You are on page 1of 16

Pananaliksik: Kahulugan,

Layunin, Katangian
 Ayon kay Aquino (1974), ang
pananaliksik ay isang sistematikong
paghahanap sa mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin.

 Ayon naman kina Manuel at Medel


(1976), ang pananaliksik ay proseso ng
pangangalap ng mga impormasyon o
datos upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang
siyektipikong pamamaraan.

Kahulugan
Ayon naman kina Calderon at Gonzales (1993):

 Formulated in a more comprehensive form,


research may be defined as a purposive,
systematic and scientific process of gathering,
analyzing, classifying, organizing, presenting
and interpreting data for the solution of a
problem, for prediction, for invention, for the
discovery of truth, for the expansion or
verification of existing knowledge, all for the
preservation and improvement of the quality
of human life.

Kahulugan
 Ang pangunahing layunin ng pananaliksik
ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng
kalidad ng pamumuhay ng tao.

1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman


hinggil sa mga batid nang penomena.

2. Makakita ng sagot sa mga suliraning


hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at impormasyon.

Mga Layunin
3. Mapagpabuti ng mga umiiral na
teknik at makadebelop ng mga
bagong instrumento o produkto.

4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang


substances at elements.

5. Higit na maunawaan ang kalikasan


ng mga dati nang kilalang
substances at elements.

Mga Layunin
6. Makalikha ng mga batayan ng
pagpapasya sa kalakalan,
industriya, edukasyon, pamahalaan
at iba pang larangan.

7. Mapagbigyan (masatisfy) ang


kuryosidad ng mananaliksik.

8. Mapalawak o ma-verify ang mga


umiiral na kaalaman.

Mga Layunin
1. Ang pananaliksik ay sistematik

May sinusunod na proseso ang


pananaliksik o pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin o
ano pa mang nilalayon ng pananaliksik.

Hal., sa pakikipanayam, kailangan


munang gumawa ng liham para sa
iinterbyuhin, gumamit ng tape
recorder, itranskrayb ito saka suriin.

Mga Katangian
3. Ang pananaliksik ay empirikal.

Kailangang maging katanggap-tanggap


ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na
nakalap.

Hal., kung nais matukoy ang mga


katangian ng isang mall na nagiging
dahilan para puntahan ito ng tao,
pinakaangkop na paraan ang sarbey. Hindi
gaanong magiging katanggap-tanggap ang
resulta kung ibabatay lang ito ng
mananaliksik sa mga katangian ng mall na
paboritong puntahan ng kanilang pamilya.

Mga Katangian
4. Ang pananaliksik ay mapanuri.

Sa pananaliksik, ang mga datos na


nakalap ay kailangang suriin nang kritikal
upang hindi magkamali ang mananaliksik
sa paglalapat ng interpretasyon sa mga
datos na kanyang nakalap.

Hal., kung matutuklasan na hindi gaanong


pinupuntahan ng mga turista ang Isla ng
Caramoan sa Camarines Sur sa kabila ng
ganda nito, bakit kaya? Ang kamahalan ba
ng bayad sa tour package? Ang
kakulangan ba ng kaalaman (awareness)
na may ganoon palang pook-bakasyunan?

Mga Katangian
5. Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at
walang pagkiling.

Lahat ng tuklas (findings) at mga kongklusyon


ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga
empirikal na datos at walang pagtatangkang
ginawa upang baguhin ang resulta ng
pananaliksik.

Hal., kung lalabas sa pananaliksik na ang


Mang Toots ang siyang karinderyang
pinakamadalas kainan ng mga Tomasino batay
sa sagot ng mga respondent, ito ang dapat
sabihin. Hindi ito maaaring palabasin na ang
paboritong karinderya na Lovelite ang mas
tinatangkilik.

Mga Katangian
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga
kwantiteytib o istatistikal na metodo.

Ang mga datos ay dapat mailahad sa


pamamaraang numerikal at masuri sa
pamamagitan ng istatistikal na tritment
upang matukoy ang kanilang gamit at
kahalagahan.

Hal., mas mainam sabihin na “75% sa 20


taong nakibahagi sa paglasa ng mga
pulutan ang nagsabing masarap ito” kaysa
sabihin lang “ilan sa 20 taong
nakibahagi…” na walang malinaw na
bilang.

Mga Katangian
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.

Maliban sa historikal na pananaliksik, ang


mga datos na nakalap ng mananaliksik ay
sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat,
tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.
Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang
nagmula sa mga primary sources o mga
hanguang first-hand.

Hal., ang paggawa ng sariling luto sa


bulaklak o pansit na hindi pa natitikman dati
o itinitinda sa mga kainan ay isang tunay na
orihinal na pananaliksik.

Mga Katangian
8. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na
imbestigasyon, obserbasyon at deskripsiyon.

Bawat aktibidad na pampananaliksik ay


kailangang isagawa nang tumpak o akyureyt
nang ang tuklas ay humantong sa paglalahat
na siyentipiko (scientific generalization).
Lahat ng kongklusyon ay kailangang
nakabatay sa mga aktuwal na ebidensiya.

Hal., Kapag may isang respondent na hndi


sumagot sa isang aytem, hindi maaaring basta
na lang magbilog ng sagot para makompleto
lang ang bilang. Kailangan siyang balikan para
sa iisang tanong na iyon para lang malaman
ang tunay niyang niloloob.

Mga Katangian
8. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi
minamadali.

Upang matiyak ang katumpakan (accuracy) ng


pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat
hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at
ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang
humahantong sa hindi matitibay na kongklusyon
at paglalahat.

Hal., Kapag tinatamad mag-isip, nangongopya na


lang ng ideya sa aklat o internet sources na
ginagamit na sanggunian. Kapag ito’y
natuklasan, maaaring kasuhan ng plagiarism ang
mag-aaral na magiging dahilan ng pagbagsak
niya sa kurso o pagpapaalis sa paaralan. Mag-
isip kahit mahirap.

Mga Katangian
9. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang.

Kailangan ng tapang ng isang mananaliksik


sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
hazard at discomfort sa kanyang pananaliksik.
May mga pagkakataon ding maaari siyang
dumanas ng di pagsang-ayon ng publiko at
lipunan.

Hal., Ang pamamangka sa Ilog ng Pagsanjan ay


mapanganib sapagkat maaaring tumaob ang
bangka. Gayunpaman, ang pinakamahalagang
gawain sa lugar na iyon ay ang pamamangka na
siyang pinanggalingan ng Bangkerohan Festival,
kaya mapanganib man, kailangan itong subukan
para makakalap ng first-hand data. Mag-ingat na
lang at magpasama sa isang magulang.

Mga Katangian
10. Ang pananaliksik ay maingat na
pagtatala at pag-uulat.

Lahat ng datos ay kailangang maingat na


itala dahil ang maliit na pagkakamali ay
maaaring makaapekto sa mga tuklas ng
pananaliksik.

Hal., sa pagtukoy ng pangalan ng mga


kinaing exotic food, kapag namali lang ng
isang titik sa pagbaybay, maaaring maiba
na ang pagkaing tinutukoy, gaya ng
pagsasabi ng “putok-putok” gayong
“tibok-tibok” pala ang talagang pangalan.

Mga Katangian

You might also like