You are on page 1of 18

Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig (survival)

ng kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Sa


kabuuan, ang mga kantahing- bayan noong
panahon ng pre-kolonyal ay mga katutubong
awitin ng ating bansa tulad ng mga sumusunod :
soliranin = awit ng mga mangingisda
talindaw = awit ng mga bangkero
diona =
awit sa mga ikinakasal
oyayi =
awit pampatulog sa mga
bata

kumintang

= awit sa digmaan
dalit
= awit sa simbahan

sambotani = awit sa tagumpay


pakikidigma
kundiman = awit ng pag-ibig

sa

Ito ay nagpapakilala ng ibat ibang


pamumuhay at pag-uugali ng mga tao, mga
kaisipan at damdamin ng bayan . Itoy
kasasalaminan ng kalinangan ng lahi.

1.

2.

3.

Ang
mga
kantahing-bayan
ay
nagpapakilala ng diwang makata.
Ang mga kantahing-bayan natin ay
nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng
lahing Pilipino.
Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga
ng bulaklak ng matulaing damdaming
galing sa puso at kaluluwang bayan.

Karunungan

g - bayan

Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay


mga karunungang-bayan na binubuo ng
mga sumusunod:

Salawikain (proverbs, maxims, epigrams=


Ito ay mga butil ng karunungang hango sa
karanasan ng matatanda, nagbibigay ng
mabubuting payo tungkol sa kagandahangasal at mga paalala tungkol sa batas ng
mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.

1. Sa paghahangad ng kagitna
isang salop ang nawala.
2. Kung hindi ukol
ay hindi bubukol.
3. Utos na sa pusa,
utos pa sa daga.
4. Ang maniwala sa sabi-sabi
ay walang bait sa sarili.
5. May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.

Sawikain
ay isang idyoma o uri ng
pagpapahayag na kusang nalilinang at nabuo sa
ating wika. Sa ating pang-araw-araw
na
pakikipagtalastasan, pagsasalita at pagsusulat,
gumagamit tayo nito. Katulad ng salawikain, may
ibang kahulugan ito bukod sa literal.

Halimbawa:
anak pawis

bukambibig

naumid ang dila


mahaba ang kamay

itaga sa bato

maningalang pugad
basag-ulo

Kawikaan Katulad ng salawikain at sawikain,


may ibang kahulugan ito bukod sa literal. Ang
pagkakaiba nga lang ang mga ito ay tumutukoy
sa kagandahang asal o mga pagpapahalagang
banal.

Halimbawa:
Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto
ang kahambing.

Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin din


nila sa iyo.
Kapag binato ka ng tinapay ay kabutihan ang isukli
mo.

Palaisipan = Ito ay nakapupukaw at


nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong,
ito ay nangangailangan ng talas ng isip.

May isang prinsesa, sa tore


ay
nakatira, balita sa kaharian siyay may
pambihirang ganda.
Bawal tumingala upang siyay makita.
Ano ang gagawin upang ang binatang sumisintay
makita ang dalagang ubod ng ganda?

Bugtong = bugtong ay isang uri


panitikan na kawili-wili. Ito ay paraan
pagpapalawak
ng
talasalitaan
pagsasanay sa mabilis na pag-iisip
pasalin-salin sa bibig ng mga tao.

ng
ng
at
na

Ang bugtong ay ginagawa sa mga pagtitipon


tulad ng lamayan ng patay, paggigiik ng palay,
tulungan tulad ng pagbubuhat ng bahay o
BAYANIHAN at paghahasik ng punla. Ito ay may
tugma at talinhaga at kapupulutan ng
mahahalagang butil ng karunungan.

Isang balong
malalim, punongpuno ng patalim.
(Dito nagmumula ang iyong
sinasabi)

BIBIG

Wala sa langit, wala


sa lupa, kung
lumakad ay
patihaya
( isang sasakyan ito sa tubig)

BANGKA

Nagsaing si
Insiong, sa ilalim
ng gatong.

(Kinakain ito, lalong masarap


kung may tsaa)

BIBINGKA

Wala na ang tiyan,


malakas pa ang
sigaw.
(pinatutugtog ito sa simbahan
tuwing umaga)

KAMPANA

Bituing butot balat,


kung pasko lamang
kumikislap.
( isinasabit ito tuwing pasko o di
kaya ay kung malapit na ang
pasko)

PAROL

Kasabihan = ang mga kasabihan ay maiigsing pahayag


ng mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang
tuntunin, o mga alitununin ng kaasalan . Ito ay maaaring
patula o tuluyan, may himig pagbibiro o panunukso sa
unang panahon. Ito ay maitutumbas natin sa Mother
Goose Rhymes.
Mga Halimbawa :
1. Putak, putak,
2. Tiririt ng maya,
Batang duwag!
Tiririt ng ibon,
Matapang kat
Ibig mag-asaway
Nasa pugad!
Walang ipalamon.
3. Bata, bata
4. Tiririrt ng ibon,
Pantay-lupa
Tiririt ng maya,
Asawa ng Palaka!
Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa.

Bulong = ito ay isang matandang


katawagan sa orasyon noong sinaunang tao
sa kapuluan ng Pilipinas, anyong padasal.
HALIMBAWA
Dagang maliit, dagang maliit,
Ayto ang ngipin kong sira nat pangit,
Sana ay bigyan mo ng kapalit.

Huwag magagalit kaibigan,


Aming pinuputol lamang ang sa amiy
napag-utusan

You might also like