You are on page 1of 7

Mga Elemento ng Mito, Alamat,

at Kuwentong-Bayan
PAHINA 329
Mga Elemento ng Mito, Alamat,
at Kuwentong-Bayan
Tulad ng ibang mga akdang tuluyan,
ang mito, alamat, at kuwentong-
bayan ay binubuo ng mahahalagang
elemento.
Banghay
Dito makikita ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa akda.
Pagkasunod-sunod ng
banghay:
Panimula - dito nagaganap ang pagpapakilala
ng tauhan, tagpuan, at suliranin.
Papataas ng Pangyayari - nagtatangkang
malutas ang suliraning magpapasidhi sa
interes.
Kasukdulan - dito haharapin ng pangunahing
tauhan ang kanyang suliranin.
Pababang Pangyayari - nalulutas ang suliranin
at natatamo ng pangunahing tauhan ang
layunin.
Resolusyon - nagkakaroon ang akda ng isang
makabuluhang wakas.
TAGPUAN
 Mahalaga ang elementong ito sapagkat
dito masasalamin ang kaangkupan ng
paksa, banghay, at mga tauhang
nagsiganap sa akda.
 Sa pamamagitan ng tagpuan
mabibigyang-linaw ang ikinilos ng mga
tauhan gayundin ang kanilang mga
hanapbuhay, paraan ng pag-iisip, at
takbo ng mga pangyayari.
TAUHAN
 Nakasalalay sa maayos at
makatotohanang pagkakahabi ng mga
tauhan ang pagiging epektibo ng isang
akda.
 Ang uri, dami, o bilang ng mga tauhan
ay dapat umayon sa pangangailangan.
 Pinakamahalaga ang pangunahing
tauhan dahil sa kanya iikot ang buong
akda, mula sa simula hanggang wakas.
TAUHAN
 Katunggaliang Tauhan - sumasalungat
o kalaban ng pangunahing tauhan.
 Pantulong na Tauhan - kasa-kasama ng
pangunahing tauhan na sumusuporta
sa kanya.
 May-akda - magkasama sa loob ng
katha o akda at laging nakasubaybay
ang kamalayan nito sa kuwento.

You might also like