Kababaihang Tinedyer Lanuza. Lim. Malonzo. Manahan. Manalili. Manlapaz. PAKSA Ang paksa ay nilimitahan ng mga mananaliksik sa mga kababaihang tinedyer Ito ang napiling paksa ng grupo dahil ito ang nakapukaw sa atensyon ng mga mananaliksik at sakop ito ng agham pangsikolohiya. RASYONAL Ang paksang ito ay makatutulong upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan, partikular na ang mga kababaihan, sa mga sanhi at bunga ng Anorexia Nervosa sa kanilang sarili at sa lipunan. Mahalaga na mabigyan ng impormasyon at maipaliwanag sa mga kabataan ang importansya ng pagpapahalaga sa kanilang mga sarili sa pag-iisip at sa pangangatawan. Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na mga katanungan: a. Ano ang Anorexia Nervosa? b. Bakit nagkakaroon ng Anorexia Nervosa ang isang babaeng tineydyer? c. Paano malulunasan ang Anorexia Nervosa? PAMAMARAAN Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos sa mga libro at artikulo na may kaugnayan sa paksa sa mga hanguang sekondarya at elektroniko na nakuha sa silidaklatan ng Faculty of Medicine and Surgery at Miguel de Benavides Library. Ang grupo ng mananaliksik ay nagtungo sa Miguel de Benavides Library ng tatlong ulit at dalawang ulit naman sa silid-aklatan ng Faculty of Medicine and Surgery upang magdagdag ng ilan pang mga datos para mabuo ang pananaliksik. PANIMULA Ang mga sakit sa pagkain ay marapat lamang na bigyan ng sapat na pansin sapagkat nakakaapekto ito sa pangkabuuang kalagayan ng pisikal, emosyonal at mental na aspeto ng isang indibidwal. Hindi maikakaila na nagiging basehan na ng kagandahan ang mga mensahing ipinababatid ng mga magasin at mga patalastas ang pagkakaroon ng magandang katawan at ang pagiging payat ang susi sa tunay na kagandahan. Isa sa mga malubhang uri ng sakit sa pagkain ay ang Anorexia Nervosa. Ito ay ang pagnanais na labis na pumayat o takot na tumaba. Ang mga indibidwal na may Anorexia Nervosa ay may mataas na kagustuhang pumayat at magkaroon ng kahangahangang pangangatawan. PAGTATALAKAY Ang Anorexia Nervosa ay isang uri ng sakit sa pagkain sakit kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa gawi ng pagkain maaaring sobrang paglilimita o pagbabawas sa pagkain. Ayon kay Sizer at Whitney (2009), ito ay ang pagtanggi na makamit ang normal na timbang, self-starvation at kakaibang persepsyon sa timbang at pangangatawan Ang salitang anorexia ay nangangahuluhang without appetite, samantalang ang nervosa naman ay may kahulugang of nervous origin. Ang mga indibidwal na may ganitong sakit ay malimit na naghahanap ng mga bagong pamamaraan sa pagpapapayat. Ilan sa mga katangian ng tineydyer na may Anorexia Nervosa ay tuyot na balat, marurupok na kuko, maputlang kulay ng balat, lubog na mga mata, putok-putok na mga labi, lilang kulay ng paa at kamay dahil sa mahinang sirkulasyon ng dugo at paghinto ng buwanang dalaw. Ayon sa istatistiks, 3% hanggang 10% ng mga taong may Anorexia Nervosa ay tuluyang namamatay. Maaaring sanhi ito ng pagpapakamatay , sakit sa puso, at iba pang mga sakit na kaakibat nito (Wardlaw & Hampl. 2007). Mula sa pag-aaral ay napag-alaman na mayroong 35- 57% ng mga kababaihang tineydyer ang sumasailalim sa crash dieting, fasting, self-induced vomiting, diet pills, o laxatives. Mas karaniwan ang mga ito sa mga kababihang overweight kaysa sa mga kababaihang may normal at proporsyon na katawan. (Boutelle, Neumark-Sztainer, Story, & Resnick, 2002; Neumark- Sztainer&Hannan, 2001; Wertheim et al., 2009). Ayon kay Robinson (2009), biyolohikal ang terminong sinabing pinakaimportanteng impluwensiyang nagbubunga ng saykayatrikong presentasyon. Ang pagbabago ng kemikal sa utak ay maaaring maging genetically determined, ngunit ang posibleng resulta ng impluwensiya ng kapaligiran ay may malaking kahalagahan. Ang pagbabago ng kemikal sa utak ay maaaring maging genetically determined, ngunit ang posibleng resulta ng impluwensiya ng kapaligiran ay may malaking kahalagahan. Sa biyolohikal na salik nito, may relasyon ang gene, edad at puberty. Karamihan sa mga biktima ng Anorexia Nervosa ay nagsisimulang magkaroon nito kapag sila ay 11 hanggang 14, ngunit mas malakas ang epekto ng puberty kaysa sa edad. Ipinapahiwatig nito na may potensyal na tungkulin ang pagbibinata sa pag-aktiba ng gene na may importansya sa pagkakaroon ng diperensya sa pagkain. Ayon kay Strober et al. (2006), ang Anorexia Nervosa ay napapasa sa pamilya. Nag-iiba ito ng anyo galing sa isang subtype (Eddy et al. 2002; Milos et al. 2005) at nagpapakita ng magkakaparehas na kaugalian (Lilenfield et al. 2000). Mayroon ding malaking kontribusyon ang aspetong sosyolohikal. Isang paglalarawan sa pamilya ng indibidwal na may Anorexia Nervosa ay masyadong mahigpit, kontrolado, at kulang sa komunikasyon. Ayon kina Sizer at Sienkiewicz (2009), ang pamilya ng mga tineydyer na may Anorexia Nervosa ay kadalasang nagiging mapanuri at nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa pisikal na kaanyuan. . Para sa kanila, ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita sa panloob na anyo, bagkus ay matatagpuan sa panlabas na kaanyuan. May mga pagkakataon naman na pinapanigan ng mga magulang ang kagustuhan ng kanilang mga anak na maging payat at magkaroon ng kahangahangang katawan kahit na untiunti itong kina-kikitaan ng sintomas ng pagkakaroon ng Anorexia Nervosa. Ang pagbabagobago ng kilos at paguugali ng mga magulang ay maaaring magdulot ng kalituhan sa kanilang mga anak. Ang proseso ng pagdadalaga't pagbibinata o puberty, pagpasok sa isang romantikong relasyon, pagkakaroon ng lupon ng mga kaibigan o barkada, peer pressure at bullying ay may malaking epekto rin sa pagkakaroon ng Anorexia Nervosa. Ang bullying ay nakakababa ng pagpapahalaga sa sarili ng isang tao. Ang mga kababaihang tineydyer na nakaranas ng panunukso tungkol sa kanyang hitsura ay maaaring magkaroon ng sakit sa pagkain kagaya ng Anorexia Nervosa. Samantala, maaari ding makaramdam ng insekyuridad ang isang tineydyer sa kanyang kaibigan na may magandang pangangatawan. Ang insekyuridad na ito ay maaaring magtulak sa isang tineydyer upang magpapayat. Ang stress, mababang pagtingin sa sarili, pagkawala ng isang mahal sa buhay, pagkabalisa, kalungkutan, kultura, biyokemikal, pati genetiko ay nakakaapekto rin sa pagkakaroon ng isang tinedyer ng Anorexia Nervosa. Malaki rin ang ginagampanan ng kultura sa pagkakaroon ng isang tao ng Anorexia. Ang kultura na nagpopokus sa pagiging payat ang nagiging basehan ng kagandahan. Ang pagiging perfectionist ng isang tao ay isa ring sanhi ng pagkakaroon ng Anorexia Nervosa. Sa paghahangad ng perpektong katawan, gumagamit sila ng ibat ibang paraan para makamit ito. Ayon kina Wadlaw at Hampl (2007), ang mga sakit sa pagkain ay maaaring sanhi ng stress at pressure mula sa sarili, pamilya at kapaligiran. Hindi maikakaila sa panahon ngayon na mas binibigyang kahalagahan ng nakararami ang pisikal na kaanyuan upang mas maging katanggap-tanggap sa lipunan. Sa midya, tulad ng telebisyon, internet, mga babasahin at poster makikita ang mga napapanahon o nauuso. Ang mga ito ay nagiging basehan ng kagandahan o katanggap-tanggap para sa nakararami. Sapaghahambing ng mga kababaihang tineydyer ng kanilang mga sarili sa kanilang iniidolo, naisasakripisiyo ang kanilang kalusugan. Ayon kina Cash at Butters (1983), kapag ang babae ay gumawa ng mga paghahambing ng sarili sa imahe ng kanilang pinapangarap na katawan, nakararanas sila ng pagbaba sa pagdama ng kanilang sariling pisikal na pagiging kaakit-akit. Ang paggamit ng ibat ibang gamot, sobrang paglimita sa pagkain, pag gamit ng ibat ibang kasangkapan o makinarya sa pag papapayat Karaniwansa isang taong may Anorexia Nervosa ang magkaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili. Nagkakaroon sila ng pakiramdam na sila ay walang halaga sa lipunan dahil para sa kanila, hindi nila matugunan ang mga pamantayan ng lipunan. Nagkakaroon ng pagkukumpara ng sarili sa ibang tao na ginagawang modelo o hambingan ng kagandahan. Ang madalas na pagkumpara ng sarili sa iba ay higit na hindi sigurado sa kanilang sarili: nagpakita ang mga ito ng mas mababang antas ng pagpapahalaga sa sarili at mas mataas na antas ng panlipunang pag- aagam-agam, sariling kamalayan sa publiko at neuroticism, at sila ay higit na sensitibo sa pag- uugali ng ibang mga tao. Ilan sa mga paraan upang malunasan ang Anorexia ay ang mga sumusunod: 1. Pagtatatag ng isang terapyutikal na relasyon. 2. Tiyak na teraping pangkaisipan. 3. Hindi-berbal na terapi. 4. Pakikitungo ng pamilya. 5. Teraping may intensibong pag-aalaga. 6. Nutrisyonal na terapi. 7. Parmakolohikal na pamamagitan Ayon kina Mayer, et al (2007), kahit na gumaling at mabalik ng mga taong mayroong Anorexia Nervosa ang kanilang normal na bigat at timbang, may posibilidad pa rin na bumalik sila sa dati. Ito ay tinatawag na relapse. Base sa eksperimentong naisagawa sa mga kababaihang mayroong Anorexia Nervosa na gumaling at tumaba na nang kaunti, natuklasan na mas mababa ang tsansa na magkaroon ng relapse ang mga kababaihang mas maraming taba. LAGOM Inilahad at tinalakay sa pag-aaral na ito ang mga natuklasan na salik o sanhi sa aspetong sikolohikal, sosyolohikal, biyolohikal, midya at kultura at maging ang mga epekto ng Anorexia Nervosa sa sarili at lipunan. Tinalakay din sa pag-aaral na ito ang mga sintomas at ang mga natuklasang lunas tulad ng terapi at ang paggamit ng aspetong parmalohikal. KONKLUSYON 1. Ang Anorexia Nervosa ay isang malubha at nakamamatay na karamdaman kung saan ang indibidwal na may ganitong karamdaman ay mayroong matinding pagkahumaling sa pagpapapayat at pagkakaroon ng perpektong katawan. Mayroon silang kakaibang persepsyon sa timbang at pangangatwan. Sa pagnanais na magkaroon ng kahanga-hangang katawan, binabago nila ang kanilang gawi sa pagkain at ginagawang labis ang kanilang pag-eehersisyo. 2. May ibat ibang mga bagay na nagiging daan sa pagdebelop ng Anorexia Nervosa sa mga kababaihang tinedyer. Ang biyolohikal, sosyolohikal at sikolohikal na aspeto ay may kontribusyon sa pagkakaroon ng Anorexia Nervosa. Ang stress, pagkabalisa, depresiyon, pagiging perfectionist, mataas na istandard ng kagandahan, kultura, midya, pati na rin ang genetika ay ilan rin sa mga bagay na nagdedebelop sa Anorexia Nervosa. Maraming epekto ang Anorexia Nervosa sa mga kababaihang tineydyer. Nariyan ang epekto sa pisikal na kaanyuan, sa emosyonal at mental na estado, pagbabago sa gawi o kilos at epektong pangsikolohikal. 3. Maraming posibleng lunas sa sakit na Anorexia Nervosa. Ang ilan sa mga ito ay ang, pagkakaroon ng tiyak na teraping pagkaisipan, pagtanggap ng teraping hindi-berbal, maayos na pakikitungo ng pamilya, pagtanggap ng teraping may intensibong pag-aalaga, nutrisyonal na terapi, at sa pamamagitan ng parmalohikal na lunas. REKOMENDASYON Buong-pagpapakumbabang iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod: a. Para sa iba pang nagnanais manaliksik ukol sa sakit na Anorexia Nervosa, ipagpatuloy ang paghahanap ng datos ukol dito nang sa gayon ay magkaroon pa ng maraming impormasyon at mas mapalawak pa ang pag-aaral nito. Gumamit rin ng iba pang saklaw gaya ng sarbey at interbyu upang mapatunayan at palakasin ang mga natuklasan sa pag-aaral. b. Para sa mga kababaihang tineydyer na mahilig magpapayat sa kadahilanang gustong makamit ang ninanais na katawan, ito ay nakatutulong na magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa magiging epekto nito sa kanilang kalusugan. c. Para sa pamilya ng mga kababaihang tineydyer na may Anorexia Nervosa, maging bukas sila sa kung anuman ang kondisyon ng kanilang mga anak. Matindi ang kanilang pangangailangan ng pag-unawa at pagtitiyaga. Mahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon at malimit na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga mahal sa buhay na may Anorexia Nervosa. d. Para sa mga mag-aaral ng sikolohiya, lawakan pa ang pag-unawa sa mga indibidwal na may Anorexia Nervosa. Ito ay lubos na makatutulong sa kanilang mabilis na paggaling. e. Para sa mga guro, pagtuonan ng pansin ang pagmumulat sa mga mag-aaral ukol sa iba't ibang mga sakit sa pagkain gaya ng Anorexia Nervosa. Patuloy na gabayan ang mga mag-aaral upang mas maging handa at mulat sila sa mga ganitong karamdaman. f. Para sa mga mambabasa, patuloy na lawakan ang pananaw sa mga sakit sa pagkain. Maging mas maunawain sa mga indibidwal na may ganitong kondisyon. TALAAN NG SANGGUNIAN Canetti, Laura. (2008). Anorexia Nervosa and Parental Bonding: The Contribution of Parent-Grandparent Relationships to Eating Disorder Psychopathology. Journal of Clinical Psychology, 64(6), pp. 703-716.
Corning, A., Krumm, A. & Smithan, L. (2006). Differential Social Comparison
Processes in Women With and Without Eating Disorder Symptoms. Journal of Counseling Psychology, 53(3), pp. 338-349.
Fisher, B., & Schenkman, M. (2012). Functional Recovery of a Patient With
Anorexia Nervosa: Physical Therapist Management in the Acute Care Hospital Setting. Physical Therapy, 92(4), pp. 595- 603.
Franco, D.L. (2010). Eating Disorder Symptomatology. Journal of Clinical
Psychology, 66(6),pp. 666-679. Heinicke, B.E., Paxton, S.J., McLean, S.A. & Wertheim, E.H. (2007). Internet-Delivered Targeted Group Intervention for Body Dissatisfaction and Disordered Eating in Adolescent Girls: A Randomized Controlled Trial. Journal of Abnormal Psychology, 35, pp. 379-391.
Keski, R. (2007). Epidemiology and Course of Anorexia Nervosa in the
Community. The American Journal of Psychiatry,164(8), pp. 1259- 1265.
Kring, A., Johnson, S., Davison, G. & Neale, J. (2010). Abnormal
Psychology. New Jersey: John Wiley & Sons (Asia) Pte., Ltd.
Robinson, P. (2009). Severe and Enduring Eating Disorder (SEED):
Management of Complex Presentations of Anorexia and Bulimia Nervosa. Chichester, United Kingdom: Wiley Blackwell. Schatzberg, A.F., & Nemeroff, C.B. (2009). The American Psychiatric Publishing Textbook of Psychopharmacology. Arlington: American Psychiatric Publishing Inc.
Sizer, F.S., & Whitney, E. (2009). Nutrition: Concepts and Controversies.
Eating Disorder: Treatment and Response in a Naturalistic Study. Journal of Clinical Psychology, 66(3), pp. 277-301.
Wardlaw, G.M., & Hampl, J. S. (2007). Perspective in Nutrition (7th
edition). New York: McGraw-Hill Companies, Inc.
Williams, M.H. (2010). Nutrition for Health, Fitness and Sports. New York: The McGraw-Hill Companies Inc. APENDIKS
Ang mga mananaliksik ay
naghanap ng mga aklat at dyornal sa Health Sciences library noong -- Ang mga mananaliksik ay Ang mga mananaliksik ay nagtipon-tipon upang mapag- nagkaroon ng diskusyon kung aralan ang mga impormasyong paano isasaayos ang nakalap ukol sa paksa. pananaliksik. Anorexia Nervosa: Mga Salik at Epekto sa Kababaihang Tinedyer Lanuza. Lim. Malonzo. Manahan. Manalili. Manlapaz.