You are on page 1of 4

Etika ng Pananaliksik

Malaki ang responsibilidad ng isang mananaliksik.


Dapat siyang maging maingat sa bawat hakbang ng
pananaliksik, sapagkat mayroon itong etika na dapat
niyang isaalang-alang. Ang etika ng pananaliksik ay
gabay sa tamang pagsasagawa ng pag-aaral. Ayon
kina Constantino at Zafra, ang mga panuntunan sa
pananaliksik ay ang sumusunod:
Kilalanin ang ginamit na mga ideya.
Huwag kumuha ng datos kung hindi pinayagan o
walang permiso.
Iwasang gumawa ng mga personal na
obserbasyon.
Huwag mag-short-cut.
Huwag mandaya.
Ang Plagiarism
Ang plagiarism ay pangongopya ng gawa ng iba nang
walang pagkilala sa kung sino ang naunang nagsabi nito.
Ayon kina Constantino at Zafra, ang ilan sa mga anyo ng
plagiarism ay ang sumusunod:
Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting
pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang
awtor.
Pag-aangkin at/o paggagaya sa pamagat ng iba.
Samantala, ayon naman kina Bernales et.al, mayroong mga
karampatang parusa ang nagsagawa ng plagiarism, ito ay
ang sumusunod:
Bagsak ang grado.
Pagpapatalsik sa estudyante mula sa paaralan.
Tanggalan ng digri kahit matagal nang nakapagtapos.
Sentensiyahan ng multa at ilang taong pagkabilanggo.

You might also like