You are on page 1of 29

PALABUUAN NG

MGA SALITA
Ang salitang nasa likas na
anyo o wala pang kalakip
na ibang sangkap ay
tinatawag na salitang
ugat.
Mga halimbawa:

Liwanag wika ulan


Ibig sama sikat
Basag buti tawag
Dunong salapi isa
Bili yari lakad
MGA PARAAN SA PAGBUBUO NG MGA
SALITA
Tatlong paraang magagamit upang
makabuo ng ibat ibang salita.

1. Sa pamamagitan ng mga panlapi


2. Sa ganang sarili ng salita.
3. Sa pagkakapisan ng dalawang
paraan: Sa tulong ng mga panlapi
at sa ganang sarili ng salita.
PAGBUBUO NG MGA SALITA SA
PAMAMAGITAN NG MGA PANLAPI
Panlapi- Ang panlapi ay maaring
isang pantig o mahigit sa isang
pantig na kapag nag-iisa ay walang
katuturan ngunit nagkakaroon ng
kahulugan kapag itinambal sa isang
salitang-ugat.
Halimbawa :
Ka, ma, mag, i, in o hin, an o han, um
Ang mag ay isang panlaping kapag
nag-iisa ay walang katuturan. Kung
ang mag ay magkakaroon ng
kahulugang gumawa ng bagay na
sinasabi ng salitang-ugat.

Sa tulong ng mga panlapi, ang


pagbabagong anyo ng mga salita ay
mangyayari sa limang paraan.
Pagkakabit ng panlapi sa unahan ng
salitang ugat. Ang tawag sa panlaping ito
ay unlapi .

Mga halimbawa :
KAsama
MAGtampo
Marunong
Pagsisingit ng panlapi sa gitna ng
salita. Ang panlaping ito ay
tinatawag na gitlapi.

Mga halimbawa:
sINaing
sUMikat
3. Pagkakabit ng panlapi sa hulihan ng
salitang-ugat. Ang tawag sa panlaping

ito ay hulapi.

Mga halimbawa:
gandaHAN
antayIN

4. Pagkakabit ng panlapi sa unahan at sa


hulihan ng salitang ugat. Ang tawag
sa panlaping ito ay kabilaan.
Mga halimbawa

KAbutiHAN
KAgandaHAN

5. Pagkakabit ng panlapi sa unahan sa


gitna at sa hulihan ng salitang-ugat
Ang tawag sa panlaping ito ay
liguhan.
Mga halimbawa:

PAGsUMikapAN
PINAGpaUManhiNAN
MGA TUNTUNING SINUSUNOD SA PAGKAKABIT
NG HULAPI

1.
Kapag ang huling patinig ng
salitang hinuhulapian ay e itoy
nagiging i.

Mga halimbawa:
babae-kababaihan
Paet-paitin
2.Kapag o, itoy nagiging u maliban ang oo
oohan; loob loobin kalooban; noo
noohan; at ibang kahugis nito.

Mga halimbawa :

aso-asuhin
halo-haluin
3. Kapag ang huling titik ay d ito ay
nagiging r.

Mga halimbawa:
agad-agarin
patid-patirin

4. Kapag nagtatapos sa katinig ang


hulaping dapat gamitin ay in o an.

Mga halimbawa:
buntal-buntalin
bantay-bantayan
5.Kapag ang salitang nagtatapos sa
patinig na maragsa o malumi ang
ginagamit ay an o in.

Mga halimbawa:
pangakopangakuan papangakuin
puti-putian-putiin
gawa-gawaan-gawain
6. Kapag ang salitay nagtatapos sa
patinig na banayad o mabilis ang
ginagamit ay han o hin.

Mga halimbawa:
basa-basahin
dami-damihan
MGA TUNTUNING SINUSUNOD SA
PAGKAKABIT NG UNLAPI
1. Kapag ang unlapiy pang,mang,
sang,sing,magkang, o magkasing o iba
pang kauri nitong nagtatapos sa ng, ay
para parang nagbabago ang bigkas at
anyo, ayon sa unang titik ng inuunlapiang
salita.
a. Ang pang,mang,sang,sing at magkang ay
ginagamit kung ang salitang inuunlapian ay
nagsisimula sa alinman sa mga katinig na
sumusunod k, g, h, m, n, ng, w, y.
Mga halimbawa:
panggabi pang-araw
mang-akit mangwala
sang-ayon sang-iglap

b. Kung ang salitang inuunlapian ay


nagsisimula sa katinig b o p, ang
ginagamit na unlapi ay pam, mam, sam,
sim, magkam, atb.

pambahay labimpito
sampalayok pambukid
k. Kung ang unang titik ng salitang
inuunlapian ay nagsisimula sa alinman
sa d,s,o,t, ang unlapi ay nagiging pan,
san, sin, magkan, atb.

Mga halimbawa:

pandagok sindami
kasinsungit magkansasabog
mantaga labintatlo
Sa anyong pan at man, ay karaniwang
nawawala ang s o t ng mga salitang
inunlapian.

Mga halimbawa:
panukat (pansukat)
panukso ( pantukso)
panali (pantali)
manungkit (mansungkit)
PAGBUBUO NG MGA SALITA SA
GANANG SARILI NILA
Sa ganang sarili ng mga salitang-
ugat, ang pagbabagong anyo ay
nangyayari sa tatlong paraan:
1. Pag-uulit ng isang pantig ng salita.
Mga halimbawa:
aalis
lilima
gagawa
2. Pag-uulit ng isang salita.
Mga halimbawa:
hati-hati
sama-sama
lahi-lahi
3. Pagtatambal ng dalawang

salitang magkaiba.
Mga halimbawa:

anakpawis hampaslupa ubuskaya


MGA TUNTUNING SINUSUNOD
Mga halimbawa:
1. Kapag ang pantig ay payak o
tambal-una, ang pantig ay buong
inuulit.

Mga halimbawa:
alis-aalis
basa-babasa
2.
Kapag ang pantig ay tambal-huli o
kabilaan, ang huling katinig ay nawawala
sa unang bahagi ng inuulit na pantig.
Mga halimbawa:
impit-maiimpit
Bantay-babantay

3. Kapag ang salitay dadalawahing


pantig lamang, buong inuulit.

limalima-lima tuhog tuhog-tuhog


4. Kapag ang salitay tatatluhing
pantig o higit pa ang dalawang
unang pantig lamang ang kinukuha
upang maging unang bahagi ng
pagkaulit.

Mga halimbawa:
Sandali sanda-sandali
pangakopanga-pangako
PAGBUBUO NG MGA SALITA SA
PAMAMAGITAN NG MAGKAPISANG
PARAAN
Sa magkapisang paraan, sa tulong ng
mga panlapi at sa ganang sarili ng mga
salita, ang pagbabagong anyo ay
nangyayari sa sumusunod na mga
paraan:
1. Pag-uulit at pagtatambal na may

katulong na panlapi:
a. May unlapi
kaBAbayan, maTAtamis, pagSasanay
b. May gitlapi
pagTUtumulin, pagSUsumamo.
k. May hulapi
Hihintayin, Yayariin
d. Kabilaan
KAlabisan, pagMAmahalan.
e. Laguhan
magGIginatan, pagPIpinipigan
2. Pag-ulit sa isang salitang may mga
panlapi.
a. May unlapi
kagalang-galang , palabuy-laboy
b. May gitlapi
bumili-bili, tinimbang-timbang
k. May hulapi
samba-sambahin, tau-tauhan
d. Kabilaan
mag-awit-awitan, kataas-taasan
e. Laguhan
magsinaing-sinaingan.
3. Pagtatambal ng mga salitang may
panlapi .
a. May unlapi
maghanapbuhay, mabasag-ulo
b. May gitlapi
binalisunsong, binasag-ulo
k. May hulapi
bungang-arawin, binasag-ulo.
d. Kabilaan
pinag-ubuskayahan, pinag-walanghiyaan

You might also like