You are on page 1of 30

MGA

KASANAYAN
SA PAGBASA

Ang taong nag-aral magbasa ay


makapagbabasa, ngunit hindi lahat nang nagbabasa
ay tunay na nakakaunawa ng kanilang binabasa
Ang pagbasa ay hindi lamang pagtingin sa
simbolong nakalimbag, kundi pagtuklas din ng mga
kahulugang nasa likod ng mga salitang nakalimbag
Kailangang malinang din ang ibat-ibang
kakayahan at mahasa ang kasanayan upang maging
mahusay na mambabasa

1. PAG-UURI NG
IDEYA AT DETALYE

Ang pag-uuri ng mga ideya o detalye ay


pagsasakategorya ng mga bahagi, paraan o uri
ayon sa kanyang pangkalahatang klasipikasyon.
Ang pag-uuri-uri ay makatutulong sa pagoorganisa ng isang malaking kategorya sa maliit na
bahagi o ideya upang lalong maging malinaw ang
detalye ng teksto.
Maaaring gumamit ng graphic orginizer upang
madaling makita ang pangunahing ideya.

URI NG IDEYA
Pangunahing Ideya ito ay ang
pamaksang pangungusap ng isang
talata o di kaya ay tesis ng
pangungusap ng isang teksto.
Paksang pangungusap o tesis
ay naglalaman ng maituturing
nating buod ng teksto at makakaasa
ng mga pantulong na pangungusap
ay tunay na sumusuporta sa
pangungusap na ito (ito ay
karaniwang inilalagay bilang una o
huling pangungusap ng talata.

TANDAAN!
Paksang pangungusap ay
nagsisilbing gabay ng
manunulat kung ano ang
isusunod na pangungusap
samantaalang ang tesis ng
pangungusap naman ay
tumutulong sa mambabasa
na makilala ang
mahahalagang punto ng
teksto.

URI NG DETALYE
Pangunahing detalye ay tumutulong sa pagbibigay linaw
sa pinapaksa ng teksto
Pansuportang detalye ay tumutulong naman na
ipaliwanag ang pangunahing detalye, maaaring sa pagbibigayhalimbawa o karagdagang impormasyon at detalye.
Sa madaling sabi, ang mga detalye, pangunahin o
pansuporta man, ang sumusuporta sa pinakapaksa ng teksto
sa pamamagitan ng pagsabi kung paano, ano, kailan, saan,
bakit, gaano karami, o gaano kalaki

TANDAAN!
Ang mga pansuportang detalye ay
nagtataglay ng mahahalagang impormasyon
na tumutulong sa mambabasa upang
lubusang maunawaan ang pangunahing
ideya o kaisipan ng isang talata.

Bakit mahalaga ang pagkilala at


pag-unawa sa mga detalyeng
nagbibigay ng suporta sa
pangunahing ideya ?

I. Ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing


ideya.
II. Nakatutulong ang mga pansuportang detalye para
madaling matandaan ang mahahalagang impormasyon
sa isang talata.
III. Ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay
makatutulong din upang maunawaan ang pagkakabuo ng
isang talata.
IV. Ang ilang mga katanungan sa pagsusulit ay karaniwang
nakabatay sa mga pangunahing detalye, ang mga
tanong hinggil o sa mga pangalan, petsa, lugar at iba pa
ay ilan lamang sa mga tanong na hinahango sa mga
detalye.

HALIMBAWA
Marami nang nabuong mga teorya na nagpapaliwanag kung
bakit tayo nakalimot. Ayon sa teorya ng motivated forgetting,
nagagawa nating limutin ang mga bagay na dapat kalimutan; sa
madaling sabi, sinasansala natin ang ilang alaala na nais nating
iwaksi. Mayroon din tayong mga alaala na kasamang nawawala
sa ating gunita sa paglipas ng panahon ayon naman sa decay
theory. Ipinalalagay naman ng interference theory na nalilimutan
natin ang ilang kaalaman at impormasyon na humahadlang o
pumupigil o di kayay nagpapalito sa ating memori.
Sikolohiya
nina Dianne Papalia at Sally Olds
(Malayang Salin)

SAGOT:
Paksa;
Mga teorya ng pagkalimot
Pangunahing Ideya:
Marami nang nabuong teorya na nagpapaliwanag
kung bakit tayo nakakalimot.
Pansuportang detalye;
- teorya ng motivated forgetting
- decay theory
- interference theory

2.PAGTUKOY SA LAYUNIN NG
TEKSTO

Tumutukoy ang layunin ng


teksto sa kung ano ang nais
mangyari ng isang awtor sa
kanyang mambabasa.

MGA LAYUNIN
1. Manlibang

2. Manghikayat
3. Mang-aliw
4. Magbigay ng opinyon
5. Magpaliwanag o magbigay ng impormasyon
6. Magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo
7. Magtanggol
8. Mangaral

HALIMBAWA
Ang paninigarilyo ay nakakaapekto sa maraming organ ng katawan.
Dinadagdagan nito ang panganib sa sakit ng puso, kanser sa bibig, laringhe,
esopagus, tiyan, lapay, kidni, prosteyt at blader. Iniuugnay rin ito sa pagkabaog,
sakit ng mga ugat at pananakit ng likod. Pero ang higit na sinisira ng
paninigarilyo ay ang mga baga at pinatutunayan ito ng mga istatistiks sa
kalusugan.
Kanser sa baga ang pinakamarami sa lahat ng kanser sa kalalakihan. Hindi ito
nakapagtataka dahil mahigit sa 60% ng kalalakihang Pilipino ay naninigarilyo at
ang mga naninigarilyo ay may mahigit sa 30 posibilidad na magkaroon ng
kanser sa baga kaysa mga hindi naninigarilyo. Bukod sa kanser, prone rin ang
mga naninigarilyo sa dalawa pang sakit, ang chronic bronchitis at emphysema.
Kaya ngayong Buwan ng Baga, gumawa ng positibo. Pakinggan ang babala
ng gobyerno na nagsasabing ang paninigarilyo ay mapanganib sa iyong
kalusugan. Kaya, tumigil na sa paninigarilyo at mabuhay nang masmalusog at
masmatagal.

TANDAAN!
Maaaaring magkaroon ng
mahigit sa isang layunin ang
teksto. Tandaan ding ang
layunin ng teksto ay
ipinapakita rin ang tono nito

16

3. PAGTUKOY SA DAMDAMIN,
TONO AT PANANAW NG TEKSTO
1. Ang DAMDAMIN ay pangkalahatang emosyong nabubuo sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit ng awtor.
2. Ang TONO ay atityud ng manunulat sa paksa. Makikilala ang
kanyang tono sa mga salitang ginagamit niya. Maaaring ito ay
negatibo o positibo
3. Ang PANANAW ng teksto ay maaring una, ikalawa o ikatlong
panauhan. Unang panauhan kung AKO at mga kauri nito ang
ginagamit na panghalip, ikalawang panauhan kung IKAW at mga
kauri nito ang panghalip, at ikatlo naman kung SIYA at mga kauri
ang ginamit na panghalip.

17

4. PAGKILALA SA OPINYON AT
KATOTOHANAN
1. Ang KATOTOHANAN (factual) ay mga pahayag na
mapapatunayan.
2. Ang KATOTOHANAN ay objective reality.
3. Ang KATOTOHANAN ay maaaring makaimpluwensiya .
4. Ang KATOTOHANAN ay maaaring matiyak sa
pamamagitan ng iba pang mga mapagkukunan ng
impormasyon.
5. Ang OPINYON ay pahayag base sa mga personal na
paniniwala at maaaring pagtalunan.
6. Ang OPINYON ay subjective reality na maaring bunsod

18

5. PAGSUSURI SA VALIDITY
NG ISANG IDEYA
Ang VALIDITY ng isang ideya ay nakasalalay sa pagkilala
ng katotohanan at opinyon sa isang teksto.
Hindi tuwirang sinasabi na hindi katanggap-tanggap ang
opinyon ng ibang tao. Ang mahalaga ay hindi dapat
nangingibabaw ang opinyon sa katotohanan sa pagbubuo ng
kahulugan o interpretasyon ng teksto .

6. PAGHUHULA AT
PAGHIHINUHA

19

1. Ang PAGHIHINUHA (inference) ay


pagbubuo ng matalinong hula. Ito ang
pinakamalapit na ideyang nabuo mula sa
mga ipinahiwatig na sitwasyon.
2. Mahalaga ang malalim na pag-unawa sa
teksto sa pagbubuo ng hinuha sa
pamamagitan ng pag-unawa sa mga
kaisipan.
3. Mahalaga rin ang mga dating kaalaman
sa pagbubuo ng hinuha

20

4. Ang PAGHUHULA (prediksyon) ay pag-iisip


kung ano ang maaaring mangyari base sa
mga larawan, pamagat, heading o mga
personal na karanasan bago pa man
mabasa ang teksto.
5. Ang PAGHUHULA ay pumupukaw sa
dating kaalaman, nagagamit ito sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng ating
kaalaman sa bagong kaalaman.
6. Sa paamamagitan ng PAGHUHULA bago,
habang at pagkatapos magbasa,
magagamit ang dating kaalaman upang

PARAAN NG PAGHIHINUHA AT PAGHUHULA


1. Ang kongklusyon na hinango mula sa ibat-ibang obserbasyon
ay nagagawa sa pamamagitan ng pangangatuwirang pasaklaw
(inductive reasoning). Maaaring ang kongklusyon ay wasto o
hindi ngunit maaaring muling patunayan sa pamamagitan ng
mga karagdagang obserbasyon.
2. Ang pangangatuwirang pabuod (deductive reasoning) na
kabaligtaran ng nauna sapagkat ang katotohanan ay ibinabatay
sa katotohanan ng pahayag. Samakatuwid, ang
pangangatuwiran ay tama kapag ang premise ay tama at tiyak
na mali kapag ang premise ay mali.

22

7. PAGBUBUO NG LAGOM AT
KONGKLUSYON
1. Sa KONGKLUSYON nabibigyan ng diin ang tesis ng
teksto.
2. Dito rin nagkakaroon ng kabuuan ang teskto at ito rin
ang nagbibigay ng halaga sa teksto sa pamamagitan ng
impresyong iiwan nito sa mambabasa.
3. Ang KONGKLUSYON at hindi paglalagom ng teksto.
4. Ang LAGOM ay muling pagpapahayag ng mga ibinigay
na impormasyon sa maikling paraan

23

TATLONG MAHAHALAGANG KATANGIAN NG LAGOM:


1.pinaikli na naaayon sa kahingian ng gawaing paglalagom
(concise)
2.Malinaw sa mambabasa ang tekstong binasa upang
muling maipahayag ang wastong detalye (accurate).
3.Punto de bista lamang ng awtor ang maaaring lumitaw
at hindi ang sa mambabasa na siyang gumawa ng buod
(objective)

24

8. PAGBIBIGAY NG INTERPRETASYON SA GRAPH,


TSART, AT IBA PANG MGA BISWAL NA PANTULONG

Ang mga biswal na pantulong, grap,


talahanayan o tsart ay naglalaman ng
mahahalagang impormasyon na magagamit ng
mambabasa upang makabuo ng kaisipan sa
tekstong binabasa.
Ang mga ito ay pantulong lamang, hindi ito
naglalaman ng buong datos kaya hindi dapat iasa
dito ang pagbubuo ng mga kaisipan tungkol sa
binasa.

25

MGA URI NG MGA BISWAL NA


PANTULONG
1. bar graph, line graph at pie graph
2. pictograph
3. talahanayan
4. organizational chart
5. flow chart
6. mapa

26

MARAMING SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG

MGA URI NG PANGANGATUWIRAN


1. Pangangatwirang Pabuod (deductive reasoning) isa sa
pinakabalidong paraan ng pagpaptunay ng katotohanan.
- proseso ng pagbubuo ng kongklusyon base sa mga katunayan o mga
nakalatag
na katotohanan.
- ito ay pagmamatuwid na nagsisimula sa isang paglalahat patungo sa
ispesipikong
obserbasyon.
Halimbawa:
Lahat ng tao ay mortal. Si Jose ay tao kaya siya ay mortal.
Lahat ng bituin ay nasa kalawakan. Si Sharon ay isang mega star,
samakatuwid siya ay nasa kalawakan.

2. Pangangatuwirang pasaklaw (inductive reasoning) ay proseso


ng
pagbubuo ng kongklusyon base sa set ng mga obserbasyon (specific
to
general).
- madalas ay hindi ito maituturing na isang balidong pagmamatuwid
sapagkat maaaring ang patern ng mga obserbasyong pagbabatayan
kongklusyon ay hindi makatotohanan sa lahat ng pagkakataon,
subalit
nililinang ng pangangatuwirang ito ang kakayahan ng bawat isa na
maging kritikal sa pagbubuo ng mga ideya.
Halimbawa:

PAGBUBUO NG PAHAYAG NA
PASAKLAW

A. Subjective generalization ito ay bumubuo ng paglalahat dahil sa


personal na preperensya o panlasa.
Halimbawa:
Mas magaling ang Tamaraw kesa Eagles sa larangan ng
basketball.
Matitibay ang prdukto ng Samsung.

B. Probable generalization bumubuo ng paglalahat dahil sa totoo ang


pahayag sa maraming pagkakataon ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon
Halimbawa:
Mayayaman ang lahat ng nag-aaral sa exclusive schools.
Taga FEU yan dahil green ang uniform.

C. Categorical generalization bumubuo ito ng paglalahat base


sa
isang eksisting na katotohanan.
Halimbawa:
Mas marami ang kumukuha ng kursong HRM sa
kasalukuyan ayon sa talaan ng registrar. 50% ng
kabuuang populasyon ng mga mag-aaral ay nakatala
sa
ITHM.

You might also like