You are on page 1of 16

Mga Karahasan sa

Paaralan:
Pag-iwas at Pagsugpo sa

BULLYING
Inihahandog ng

LASALLIAN JURISTS

DE LA SALLE LIPA

Ano ba ang BULLYING?


pang-aasar

o panloloko sa kapwa;
maaaring maging paulit-ulit sa
paglipas ng panahon

Maaaring

mangyari sa paaralan, sa
pamilya, sa lipunang pangkalahatan,
o maging sa internet

Kailan masasabi kung ang isang gawain ay


bullying?

Verbal

Bullying, pagsasabi o
pagsusulat ng mga bagay na
nakapanghihiya at nakakasakit ng iba.
Panunukso (teasing)
Pagtawag ng mapang-aping pangalan

(name-calling)
Hindi naaangkop na komentong sekswal
(sexual labelling)
Panlalait (taunting)
Pagbabanta (threatening)

Kailan masasabi kung ang isang gawain ay


bullying?

Social

Bullying, nakakasama sa
reputasyon ng isang tao o relasyon.
Pag-iwan ng isang tao nang sinasadya

(isolation)
Pagsasabi sa ibang bata na huhwag
kaibiganin ang taong niloloko
Pagkakalat ng mga maling pahayag
tungkol sa isang tao (gossiping)
Pagpapahiya sa isang tao sa publiko
(humiliation)

Kailan masasabi kung ang isang gawain ay


bullying?

Physical

Bullying, pisikal na
pananakit sa isang tao o sa kanyang
mga ari-arian.
Panununtok o paninipa o pangungurit
Panghaharang o panunulak
Pagkuha o paninira ng mga bagay ng

isang tao
Pagsenyas ng masama o bastos gamit
ang mga kamay

Sino ba ang madalas nagiging bullied?

Ang mga batang sa paningin ng


iba ay may kakaibang anyo,
pinanggalingan,
kultura,
personalidad, panlipunang grupo, o
paraan
ng
pagpapahayag
ng
sekswalidad ang madalas na biktima
ng bullying.

Ano ang nagiging sanhi ng isang bata upang


maging isang bully?

Isang

pangangailangan upang
pangunahan at sakupin ang iba;
Labis na pagiging masimbuyo
(impulsive);
Problema sa pamamahala ng galit,
pagkabalisa, panibugho at iba pang
mga negatibong
damdamin; at
Kahirapan sa pagtanggap ng ibang
mga bata sa pagiging iba nito.

Ano ang nagiging sanhi ng isang bata upang


maging isang bully?
Ang pananakot o pananakit ng iba ay mas
madalas din mula sa pamilya kung saan ang
mga magulang o iba pang mga kamag-anak ay:
nagpapakita ng maliit na pagmamahal at
interes;
gumagamit ng puwersa, banta, kahihiyan o
pananakot upang makuha ang kanilang mga
nais; at
labis na mapagpahintulot (hinahayaan na
lamang kung ito ay nagpapakita ng karahasan).

Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying


sa bullied at bully?
MGA PANANDALIANG EPEKTO SA BULLIED
Matinding depresyon at laging mukhang malungkot;
Pagkawala o pagbaba ng pagtingin at pagpapahalaga sa
sarili;
Hirap sa pagtulog na kalimitang binabangungot;
Pananakit ng tiyan o kaya pagsama ng pakiramdam o
pagkakaroon ng lagnat;
Pagkabalisa tungkol sa pagpunta sa paaralan o pagsakay
ng bus;
Paglalakwatsa o hindi pagpasok sa paaralan;
Pagkabalisa tungkol sa pagdalo sa mga panlipunang
gawain; at
Pagbagsak sa mga exam at resulta ng grado sa
eskwelahan

Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying


sa bullied at bully?

MGA PANGMATAGALANG EPEKTO SA


BULLIED
Talamak na depresyon na humahantong

sa pagpapakamatay;
Pangmatagalang sikolohikal na
pagkatrauma ;
Mapanirang pag-uugali sa sarili; at
Pag-abuso sa alak, droga at
paninigarilyo.

Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying


sa bullied at bully?

MGA PANANDALIANG EPEKTO SA BULLY


Kahirapan sa pagpapanatili ng mga

pakikipagkaibigan sa iba;
Kawalan ng kahusayan sa paaralan;
May kaugaliang magbulakbol at madalas
bumagsak sa mga pagsusulit; at
Mas mataas na panganib para sa pagabuso sa alak.

Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying


sa bullied at bully?

MGA PANGMATAGALANG EPEKTO SA


BULLY
Pagtaas ng porsyento ng mga nahatulan ng

isang krimen sa edad na 24;


Pagdami ng mga umiinom at gumagamit
ng alak at mga bawal na gamut;
Pagtaas ng posibilidad na maging mapangabuso sa magiging asawa at anak; at
Patuloy na nahihirapan sa pagpapanatili ng
pangmatagalang relasyon.

Paano ba natin maiiwasan o masusugpo ang


bullying?
SA ESKWELAHAN:
Guidance counseling ukol sa bullying
Pangangalap ng impormasyon mula sa mga
estudyante ukol sa mga naganap at nagaganap
na bullying; at pagpapaalam sa kanila kung ano
ang bullying
Pagiging mapanuri ng mga guro sa kanilang mga
estudyante ukol sa mga kaparaanan ng bullying
Sapat na patnubay ng mga nakatatanda sa mga
estudyante
Pagpapatupad ng mga polisiya o batas sa loob
ng paaralan laban sa bullying.

Paano ba natin maiiwasan o masusugpo ang


bullying?

SA LIPUNAN AT SA PAMILYA:
Mahigpit na patnubay, gabay at pang-unawa

ng mga magulang ay lubos na kailangan.


Pagkakaroon ng family couNseling o paguusap sa bawat miyembro ng pamilya.
Protektahan ang mga bata laban sa
anumang klase ng pang-aabuso tulad ng
pananakit na maaaring magdulot ng trauma.
Ang pagkakaroong ng mahigpit na batas at
polisiya na pupuksa sa mga ganitong uri ng
pang-aabuso o bullying.

Paano ba natin maiiwasan o masusugpo ang


bullying?
SA BULLY AT BULLIED:
Kagandahang-asal na magmumula sa pamilya at sa

tulong ng paaralan.
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa batas at karapatan
laban sa ibat-ibang uri ng pang-aabuso o bullying.
Ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili at pagiging
independent bilang isang indibidwal ay lubos ding
makakatulong.
Lubos na pagmamahal at pang-unawa galing sa
pamilya ang isa sa mga bagay na dapat ibigay sa
mga bata o bawat miyembro ng pamilya.
Pagkakaroon ng kaalaman sa tamang pakikisalamuha
sa ibat-ibang uri ng tao.

You might also like