Isina-Filipino ni Lourdes H. Vidal (1) Punong puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Miss Yeyeng. Sabi nila ipinanganak ang kanyang mga magulang sa sulok ng Pampanga, sa pinakamaliliit na bayan nito. Dahil dito, Pilipina si Miss Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa kadulu-duluhan ng kanyang buhok, Kapampangan siya. (2) Dahil mahirap lang sila, pagtitinda ang ikinabubuhay. Nakikita si Miss Yeyeng na sunong ang ginataan o kaya bitso-bitso na inilalako niya sa mga sugalan. Nagdalagang walang pagbabago sa buhay nitong binibini. (3) Natapos ang rebolusyon. Nagbukas ng paaralan ang pamahalaang militar ng Amerika at dito pinagturo ang mga sundalong Americano. Nangyaring si Miss Yeyeng pa noon, wala pang binibini, ay nagkaroon ng suking sundalo. Inakit ng sundalong mag-aral ang dalaga sa paaralang kanyang pinagtuturuan upang magkaintindihan sila. Sa kanilang pag-uusap, nag-iingles ang sundalo, nagkaka-pampangan si Miss Yeyeng, kaya napilitan siyang mag-aral.
(4) Pagkaraan ng ilang buwan, nagsasalita na ng
ingles si Miss Yeyeng, paglipas ng walong buwan, amuki ng gurong kawal, ipinahatid siya sa isang bayan kung saan siya pinagturo. (5) Noong nagtuturo na doon, pinahanga niya ang taong-bayan dahil nakikita nilang mas marunong siya ng Ingles kaysa sa kanila.
(6) Ganyan lumipas ang panahon. Halos hindi na
nagsalita si Miss Yeyeng ng Kapampangan dahil sabi niya ay nakalimutan na niya. Matigas daw ang Kapampangan at nababaluktot ang kanyang dila, kaya kailan man hindi na siya makapagsalita nangg tuwid at nauutal siya. (7) Nagkalabitan ang mga maalam na nakakikilala sa kanya pagkarinig nito. Pinalitan tuloy ang kanyang pangalan at pinangalanan siya ng matunog at umaalingasaw na Miss Phathupats, pangalang hango sa malapad niyang balakang na pilit na iniipit sa pahang mahigpit na ginagamit niya, kaya wala siyang iniwan sa patupat o suman sa ibus na mahigpit ang ballot.
(8) Magmula noon ito ang pangalang ibinansag sa
kanya at nakalimutan nilang tuluyan ang Yeyeng, ang malambing niyang palayaw. Ang Miss Phathupats ang naging palasak. (9) Ganito nang ganito ang buhay. Hindi nagtagal lumabas ang Ing Emangabiran, pahayagang Kapampangan sa Bacoor. Sa isang pista o velada sa bayang X, na kung saan dumalo si Miss Phathupats, binabasa ito. Lumapit siya, ngunit nang makita na Kapampangan ang binabasa, lumabi ng kaunti, umiling at nagsabi.
(10) Mi no entiende el Pampango
(11) Mi no entiende ese Castellano, Miss, sabi
naman ng isang susut, ginagad ang kanyang tono. (12) Napangiti lahat ng nasa umpukan; at sapagkat may pinag-aralan sila, hindi na nila ipinakita ang pagkaaliw nila sa binibini. At ito namang babae kahit alam na parang tinutukso na siya ay nagpatuloy din at sabi: (13) Sa katunayan, totoong nahihirapan na akong bumigkas ng Kapampangan lalo na kung binabasa ko. (14) Dito sa iilang salitang binigkas niya, sumama lahat ang ibat ibang wika na talasalitaang bulgar na ang Ingles, Kastila, Tagalog na pinaghalu-halo niya ang walang kawawaan. Hindi na nakapagpigil ang mga nakarinig; napatawa sila nang malakas. (15) Nagalit si Miss Phathupats, hinarap ang mga tumatawa at sabi niya: (16) Porque reir? (17) Por el tsampurado, miss, sabi ng unang sumagot. (18) Lalong lumakas ang halakhak ng mga nakikinig at nag- init ang pakiramdam ni Miss Phathupats. (19) Isa sa mga nakatayo ang nagsabi ng ganito. (20) Hindi kayo dapat magtaka kung hindi na marunong ng Kapampangan si Miss Phathupats: una, dahil matagal na siyang nakisama sa mga kawal na Amerikano; pangalawa, hindi na siya Kapampangan. katunayan Miss Phathupats ang kanyang pangalan. (21) Noon na sumabog ang bulkan. Putok na ubod nang lakas, sumabog ang kaldero ni Miss Phathupats at mula sa bunganga niyang naglalawa lumabas ang lagablab ng Vesubiyo o ang lahat ng maruruming salita sa Kapampangan, bigla niyang pinagsama-sama sa nag-aapoy na bunganga.
(22) Walang hiya! Magnanakaw! Taga-lason!
Anak-! sabi sa tinurang wikang Kapampangan.
(23) Aba, Kapampangan pala siya! sabi ng mga
nakarinig. (24) Oo, hindi ba ninyo alam? sabi ng nakakakilala sa kanya. Anak siya ni Matandang Godiung Pakbong na aking kanayon.
(25) Napahalakhak nang malakas ang mga
nanonood. Napaiyak na si Miss Phathupats at sa pagpupunas sa kanyang tumutulong luha sumama ang makapal niyang pulbos sa pisngi. Lumitaw ang likas niyang kulay, maitim pa siya sa duhat. Nang makita ito ng mga nanonood lalo na silang napatawa at nagsabi: (26) Aba! Maitim pala siya! (27) Oo, AmeriKanang negra siya! (28) Sigawan, palakpak, halakhakan ang narinig noon. Hindi na nakatiis si Miss Phathupats. Nagkandarapa sa paglabas sa daan at sabi niya: (29) Mi no vuelve en esta casa. (30) Paalam, Miss hindi marunong ng Kapampangan! (31) Paalam, Miss Alice Roosevelt!
(32) Paalam, Miss Phathupats!
(33) Ganyan ang pinagtulung-tulungan, at ang kawawang Yeyeng ay umalis na bubulung-bulong na parang asong ulol. . .
(34) Napakarami ng mga Miss Phathupats sa
panahon ngayon, hindi na sila marunong ng Kapampangan o ikinakahiya na nila ang Kapampangan dahil nakakapagsalita na sila ng Ingles na tsampurado. BUOD NG KAHAPON, NGAYON AT BUKAS Aurelio Tolentino Si Asal Hayop (mapaglilong Taga-ilog) ay nagtaksil sa kanyang ina at kapatid dahil lamang sa salapi. Isinuplong niya kay Haring Bata si Taga- ilog at si Inang Bayan ngunit siyay nahuli ni Taga-ilog. Sisyy sinunog upang hindi pamarisan ng iba, si Haring Bata ay napatay ni Taga-ilog. Si Dilat na Bulag ay dumating at nakipagkaibigan kina Inang Bayan at Taga-ilog. Silayy nagsumpaang magiging matapat sa bawat isa, sa katunayay ininom nila ang magkahalong dugo buhat sa kanilang mga ugat. Si Dahumpalay (mapaglilong Taga-ilog) ay nagtaksil at dahil sa kaniyay nabilanggo si Taga-ilog. Si Dalumpalay pa rin ang nagsulsol kay Matanglawin na huwag pakawalan si Taga-ilog at panatilihing may gapos ang mga paa. Pumayag si Inang Bayang ipagkaloob ang kanyang salapi hanggang sa mamulubi siya, mapalaya lamang si Taga-ilog. Iniutos ni Matanglawin na pawalan si Taga-ilog at balak na hulihin uli upang makahingi na naman ng salapi ngunit nalinlang ni Taga-ilog si Dahumpalay. Sa pamamagitan ni Halimaw, si Inang Bayan ay naibulid sa libingan. Samantalay lumalat ang balitang ang kaluluwa ni Taga-ilog ay siayng namumuno sa mga manghihimagsik. Pinagkasunduan nina Bagong Sibol at Taga-ilog na patulungan si Dilat na Bulag. Bawat makikita kay Taga-ilog sa labanan ay tumakbot natakot. Si Inang Bayanay lumabas sa libingan at nagsalita. Iniutos niyang si Matanglawin, si Halimaw at si Dilat na Bulag ay ilibing ng buhay.
Ipinaalam ni Inang Bayan kay Bagong Sibol na
huwag na lamang siayng aapihin at ang kanyang mga anak sapagkat kung magkagayoy mabuti pang patayin na silang lahat. Samantalay nayari ang bandila ni Inang Bayan. Ipinakilala ni Taga- ilog sa kaniyang pakikipag-usap kina Malaynatin ang malaking paghahangad ni Inang Bayan na lumaya. Si Bagong Sibol ay nangarap. Napangarap niyang siyay may dalang agila. Ang ibon ay pinukol ni Inang Bayan sa isang maliit na kahong may elektrisidad. Hinabol ni BagONG Sibol si Inang Bayan. Si Inang Bayan daw ay lumubog sa libinagn at ang kaluluwang nangaroon ay nagsipagbal rin kay Bagong Sibol. Iyon ang kanyang pangarap na gumambala sa kaniyang katahimikan. Si kamatayan ay lumitaw rin at nagbala ng kamatayan kay Bagong Sibol kapag ipinagkait ang kalayaan kay Inang Bayan. Malalaman sa pag-uusap na ang tanging asawa ni Inang Bayan ay si Kalayaan at binanggit pa ang kaugnayan ng mga baying Kawit at Malolos sa kanyang asawang ito.
Maraming pagbabanta sina Inang Bayan, Taga-
ilog, Walang Tutol, atbp. na magkaroon ng patayan kapag hindi ipinagkaloob ni Bagong Sibol ang kalayaan. Sa pamamagitan ng mga batang lalakit babaing lumapit at nagsiluhod kay Bagong Sibol, ipinagkaloob din ang mithing kalayaan. Nagwakas ang dula sa mga papuring iniukol kay Bagong Sibol.