You are on page 1of 32

Mga Simulain, Tungkulin,

Alituntunin at Batas ng
Pamahayagan
Capuyan, Jela Mae A.
Collantes, Joemalene S.
Garcia, Hazel Vindy A.
Ondo, Icha Shailene L.
INAASAHANG KAWAKASAN
Kaalaman sa Kredo ng Pamahayagan

Kabatiran sa tungkulin ng pamahayagan

Pagkilala sa mga simulain ng pamahayagan

Kabatiran sa katuturan ng libelo at sa mga uri nito


KREDO NG PAMAHAYAGAN
Akoy naniniwala sa propesyong pamahayagan.

Akoy naniniwala na ang malinaw na pag-iisip at maliwanag na


pangungusap, tumpak at makatarungan, ay pangunahing
pangangailangan sa mabuting pamahayagan.

Akoy naniniwala na ang isang mamamahayag ay dapat lamang


sumulat ng isang bagay na sa kaibuturan ng kanyang pusoy
makatotohanan.
Akoy naniniwala na walang sinumang dapat sumulat bilang
mamamahayag ng anumang bagay na hindi niya masasabi bilang isang
maginoo.

Akoy naniniwala na ang pamahayagan na nagtatagumpay at karapat-


dapat sa tagumpay -- ay natatakot sa Diyos at nagpaparangal sa tao
ay, matibay na nagsasarili, nakapagbabalangkas, mapagbigay,
ngunit hindi pabaya; nakapagpipigil, ngunit walang pagkatakot,
madaling mapoot sa walang katarungan at humahanap ng paraan
upang mabigyan ang bawat tao ng pantay-pantay na pagkakataon.
TUNGKULIN NG PAMAHAYAGAN
MAGLATHALA NG
BALITA

Ito ang pinakamahalagang


tungkuling ginagampanan
ng pahayagan.
MAGBIGAY PUNA SA
BALITA

Natutuklasan ng
mambabasa ang
kahulugan ng balita at
kung ano ang sinasabi ng
iba tungkol dito.
TUMULONG SA
MAMBABASA

Ang pahayagan ay
nagbibigay rin ng
impormasyon ukol sa iba
pang mga bagay kagaya
ng pangkalusugan,
pansikolohikal at iba pa.
MAGLIBANG SA
MAMBABASA

Nagbibigay rin ng aliw ang


pamahayagan sa
mambabasa nito.
MAGLATHALA NG
ANUNSYO

Ang mga anunsyo ang


nagtataguyod sa
pahayagan. Mga anunsyo
rin nakakatulong sa atin
upang makahanap ng
trabaho o makatuklas ng
mga uso.
MGA SIMULAIN SA PAMAHAYAGAN
(CANONS OF JOURNALISM)
Pananagutan (Responsibility)
Kailangan isaalang-alang ang kapakanan ng publiko.

Kalayaan ng Pamahayagan (Freedom of the Press)


May kalayaang magsalita o sumulat ng tungkol sa kahit na
anong bagay basta hindi ipinagbabawal ng batas.

Pansarili (Independence)
Hindi naaayon sa matapat na pamahayagan ang pribadong
kapakanan laban sa pagkalahatang kabutihan.
Katapatan, Katotohanan, Ganap na Kawastuhan (Sincerity, Truthfullness,
Accuracy)
Dapat maging makatotohanan ang pahayagan.

Walang Kinikilingan (Impartiality)


Walang haong kuru-kuro o pagkiling sa sinoman ang tunay na
balita.

Makatarungang Pakikitungo (Fair Play)


Dapat marinig ang magkabilang panig. Karapatan at
responsibilidad ng pahayagan na iwasto ang mga kamalian sa paksa
o kuru-kuro.
Magandang Kaasalan (Decency)
Kumilos nang naaayon sa tama. Hindi tapat ang isang
pahayagan kung itoy nagpapakita ng magandang asal ngunit
nanghihikayat naman sa mga bagay na labag sa kabutihan ng lahat.
LIBELO
(LIBEL)
KATUTURAN
Ang libelo o libel ay isang paninirang puri (defamation) sa anyong
nakasulat o nakalimbag.
MGA PAGKAKAKILANLAN
Paninirang puri sa karangalan (defamatory imputation)

Malisya, maging sa batas o sa paksa (malice either in law or in fact)

Pagpapalimbag ng paninirang puri (publication of the imputation)

Pagkakilalat pagtiyak sa biktima (identity and certainty of the person


libeled)
PANINIRANG PURI AT HAYAGANG PAGPULA SA
KARANGALAN
Ang isang balita ay hayagang pagpula kung ito ay nakakasira ng
karangalan ng iba.

Ang isang pahayagan ay maaaring maging mapanirang puri kahimat


itoy nang-aaliw o hindi kayay matalinong tumutugon lamang sa
pamumuna ng kalaban.
MALISYA
Malice in law publikasyong walang pahintulot na
maglimbag ng hayagang pagpula
nang walang pagpapatawad ng batas

Malice in fact nangangahulugan ng masamang


motibo o di-mabuting kalooban sa
pagpapalimbag
PAGPAPALIMBAG
Ang isang editor o newsmen ay mananagot lamang kung tiyak ang
kanyang malisya at kung itoy nabasa ng iba.
PAGKILALA SA BIKTIMA
Ang huling kailangan para mapatunayan ang salang libelo ay ang
malinaw na pagkakakilala ng biktima ng libelo kahit hindi binanggit ang
kanyang pangalan.
MGA MANANAGOT
Sinomang naglimbag o dahilan ng pagpapalimbag ng isang nakasulat o
nakalathalang paninirang puri

Ang may-akda at editor ng isang aklat o polyeto at editor na


tagapangasiwa ng pahayagan

Ang may-ari ng palimbagan ngunit di laging gayon


DALAWANG URI NG LIBELO
LIBELO PER SE
Hindi na kailangang patunayan

Maliwanag na nakakapanira o nakasakit sa damdamin ng tao


HALIMBAWA NG LIBELO PER SE
Kung ang ibinintang ay kaimbihan o kahiya-hiya kaya ang magkakasala
ay maaakusahan at mapaparusahan

Kung ang bintang ay nagsasabing may nakakahawang sakit ang biktima


kaya nilalayuan siya ng mga tao

Kung ang biktima ay pinagbibintangan na hindi siya karapat-dapat sa


kanyang propesyon o na siyay walang integridad sa pagtupad ng
kanyang propesyon
HALIMBAWA NG LIBELO PER SE
Kung ang isinulat ay makasisira sa biktima sa kanyang panunungkulan
sa kanyang propesyon

Kung ang libelo ay makakaalis ng mana

Kung itoy nagbibintang ng maruming pagkababae o ng imoralidad sa


isang babae
LIBELO PER QUOD
Kailangang patunayan na ang paninirang puri ay napatunayan na
nakapinsala
PANGUNAHING ALITUNTUNIN UPANG
MAKAIWAS SA LIBELO
PANGUNAHING ALITUNTUNIN UPANG
MAKAIWAS SA LIBELO
1. Piliin ang mga salitang gagamitin.
2. Iwasan ang pagbanggit ng pangalan.
3. Kailangang may dokumentong ebidensya ang kuwento.
4. Maging totoo.
5. Bago ipalathala, tiyaking may karapatan na katanggap-tanggap sa
korte.
TANGING KARAPATAN SA PAGPAPAHATID NG
BALITA
Ayon sa R.A. No. 53, ang isang editor, kolumnista, reporter o pabliser ay
may karapatang tumangging magbunyag ng pinanggalingan ng balita
ngunit MAY EKSEPSYON. Maaaring iutos ng korte o lehislatura o ng isang
komite nito ang pagbubunyag kung itoy kailangan sa kaligtasan,
katiwasayan o seguridad ng bansa.
MGA PRIBILEHIYO
Kasama sa privileged communication ang mga sumusunod na ulat:

Hakbangin ng pinuno

Krimen, gawain pinuno o kawani na nakakapinsala sa pagtupad ng


kanilang tungkulin

Pamumuna sa mga bagay na pampubliko


MARAMING SALAMAT!

You might also like