You are on page 1of 19

Mga Mahahalagang

Lugar sa Batanes

Super Girls 2
Muling bumalik ang
Super Girls sa
lalawigan ng
Batanes.
Ito ay upang makita ang isang lugar sa
Batanes na tinirahan ng mga unang tao sa
Batanes. Ito ang Torongan Cave at Anaro
Cave sa Itbayat.

Torongan Cave
Ito ay ayon sa pag-aaral ng National
Museum of the Philippines, The School of
Archeology and Anthropology, Australian
Research Council, Chiang-Kuo Foundation
at National Geographic Council .
Alam niyo girls, dito raw sa Torongan Cave
at Anaro Cave sa Itbayat natuklasan ang
ibat-ibang sinaunang gamit katulad ng
banga, batong ginamit sa pangangaso at
pangingisda, paliwanag ni Lavli.
Tama ka diyan, girl, sambit ni Pauline.
Tinatayang 5,000 taon na ang nakaraan
nang dumating ang mga unang tao sa
Batanes mula sa Southern China, dagdag
pa niya.
Ito pa ang isang katotohanan, girls. Sa
Imnajbu, Uyugan Batanes ang
pinagdausan ng unang katolikong misa sa
Batanes noong 1686 . Si Padre Mateo
Gonzales at Padre Diego Piero ang
nagdaos ng nasabing misa, paliwanang
ni Nicole.
May nabasa rin ako, girls na noong Hunyo
26, 1783 itinatag ang gobierno sibil at
kristiyanismo sa Basco sa utos ni
Gobernador Heneral Jose Basco yVargas.
Ang lugar na ito ay matatagpuan sa may
harap ng simbahan ng Sto. Domingo de
Guzman, sabi ni Angeli.
Tingnan niyo ito,
girls, yaya ni Lavli
sa mga kaibigan
sabay basa sa
dala-dala niyang
aklat.
Noong 1898 sa panahon ng mga Kastila,
may dumating na barko na
nagngangalang Campaia de Filipinas sa
pantalan ng Ivana. Lulan ng barkong ito
ang mga Katipunero.
Itinaas pala ng mga katipunero ang
kanilang bandila sa kampanaryo ng
simbahan ng Ivana noong Setyembre 18,
1898., wika ni Pauline.
At ang mga paring Kastila ay namundok
sa takot na mahuli ng mga Katipunero
ngunit mayroong mga pari na nahuli at
dinala ang mga ito sa Maynila, sabi ni
Nicole.
Sabay-sabay na nagtawanan ang
magkakaibigan.
Ha! Ha! Ha! Marunong din palang
matakot ang mga kastila, sabay-sabay na
nawika ng magkakaibigan.
Pinasayalan di ng Suoer Girls ang iba pang
NATIONAL CULTURAL TREASURE ng rehiyon 2.
Ang San Carlos Borromeo Church,
Mahatao, Batanes
Ang Cape Engano Lighthouse, Palaui
Island, Sta Ana
Ang St. Mathias Church, Tumauini, Isabela
Ang St. Vincent Ferrer Church at Museum,
Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan sa
natutuhan nila ngayon. Laking pasasalamat
din nila dahil sa kakayahan nilang
maglakbay sa pamamagitan ng kanilang
diwa o isipan lamang.

You might also like