ang isang


kwento. May ilang kwento na sinasabi nang lahat ang nais
ipahayag ng may-akda. Sa makabagong uri ng kwento ay
ipinahihiwatig lamang ng may-akda ang mahalagang pangyayari.

Sa paggamit ng pahiwatig ay dapat na amaging malinaw


ang mga pahayag ng mmay-akda. Kailangang maunawaan ng
bumabasa ang pahiwatig mula sa kwentong nabasa.

7) Pagkilatis sa
Katotohanan at
Opinyon

Ang katotohanan ay patotoo sa isang bagay. Itoy


mapapatunayan sa pamamagitan ng pagsusuri at
paghahambing sa mga karanasan o pangyayari sa paligid.

Ang opinyon ay isang kuro o hakang personal. Itoy


ang iyong sariling paniniwala tungkol sa isang bagay. Maari
itong ibatay sa isang katotohanan o karanasan.

Masalimuot ang daigdig na ating ginagalawan. Ang


pagkilala at pag-unawa sa daigdig na itoy nagtataglay ng
mga katotohanan at opinyon at mahalagang makilala mo
ang malinaw na pagkakaiba ng dalawang ito.

8) Pagtukoy sa
Layunin ng
Teksto

1) Panimula
-naglalahad ng tagpuan., tauhan, paglalarawan ng
lugar at panahon na pingyarihan ng kwento.
2) Saglit na Kasiglahan
-dito inilalahad ang unang suliranin na
lumikha ng pananabik sa mambabasa.
3) Mga suliraning inihahanap ng lunas
4) Kasukdulan
-pinakatampok nam pangyayari na
patungo sa kakalasan.
5) Kakalasan
-resolusyon ng suliranin na kadalasang
sinusundan ng pagwawakas.

9) Pagsusuri ng
Teknik na
Ginamit ng
Awtor sa
Paghahatid ng

Bahagi na ng mga akda ang pagbuo ng mga salita o


mga pariralang makapag-iiwan sa mga mambabasa ng ilang
di-malimu-limutang alaala. Nasa teknik ng awtor kung
papano niya gagawing habang binabasa ang kanyang akda
ay nakapag-iiwan ito ng impresyon hanggang sa ang mga
pahayag na itoy maging bahagi na ng pananalita ng
bumabasa. Maaring manunulat ang nagpapalagay na ang
matatalinghagang pananalitang ginagamit sa isang akda ay
isang uri ng tayutay o iba pang konotasyong mga pahayag.

10) Pagebalweyt sa
mga Ebidensya
at
Pangangatwiran

Sa kasanayng ito, likas sa isang indibidwal ang


kahusayan sa pangangatwiran. Sinasabi na ang
pangangatwiran ay isang sining, sapagkat humihikayat ito na
mapapaniwala at mapakilos ang isang
tagapakinig/mambabasa ayon sa layunin ng nagsasalita o
sumusulat.

Isang ebalwasyon ng mahusay na pangangatwiran ang


pagpili ng wastong mga pananalita na makapupukaw sa isip at
sa damdamin natin. Malawak ang saklaw ng isang
pangangatwiran. Ito ay dapat na may PANIMULA na tatawag ng
atensyin ng babasa o tagpakinig. Dito dapat nakapaloob ang
pagpukaw ng damdamin upang makisangkot sa tatalakayin.
Ang mahahalagang punto ng nagsasalita o nagpapahayag ay
dito ipinaliliwanag. Malinaw na mababasa ang panig ng mga
nagsipangatwiran sa bahaging ito.

.
At sa PANGWAKAS naman, binibigyang-tuon ang
pagtawag sa atensyon ng nakikinig o nagbabasa ng puntong
nais bigyang matuwid ng nangangatwiran.

You might also like