You are on page 1of 47

MGA BATAYANG

KAALAMAN SA
PAGSULAT

MGA BATAYANG
KAALAMAN SA PAGSULAT
Kapag tumigil sa pagsulat ang isang
tao,tumitigil na rin sya sa pag-iisip.
Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang
lahat ng karununungan at
kaalaman,mula sa mga pansariling
karanasan hanggang sa mga
kaalamang pang-edukasyon.

MGA
BATAYANG
KAALAMAN
SA PAGSULAT

KAHULUGAN AT KALIKASAN
Ang pagsulat ay pagsasalin sa
papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan
ng mga nabuong salita,simbulo at
ilustrasyon ng isang tao mga tao sa
layuning maipahayag ang kanyang

KAHULUGAN AT
KALIKASAN
Ito ay kapwa isang pisikal na
aktibiti na ginagawa para sa iba't
ibang layunin.
Ito rin ay mental na aktibidad
sapagkat hindi maaaring hindi gamitin
ang utak sa pagsusulat.
Ayon kina Xing at Jin,ang pagsulat
ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong
gamit,talasalitaan,pagbubuo ng
kaisipan,retorika at iba pang mga

KAHULUGAN AT
KALIKASAN
Komprehensib ang pagsulat
sapagkat bilang isang makrong
kasanayang pangwika,inaasahang
masusunod ng isang manunulat ang
maraming tuntuning kaugnay nito.
Matuturing na isang mataas na uri
ng kominukasyon sapagkat esensyal
dito ang napakaraming elemento atc
rekwayrment ng gramatika at
bokuabularyo.

KAHULUGAN AT

KALIKASAN

Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa


pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong
mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y
pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong
ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito.
Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin
na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na
mahirap matamo.
Subalit mayroon tayong magagawa....napagaaralanang wasto at epektib na pagsulat.

KAHULUGAN AT
KASANAYAN
Ayon kay Keller,ang pagsulat ay isang
biyaya,isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang
kasanayang kaloob ng Maykapal at bekslusib ito sa
tao.
Isa itong pangngailangan sapagkat ito,kasama
ang kasanayang pakikinig,pagbasa at pagsasalita
ay may malaking impluwensiya upang maging
ganap ang ating pagkatao.
Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang
sining,maaari itong maging hanguan ng
satispaksyon ng sinuman sa kanyang
pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama.

KAHULUGAN AT
KASANAYAN

Ang paglalarawan naman nina


Peck at Buckingham sa pagsulat:
Ang pasulat ay ekstensyon ng
wika at karanasang natamo ng isang
tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.

SOSYOKOGNITIB
NA
PANANAW SA PAGSULAT
SOSYO salitang tumutukoy sa
lipunan ng mga tao.
KOGNITIB anumang
tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito
sa mga empirikal o paktwal na
kaalaman.

SOSYO-KOGNITIB NA
PANANAW SA PAGSULAT

Ang sosyo-kognitib na pananaw


sa pagsulat,ay isang paraan ng
pagtingin sa proseso ng pagsulat.
Ang pagsulat ay kapwa isang
mental at sosyal

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW
SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay kapwa isang
komunikasyong intrapersonnal at
interpersonal.
Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa
sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon
ng
babasa sa aking isusulat?

PAGSULAT BILANG MULTIDIMENSYONAL NA


PROSESO
Ang pagsulat ay isang biswal na
pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing
personal at sosyal.
Anuman ang layunin sa
pagsulat,mahalagang maunawaan na ang
pagsulat ay isang multi-dimensyonal na
proseso.
Dalawang dimensyon sa pagsulat:
1. Oral Dimensyon

DALAWANG DIMENSYON
SA PAGSULAT
1.ORAL NA DIMENSYON
Kapag ang isang indibidwal ay
nagbabasa ng isang tekstong
isinulat,masasabing nakikinig na rin
siya sa iyo.
Ang pagsulat ay isang pakikipagusap sa mga mambabasa.

2. BISWAL NA DIMENSYON
Ang dimensyong ito ay mahigpit na
nauugnay sa mga salita o lenggwaheng
ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na
inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.
Sa dimensyong ito,kailangang
maisaalang- alang ang mga kaugnay na
tuntunin sa pagsulat upang ang mga
simbulong nakalimbag na siyang
pinakamidyum ng pagsulat ay maging
epektib at makamit ang layunin ng
manunulat.

PAGHAHAMBING AT
PAGKOKONTRAST
Paghahambing at Pagkokontrast sa Dalawang Dimensyon na
halaw kay Badayos
MGA SALIK

PAGSASALITA

PAGSULAT

Sikolohikal

- may kontekstong sosyal at


harapang interaksyon
- may kagyat na pidbak sa
anyong berbal o di-berbal

- may kontekstong sosyal


bagama't ang interaksyon ay
hindi harapan
- kailangang gumawa ng
maraming pag-aakma upang
maisaalang-alang ang dinakikitang audience o
mambabasa
- minsan,awtor mismo ang
gumaganap na tagabasa ng
tekstong isinulat
- walang kagyat na pidbak

- gumagamit ng paralinguistic
features (tigil,diin,lakas at
intonasyon)
- gumagamit din ng mga extra
linguistic features o mga nonberbal dues
- nasa anyong linear,hindi na
mababawi ang nasabi bagama't
maaaring baguhin

Paghahambing at Pagkokontrast sa
dalawang dimensyon na halaw kay
Badayos
MGA SALIK

PAGSASALITA

Linggwistik

- maaaring maging
inpormal

PAGSULAT

- kailangang mahusay
ang paglalahad ng
kaispan upang maging
malinaw ang teksto sa
mga mambabasa
- maaaring
- mas mahaba ang
ulitin,baguhin at linawin konstruksyon ng mga
ang binitawang salita
pangungusap at may
ayon sa reaksyon ng
tiyak na istrakturang
kausap
dapat sundin
- maaari ang pag-uulitulit ng mga pahayag

Paghahambing at Pagkokontrast sa
dalawang dimensyon na halaw kay
Badayos
MGA SALIK
Kognitib

PAGSASALITA
- madaling makamit
ang kasanayan
- natutuhan sa isang
prosesong natural at
tila walang hirap
- ang pagsasalita ng
inner speech sa aktwal
na usapan ay madaling
proseso

PAGSULAT
- natututuhan sa
paaralan at kailangan
ng pormalna pagtuturo
at pagkatuto
- mas mahirap ang
pagbubuo ng ideya sa
pagsulat na teksto
kaysa sa pasalitang
pagsasabi nito lalo na
sa pangalawang wika

MGA
PANANAW
SA PAGSULAT
Ayon kay Donald Murray, ang
pagsulat ay isang eksplorasyonpagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa
porma- at ang manunulat ay
nagtatrabaho nang pabalik-balik
nagtutuon sa isa saa mga batayang
kasanayan sa bawat panahon nang
kanyang matuklasan kung ano ang

MGA PANANAW SA
PAGSULAT
Ayon pa kay Murray,ang pagsulat
at isang prosesong rekarsib o paulitulit.
Writing is rewriting.
Matapos diumanong
magsulat,magsisimula na namang
panibago ang bagong pagsulat.

MGA PANANAW
SA PAGSULAT
Paglalarawan ni Murray sa mabuting
manunulat - A good writer is
wasteful.
Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts
away,discarding wood The writer
cannot build a good strong piece of
writing unless he has gathered an
abundance of fine raw materials.

PANANAW SA
PAGSULAT
Sinabi ni Ben Lucian Burman
na I am a demon on the subject of
revision.I revise,revise,revise,until
every word is what I want.

MGA
LAYUNIN
PAGSULAT

SA

Ang pagsulat ay personal na gawain


sapagkat ginagamit para sa layuning
ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o
nadarama.
Sosyal na gawain naman sapagkat
ginagamit para sa layuning panlipunan o kung
ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa
iba pang tao sa lipunan.
Ang layuning ito ay tinatawag na

Isang halimbawa ng ekspresib na


pagsulat ang paggawa ng tula ng mga
makata.Samantala,ang pag-gawa ng
mga liham-pangangalakal ay isang
halimbawa ng transaksyunal na
pagsulat.
TATLONG LAYUNIN NG
PAGSULAT(Bernales,et.al)

1.impormatib
2.mapanghikayat
3.malikhain

TATLONG LAYUNIN SA
PAGSULAT
1.IMPORMATIB NA PAGSULAT
Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito
ay naghahangad na makapagbigay
impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus
nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto.
Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga
istatistiks na makikita sa mga libro at

TATLONG LAYUNIN
SA PAGSULAT

2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Kilala sa tawag na persuasive writing.
Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang
katwiran,opinyon o paniniwala.Ang
pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng
isang awtor.
Halimbawa:
editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng
proposal at konseptong papel

TATLONG LAYUNIN
SA PAGSULAT
3. MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay ginagawa ng mga manunulat
ng mga akdang pampanitikang tulad
ng maikling katha,nobela,tula,dula at
iba pang malikhain o masining na
akda.
Kadalasan ang pangunahing
layunin ng awtor dito ay
magpapahayag lamang ng kathangisip,imahinasyon,ideya,damdamin o

MALIKHAING PAGSULAT

MGA HAKBANG
SA PAGSULAT

Sa mga kasanayan sa
komunikasyon,itinuturing ng lalong
marami na pinakamahirap ang pagsulat.
Simple ang dahila: sa pagsulat
dapat na gamitin ang mga nalalaman sa
pakikinig,sa pakikipag-usap at sa
pagbabasa.

MGA HAKBANG SA
PAGSULAT
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NA
IMINUNGKAHI PARA MAKATULONG SA
PAGSULAT
1. Pumili ng paksang susulatin.
Dapat na makabuluhan o mahalaga ang
paksa, lalo na para sa mga mambabasa.
2. Pagkuha ng magagamit na mga
materyales.
Maaaring ang mga impormasyon ay
kailangang saliksikin sa mga
aklat,babasahin,magasin o peryodiko.

MGA HAKBANG SA
PAGSULAT
3.Plano ng Pagsulat.
Maaaring buuin muna sa papel o
sa isip ang paksang susulatin.Story
line ang tawag dito.
4. Aktwal na Pagsulat.
May ilang paraan ng pagsulat na
ginagamit ang mga manunulat.May
nagsusulat na nagsisimula sa pag-iisip
ng gagamiting pamagat ng akdang
susulatin.

MGA HAKBANG SA
PAGSUSULAT
5.Pagrerebisa sa Akda.
Gaya nang naipahiwatig sa Aktwal
na Pagsulat,ang rebisyong gagawin ay
ukol sa pagtatama sa mga
kamalian,pagbabawas sa mga isipang
naisama na hindi dapat isama at
pagdaragdag sa nakaligtaang ideya
habang isinusulat ang teksto.

MGA URI NG
PAGSULAT
Mauuri sa ibat ibang
pangangailangan ng tao sa lipunan.
`~batayan kung bakit nasulat ang tao
Magbigay ng impormsyon
Tumalakay sa isang paksa
Mang-aliw ng mambabasa.

AKADEMIK
Pagsulat sa paaralan mula sa antas
na primarya hanggang doktoradong
pag aaral.
Itinuturing ng isang intelektwal na
pagsulat.
Hal:
Kritikal na sanaysay, term paper,lab
report, ekspiremento.

TEKNIKAL
Nagsasaad ng impormasyon na
maaring makatugon sa isang
komplikadong suliranin.
Nakatuon sa isang espesipik ng
audience.

JOURNALISTIK
Uri ng pagsulat na ginagawa ng
isang journalist.
Makikita sa columnar ng
dyaryo,tulad ng editoryal,balitang
sulatin, lathalain.

REPERENSYAL
Sulatin na naglalayon magrekomenda
ng iba pang mga sors o reference.
Para sa mas malawak na pag intindi
sa isang paksa.
Hal.:
Literatura mula sa awturidad, thesis sa
bahaging Mga kaugnay na pag aaral
at literatura.

Propesyonal
Uri ng pagsulat na nakatuon o
ekslusib sa isang tiyak na
propesyon.
Hal:
Pulis report, Investigative report,
Medical report.

MALIKHAIN
Masining
Pokus ang imahinasyon ng
manunulat.
Paganahin ang imahinasyon ng
mambabasa.
Piksyunal o di-piksunal
Hal: tula, nobela, maikling kwento,
malikhain sanaysay.

Mga Bahagi Ng Teksto

Panimula : Paksa at Tisis


Ang Panimula ay napakahalagang bahagi
ng isang teksto. Sapagkat, nagsisilbi itong
pang-akit sa mga mambabasa upang
basahin ang teksto.

Ito rin ang bahagi ng teksto na nagpapakilala


sa paksa at tisis ng teksto. Iniintrodyus ang
topic na iikutan ng teksto at inilalatag dito
ang tisis o kaligiran ng paksa.
Ang Panimula ay nagbibigay-ideya sa mga
mambabasa kung tungkol sa aling paksa
ang teksto at kung ano ang paniniwala,
asersyon o proposisyon ng may-akda sa
paksang iyon, bukod pa sa nagsisilbi itong
pang akit at panawag-pansin

Katawan: Istraktura,
Nilalaman at Order
Ang katawan ay hindi lamang ang kalakhan
at pinakamahabang bahagi ng teksto. Ito rin
ang pinakamahalagang bahagi ng anumang
teksto.

Samantala, ang istraktura at order ang


pinakakalansay ng isang teksto. Kung wala
ito, hindi makatatayo sa kanyang sarili ang
isang teksto. Kailangan, kung gayon, na
mapili ang wasto at angkop na istraktura ng
teksto depende sa paksa at mga detalyeng
kaugnay nito.
Kailangan ding maisaayos ang nilalaman sa
isang lohikal na order.

Wakas: Paglalagom at
Konglusyon
Ang wakas ang panghuling bahagi ng isang
teksto. Tulad ng panimula, kailagan din
itong maging makatawag-pansin sapagkat,
ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito
ay ang pag-iiwan ng isa o ilang
mahahalagang kakintalan sa mga
mambabasa.

Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng


teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng
teksto sa pinakamaikling paraan. Samantala,
inilalahad naman sa kongklusyon ang
inferences, prosisyon o deductions na
mahahango sa pagtalakay ng teksto.

May Tanong?.....?

You might also like