You are on page 1of 20

Teorya o Konsepto

ng Panitikang

Pilipino

Teoryang Mimetiko

Ipinapakita sa teoryang ito ang masusing pagkabuo at kritikal na


pormulasyon para unawain ang ugnayan ng akda at katotohanan.
Mahahalagang larawang-isip o konsepto na bumubuo s ateoryang
mimetiko:
a. Mimesis pagtulad, paggaya, o imitatsyon.
b. Poietes Ipinapakita sa konseptong ito ang makata bilang
maylikha, maygawa, o manlilikha ng akda.
c. Ito naman ang tiyak, tahasan, tunay o positibong bunga o
epekto ng may akda sa tao sa pag-aalpas at pagkawala ng
damdamin. Kaakibat din dito
ang kalikasang pantao. Ang
kalikasang pantao ay tumutukoy sa mga pangkalahatang ssimulain,
prinsipyo at katangian sa sangkatauhan o sansinukob.

Teoryang Enkulturasyon

Ang teoryang enkulturaysyon ay isang proseso kung saan ang


kulturang kasalukuyang umiiral o namamayani ay alinsunod sa
padron, dibuho, at balangkas ng lipunan. Ang teoryang ito ay
pagsasagawa o paraan ng pag-aakma at adpatsyon ng tao sa
kaalaman at kakayahang sumunod sa kanyang kulturang
kinabibilangan.
Mga kaaalamang bayan:

Kwentong bayan
Karunungang bayan
Awiting bayan
Pamahiin

Teoryang Magic o Magic


Realism o Mahiwagang
Realismo

Ang teoryang ito ay pagsasanib ng imahinasyon, guniguni,


o pantasya, at katotohanan. Pinagsama ng magic o magic
realism ang kaalamang bayan tulad ng mitolohiya, alamat, at
mga karunungang bayan upang higit na mailalarawan ang
realidad o katotohanang nangyayari sa isang lipunan. May
mga mahiwagang kalagayan, pagkakataon, at pangyayaring
tunay na nagaganap sa kapaligiran. May mga bagay na
masasabing kakaiba at di-karaniwang nangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Santelmo o bolang apoy na lumilipad kapag gabi.
Pinanniniwalaang kaluluwang hindi matahimik sa kabilang
buhay.

Teoryang Surealismo

Ipinahahayag sa surealismo ang tunay na pangyayaring


gumigising at nagpapaalab sa diwa at kamalayan ng taong
nakakaranas mismo ng mga pangyayaring nakapagpatindigbalahibo. Layunin ng teoryang ito na siyasatin ang mga
pangyayaring upang bigyang linaw ang mga ito
Ayon kina Mendiola at Ramos (1994: p.22), nagpapahayag
ang teoryang ito ng kaisipan at larawang-diwa o imahen sa
isang paraan gaya ng panaginip na masasabing hindi na
makatwiran subalit nagsisilbing daluyan, behikulo, midyum at
tulay ng kamatayan. Ang literatura ng mga Pilipino ay isa
pinakaawtentikong bahagi ng kanilang kultura at pamana. Ang
mga kuwentong-bayan o folk narratives ay isa sa mga
sinasaklawan ng literaturang pambayan.

Halimbawa
Sa lungsod ng Zamboanga, may mga white lady
na nananahan sa mga punong kahoy, mga
asuwang na lumulutang.
Sa Surigao del Norte, ang sabi ng mga
matatanda, may nauulinigang mga boses kapag
hatinggabi. Boses daw ng diwata at mortal na
nagtatawagan sa isat isa dahil hindi
nagkatuluyang magkaisang dibdib.

Teoryang Arketipal

Ginagamit
ang
teoryang
ito
sa
panunuring
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda.
Dito isinasaalang-alang ang pagbibigay ng kahulugan sa mga
simbolismo na paulit-ulit na makikita sa mga akda. Ang
panibagong diin sa teoryang artektipo ay ang mga
pangmakataong kahulugan kaysa kahalagahang pangestetiks. Kahit ang mga pangalan ay mga arketipong simbolo
ng tao.
Ang pangalang Eva, Adan, Cain, Abel, Kristo ay biblikal ang
tunog na pumupukaw sa sensibilidad at isip ng tao. Sa antoka
ng mga Maranao bilang larawang- diwa, simisimbolo si Adan
sa sagot sa bugtong na ulan, at si Maria namay sumismbolo
bilang imahen sa durian at bilang panagot sa bugtong.

TEORYANG CULTURAL
RELATIVISM

Ang nakapaloob na prinsipyo o simulain sa


teoryang cultural relativism ay ang pagtingin
at pagkaunawa sa mga paniniwala at Gawain
ng isang indibidwal no isang
etnolinggwistikong pangkat na nababatay sa
kanyang kinagisnan at sa sariling kultura.

Ayon nga sa naturang teorya, higit na


naunawaan ng iba pang mga
etnolinggwistikong pangkat ang kanyang kapwa
Pilipino para magkaroon sila ng kamalayan at
kabatiran sa mga:

Pilosopiya
Pangarapin
Pagpapahalaga
Mga butil ng kaisipan
Palaisipan
Pamahiin
Mga kwentong-bayan
Karunungang bayan
Awiting bayan
Mga katutubong dula
Ritwal

Ang lahat ng ito ay kabuuan ng prinsipyo na


maaaring may bahid ng katotohanan at may
kaugnayan sa realidad o maaaring hubad sa
katotohanan. Ngunit hindi mapasusubalian na
ang mga ito ay produkto o bunga ng mga
karanasan ng mga taong-bayan noong
nagdaan panahon.
Halimbawa nito ay ang kahalagahan ng mga
pamahiin. May malaking pagpapahalaga ang
mga tao sa kasaganaan at swerteng bagay sa
araw ng kasal: Magiging masagana ang
pamumuhay ng mag-asawa kapag umuulan sa
araw ng kanilang kasal at magkakaroon ng
maraming biyaya ang mga ninong at ninang
kapag Malaki ang kanilang regalo sa mga
ikakasal

Tumatalakay din ang cultural relativism sa


paniniwala o ginagawa ng tao batay sa
kulturang kanilang sinusunod. Nakikilala ang
isang tao sa paraan ng kanyang pamumuhay at
sa kulturang kanyang kinalakihan.
Gaya halimbawa ang kaugalian ng mga Muslim
na sinusunod ang limang Haligi (Pillars) ng
Islam.

Una, ang proklamasyon ng pananampalataya sa


nag-iisang Diyos na si Allah (As-shahada).
Ikalawa, ang pagdarasal ng limang beses sa
isang araw (Salah).
Ikatlo, ang pagbibigay ng btulong na (Zakat).
Ikaapat, ang pag-aayuno o pagpupuasa sa
buwan ng Ramadhan (Shawmu Ramadhan).
Ang huling Haligi ay ang pagpunta sa Mecca.
(Hajj).

TEORYANG SOSYOLOHIKAL

Ayon kay Ariel Agcaoili (2005), ang teoryang ito ay


nakasalig sa lipunan, na binubuo ng milyong kasapi ng mga
magkakasanib na pangkat na maaaring tumayong
nagsasarili. Bilang kasapi ng isang lipunan, ang mga tao ay
may ginagampanang ibat ibang uri ng papel. Sa
pakikisalamuha ng mga tao sa kanilang kapwa ay may
nabubuong pamantayan na kailangang sundin. Tinutukoy
nito ang kaugalian at asal na dapat gampanan ng isang
kasapi.
Magagamit ang teoryang sosyolohikal sa pagsusuri ng mga
datos na makakalap, halimbawa, mga alamat na dietiolohikal, mga kaugalian, bulong, at mga pamahiing
pinaniniwalaan ng mga tao. Sa pamamagitan ng nasabing
teorya, medaling mababakas ang mga kadahilanan sa
patuloy na paniniwal ng mga tao.

Halimbawa nito ay kung bakit pinauusukan ang


mga bata kapag silay nilalagnat. Sa paniniwala
ng matatanda, ang dahilan nito ay upang
itaboy ang masasamang espiritong sumanib sa
katawan ng mga ito. Ang dahilan sa
ginagawang pagbulong ng mga tao tuwing
dumadaan sa tabi ng mga punungkahoy kapag
takipsilim, ay upang hindi sila pagluruan ng
malign at iba pang supernatural na nilalang.
Mayroon ding mga panahiin ng mga tao sa
pagtitinda: kung ilalako ang paninda, pausukan
ang bilao at ang lalagyan ng pera; ang dahilan
daw nitoy para medaling maubos ang mga
paninda. Siguraduhin din daw na ang unang
bibili sa paninda ay lalaki sa dahilang
suswertihin daw ang may-ari ng tindahan dahil
magiging malakas ang benta nito.

TEORYANG HERMENYUTIKA

Sa teoryang ito, binibigyan ng kahulugan o


interpretasyon ang isang salita o anyong pampanitikan,
pangyayari at kaganapan. Halimbawa, pagbibigay
interpretasyon ni Angelina Santos sa panitikan, sinasabi
niya na walang itinatago ang panitikan kahit ang
pinakapangit na bahagi ng sansinukob.
Lahat ay pinapaksa nito: ako, ikaw, siya, sila at tayo.
Lahat ay inilalarawan nito: ang langit, lupa, butuin, araw,
buwan, ang bundok, bukid, parang, dagat, ilog, ang buong
kapaligiran, at kalikasan.
Gayundin ang damdaming masaya, malungkot, namumuhi;
nahuhubog ang kadakilaan, ang kataksilan, kaapihan,
pagyurak ng dangal, kahit mga bagay na di kayang abutin
ng paningin bastat maaabot ng isip at damdamin.

Ang lahat sa sandaigdigan ay walang nakaliligtas


hanggang sa ganap nating maunawaan ang
pangyayari sa ating buhay, sa ating kapaligiran.
Sa interpretasyon naman ni Emily Marohombsar,
dating pangulo ng MSU System, ang panitikan ay lahat
ng bagay na masisinag sa kapaligiran maganda man
o di kaaya-aya, masamyo o masangsang man, sariwa
o lanta at kupas man, pati ibat ibang emosyon na
nadarama ng bawat isang tulad ng kasiyahan, lumbay,
pagtangis, paghihinagpis, sakit at hirap.
Ayon pa rin kay Marohombsar, ang panitikan ay
kahapon, ngayon, at bukas na nagbibigay inspirasyon
sa mga mag-aaral na liripin at unawain ang kanilang
pinagmulang angking pagkakakilanlan at nang
mapaglimi nila na silay may sariling tatak at identidad
bilang mga
Pilipino.

TEORYANG MORALISTIKO

Ang mga akdang pampanitikan na gamit ang teoryang


moralistiko ay may layuning magbigay-aral sa mga
mambabasa.
Ayon kay Horace, isa sa mga impluwensyang na kritiko,
may dalawang bagay na naibibigay ang tula (akda) ang
dulce o ang aliw at kaligayahang naipadarama ng akda, at
utile o ang arla at kaalamang naibibigay ng akda (Santos,
2011:79). Kaya masasabing ang pangunahing tungkulin ng
mga manunulat sa teoryang moralistiko ay magbigay-aliw
at magsilbing guro at tagapangaral sa kanyang lipunan.
May didaktibong pampanitikan sa gamit ang teoryang
moralistiko sa panahon ng mga katutbo, tulad ng mga mito,
ilang alamat, pabula, kasabihan, at salawikain. Sa panahon
naman ng Kastila, kilala rin ang Florante at Laura ni
Francisco Balagtas sa taglay nitong matatayog na mga
kaisipang moralistiko.

TEORYANG ROMANTISISMO

Taliwas ang teoryang romantisismo sa teoryang


klasisismo. Pinangingibabaw ang kaisipan kaysa
damdamin sa klasisismo. Pinagtutuunan ng pansin sa
teoryang klasisismo ang katangian ng mga tauhan na
karaniwang angat sa karaniwan, marangal at matimpi
ang kilos at maging ang pananalita, at ang mga tampok
na tauhan ay nabibilang sa mataas na antas sa lipunan
(hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, dukesa, atbp.).
Sa teoryang romantisismo, nangingibabaw ang
damdamin sa isip. Pinahahalagahan ditto ang emosyon
kaysa sa katwiran kung kaya pinaniniwalaan na ang
buhay ay bahagi ng mga suliraning walang kalutasan
(Santos,2011:4)


Pinahahalagahan sa romantisismo, ayon kay
Agcaoli (2005:377),
ang pagkamaramdamin, pagmamahal sa
kalikasan, simpatiya sa nakaraan, at pagkahilig
sa kababalaghan.
Para kina Magracia at Laron Valdez
(2005:155),
naniniwala ang mga romantisista na hindi
kayang magapi ng karunungan ng isang tao ang
kasawian.

Wika naman nina Ines-Ramos at Mendiola na sa mga akda


raw ng mga romantisita lalo na sa kanilang mga tula
mababasa ang waring kompesyon ng mga manunulat.
Nandoon ang kanilang pangarap, mga hinanakit,
kasawian, pag-aalinlangan, tinitimping galit,
pagpapatawad, at marami pang ibat ibang kulay ng
damdamin (1994:26). Ang damdamin ng pagiging
makabayan ay makikita rin sa mga akda ng mga
romantisista. Halimbawa nito ay ang trilogong tula o
sagutang tula na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya
(1888) ni Herminigildo Flores; Sagot ng Espanya sa Hibik
ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar; at Katapusang Hibik
ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Andres Bonifacio.
Ang tema naman ng kababalaghan ay matatagpuan din
sa alamat na etiolohikal at di-etiolohikal na pumapaksa sa
supernatural sa nilalang at magiging sa mga himala ng
mga santo at santa.

Mutya, Beverly P.
Ortiz, Ma. Yrabel G.
Puig, Jolina C.
Son, Ma. Theresa Mariz L.
Teves, Michelle Mae A.
Valencia, Princes Sharmaine G.

You might also like