ika-26 ng Marso 1946. Ang pagdiriwang ng ng linggo ng wikang pambansa ay gaganapin simula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril taon taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas na kilalarin sa katawagang Prinsipe ng Makatang Tagalog. Florante at Laura Ipinalabas ni Pang. Magsaysay noong ika-23 ng Setyembre 1995 na sumususog sa naunang proklamasyon. Inilipat ang petsa ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggunita sa kapanganakan ni Pang. Manuel L. Quezon. Ama ng Wikang Pambansa Ipinatupad ni Pang. Diosdado Macapagal noong ika-19 ng Disyembre 1963 na ang pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa Pilipino sa alinmang pagkakataon sa loob at labas ng bansa. Hindi naaayon sa diwa ng pagkakabansa ang pag-awit ng pambansang awit sa wikang banyaga. Ipinatupad ni Pang. Ferdinand E. Marcos noong ika-29 ng Oktubre 1967.
Nagtatakda ng pagpapangalan sa Pilipino ng
Lahat ng edipisyo, gusali, at ahensiya ng pamahalaan. Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas noong ika-27 ng Marso 1968 na nag-aatas ng mahigpit na pagsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96. Iniaatas ang pagbigkas sa Pilipino ng Panunumpa sa tungkulin ng lahat ng opisyal ng pamahalaan at ang paglalagay ng salin sa Pilipino ng mga katawagang Ingles na nasa opisyal na Letterhead ng mga kagawaran, tanggapan, at ahensiya ng pamahalaan. Ipinalabas ni Pang. Marcos noong ika-6 ng Agosto 1960 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan. Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda noong ika-7 ng Agosto 1969 na nagpapahintulot sa SWP na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan at lungsod sa bansa. Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor noong ika-17 ng Agosto 1970 nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, iba pang sangay ng pamahalaan, at korporasyong pagmamay-ari o pangasiwaan ng pamahalaan na magtalaga ng kaukulang kawaning mangangasiwa ng lahat ng komunikasyon at transaksiyon sa wikang Pilipino. Ito ay pagpapaigting sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969. Ipinalabas ni Pansamantalang Kalihim Tagapagpaganap Ponciano G. A. Mathay noong ika-2 ng Hulyo 1970 na nag-aatas sa lahat ng pinuno ng mga kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang pambansa at lokal, sampu ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa Pilipino kahit 30 minuto lamang sa alinmang araw sa Linggo ng Wikang Pambansa. Magka-isa sa Pagbabago Ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika-16 ng Marso 1971 na bumabago sa komposisyon ng SWP. Upang matulungan ang KWF na mapalaganap ang pambansang wika, kinailangang palitan ang komposisyon nito na kinabibulangan ng mga kinatawan ng 8 pangunahing Diyalekto sa Pilipinas. Ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino noong ika-30 ng Enero 1987 na nag-atas ng reorganisasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports (DECS, Department of Education, Culture and Sports) Ayon sa Seksiyon 17 nito, ang SWP ay kikilalanin bilang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) o Institute of Philippine Languages sa ilalim ng kagawaran. Ipinalabas ni Kalihim Quisumbing ng DECS noong ika-12 ng Marso 1987 na nagtatakda ng paggamit ng salitang Filipino- Pambansang Wika sa Pilipinas.
Ito ay isinasaad sa Artikulo XV Seksiyon 6-7
ng Saligang Batas ng 1987. Ipinalabas ni Kalihim Quisimbing na nagpapakilala sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na binubuo ng LWP. Ayon sa dokumento, ang alpabetong Filipino bubuuin ng 28 na titik: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K ,L ,M ,N, , NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z. May dagdag itong 8 hiram na titik sa mga dayuhang wika. Mula sa 20 letra mula sa abakada ni Lope K. Santos. Ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino noong ika-25 ng Agosto 1988 na nag-atas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya at iba pang sangay ng ehekutibo na magsagawa ng mga hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, at korespondensiya upang lalong maintindihan at mapahalagaan ng mga Pilipino ang pakikipagkomunikasyon. Ipinasa ng Kongreso at ipinatupad noong ika- 14 ng Agosto 1991 na lumikha sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Ayon sa batas, ang KWF ay dapat na bubuuin ng mga kinatawan mula sa ibat-ibang pangkat-etnolinggguwistiko sa bansa. Ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos noong ika- 15 ng Hulyo 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Ito ay pagpupugay na rin sa kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon na isinilang noong Agosto 19, 1878. Ipinalabas ni Pangalawang Kalihim Isagani R. Cruz na nagpapakilala sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino at nagtatakda ng paggamit dito bilang wikang panturo. Ayon sa praymer 2001 Revisyon, kinilala nito na ang 1987 Patnubay sa Ispeling ay napakahigpit na tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino Walong dagdag na bagong Letra: C,F,J,,Q,V,X at Z Ipinalabas ni Kalihim Jesli A. Lapus noong ika-9 ng Oktubree 2006. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay kasalukuyang nagsasagawa ng pag-review sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Ito ay bunga ng mga negatibong feedback mula sa mga guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika kaugnay ng nilalaman ng binagong patnubay sa ispeling at ang implementasyon nito. Ipinalabas ni Kalihim Armin A. Luistro, FSC noong ika-14 ng Agosto 2013 na nagpapakilala na a Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay masusing pinag-aralan ang mga nagdaang ortograpiyang Filipino na kasalukuyang ipinapatupad sa mga paaralan. Mula sa serye ng konsultasyon nabuo ang Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino na may pamagat na Ortograpiyang Pambansa. Ipinasa ni Tagapangulo Virgilio S. Almario noong ika-12 ng Abril 2013 na nagpapasiya ng pagbabalik ng opisyal na pangalan ng bansa mula Pilipinas tungong Filipinas Naging kontrobersiyal ang Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 at bagaman hindi naman ito binawi ng KWF, hindi rin naman ito laganap na sinunod sa bansa maging ng msimong pamahalaan.